Thursday, August 1, 2013

Nag t-back si Rix

Check-up Time:


Haluuu!!!!

Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!!

Nasaan po kayo????

Ay nandyan pala kayo pasensya na di ko po kayo napansin busy kasi ako sa pagaayos ng t-back ko... na-imagine mo ba ang t-back ko?
















Juice kong pomelo! di ko kaya magganyan... The guts ha! baka siponin ang pwet ko nyan ahahaha. ang sinasabi ko na t-back ay ang throwback Thursday entry ko hihihi.


Sabi ng isa sa paborito kong manunulat na si Bob Ong, malalaman mo na nadadagdagan na ang edad mo kung maikukumpara mo ang panahon noon sa panahon ngayon. Kung maalala ko ba at maikumpara ang mga bagay na nakagisnan ko noon eh ibig sabihin edad ko na agad ang pinaguusapan hindi ba pwedeng nirereminise ko lang ang mga bagay na nagisnan ko? ahahaha peace Bob kinekeme lang po kita para di na mapansin ang age ko *bungisngis*

Oh well simulan ko na ang pag-alaala ng mga bagay bagay..


Lumaki ako sa gatas na ito, kaya naman may mga pagkakataon na kapag nakita ko ang brand na ito sa grocery ay napapabili ako para talagang mafeel ko ang aking childhood. Madalas naman ay hindi ko sya tinitimpla... pinapapak ko lang sya o kaya naman eh ginagawa kong yema..





sabi ni Mama ito din ang nagnakalagay sa feeding bottle ko noon...




Naalala ko kahit mahal ang presyo nito eh deadma, gusto ko kasi ang lasa nito aside from that eh parang ang sosyal ng dating na pag bukas mo ng fridge eh ito ang laman hindi yung tinimplang choco drink na nilagay sa fridge para lumamig...




pasensya wala ng laman naubos ko po *burp*... excuse me po, dadaan lang hihihi


Kung wala namang ganyan eh ok na din ito, kasi multipurpose sya. Pwedeng syrup sa pancake, pwede itimpla bilang inumin or palaman sa tinapay... Pero ang pinaka gusto ko ay papakin sya nyahahaha.








Kapag maulan gustong gusto ko na  ito an hinahanda sa amin ni Mama... Ang sarap kasi ng sopas na ito lalo na kung may itlog napakalapot nya kaya kahit ito lang at kanin eh busolve na ako...








 Napakanta ka ba o napasayaw ka noong ipinalalabas ang commercial nito? Sa totoo lang di ko maintindihan ang lasa ng candy na ito, tulad nga ng sabi ng jingle ng commecial na ito its sweet, sour and salty.. Nano nano, nano nano, nano nanoooooooooooo... lewls








Dahil simple lang ang past time ng mga kabataan noon, kapag ayaw nila pag pawisan lalo na kapag mainit ang panahon eh nag kasya na lang silang maghanap ng malilim na lugar para mag laro nito...








Kung medyo sosyal ka naman eh  kasama mo ang mga may ganito at nagkukumpol kumpol kayo para mag pataasan ng score...




game and watch na napakaraming versions


Kung lumelevel up ka naman pagdating sa libangan eh nandyan ang 2in1, 3in1, 4in1 o kaya naman ay 99in1 kahit na paulit ulit lang naan ang format ng larong ito...







O kung may ganito ka... you already... as in its you na ahahaha








Hay nakakatuwa talaga balikan ang mga memories noong kabataan mo... Naisip ko lang sa mga susunod na Thrusday ay ibabahagi ko sa inyo ang mga bagay na naaalala ko noong childhood ko...


O sya dyan muna kayo, kailangan ko i-beat ang record ng officemate ko sa brickgame.. See you po!





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

28 comments:

  1. Yan pala ang T-back, hehe throwback

    I remember brick game, ah na-addict din ako dyan, hehe.. and of course snake and ladder, favorite : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din sobrang adik dyan. Napalo pa nga ata ako dahil dyan..

      Delete
  2. Sana may pic ka na nakasuot ng t-back para mas masaya, lol! Hindi ko alam yung nano, fave ko kasi Nips, alam mo ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. awts baka ireklamo na ang page ko nyan. Yep fave ko din yun yung may peanut...

      Delete
  3. Waaah, akala ko naman kung ano nang meron sa T-back mo Rix ahahahaha XD

    Naku, pinaka love ko jan yung Brown Cow. Pinapapak ko yan dati ahahaha. Ang sarap din niyan ilagay sa scramble bilang toppings :D

    Saka yang Nano, bigla tuloy nag flash back ung theme song nyan sa utak ko ahahahaha!

