Thursday, August 8, 2013

Muling nag T-back si Rix

Check-up Time: 12:22am

Its another Tback day coz its Tback Thursday!!!!


Haluuu, haluuuuuuuu!!!!!!


Alam ko na medyo kaunti lang ang nashare ko sa inyo last time na nag-Tback ako. Kasi naman ang shini-share ko ay ang mga bagay na ako mismo ang naka-experience para naman mas makakapagbigay ako ng say...

Henny waste, ito na nga ang isang chenelyn kembot na blast from the past muli sa asylum ko... Pero teka, gusto nyo ba na mag ganito ako?















bagong Tback ko... cute noh?





Juice kong pomelo gin with seasame seeds, tongkat ali and micro beads... Hindi ko kaya suotin yan... Baka ipasok na ako ng kapatid kong Madre sa kumbento at sumama sa kanya na mag rosary everyday lolz...



So ano ba ang agenda sa asylum ngayon? Lets go back from the past ang mga kilalang mga babasahin na pinag-ukulan namin ni Diko ng oras kapag wala kaming ginagawa at munu-murder namin ang oras dahil sa pagkabagot...

Dahil mahal ang mga komiks ng Marvel, DC comics, X-men kaya naman kami ay nakuntento na sa pagbabasa ng Xerex.... Charot! baka kinatay kami ni Mama pag nakita kami noon... ang sinasabi ko ay ito...







Funny Komiks



Sila Niknok, sa Planet op d eyps, Tinay Pinay, Istarkid, Mr. &Mrs, Petit, Tomas and Kulas, Superblog, Eklok, at lalo na ang paborito naming Charcter na sila Combatron ang madalas na kumikiliti sa imahinasyon namin ng kapatid ko twing Biyernes. Naalala ko na apat na piso lang ang presyo ng komiks na ito hanggang naging limang piso, P7.50 at hanggang sa di ko na matandaan ang halaga nya... Sa pag kakaalam ko ay patuloy pa rin na naglilimbag ang mga tao sa likod ng Funny Komiks





Bata Batuta


Sa parehong araw din lumalabas ang issue ng Bata Batuta. Ang komiks na ito ay sobrang pambata. Gumagamit ng Pabula ang komiks na ito para magbigay ng kwento na nagbibigay aral sa mga bata. Pero bukod din ay may mga maaksyon na mga seksyon ang komiks na ito ang isa sa mga natatandaan kong character sa komiks na ito ay ang Little Alpha Omega Girl, ang lakas lakas pakinggan noh? ahahaha.



Kick Figther


Grade 5 ako ng nauso ang video game na Street Fighter. Dito kinuha ang idea ng mga character ng komiks na ito action pack ito at ang nakakatuwa ay ito ang unang lokal na komiks na nagissue ng mga moves ng mga character sa video game, walk through sa mga laro mga tricks at mga kung ano ano pang video game related na information.




B1 Gang

1st year highschool ako noon, kababalik ko lang galing sa pagkakasakit ng typhoid fever ng ibigay sa akin ng schoolmate ko ang kauna-unahang libro na nabasa ko sa series ng B1 Gang (Lihim ng Lawa). Akala ko binigay sya sa akin bilang friendship gift yun pala pinakiusapan ako na ako na ang magbigay sa may ari. Bago ko binigay binasa mo muna at sobrang na hook ako sa kwento hanggang sa unti unti ko ng binsa yung iba pang libro nila yung iba hiram yung iba ako mismo bumili. Isa kasi ito sa mga genre ng kwento na gusto ko sa babasahin, mystery adventure. Hindi ko na matandaan kung ilang libro ang nailathala nila at parang bihira na din ako makakita ng ganito sa bookstore.




Pugat ko, este Pugad Baboy


Bago ko pa man basahin at makompleto ang libro ni Bob Ong eh ang libro muna ni Pol Medina ang kinahiligan kong basahin pampatay ng oras.. Aliw na aliw ako sa pocket book na ito kahit na pang lipunan at current issue ang atake ng libro eh very witty si Pol na lagyan ng humor ang bawat issue kaya hindi nakakaboring basahin ang libro.


Nagawa mo na po bang basahin o kaya naman ay may idea ka po ba sa mga libro na naishare ko? Yung mga antigo na komiks tulad ng Klasiks Pinoy Komiks, Pinoy Komiks at Lapu Lapu Komiks naku di ko sila nababasa pero aminado ako na nakikita ko ito bilang koleksyon ng mga pinsan ko...


