Wednesday, August 28, 2013

Hala!

Check-up Time: 8:40pm


Bago ang lahat,


credit to the owner of the pic

Hindi ko ine-expect ito

Hindi ko alam kung paano ako magre-react dito, ganun pa man salamat sa concern, nadagdagan ng 5 kilo ang timbang ko dahil sa tumaba ang puso ko.




Ahaha, ang daming alam neto. May paganyan-ganyan ka pang hanash ha, pero tenchu beri mutts. Ano ka ba? Maliit na bagay lang yan. cheret!

Sa bagong sumusubaybay sa munti kong pahina, hindi pa ako lubusang makapagpasalamat sa inyo. Pero pangako ko na sa mga susunod kong entry ay mapapasalamatan ko po kayo ng super duper harsh. Hindi ko pa tapos ang entry ko tungkol sa road trip ahaha ang haba kasi. Wala pa rin akong bagong sponsor kaya nganga pa ako hihihi.


Henny waste, ingat po kayo at magandang gabi po *winx*


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Monday, August 26, 2013

full bar ako

Check-up Time: 10:10pm


Ang wish ko this year ay ang magtravel sa mga particular na lugar lang pero hindi ko ine-expect na magagawa ko mag-travel sa mga lugar na hindi ko napuntahan ng biglaang pagpa-plano lang. Oo nga at hindi detalyado at pili lang ang lugar na puntahan ko last weekend pero sa totoo lang eh sobrang saya ko.

Sumama ako sa road trip ng mga ka-work ko at hindi ko pinagsisihan ang pagsama dahil  totoo na nawala ang emotional, physical at metal stress ko na parang kanta lang ni Gary V, nawawala bumabalik... heto nanaman. Kaya heto ako ngayon full bar ang energy level ko sa opisina.







Ikukwento ko na lang sya ng detalyado sa susunod kong entry, Sira pa rin kasi ang laptop ko (huhuhu) at iniipon ko pa ang mga pictures ng road trip namin.


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, August 22, 2013

that's why we're friends

 

Check-up Time: 8:29pm


Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu huhuhuhuhuhu!!!!!!

Nahihirapan ako mag post ng entry ngayong linggo dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1) Nasira ang keyboard na laptop ko kaya naman pinipigilan ko syang gamitin dahil baka maihampas ko sya sa pader sa sobrang inis ko... harsh? lolz

2) Hindi pa ako makarecover sa tantrums ni Storm ng pag sabungin nga si Maring at si Habagat... Hindi ako nakauwi ng bahay at nastranded ako at sa pang-apat na pagkakataon eh naglakad nanaman ako sa tubig baha..

3) Dahil isang linggo na walang pasok eh bumabawi ako ng tulog...

Hindi ko ma-post ang mga pending entry ko na throw back dahil hinahanap ko pa sa malusog kong kaloob-looban ang vertud para makapag sulat ako ng maayos na entry para sa kanila...


So there you go, sogo... ay sago pala charot!.. Gusto ko sana ikwento kung gaano ka-harsh ang eksena na nasaksihan ko nung nastranded ako sa bagyong Maring at Habagat, pero wag na lang kasi sure na sure ako na pare-pareho ang mga ganap sa mga nakita nyo sa fesbuk at sa mga napanood nyo sa mga balita sa tv.


Kanina ay nakigamit lang ako ng laptop ni Bunso, nakita ko na nakaonline si Erin ng The Nutty Thoughts at ito ang naganap (hinanap ko sa ipod ang paguusap naman at ni-print screen).....













("uu teh pero ok lang naman sila papa, yun nga lang mukang kailangan
namin ng additional jetski" nag jumble yung mga sinabi ko buti na lang
naintindihan ni Erin)
 










So ngayon alam nyo na kung bakit magkaibigan kami ni Erin? may common sa amin... "SALTIK". Sweet namin noh nagpapahiraman kami ng mga ari-arian (kahit na ilusyon lang sya nyahaha).