    Pati yang brick game na may 100 in 1 daw kuna na games, eh halos pareho pareho at paulit ulit lng naman yung laman na games nya lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama sarap nun noh?

      Di mo maintindihan ang lasa ng nano noh? ahaha..

      Ano ang highest score mo sa brick game?

      Delete
  4. Shocks, hindi naman ako ganun katanda, pero parang malapit na ko sa pagreminisce ng mga bagay na hindi na masyadong existing hehe.

    Shocks meron pa bang brown cow ngayon HUHU

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa pagbisita sa asylum ko... Wala na po atang brown cow ngayon... :D

      Delete
  5. Yes, I remember those things. Pinaglaruan din ng anak kong boy:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe ibig sabihin mommy ka age ko ang son nyo :D

      Delete
  6. kala ko kung anong t-back na haha!

    kung magsisinungaling ba ako at sasabihin kong hindi ako maka relate sa mga yan may maniniwala? lol !

    ohh well maswerte ako at inabot ko ang ganyang henerasyon :)
    at buti alang naitago ko pa yung aking family computer , atari,nintendo special edition at play station. pati yung ano ba tawag dun sa switch ng computer at tv? lol!

    napa t-back din tuloy ako :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmmmm hindi ako maniniwala Xan ahaha. Wow buti ka pa sa amin yung PS na lang ang natira ahaha.. Patingin naman ng pic mo ng t-back ahaha.

      Delete
  7. yung mga tatak ng foods at drinks pang di ko kilala .. pang mayaman yata yan .. hehehe .. yung mga pinaglalaruan alam ko yang mga yan .. pero snake and ladders lang ang nalaro ko na kami talaga ang bumili .. yung iba .. nakikisilip lang sa mga kalaro madadamot.. pang mayaman kasi .. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha i feel for you Leeh, kay pinagipunan namin ng kapatid ko ang pambili ng family computer noon para naman di na kami nakikinood lang.

      Delete


  8. jusmeyo, natawa ako dun sa t-back portion yun pala throwback lang, pambihira ka bata!
    tutyal naman ng gatas na yan hahah.
    minsan lang ata ako nakainom ng chocodrink na ito... ikaw na mayaman!
    itong choco syrup na iyo madalas sa pancake ko ito nilalagay or palaman sa tinapay.

    ito ang bonding time namin ng mga tropa ko dati ang gameboard ang panalo lilibre ng coke candy haha..

    ang family computer na ang bala eh 1 to 100 pero pare-pareho lang ang laman hahah...

    Iba talaga ang nakaraan, sarap balikan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha di kaya, ikaw nga ginagawa mo syrup eh ahaha. adik ka din sa computer games noh? yung totoo...

      Delete
  9. hahaha.... natuwa ko sa brown cow... shet.. am i that old? oh my golly! hahaha... and syempre, ang family kyumputer na may iskedyul pa ng laro sa bahay.. at yung ikakaskas mo muna or hihipan yung bala bago isalpak kasi ayaw ma-read ng kyumputer... lintik na t-back mo to rix! very iskandalus ang peechur! haha..kala ko talga suot mo... lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha hindi nga po, naalala lang natin sila di talaga tayo matanda.. ahaha every Saturday lang pwede maglaro ng family com. Awts baka madami akong makuhang reklamo pag ginawa ko yan ahahaha.

      Delete
  10. Wala akong naabutan sa mga yan ah di ako pamilyar. Hahahaha! Charot!

    Naabutan ko yung snakes and ladders, brick game and family computer yung iba hindi na :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay sayang masarap ang brown cow ehehehe.

      Delete
  11. naku farmville na naabutan ko ee(ansabe) haha
    ung brick game at ung snake and ladder tanda ko yan
    haha naaaliw ako sa pag thothrow bakc nung ilan lalo ung sa batang 90's page

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha nakakatuwa noh? kung babalikan mo ang bawat taon sa noong 90's di enough ang isang entry lang :D

      Delete
  12. Juice kong pineapple di maikakailang magkabatch nga tayo bwahaha! Sweet, sour and salty nano nano nano nano nano nanooooooooooo! lol

    Ponkan na ponkan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha napakanta ka din? Iyan ang isang signature commercialng 90's pati yung dingdong shuffle :D

      Delete
    2. yep at ang lapad ng ngiti ko nung mabasa ko to hehehe

      Delete
    3. ahahaha magsu-suot uli ako ng T-back mamaya... thrusday ulit eh ahahaha.

      Delete

hansaveh mo?