Thursday, July 4, 2013

Student ulit?

Check-up Time: 5:44 am


Haluuuuuuuuuuuuuuuu!!!!!!!!


Halos isang buwan na din akong working student... Working sa gabi at student sa umaga. Medyo mahirap mag adjust pero sanayan lang siguro. Napagtanto ko na mag advantage at disadvantage din pala ang pagbabalik student.... Ito po sila oh....






" Advantage ng nagbabalik Estudyante "


 
* Kung minor ang subject mo at may alam ka sa topic ng pinagaaralam mo eh hindi ka hirap mag cope-up sa subject mo.

* Mas madali mong maintindihan ang bagay bagay pagka discussion nyo.

* Kung reporting lang ang labanan mas may edge ka dahil sa mas marami kang maiisip na paraan kung paano mo mapapaganda ang report mo.

* May mga technique ka na kung paano ka magrereview mangodiko sa exam nyo.

* Mas madali mong maintindihan ang gusto ng prof mo na mangyari sa takbo ng kanyang klase.

* Mas alam mo ang mga University Terminology na ngayon lang maeencounter ng mga freshman.

* Kahit paano eh kaya mo ihandle ang presure (lalo pa kung wala kang trabaho).

* Mas madali kang makarelate sa mga sinasabi ng Prof mo lalo na kung halos age bracket mo sila.

* Mas madali magpahayag ng damdamin dahil mas malawak na ang pananaw mo sa bagay bagay.





" Disadvantage ng nagbabalik Estudyante "

* Nakakapagod mag explain kung bakit ka nag-aaral ulit.

* May impression ang mga ka-klase mo na banban ka kaya balik eskwela ka.

* Isa kang OUTCAST.

* Yung iba akala nila napaka galing mo sa klase... Ang hindi nila alam eh review na lang yung ng mga subjects nila nung highschool.

* Mataas ang expectation ng mga ka-klase mo sayo. Parang di ka pwede sumagot ng mali.

* Ang taas din ng expectation ng mga Prof mo lalo na kapag nalaman nila na nagta-trabaho ka na. Ang classic doon mas mabigat ang expectation nila kapag nalaman nila ang nature ng trabaho mo.

* Ang hirap mag-review lalo na kung nasa work ka.

* Kulang ka lagi sa tulog.

* Ibang level ang time management mo. Parang artista napaka hectic lang.

* Madaming ang oras na stress ka kesa sa relax ka.

* Kaunti ang Social life mo lalo na ang Family bonding.





---> Ito po ay base sa personal kong karanasan at obserbasyon <---



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

20 comments:

  1. Ayaw mo ba nun na hectic sched at nagmumukha kang artista? lols.. I know u like it

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas masarap pa din yung halos hawak mo ang oras mo...

      Delete
  2. Nakakarelate lang. Lagi na lang mas marami akong assigned works kasi nga pinakamatanda na ako sa klase nuon. Classmates ko freshmen and sophomores eh ako graduate na ng Bachelor's. Haggard din kasi working nga. Pero kaya mo yan at kakayanin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po, ibang ang stress level noh? pati internal organs mo pinapawisan... ahahaha.

      Delete
  3. Wow grabe naman pala sa pagka hectic ang sched mo Rix. Ikaw na si Rix na walang pahinga ang peg! Vitamins at tamang diskarte lang yan, I know, malalagpasan mo din ang lahat nyan.

    Huwag kang magpa intimidate sa mga kaklase mo. Dapat very professional ang image mo sa kanila. Para ikaw ang titingalain nila. hahaha XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha yung iba sa kanila chinacharot ko lang :D

      Delete
  4. yays. hihi meko nakaka-relate ako sayo. hihihi.
    ung tipong ang taas ng expectation sayo ng mga classmates mo.
    at mahirap talaga maging working student. school at work madalas.
    pero ano pa man, malalampasan mo din yan, mejo hindi pa siguro naka-adjust.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag mabilis ka mag-adjust ibig daw sabihin flexible ka at you can work under minimun supervision ganyan ahahaha.

      Delete
  5. elibs naman ako sayo parekoy! sana magawa ko din yan
    want ko din makatungtong ng college!
    anyway good luck parekoy yakang yaka yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam ko halos lahat ng local area ng metro manila ay may inooffer sa mga student na gusto mag-aral lalo pa at sinusuportahan ng TESDA. try mo i check Mecoy :D

      Delete
  6. So ano ang mas lamang? Advantage or disadvantage?

    Hindi naman kaya mas magaling ka pa sa Prof nyo? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas gusto ko na mag dwell sa advantage, kaya para sa akin yun ang lamang nyahaha.

      Hindi din, pansin ko kasi ngayon iba ang aproach na gamit ng mga prof sa klase, minsan highfaluting ang mga words na ginagamit kaya nag hahanap ako ng simplified na reference.

      Delete
  7. Napansin ko sa disadvantages mostly personal.. Kaya yan, go with the flow lang. Someday you will reap what you sow

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha uu nga eh, tiwala lang sabi nga nila. Sana nga matapos ko ang course na ito kahit na sobrang challenging nya. Sayang naman kasi nag invest na ako :D

      Delete
  8. Sipag at tiyaga! Manny villar ung peg mo ngaun .... Galengan mo rix! Kung saan pa man matatapos mo din yan! At sympre balance tlga between work at job

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha salamat kulapitot.. Sana nga, kahit ang lakas makadrain ng kabataan ng ginagawa ko push lang nyahaha.

      Delete
  9. Sosyal ang classmates puro foreigners!

    ReplyDelete
  10. Hanga ako sa yo. Working student. Tough situation. Naranasan ko din yan at iba pa language. Dumugo utak ko at lumuha ko bato. But if there is a will, there is a way. We do our best and entrust God the rest
    Good luck:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes mommy Joy i know that if there's a wheel there's a car... Chars! naku sana nga po. im crossing my legs ay fingers pala hihihi.

      Delete

hansaveh mo?