Isa sa mga pinakagusto kong ugali nating mga Pinoy ay ang hanapan ng humor ang mga masasaklap na pangyayari sa buhay natin dahil sa likas tayong masayahin... Idagdag mo pa ang mga taong ganito kausap eh sigurado ako na pansamantala eh mawawala ang mabigat na iniisip mo... Tawa tawa din tayo pag may time..


Pasasalamatan ko po muna ang sponsor natin para sa entry na ito.
Maraming salamat....


















Madam Auring, ang tunay na Maasim....

(credits sa kumuha ng picture nya)


Hanggang sa susunod na kulitan mga pasyente ng asylum....


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Saturday, August 17, 2013

Yeast!

Check-up Time: 5:17am

Alowha! kaserowla, sarangowla, arenowla ni lowlah.....

Kamustasa kalabasa? Mabuti kabute ba kayo, bukayo?

I feel so good dahil tapos na ang week na pakiramdam ko ay na blender ang utak ko ng sobrang wagas...

Nakakausap na ako ng mga katrabaho ko pero syempre hindi pa rin matino (wala namang araw na nakausap nila ako ng maayos, sa chrew lang). So ito na, paaakkkk! wala ang TL ko so iba ang nag hahandle sa team namin kaya naman biglang change of environment kami, comply din sa company policy kaya english english din dahil ito na ang time to shine. Pero dahil sa may kalokohang taglay ako, ito na kahit english englishan ang peg eh loko loko pa rin ang peg ko, parang ganito lang...






Sa chrew lang meym, as in  like that  my english its so worsten (lolz). They keeps on laughs on my englishing so I shouts "Stop the meaning of this?" and they are looked on my directions and then all of we are laughed out louds. Sakit sa ulo noh? Pasensya na po nagka "fraction" ata ang bungo ko at naapektuhan ang utak ko nung inuntog ko sa pader nyahahaha.

Seryoso, ngayon lang uli ako nagkaroon ng buhay sa opisina at ngayon lang ulit ako nakahalakhak ng singlutong ng chicharon ni kulas (putok batok ba ang hanap mo? itry mo ito) hihihi. Parang ayaw ko na tuloy mag enroll next sem. Charet lang! Iniisip ko kasi baka kapag nag-enroll pa ako sa susunod na sem eh ganito na ako mag english....






O keri bumblebee nyo ba kung ganyan na ako mag-english? Baka mangamatay kayo sa katatawa sa akin o sa sakit ng ulo sa pag intindi sa akin hahaha... Henny waste, bilang ngayon ay Sa-beer-day eh ako muna ay magliligalig para naman mag-enjoy din.


Bago ko po tapusin ang entry na ito na walang kabuhay buhay, walang kapararakan, walang kakwenta kwenta at walang kasusta-sustansya eh ako po ay magpapasalamat po sa mga bagong tambay sa aking munting espasyo.... Maraming salamat po Emaniuz and Geosef Garcia nawa po ay mag-enjoy po kayo sa page na ito ehehehehe...

Ang pagpapasalamat na ito ay hatid sa atin ng ating sponsor na......



Ang pulidong trabaho dapat..... MAKITA!


Lolz tama na nga baka kung ano pa ang mailagay ko dito ahahahaha...

(credits to the owner of the pictures)

Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Wednesday, August 14, 2013

Oo o Hindi?

Check-up Time: 4:06pm

Haluuuuuuuu!!!!!!!!

Midterm week ngayon at aaminin ko na sobrang hirap na hirap ako magreview sa mga major subjects ko dahil na rin sa madami akong ginagawa sa work... Andyan na ang mahuli ako ng operation manager sa floor dahil nakatulugan ko ang ginagawa ko dahil sa kulang ako sa tulog kare-review, gawin kong pantry ang work station ko para lang doon na ako mag reveiw, hindi na ako makausap ng matino dahil sa ang lumalabas sa bibig ko ay ang nirereview ko, hayzt stressed...

