Saturday, July 6, 2013

Muling kong pagsilang..

Check-up Time: 2:25am



Ilang beses na akong naging mapagbigay,
kahit di mo nadadama na ako'y nananamlay.
kalugkutan sa akin puso ay di mo nadadama
pagkat tulad ng sabi nila, ako ay marunong magdala.


Nasaan na nga ba ang tinurang pagbabago
nasa 'kin ay buong lambing na ipinangako?
Sa malawak na batisan ka yata lumagda,
Kaya ang mga salita ay wala na sa gunita.


Ang iyong mga pangako ay tila isang rosas
natuyo na at nalanta, ang ganda ay lumipas.
Mga talulot nito'y isa isang napipigtas
unti unting kumukupas, kumukupas bawat oras.




Dati ay kay higpit pa ng aking pagkakapit
sa masasayang pangarap na sabay nating inukit.
Sa pagdaan ng panahon ako'y iyong tinuruan,
Ilang libong pangarap isa isa ko ng tinalikuran.
  

Sa isang sulok ng silid nakatanaw sa kawalan
habang inaaruga ang pusong sugatan.
nagkalat ang piraso sa maraming bahagi
aking pinupulot at binubuo ang sarili.


Sa muling pagbangon ko sana ay muling mamukadkad
panibagong bulaklak panghabangbuhay ang tingkad.
Isang bagong ako ang isisilang sa mundo,
Isang bagong ako na mahal na ang sarili ko.





(credits to the owner of the pics)
 


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless! -

30 comments:

  1. Ang ganda naman. Ang pagkakahabi ng mga salita ay tunay na kahanga hanga. Nagbibigay puri sa parteng malawak na batisan lumagda at nagkalat ang pira pirasong bahagi. Tama ang mensaheng dala, na mahalin ang sarili bago ang lahat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat nathan sa di ko maipaliwanang na dahilan sa tuwing pagod at antok na antok ako ay lumalabas ang mga ganyang emosyon sa akin...

      Delete
    2. At limang minuto mo lang ito isinulat. Dapat pala lagi kang pagod at inaantok para makagawa ka ng libro, tapos ibenta mo.

      Delete
    3. nyahaha 5 minuto lang dapat ang emote kasi pag lumagpas na daw doon inarte na daw sya hihihi.

      Delete
  2. akoy nabighani sa bawat linya at letrang nakakabit. wala akong ibang masabi dahil di ko alam kung ano ang dapat sabihin. hahaha! yan tuloy nakakahawa..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha salamat po at nadala ka sa tula, ngayon ay may pwede na rin akong ipasa sa eskwela kapag kailangan

      Delete
  3. Hanep! Madamdamin ang mga kataga... pusong sugatan, nagkalat ang piraso, binubuo ang sarili... ang lungkot naman ng mga linyang yan!

    Tama ka, mahalin naman ang sarili! Enjoy lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uyyyy nakakarelate sya..

      Tama, kaya nga dapat treat yourself regularly, tara kape :D

      Delete
    2. Relate na relate hahaha

      Libre mo? Tara! hahaha

      Delete
    3. yung dati pa rin naman di ba? macchiato? go lang ahahahaha..

      Delete
  4. kung ako ang adik na checheck up sayo, bibigyan lang kita ng isang taro ng serbesa at itatagay natin yang kalunkutan mo sabay karaoke tayo ng itchyworms with the tune of "after all this time"

    ReplyDelete
  5. Ayyy anu na naman toh Rix?

    Dinadaan mo na naman sa poetic side ang pagiging emo :D

    Pero ako ay nahalina
    Sa iyong tulang kay ganda
    Umi-emo man ang tema
    Swak na swak naman sa banga!

    Hayahay! nagiging makata na rin ako hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wuuyyy... ang blogger dp, doktor na doktor lng ang peg! XD

      Delete
    2. ahahaha sabi ko nga lumalabas lang ang saltik ko kapag pagod at inaantok, ginawa ko yan ng nasa ganyang state :D

      Delete
    3. shhhh wag ka maingay, the doctor is out... out of the way ahahaha.

      Delete
  6. sige maghiwaan tayo ng puso gamit ang blade :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede ehehehe, o kaya purol na swiss knife ehehe

      Delete
  7. mejo relate ako dito ahh, hmm love problem parekoy?
    naku hari nawa mang yari ang sa last phrase

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi Mecoy nakasinghot lang ako ng baktol kaya tenen!!!! ahahaha

      Delete
  8. nyayyyyy! bat nawala ang comment ko dito!!! Binura mo.

    hahaha!

    Ang lungkot lang ng tula. About broken promises and faded love, sige tama yan mahalin ang sarili!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nayyyyyyyyy mapangbintang di kaya ako nagbubura ng comments dito...

      lagi mo ginagawa yan noh? yung mahalin na lang ang sarili... kems.

      Delete
  9. madami ka siguro time Rix kasi nakapag emote emote ka pag may time hihi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha medyo mga 5 minutes emote tapos nun back to normal na ulit lolz.

      Delete
  10. abat napaka lalim naman ng iyong mga tinuran,

    *smile*

    ang galing ng tula.. late comments man pahabol parin..

    at mapapdalas narin dito sayong blog :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku maraming Salamat po sa pagtambay ko sa maliit na espasyo.

      Delete

hansaveh mo?