Wednesday, July 10, 2013

Pag-ibig at Katarungan

Check-up Time: 5:02 am



Isang Sunday morning ay wala talaga akong gana magreview ng notes ko dahil sa may malalim akong iniisip, di ko alam kung matutuwa ako o maaasar kay Bunso. Matutuwa dahil sa supportive sya sa akin o maiinis dahil sa sinasakyan nya ang saltik ko ng oras na yun.



(browsing my notes kahit halatang di pumapasok sa kokote ang binabasa)




Bunso: hoy, ano problema mo?

Ako: china-challenge ko ang mga notes na ito na pumasok sila sa isip ko...

Bunso: Ah, eh pakuluan mo yang notes mo tapos gawin mong tsaa baka sakali ma-digest ng utak mo.

Ako: Pwede mo ba ako ipaginit ng tubig para mailaga ko na ito at gawing tsaa?

Bunso: Sus yun lang pala eh... teka kelangan mo na din ata ng meryenda..

Ako: tingin mo?

Bunso: Oo kailangan mo na... ano ba gusto mo?

Ako: Pag-ibig at Katarungan meron ba nun sa fridge?

Bunso: ahhh sandali lang, icheck ko kung meron pa..


*nagkatinginan lang kami at tumawa ng malakas*


Sweet ng kapatid ko noh? kaso may tama din sa utak tulad ko hihihi. Madalas po kami mag-usap ng ganyan ng kapatid ko, lalo na kapag seryoso ang isa sa amin... nakasanayan na ata namin ito para lang maging magaan ang pakiramdam ng kung sino man ang may pinagdadaanan. Kung hindi lang kami kilala ng mga meyembro ng pamilya namin eh aakalain nila na may deperensya talaga kami sa isip... pero wala nga akong isip... Cheret!

Ganun pa man, isa lang ang napatunayan ko... Iba talaga kapag may supportive kang kapatid dahil kahit sa kalokohan mo (yung hindi masamang kalokohan) eh kaya ka nyang sakyan kaya naman kahit gaano kapanget ang mood mo eh nagiging light and bubbly ang paligid... Cali? ahahaha.





Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nais ko po na pasalamatan si Jonathan at Ms. Leeh na bagong taga subaybay sa asylum na ito...

Nawa ay mag-enjoy kayo sa pahinang walang kapararakan, walang kasusta-sutansya, at walang kakwenta-kwenta... lewlz lang.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

32 comments:

  1. Hindi naman kailangang very informative o thought provoking for me to enjoy and continue coming back for more reads. I find the way you express things very interesting and the side comments or jokes while writing very entertaining. Thank you for welcoming me to your asylum, it is my pleasure to be here. Re siblings, Sila lang naman ang magiging madalas mong kaaway pero kahit anong mangyari kayo kayo pa rin. Kung gusto mo ma retain yung inaaral mo, matulog ka muna then read after waking up. It works for me, maybe might work for others. Or gawin mong potpourri at langhapin ang usok.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe ito po ang way ng pag-welcome ko sa mga bagong followers ng asymlum... sa totoo nga lang mo medyo late na po ung sa inyo kasi matagal ng walang nga fo-follow dito kaya isinabay ko na po kay Ms. Leeh.

      Maraming salamat po at naeenjoy nyo naman ang mga kalokohan ko ahahaha.

      Delete
    2. Alam mo, I admire people like you na bumabalik sa kanilang comments to reply back. You know how to acknowldege readers and I salute your dedication and commitment. I try to be one kaya for many years tatlo lang ang blogs na dinadalaw ko before I ventured in browsing and following a few chosen blogs for quality at present. Thank you so much, nakakataba ng puso. Ok magagalit cardio ko niyan.

      Delete
    3. Naku salamat din po dahil po sa acknowledgement. Para po kasi sa akin ang mag iwan ng comment ang isang reader ay nangangahulugan na may something sa entry mo na ikinatuwa nila, isang way lang din po ng pasasalamat ito dahil po somehow eh nagustohan nila ang entry na inihanda para sakanila.

      Delete
  2. haha parang kame ng kuya ko mejo magkasundo sa kalokohan
    parang B1b2 nga kame ehh, anyway dame ko tawa sa
    usapan nyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, ngayon siguro alam mo na kung bakit mas bagay na tawagin na asylum ito dahil may katok sa bunbunan ang may ari ng pahinang ito :D

      Delete
  3. Oiiii Rix, anu toh usapang saltik na namans? XD

    Wahaha, ang kulet ng convo nyo ni bunso :D

    Ako ba, kelan ba kami nagkulitan ng mga kapatid ko ng ganyans? di ko na maalala... may kanya kanya kasi kaming mundo eh lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha, minsan nga nagugulat na lang ako sa kanya dahil sya pa mismo ang i-initiate ng usapang walang kapararakan at walang kasusta-sustansya XD

      Delete
  4. I can relate much! haha... Sobrang blessing ang pagkakaron ng mga kapatid na supportive, mapagpamahal at may concern :) at syempre, kasama sa mga happy trip, gutom trips at emo trips :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha a supportive din sa toyo mo sa utak :D

      Delete
  5. Sweet naman nyo magkapatid. Kakatuwa kayo pakingan:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe pareho po kami may sakit sa utak :D

      Delete
  6. Wala bang blog ang bunso mong kapatid? Pwedeng pwede ang mga banat na usap nyo hahaha

    Turuaan na yan mag blog!