Madalas na akong tawanan ng mga kawork ko dahil sa ginagawa ko pero ayos lang ginusto ko naman ito kaya wala naman akong dapat sisihin at dapat ko lang panindigan ang desisyon ko. Napaguusapan na din ang desisyon, Naaaliw ako sa group exercise namin binigyan kami ng iba't ibang mga tanong para subukan ang magiging reaksyon namin sa bawat sitwasyon pero isa dito ang talagang may impact sa akin ang sukatin ang moral namin. Ito ay dahil sa teyorya ni Lawrence Kholberg tungkol sa moralidad ng tao..

Unang binigay ng guro namin ang tanong bago nya sinabi ang sitwasyon, sa tanong pa lang ay nabuo na ang magiging desisyon ko, ito ang ganap sa classroom:


Tanong: Kaya mo bang magnakaw para sa magulang mo na may malubhang sakit at bilang na ang oras sa mundo?

Sitwasyon: Ang Nanay/Tatay mo ay may sakit na kanser, bilang na ang sandali nya sa mundo. Isang Siyentipiko ang naka imbento ng gamot na "makakapagpagaling" sa sakit nya. Binebenta nya ang gamot sa halangang 200K, nagawa mong makautang pero ito ay halagang 100K. Pinakiusapan mo na ibigay na lang sayo ang gamot sa ganitong halaga pero hindi pumayag. Naisip mo na pumunta sa lugar ng siyentipiko upang nakawin ang gamot. Kaya mo bang magnakaw para sa magulang mo na may malubhang sakit at bilang na ang oras sa mundo?


Nagkasundo ang mga kagrupo ko na hindi ang sagot namin pero nagtaka sila kung bakit OO ang sagot ko. "hindi na ito issue ng moralidad, ito ay issue na ng buhay at kamatayan na magulang mo ang pinag uusapan.." ang sabi ko sa kanila. Sandali sila nagisip at sinabi nila na may punto ang sagot ko.

Isa isa ng tinanong ng guro namin ang punto ng bawat grupo. Halos pare-pareho ang naging sagot nila para sa kanila ayaw nilang magnakaw dahil bata pa lang sila ay tinuro na daw ng magulang na masama ang kumuha ng bagay na di mo pag aari. Ang iba naman ay hindi nila gagawin dahil kung makukulong sila ay hindi rin nila makakasama ang magulang nila at ikakalungkot ng magulang nila ito. Ang isang grupo naman ay naging concern sa makukulong sila at maaaring hindi na makita ang kanilang mahal sa buhay. Akala ko ay magugulat ang guro namin sa sagot ng grupo namin pero nakangiti sya at parang sabik sa rason namin kung bakit "oo" ang sagot namin sa sitwasyon na ito, hiniling ng mga kamag-aral ko na ako ang magpaliwanag sa sagot namin, ito ang naging sagot ko:


"Napakadali na magsabi tayo ng bagay na mali at tama lalo na kapag hindi mo pa nararanasan ang ganitong sitwasyon. Nawala ang Mama ko sa sakit na kanser at napakasakit sa kalooban na makita syang unti-unting nawawala sa inyo ng wala ka man lang magawa... Hindi na ito issue ng moralidad, ito ay issue na kung paano mo ililigtas ang buhay ng magulang mo. Bago ko gawin na nakawin ang gamot ay dapat alam ko na na maaari akong makulong para iligtas ang buhay ng magulang ko, hindi man tama pero alam ko na sa sitwasyon na ito ay ito ang pinakamabuting paraan na magagawa ko para dugtungan ng buhay ng magulang ko". Ito ang naging sagot ko sa klase.

Natuwa ng guro ko sa naging sagot namin, hindi nya inaasahan na may makakasagot ng ganun sa klase nya dahil sa 5 ang klase nya sa parehong asignatura pero lahat sila ay "hindi" ang sagot at ang grupo lang daw namin ang bukod tanging sumagot ng "Oo".

Sinabi ng guro namin na maging sya ay oo din ang sagot. 2 beses na daw nya na-encounter ang tanong na ito at sinabi nya na nung huli ay naging oo na din ang sagot nya. Sinabi nya na habang nagma-matured ang tao, ay nagiging matured na din ang reasoning nya, walang tama o maling sagot sa tanong nya pero may akmang sagot base sa sitwasyon at ito ay ang "OO".

