Saturday, July 27, 2013

may I react?

Check-up Time: 3:30am


Haluuuu mga tambay sa asylum????

Kemeste nemen keye?

Hayzt, enough na muna sa mga vent out sa kemeng stress sa work at sa school... Siguro dapat na ulit ako magkaroon ng another "me time" agad agad..

Akala ko eh magkakaroon ako ng mahaba habang tulog dahil psych day sa school namin pero hindi pala. May orientation ang buong student ng psych sa lahat ng levels... hindi ako pumunta, lakas maka anti-social? ahahaha. Pero pumunta din ako ng hapon dahil required kami manood ng film showing dahil may reaction paper daw kami..

Bigla akong nag karoon ng idea kung ano isusulat ko sa aking reaction paper ng makita ko ang itchura ni Bunso nung sinasabi ko ang mangyayari sa psych day, ito ang aking reaction paper...






=== *** ===

Reaction Paper


This is what my reaction to the movie the curious case of Benjamin Button that we watched in the auditorium..


I was like....




















when the film started, and then I go...
























like I was...























its so....

















like my jaw drop talaga kasi its so...


















but I can't help asking......


















but then again I said.....





















and so I say....






















and finally, all I can say is......



















I hope Ma'am you feel the same way I feel...



 (credits to the owner of the pics)

===***===



Sana  lang pag nag-submit ako ng ganitong reaction paper ay hindi ako i-drop ng prof ko nyahahaha. Kasi naman sa totoo lang dapat na tulog na lang ako kesa nanood pa ako ayan tuloy ang tumatakbo sa isip ko ahaha.


Bago ko po, tapusin ang entry kong ito ay nais ko po na pasalamatan ang bago sa Asylum ko. Maraming salamat po Nomad ng Maktub. Nawa po ay makapagbigay ako ng aliw sa iyo kahit kakarampot lang po hihihi. Enjoy po.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, July 25, 2013

pa-vent out lang po..

Check-up Time: 5:21 am


























Nagve-vent out lang ako sa pagod ko sa mag-dadalawang buwan ng panay OT sa work at pinipilit na ipa-hit ang matrix na sobrang suntok sa buwan, idagdag pa ang madalas ay 4 na oras na tulog lang araw araw kaya naman madalas na lutang sa paaralan...

Sa mga nakakasunod sa mga picture sa taas, mahusay kayo, sa mga hindi makasunod... Ok lang po, mukang parehas tayo...


(credits to the owner of the pics)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, July 18, 2013

Repost: OST ng buhay ko...

Check-up Time: 8:42pm

Sabi nila "Love beings with one hello", di ko alam kung applicable yan "Kahit bata pa ako". May special na pagtingin na ako kay "Mandy" i like her "More than words" can say. Madalas ay "Kaba" ang nararamdaman ko pag nakita ko sya lalo sa "Umagang kay ganda".

May mga pagkakataong di sinasadya na magkasama kami sa isang lugar, para sa akin "Suddenly its magic" kahit medyo hirap ako sa ginagawa ko alam ko sya ang "Inspiration" ko. Dinaig pa ang "Summer sunshine" sa sobrang saya ng pakiramdam ko kahit na nasa gitna ako ng "Ulan".

Totoo nga na ako ay "Bilanggo" na niya. Sana sabihin nya na "Ako'y sayo at ikay sa akin lamang" nakakatawa pero malay mo dumating ang isang "Himala". Wala kasi akong mapagmamalaki dahil ako'y "Simpleng tao" lang kaya nga madalas ay dinadaan ko na lang sa "Gitara" ang nararamdaman ko to "Make you feel my love".

"Skyfall" ang naramdaman ko when you found out how I feel. I was "Rolling in the deep", "I wanna run to you" so I could explain, pero I was scared. You're "Chasing pavements" to look for me, nakita mo ako sa conner ng street di gumagalaw dahil "I'm the man who can't be moved". Umupo ka sa tabi ko. binasag mo ang "Sound of silence" nag tanong ka kung bat di ko sinabi sayo ang nararamdaman ko. Ang naging sagot ko lang ay, nahihiya ako, "All this time" I'm a coward to tell you how I feel... Ngunit sabi nya sa akin "Bakit ngayon ka lang" dumating? If I could "Turn back time" sana naging mas ok tayo. Out of nowhere ang tanging nasagot ko lang ay "I want it that way" habang pinipigil ko ang sarili ko na di umiyak dahil "Boys dont cry". Pero nagulat ako sa sinabi nya na kung sinubukan ko lang we could be together for "A thousand years".