    Napaisip talaga ako sa title nitong post mo... pag-ibig at katarungan, tapos may picture ng pusong bato na kulay pink! Kala ko another emo post pero hindi pala! About family naman pala...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku nakikibasa lang yun ayaw nya gumawa ahaha.

      Kuya Mar emo post yan.. hanapin mo yung emo part dyan :D

      Delete
  7. Wow ang kulit pero sweet ng magkapatid na to. Minsan ganyan din kami ng kapatid kong bunso, pero minsan lang. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku maliit na bagay lang yan sa amin :p

      Delete
  8. Sige shabu pa kayong magkapatid. hhahaha! Mga punchline niyo matindi. hahaha! Hindi ka rin ba naiirita sa kapatid mo?

    May bunso akong kapatid, lagi ako naiirita sa kanya. Tanda niyo naman siguro na sa galit ko sa kanya minsan eh ibinili ko siya ng iPhone. Hindi ko nakayanan ibili ang sarili ko ng mga high tech gadget eh siya dahil sa galit naibili ko.

    Anyway, the thing is, deep inside us, kahit gaano sila ka siraulo minsan at nakakainis, we cannot abandon our own flesh and blood. It is inhuman for someone to take out from their life and memory his own siblings.

    By the way, what are you studying for? Hope it will go well. Hayaan mo, one day magsasawa ang mga notes na yan na i-oppose ang mental powers mo. Susuko din sila Basta ang mahalaga hindi ikaw ang sumuko. Hindi madalas makikita ang pag-ibig at katarungan sa ref. Kabute ang mga yan. Susulpot na lang yan in an unexpected place and time. Hehehehe!

    Ciao!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natural na po siguro ang mairita kami sa isa't isa. Pero tama ka po doon, siguro ang pinagpapasalamat ko eh may mga ugali kami na sa mga panahon na may ibang pinagdadaanan ang isa eh nandun pa rin yung thought na kapatid mo yun kaya di mo matitiis.

      Nag-aral po ulit ako ng ibang course. Napagkatuwaan lang din namin ni Bunso, eh pumasa kami sa entrance exam kaya tinuloy na namin ehehe. Sana nga po :D

      Delete
  9. Kala ko seryosong post gawa ng title, pambihira kabaliwan pala ng magkapatid. Nakakatwa yung convo niyo, parang nag aano eh.. :))

    Swerte nating may kapatid na ganyan, lagi nagpapaganda ng araw natin pag medyo down tayo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku tama ka po dyan, minsan nga po mas maganda ng kausap ng kalokohan ang kapatid ko kesa sa seryoso... kasi kapag seryoso sya minsan di na ako naniniwala sa kanya... baliktad? ahahaha

      Delete
  10. ay andito pala ako.. nice salamat naman hehe .. kakataba ng puso..

    at naaning naman ako sa usapan nyo ng kapatid mo .. closeness nga kayo eh..

    "pag-ibig at katarungan" , gusto ko rin nun!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. San po ba nakakabili ng pag-ibig at katarungan? ubos na po kasi ang supply ko ahahaha.

      Delete
    2. mahirap kasi hanapin yan .. pero pwede yan sa iisang bagay, tao lang .. :) hehehe..

      Delete
    3. nyahaha tama ka po dyan :D

      Delete
  11. kay akasukin chacha ba ang pagibig at katarungan? hehe :)

    ang saya nga ng kapatid mo! umepek ba ang notes na ginawang tsaa? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pagibig, katatagan at pag-asa yung kay chacha :D.

      so far, hindi... kasi nag alburoto yung tyan ko at nagLBM ahahaha

      Delete
  12. iba talaga pag may kapatid..... kakatuwa naman kayo....

    musta na... sana ok ka lang diyan... ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. oiiii Joooonnnnnn. nyahahaha

      Long time no read at chat? ok naman ako. Ikaw din :D

      Delete
  13. Mataba din utk ng kapatid mo haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha pareho sguro kami ng level ng utak sa kalokohan :D

      Delete
  14. normal na usapan lang yan. ganyan din kami magusap ng mga kapatid ko. whahaha

    :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cheers welcom to the club... bibigyan na kita ng VIP card dito sa asylum ahahahaa.

      Delete

hansaveh mo?