Ayon sa kanya sinabi ng isang eksperto na walang makakapantay sa sinasabing "unconditional love", yung kaya mong itaya ang buhay mo kahit na mamatay o mapahamak ka parang lang sa pagmamahal mo sa magulang mo. Masama ang magnakaw ayon sa bibliya pero kung hindi mo gagawin ang nakawin ang gamot na makakapagligtas sa magulang mo ay parang ikaw na rin ang pumatay sa magulang mo, ang moralidad ng tao ay kaya mong isakripisyo kung buhay at kamatayan na ng sitwasyon....








Sayang di ko nakuhaan ng picture ang scoreboard namin (pagkauwi ko saka ko lang narealize na dapat kinuhaan ko sya ng pic) para may ebidensya ehehehe... 2nd place lang kami pero kahit na ganun ayos lang... Iwan ko una kayo... Gagawa pa ako ng assignment ko at review ng kaunti....




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Saturday, August 10, 2013

Payasong wala sa circus

Check-up Time: 4:49am


Hindi sya naiiba sa inyo, nagiisip, may pangangailangan, may gusto, umiibig, kumakain, nasasaktan pero bakit nga ba tinawag syang payasong wala sa circus.




Hindi ramdam ang saya ng grupo kung wala ang tinuturing na payaso. Tagapagpasaya ng makungkot na kaibigan at taga kalma ng kalooban. Ilang luha na ba ang napawi ng payosong ito sa inyong magkakaibigan sa tuwing ang isa sa inyo ay nasawi sa pag-ibig? Ilan na ba ang okasyon na mas naging espesyal dahil sa pinasaya nya kayo ng husto. Ilang pagkakataon na bang naging kalmado kayong magkakaibigan dahil sa payasong ito sa twing nasa kritikal kayong sitwasyon? Pero naisip nyo ba kung sya ay nahihirapan? kung sya ay nasasaktan? kung sya ay nahihirapan? May nagtanong ka kung kamusta na sya?





Ilang beses na bang pinangiti ka sa opisina ng payaso na kaibigan mo sa tuwing pingalitan ka ng bisor mo? Ilang beses ka bang sinalba sa kalungkutan noong panahon na gusto ng umagos ng luha sa mata mo dahil sa may pinagdadaanan ka, ngunit sa kanya mo lang ibinulalas ang nararamdaman mo dahil higit kanino man ay sa kanya ka nag tiwala? Hindi ba sya din ang payaso na kasama mo tuwing lunch break mo na bukod sa busog ka na sa pagkain ay busog ka din sa masasayang kwento at tawa ninyo? Ikaw ba, nagawa mo ba na tulungan sya na ibsan ang nararamdaman nyang kalungkutan sa tuwing nananamlay sya dahil sa lungkot? Naiparamdam mo ba sa kanya kung gaano ka kapalad dahil may isang payaso kang kasama sa trabaho? Natanong mo ba kung ayos lang sya?




Kaibigan mo kung ituring ang payaso na kasama mo. Itinuring ka nya na malapit na tao sa kanya, taga-pag pangiti, taga-pag alis ng boring mo, taga-bigay ng payo, karamay mo sa lahat ng problema mo, katulong mo na magkaroon ng solusyon ang lahat ng problema mo, alam kung kelan ka tunay na masaya at kung kelan ka tunay na malungkot, alam ang gusto mo sa hindi, kilala ang mood mo pero kaya kang sakyan, hindi mo kailangan bayaran para lang may kausap ka pero handang makipagusap sayo ng kahit ano. Ikaw, ganun ka din ba sa payasong iyo? alam mo din ba ang gusto at ayaw nya? tinulungan mo na din ba sya? pinagaan mo ba ang pakiramdam nya tulad ng ginawa nya noong malungkot ka? Kilala mo ba sya kung talagang malungkot sya o nagpapanggap na masaya? Importante ba sya sayo gaya ng pagpapahalaga nya sayo?