O sya sariwain nyo muna ang mga komiks na yan... Isusukat ko lang ang bago kong T-back ... Aguy! ahahaha




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

35 comments:

  1. Niknok at eklok ang mga binabasa ko noon. Tanda ko nung na ospital ako ng matagal dahil na denggoy ako binigyan ako ng daddy ko ng eklok komiks (yun ba yung may itlog?) kaya ayun more more basa ako sa hospital

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep yun po ang may itlog ahahaha. Niknok muna ang nilabas ng funny komiks ilang taon after tapusin ang kwento nya, at ipinakilala naman nila si eklok..

      Delete
    2. I wonder kung bakit hindi nila gawing movie yang mga komiks na yan parang yung ginagawa sa hollywood wag lang magpaka trying hard sa special effects

      Delete
    3. Nomad - ahahaha pwede naman kaso lang hindi lahat ng mga kabataan sa henerasyon ngayon eh kilala ang mga charcter na yan...

      Delete
    4. binata na siguro si Eklok at Niknok ngayon :D

      Delete
  2. Hindi ka sa kumbento dapat ipasok, dapat maging mananayaw ka sa kasuotang iyan. Kikita ka pa o sila ang may makikita, lol! Funny Komiks lang ang nabasa ko sa lahat ng binanggit mo. Hindi kami palabasa ng komiks sa bahay eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahahahaha.

      Awts ok lang at least familyar ka sa isa ahahaha.

      Delete
  3. Ah, daming komiks...mahilig din ako nuon sa komiks..
    basta may drawing, binabasa ko...

    Hala, natipos ka pala, kaya pala....(hehe, pareho tayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parehing ano tukayo? sige sabihin mo.... ahahahahaha

      Delete
    2. Isn't fun to introduce these to young generations? :)

      Delete
    3. true i agree with you @Nomad :D

      Delete
  4. Waah, I was a big fan of FUNNY KOMIKS way back during the 90's! Nangongolekta kami ng kuya ko noon nyan tapos pinapa arkila pa namin sa labas ng bahay hahahaha XD

    Peyborit ko jan syempre si Combatron, followed by Pitit, Tomas en Kulas at Tinay Pinay :))

    Yung ibang komiks na nakalagay dito ay di ko masyado binabasa dati. Sobra lang talaga akong na hooked sa Funny Komiks eh XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka sa may masayang kabataan ng 90's (agad agad?) ahaha. Hooked na hooked ako sa mga character sa komiks na yan..

      Delete
    2. Tomas en Kulas ang local version ng Tom and Jerry ehehehe

      Delete
  5. Wala man lang akong nabasa sa mga komiks na nabanggit mo dito. hehehe

    anong klaseng t-back yan? elepante talaga? LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. its good to be back here, hahaha

      Delete
    2. sayang masaya kaya basahin ang mga komiks na yan...

      uu subukan mo yan sisiponin ang pwet mo ahahaha.

      Delete
    3. echusero! ahahahaha di mo naman makikita ang agad agad ang post ko kasi di mo naman ako finafollow :p

      Delete
  6. natawa ako sa pag banggit ng xerex! haha

    actually di ako mahilig mag basa ng comics noon, at sa mga nabanggit e yung pugad baboy lang ang alam ko. Ang alam ko e nagrerelease pa nga din sila ngayon online.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nauna po sya ipalabas bilang TV series bago online... yan po ang alam ko..

      Delete
    2. may something sa xerex kaya sya natuwa lolz

      Delete
    3. Di komportable ang Pao na yan pag usapan ang mga ganito :P

      Delete
  7. Komiks! Nagbabasa din ako nyang mga komiks na ganyan dati. Sa probinsya, usong usong libangan yan noon. Ewan ko na lang ngayon... Meron pa bang komiks? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron pa, ang eexist pa din ang Funny Komiks at yung Bata Batuta :D

      Delete
  8. May panahon na enjoy na enjoy ko ang funny komiks :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir! masaya din ang kabataan mo sigurado yan ahahaha.

      Delete
  9. haha ang cool na underwear nya hehehe
    anyway ung funny comics lang ata ang alam ko dito
    (saka xerex) hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang yan isa ka ding masayahing bata dahil sa binabasa mo ito nyahahaha.

      Delete
  10. anak ng tinapa at daing oh... isa lang ang nabasa ko dito ang walang kamatayang pugad baboy, hahahaa....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku basahin mo yung funny komiks maganda yun...

      Delete
  11. sana bumalik ang Funny Komiks.... favorite ko rin nung bata pa ako....

    musta na....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha isa ka rin may masayang kabataan.

      Ok lang so far buhay pa naman ehehehe.

      Delete

hansaveh mo?