Check-up Time: 4:06pm
Haluuuuuuuu!!!!!!!!
Midterm week ngayon at aaminin ko na sobrang hirap na hirap ako magreview sa mga major subjects ko dahil na rin sa madami akong ginagawa sa work... Andyan na ang mahuli ako ng operation manager sa floor dahil nakatulugan ko ang ginagawa ko dahil sa kulang ako sa tulog kare-review, gawin kong pantry ang work station ko para lang doon na ako mag reveiw, hindi na ako makausap ng matino dahil sa ang lumalabas sa bibig ko ay ang nirereview ko, hayzt stressed...
Madalas na akong tawanan ng mga kawork ko dahil sa ginagawa ko pero ayos lang ginusto ko naman ito kaya wala naman akong dapat sisihin at dapat ko lang panindigan ang desisyon ko. Napaguusapan na din ang desisyon, Naaaliw ako sa group exercise namin binigyan kami ng iba't ibang mga tanong para subukan ang magiging reaksyon namin sa bawat sitwasyon pero isa dito ang talagang may impact sa akin ang sukatin ang moral namin. Ito ay dahil sa teyorya ni Lawrence Kholberg tungkol sa moralidad ng tao..
Unang binigay ng guro namin ang tanong bago nya sinabi ang sitwasyon, sa tanong pa lang ay nabuo na ang magiging desisyon ko, ito ang ganap sa classroom:
Tanong: Kaya mo bang magnakaw para sa magulang mo na may malubhang sakit at bilang na ang oras sa mundo?
Sitwasyon: Ang Nanay/Tatay mo ay may sakit na kanser, bilang na ang sandali nya sa mundo. Isang Siyentipiko ang naka imbento ng gamot na "makakapagpagaling" sa sakit nya. Binebenta nya ang gamot sa halangang 200K, nagawa mong makautang pero ito ay halagang 100K. Pinakiusapan mo na ibigay na lang sayo ang gamot sa ganitong halaga pero hindi pumayag. Naisip mo na pumunta sa lugar ng siyentipiko upang nakawin ang gamot. Kaya mo bang magnakaw para sa magulang mo na may malubhang sakit at bilang na ang oras sa mundo?
Nagkasundo ang mga kagrupo ko na hindi ang sagot namin pero nagtaka sila kung bakit OO ang sagot ko. "hindi na ito issue ng moralidad, ito ay issue na ng buhay at kamatayan na magulang mo ang pinag uusapan.." ang sabi ko sa kanila. Sandali sila nagisip at sinabi nila na may punto ang sagot ko.
Isa isa ng tinanong ng guro namin ang punto ng bawat grupo. Halos pare-pareho ang naging sagot nila para sa kanila ayaw nilang magnakaw dahil bata pa lang sila ay tinuro na daw ng magulang na masama ang kumuha ng bagay na di mo pag aari. Ang iba naman ay hindi nila gagawin dahil kung makukulong sila ay hindi rin nila makakasama ang magulang nila at ikakalungkot ng magulang nila ito. Ang isang grupo naman ay naging concern sa makukulong sila at maaaring hindi na makita ang kanilang mahal sa buhay. Akala ko ay magugulat ang guro namin sa sagot ng grupo namin pero nakangiti sya at parang sabik sa rason namin kung bakit "oo" ang sagot namin sa sitwasyon na ito, hiniling ng mga kamag-aral ko na ako ang magpaliwanag sa sagot namin, ito ang naging sagot ko:
"Napakadali na magsabi tayo ng bagay na mali at tama lalo na kapag hindi mo pa nararanasan ang ganitong sitwasyon. Nawala ang Mama ko sa sakit na kanser at napakasakit sa kalooban na makita syang unti-unting nawawala sa inyo ng wala ka man lang magawa... Hindi na ito issue ng moralidad, ito ay issue na kung paano mo ililigtas ang buhay ng magulang mo. Bago ko gawin na nakawin ang gamot ay dapat alam ko na na maaari akong makulong para iligtas ang buhay ng magulang ko, hindi man tama pero alam ko na sa sitwasyon na ito ay ito ang pinakamabuting paraan na magagawa ko para dugtungan ng buhay ng magulang ko". Ito ang naging sagot ko sa klase.
Natuwa ng guro ko sa naging sagot namin, hindi nya inaasahan na may makakasagot ng ganun sa klase nya dahil sa 5 ang klase nya sa parehong asignatura pero lahat sila ay "hindi" ang sagot at ang grupo lang daw namin ang bukod tanging sumagot ng "Oo".
Sinabi ng guro namin na maging sya ay oo din ang sagot. 2 beses na daw nya na-encounter ang tanong na ito at sinabi nya na nung huli ay naging oo na din ang sagot nya. Sinabi nya na habang nagma-matured ang tao, ay nagiging matured na din ang reasoning nya, walang tama o maling sagot sa tanong nya pero may akmang sagot base sa sitwasyon at ito ay ang "OO".