Hindi masama ang ibalik sa tao ang isang bagay na ginawa nya sayo, sabi nila tumulong ka ng walang hinihintay ng kapalit pero bakit nga ba ang hirap sa atin na gumanti sa lahat ng mabuting bagay na ginawa ng isa indibidwal? bakit nga ba napakadamot natin sa pagiisip sa taong nagbigay ng kaligayahan sa atin? Sadya bang sarili lang natin ang iniisip natin at walang pakialam sa taong nag pahalaga sa atin?




Ang payaso ay magaling magpasaya at pumukaw ng negatibong damdamin ng tao ngunit nagtatago sa mga ngiti at mga kolorete sa kanilang mukha ay ang malungkot na realidad na maging sila ay dumadanas din ng lungkot at pighati... Tao din sila tulad mo... May pakiramdam din at minsan ay kailangan ng kakarampot na pagpapahalaga at pansin...



* I always like walking in the rain, so no one can see me cryingCharlie Chaplin *


 Nais ko po magpasalamat kay Gillboard na bagong taga tangkilik ng maliit kong espayso sa mundo ng blogging... Nawa po ay ma-enjoy nyo ang pahinang ito...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, August 8, 2013

Muling nag T-back si Rix

Check-up Time: 12:22am

Its another Tback day coz its Tback Thursday!!!!


Haluuu, haluuuuuuuu!!!!!!


Alam ko na medyo kaunti lang ang nashare ko sa inyo last time na nag-Tback ako. Kasi naman ang shini-share ko ay ang mga bagay na ako mismo ang naka-experience para naman mas makakapagbigay ako ng say...

Henny waste, ito na nga ang isang chenelyn kembot na blast from the past muli sa asylum ko... Pero teka, gusto nyo ba na mag ganito ako?















bagong Tback ko... cute noh?





Juice kong pomelo gin with seasame seeds, tongkat ali and micro beads... Hindi ko kaya suotin yan... Baka ipasok na ako ng kapatid kong Madre sa kumbento at sumama sa kanya na mag rosary everyday lolz...



So ano ba ang agenda sa asylum ngayon? Lets go back from the past ang mga kilalang mga babasahin na pinag-ukulan namin ni Diko ng oras kapag wala kaming ginagawa at munu-murder namin ang oras dahil sa pagkabagot...

Dahil mahal ang mga komiks ng Marvel, DC comics, X-men kaya naman kami ay nakuntento na sa pagbabasa ng Xerex.... Charot! baka kinatay kami ni Mama pag nakita kami noon... ang sinasabi ko ay ito...







Funny Komiks



Sila Niknok, sa Planet op d eyps, Tinay Pinay, Istarkid, Mr. &Mrs, Petit, Tomas and Kulas, Superblog, Eklok, at lalo na ang paborito naming Charcter na sila Combatron ang madalas na kumikiliti sa imahinasyon namin ng kapatid ko twing Biyernes. Naalala ko na apat na piso lang ang presyo ng komiks na ito hanggang naging limang piso, P7.50 at hanggang sa di ko na matandaan ang halaga nya... Sa pag kakaalam ko ay patuloy pa rin na naglilimbag ang mga tao sa likod ng Funny Komiks





Bata Batuta


Sa parehong araw din lumalabas ang issue ng Bata Batuta. Ang komiks na ito ay sobrang pambata. Gumagamit ng Pabula ang komiks na ito para magbigay ng kwento na nagbibigay aral sa mga bata. Pero bukod din ay may mga maaksyon na mga seksyon ang komiks na ito ang isa sa mga natatandaan kong character sa komiks na ito ay ang Little Alpha Omega Girl, ang lakas lakas pakinggan noh? ahahaha.



Kick Figther


Grade 5 ako ng nauso ang video game na Street Fighter. Dito kinuha ang idea ng mga character ng komiks na ito action pack ito at ang nakakatuwa ay ito ang unang lokal na komiks na nagissue ng mga moves ng mga character sa video game, walk through sa mga laro mga tricks at mga kung ano ano pang video game related na information.