Dahil sa sinabi nya natanong ko sya "Ikakasal ka na?" pero di sya umimik. Dahil sa pagkalito ay tinanong ko sya kung ano ang gusto nya "Dota o Ako?" nagtaka sya sa tanong ko kaya she check her "Calendar girl". Sabi nya "Bilog nanaman ang buwan" kaya inisip nya na "Baliw" ako. Sabi ko sa kanya, oo "Everytime I see you" my life turns upside down pero di mo nakita ang aking "Halaga" bigla nya akong sinampal at nabigla ako.

Narinig ko ang kapatid ko.... Gising na! sabi mo, "Wake me up when September ends"? October na ngayon. "Panaginip" lang pala yun "Salamat" kinabahan ako but its a "Sweet dream" and a beautiful nightmare kahit na medyo "Unwell" ako.  Im hoping na "Sana maulit muli" hihihi.

Wala nanaman akong magawa sa work ko kaya hayan gumawa ako ng kwento at minashed up ko ang mga kanta hihihi... (mukang mali, sa music room ko ata dapat nilagay ito lolz).


(credits to the owner of the pic)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Wednesday, July 17, 2013

ma-inspire ka kaya?

Check-up Time: :27









Hindi lahat ng bagay na gusto mo na angkinin ay basta mo na lang makukuha ng hindi mo pinaghihirapan.
Kalabisan ang sambitin na dugo at pawis ang naging puhunan para lang makamtan ang tugatog ng tagumpay. Subalit ganun pa man, sa kabila ng eksaheradong mga pananalita ang katotohanan ay hindi mo malalasap ang bagay na tinatamasa mo sa kasalukuyan kung hindi mo ito pinaglaanan ng pagod, oras, hirap at sakripisyo...



Isang magandang umaga sa inyo...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Wednesday, July 10, 2013

Pag-ibig at Katarungan

Check-up Time: 5:02 am



Isang Sunday morning ay wala talaga akong gana magreview ng notes ko dahil sa may malalim akong iniisip, di ko alam kung matutuwa ako o maaasar kay Bunso. Matutuwa dahil sa supportive sya sa akin o maiinis dahil sa sinasakyan nya ang saltik ko ng oras na yun.



(browsing my notes kahit halatang di pumapasok sa kokote ang binabasa)




Bunso: hoy, ano problema mo?

Ako: china-challenge ko ang mga notes na ito na pumasok sila sa isip ko...

Bunso: Ah, eh pakuluan mo yang notes mo tapos gawin mong tsaa baka sakali ma-digest ng utak mo.

Ako: Pwede mo ba ako ipaginit ng tubig para mailaga ko na ito at gawing tsaa?

Bunso: Sus yun lang pala eh... teka kelangan mo na din ata ng meryenda..

Ako: tingin mo?

Bunso: Oo kailangan mo na... ano ba gusto mo?

Ako: Pag-ibig at Katarungan meron ba nun sa fridge?

Bunso: ahhh sandali lang, icheck ko kung meron pa..


*nagkatinginan lang kami at tumawa ng malakas*


Sweet ng kapatid ko noh? kaso may tama din sa utak tulad ko hihihi. Madalas po kami mag-usap ng ganyan ng kapatid ko, lalo na kapag seryoso ang isa sa amin... nakasanayan na ata namin ito para lang maging magaan ang pakiramdam ng kung sino man ang may pinagdadaanan. Kung hindi lang kami kilala ng mga meyembro ng pamilya namin eh aakalain nila na may deperensya talaga kami sa isip... pero wala nga akong isip... Cheret!

Ganun pa man, isa lang ang napatunayan ko... Iba talaga kapag may supportive kang kapatid dahil kahit sa kalokohan mo (yung hindi masamang kalokohan) eh kaya ka nyang sakyan kaya naman kahit gaano kapanget ang mood mo eh nagiging light and bubbly ang paligid... Cali? ahahaha.





Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nais ko po na pasalamatan si Jonathan at Ms. Leeh na bagong taga subaybay sa asylum na ito...