Ayon sa kanya sinabi ng isang eksperto na walang makakapantay sa sinasabing "unconditional love", yung kaya mong itaya ang buhay mo kahit na mamatay o mapahamak ka parang lang sa pagmamahal mo sa magulang mo. Masama ang magnakaw ayon sa bibliya pero kung hindi mo gagawin ang nakawin ang gamot na makakapagligtas sa magulang mo ay parang ikaw na rin ang pumatay sa magulang mo, ang moralidad ng tao ay kaya mong isakripisyo kung buhay at kamatayan na ng sitwasyon....
Sayang di ko nakuhaan ng picture ang scoreboard namin (pagkauwi ko saka ko lang narealize na dapat kinuhaan ko sya ng pic) para may ebidensya ehehehe... 2nd place lang kami pero kahit na ganun ayos lang... Iwan ko una kayo... Gagawa pa ako ng assignment ko at review ng kaunti....
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
I admire you for answering yes. I just believe na kung talagang will ng Lord na kunin na tayo, ay kukunin na talaga. I dont think na magnanakaw ako kasi kung gumaling ang magulang ko at nakikita akong nakakulong dahil sa kanila, I dont think they will be happy. It is a difficult question.
ReplyDeletetotoo po mahirap ang question.
DeleteI would still say no. yes its not about morality, but for a second I thought; am I trying to hinder god's plan? Am I just being too emotional that my judgement are clouded by my emotions? If I already did everything to make up that 200k but still no effect... Would this be part of god's plan? am I being immature that I cannot accept god's will? Am I in denial that I'm having a hard time accepting my mother's fate? If reasons are based on maturity then those questions are rational and mature reasons to say no.
ReplyDeletemay point...
DeleteI always have a point. Char
Deleteahahaha.
DeleteWala ako sa sitwasyon na gaya ng sitwasyon mo kaya siguro madali para sa akin na sumagot ng 'NO'.... Pero kung kapit na sa patalim, baka nga 'YES' at kunin ko na rin ang gamot... Sa palagay ko, kapag nasa 'crossroad' ang isang tao, nababago talaga ang pananaw ng isang tao.... But then, I pray na manatili pa rin sa mga tamang desisyon at gawain...
ReplyDelete" Wala ako sa sitwasyon na gaya ng sitwasyon mo kaya siguro madali para sa akin na sumagot ng 'NO'"
Delete- mismo hahahaha
Mahusay. May point ka, isang malaking POINT!
ReplyDeleteMadali para sa isang taong magsabi kung tama o mali ang isang bagay. Kung wala ka sa aktwal na sitwasyon, malamang sa alamang na yung "tama" ang isasagot mo. Pero ibang usapan na pag nasa gitna ka na ng life and death situation na nabanggit.
dapat all caps talaga?
Deletethumbs up rix, that was a very honest, sensible and heart felt answer
ReplyDeletekahit naman ako magagawa ko yun para sa mom ko nu
apir! ehehehe dahil dyan libre! libre! libre!
DeleteOO pa rin ang isasagot ko pagdating sa ganitong mga tanong na may kinalaman sa aking mga magulang. Sadya lamang siguro na pagdating sa kanila, ako 'yon tipo na gagawin ang lahat. Teka, hindi ako nagpapasikat upang masabi niyo na mabuti akong anak at labs na labs ko ang mga magulang ko ng todo, kundi hindi na 'yon ang punto. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Susugal ako sa option na nakawin ang tanging bagay na makapagpapagaling sa aking ina/ama. Kung makulong man ako ay aking tatanggapin. Magpapakabait na lang siguro ako sa kulungan baka mabigyan ng parole. Ayokong may pagsisihan na wala akong nagawa para sa kanila.
ReplyDeletegaya ng napagusapan natin sa FB (y) ehehehe...
DeleteHINDI.
ReplyDeletePagsisilbihan ko nalang sila sa abot ng aking makakaya, kung mangyaring wala na talagang option. Ayoko talaga magnakaw. At least, pumanaw man sila, nagampanan ko ang aking responsibilidad bilang mabuting anak nila.
:D ehehehe
DeleteNakakatuwa ang sagot mo Rix. Sa sagot mo, nadama ko ang pagmamahal mo sa magulang mo.
ReplyDeleteHindi ako sigurado kung ano ang sagot ko dito. Gusto ko din sana sabihing oo, kaso parang hindi ko kayang panindigan.
Exercise din sa brain to. Ang lupit ng tanong. :) Meron pa bang iba?
Meron puro situational ang tanong sa mga exam, walang tama o maling sagot pero may akmang sagot sa bawat sitwasyon...
DeleteAng sagot ko ay Hindi...
ReplyDeleteGaano man ka noble ang isang layunin, kung mali naman ang pamamaraan para makamit ito, balewala rin ang lahat.
I agree sa sagot ni Gracie!
Napag usapan na naten toh sa FB and still stand strong with my decision. Nakaw nakaw din pag may time lol
ReplyDelete