B1 Gang

1st year highschool ako noon, kababalik ko lang galing sa pagkakasakit ng typhoid fever ng ibigay sa akin ng schoolmate ko ang kauna-unahang libro na nabasa ko sa series ng B1 Gang (Lihim ng Lawa). Akala ko binigay sya sa akin bilang friendship gift yun pala pinakiusapan ako na ako na ang magbigay sa may ari. Bago ko binigay binasa mo muna at sobrang na hook ako sa kwento hanggang sa unti unti ko ng binsa yung iba pang libro nila yung iba hiram yung iba ako mismo bumili. Isa kasi ito sa mga genre ng kwento na gusto ko sa babasahin, mystery adventure. Hindi ko na matandaan kung ilang libro ang nailathala nila at parang bihira na din ako makakita ng ganito sa bookstore.




Pugat ko, este Pugad Baboy


Bago ko pa man basahin at makompleto ang libro ni Bob Ong eh ang libro muna ni Pol Medina ang kinahiligan kong basahin pampatay ng oras.. Aliw na aliw ako sa pocket book na ito kahit na pang lipunan at current issue ang atake ng libro eh very witty si Pol na lagyan ng humor ang bawat issue kaya hindi nakakaboring basahin ang libro.


Nagawa mo na po bang basahin o kaya naman ay may idea ka po ba sa mga libro na naishare ko? Yung mga antigo na komiks tulad ng Klasiks Pinoy Komiks, Pinoy Komiks at Lapu Lapu Komiks naku di ko sila nababasa pero aminado ako na nakikita ko ito bilang koleksyon ng mga pinsan ko...


O sya sariwain nyo muna ang mga komiks na yan... Isusukat ko lang ang bago kong T-back ... Aguy! ahahaha




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Sunday, August 4, 2013

ang gulong kausap...

Check-up Time:


Naranasan mo na ba na nagtanong ka tapos ang layo ng sagot sa tanong mo? O kaya naman tinanong ka kaso ang layo ng sagot mo? O sadyang magulo ka lang kausap, tulad ko? Nakakainis pero minsan matatawa ka na lang kapag nasa sitwasyon ka na lang na ganun eh. Naranasan mo na ba ang minsan ay may ganitong karanasan ka o kaya naman malapit na dyan? Share mo naman para naman may babasahin ako sa opisina, anti-antok ba ehehe.


Sa gadget store:

Ako: Magkano po ang tab?
Sales Agent: Opo, tab po yan, nakasale po sya ngayon.
Ako: *kamot ulo*


= * = * =

Kausap ko ang kaibigan sa BBM:

Friend: Bat hindi mo sinabi sa akin?
Ako: Eh bakit kasi di mo tinanong sa akin?
Friend: wag mo nga ako paandaran ng ganyan ha, wag mo sagutin ng tanong ang tanong ko...
Ako: Ooii! ano tingin mo sa akin sasakyan? di ako umaandar.


= * = * =


Gumagawa ng essay si Bunso:

Bunso: Ano ng yung ibang tawag sa mukang original?
Ako: Not original?
Bunso: You motherfather you!



= * = * =


Nagchecheck ng quiz:

Ako: Ma'am ano nga po yung sagot sa number 3?
Prof: Oo, tama yung sagot sa number 3 sabi ng classmate mo.
Ako: Ahhh, ok po... *kamot ulo*


=*=*=

Discussion sa isang subject

Prof: Ano ang naging negatibong epekto sa mga Pilipino nung sinakop tayo ng mga kastila?
Classmate: Naging relihiyoso tayo.
Ako: *kain ng mani*


=*=*=


Bumibili ng gastas sa grocery

Ako: Kuya anong number ng gondola yung mga gatas?
Sales clerk: Yung pang-breakfast po?
Ako: Ay, magkaiba po ba sila ng pang gabing gatas?
Sales clerk: Hindi po pareho lang po sila.
Ako: Ah ganun po pala yun noh? saan po yun?
Sales clerk: Sa number 5 po
Ako: Thank you!



Hay naku minsan parang ayaw ko na nga makipag usap feeling ko kasi mapapaway ako pag ka pinatulan ko pa ang iba dyan. eh ang bait ko kaya, charot!