Nawa ay mag-enjoy kayo sa pahinang walang kapararakan, walang kasusta-sutansya, at walang kakwenta-kwenta... lewlz lang.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Saturday, July 6, 2013

Muling kong pagsilang..

Check-up Time: 2:25am



Ilang beses na akong naging mapagbigay,
kahit di mo nadadama na ako'y nananamlay.
kalugkutan sa akin puso ay di mo nadadama
pagkat tulad ng sabi nila, ako ay marunong magdala.


Nasaan na nga ba ang tinurang pagbabago
nasa 'kin ay buong lambing na ipinangako?
Sa malawak na batisan ka yata lumagda,
Kaya ang mga salita ay wala na sa gunita.


Ang iyong mga pangako ay tila isang rosas
natuyo na at nalanta, ang ganda ay lumipas.
Mga talulot nito'y isa isang napipigtas
unti unting kumukupas, kumukupas bawat oras.




Dati ay kay higpit pa ng aking pagkakapit
sa masasayang pangarap na sabay nating inukit.
Sa pagdaan ng panahon ako'y iyong tinuruan,
Ilang libong pangarap isa isa ko ng tinalikuran.
  

Sa isang sulok ng silid nakatanaw sa kawalan
habang inaaruga ang pusong sugatan.
nagkalat ang piraso sa maraming bahagi
aking pinupulot at binubuo ang sarili.


Sa muling pagbangon ko sana ay muling mamukadkad
panibagong bulaklak panghabangbuhay ang tingkad.
Isang bagong ako ang isisilang sa mundo,
Isang bagong ako na mahal na ang sarili ko.





(credits to the owner of the pics)
 


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless! -

Thursday, July 4, 2013

Student ulit?

Check-up Time: 5:44 am


Haluuuuuuuuuuuuuuuu!!!!!!!!


Halos isang buwan na din akong working student... Working sa gabi at student sa umaga. Medyo mahirap mag adjust pero sanayan lang siguro. Napagtanto ko na mag advantage at disadvantage din pala ang pagbabalik student.... Ito po sila oh....






" Advantage ng nagbabalik Estudyante "


 
* Kung minor ang subject mo at may alam ka sa topic ng pinagaaralam mo eh hindi ka hirap mag cope-up sa subject mo.

* Mas madali mong maintindihan ang bagay bagay pagka discussion nyo.

* Kung reporting lang ang labanan mas may edge ka dahil sa mas marami kang maiisip na paraan kung paano mo mapapaganda ang report mo.

* May mga technique ka na kung paano ka magrereview mangodiko sa exam nyo.

* Mas madali mong maintindihan ang gusto ng prof mo na mangyari sa takbo ng kanyang klase.

* Mas alam mo ang mga University Terminology na ngayon lang maeencounter ng mga freshman.

* Kahit paano eh kaya mo ihandle ang presure (lalo pa kung wala kang trabaho).

* Mas madali kang makarelate sa mga sinasabi ng Prof mo lalo na kung halos age bracket mo sila.

* Mas madali magpahayag ng damdamin dahil mas malawak na ang pananaw mo sa bagay bagay.





" Disadvantage ng nagbabalik Estudyante "

* Nakakapagod mag explain kung bakit ka nag-aaral ulit.

* May impression ang mga ka-klase mo na banban ka kaya balik eskwela ka.

* Isa kang OUTCAST.

* Yung iba akala nila napaka galing mo sa klase... Ang hindi nila alam eh review na lang yung ng mga subjects nila nung highschool.

* Mataas ang expectation ng mga ka-klase mo sayo. Parang di ka pwede sumagot ng mali.

* Ang taas din ng expectation ng mga Prof mo lalo na kapag nalaman nila na nagta-trabaho ka na. Ang classic doon mas mabigat ang expectation nila kapag nalaman nila ang nature ng trabaho mo.

* Ang hirap mag-review lalo na kung nasa work ka.

* Kulang ka lagi sa tulog.

* Ibang level ang time management mo. Parang artista napaka hectic lang.

* Madaming ang oras na stress ka kesa sa relax ka.

* Kaunti ang Social life mo lalo na ang Family bonding.





---> Ito po ay base sa personal kong karanasan at obserbasyon <---



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!