Kapopost ko lang ng bagong entry sa Music room at feeling ko lang (ako lang naman) eh interesting sya ahahaha.

O sya iwan ko muna kayo kasi dadalhin namin si Sugar sa vet para pabakunahan... akala ko ako ng pababakunahan buti na lang hindi hihihi...


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, August 1, 2013

Nag t-back si Rix

Check-up Time:


Haluuu!!!!

Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!!

Nasaan po kayo????

Ay nandyan pala kayo pasensya na di ko po kayo napansin busy kasi ako sa pagaayos ng t-back ko... na-imagine mo ba ang t-back ko?
















Juice kong pomelo! di ko kaya magganyan... The guts ha! baka siponin ang pwet ko nyan ahahaha. ang sinasabi ko na t-back ay ang throwback Thursday entry ko hihihi.


Sabi ng isa sa paborito kong manunulat na si Bob Ong, malalaman mo na nadadagdagan na ang edad mo kung maikukumpara mo ang panahon noon sa panahon ngayon. Kung maalala ko ba at maikumpara ang mga bagay na nakagisnan ko noon eh ibig sabihin edad ko na agad ang pinaguusapan hindi ba pwedeng nirereminise ko lang ang mga bagay na nagisnan ko? ahahaha peace Bob kinekeme lang po kita para di na mapansin ang age ko *bungisngis*

Oh well simulan ko na ang pag-alaala ng mga bagay bagay..


Lumaki ako sa gatas na ito, kaya naman may mga pagkakataon na kapag nakita ko ang brand na ito sa grocery ay napapabili ako para talagang mafeel ko ang aking childhood. Madalas naman ay hindi ko sya tinitimpla... pinapapak ko lang sya o kaya naman eh ginagawa kong yema..





sabi ni Mama ito din ang nagnakalagay sa feeding bottle ko noon...




Naalala ko kahit mahal ang presyo nito eh deadma, gusto ko kasi ang lasa nito aside from that eh parang ang sosyal ng dating na pag bukas mo ng fridge eh ito ang laman hindi yung tinimplang choco drink na nilagay sa fridge para lumamig...




pasensya wala ng laman naubos ko po *burp*... excuse me po, dadaan lang hihihi


Kung wala namang ganyan eh ok na din ito, kasi multipurpose sya. Pwedeng syrup sa pancake, pwede itimpla bilang inumin or palaman sa tinapay... Pero ang pinaka gusto ko ay papakin sya nyahahaha.








Kapag maulan gustong gusto ko na  ito an hinahanda sa amin ni Mama... Ang sarap kasi ng sopas na ito lalo na kung may itlog napakalapot nya kaya kahit ito lang at kanin eh busolve na ako...








 Napakanta ka ba o napasayaw ka noong ipinalalabas ang commercial nito? Sa totoo lang di ko maintindihan ang lasa ng candy na ito, tulad nga ng sabi ng jingle ng commecial na ito its sweet, sour and salty.. Nano nano, nano nano, nano nanoooooooooooo... lewls








Dahil simple lang ang past time ng mga kabataan noon, kapag ayaw nila pag pawisan lalo na kapag mainit ang panahon eh nag kasya na lang silang maghanap ng malilim na lugar para mag laro nito...








Kung medyo sosyal ka naman eh  kasama mo ang mga may ganito at nagkukumpol kumpol kayo para mag pataasan ng score...




game and watch na napakaraming versions


Kung lumelevel up ka naman pagdating sa libangan eh nandyan ang 2in1, 3in1, 4in1 o kaya naman ay 99in1 kahit na paulit ulit lang naan ang format ng larong ito...







O kung may ganito ka... you already... as in its you na ahahaha








Hay nakakatuwa talaga balikan ang mga memories noong kabataan mo... Naisip ko lang sa mga susunod na Thrusday ay ibabahagi ko sa inyo ang mga bagay na naaalala ko noong childhood ko...


O sya dyan muna kayo, kailangan ko i-beat ang record ng officemate ko sa brickgame.. See you po!





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!