Thursday, August 22, 2013

that's why we're friends

 

Check-up Time: 8:29pm


Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu huhuhuhuhuhu!!!!!!

Nahihirapan ako mag post ng entry ngayong linggo dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1) Nasira ang keyboard na laptop ko kaya naman pinipigilan ko syang gamitin dahil baka maihampas ko sya sa pader sa sobrang inis ko... harsh? lolz

2) Hindi pa ako makarecover sa tantrums ni Storm ng pag sabungin nga si Maring at si Habagat... Hindi ako nakauwi ng bahay at nastranded ako at sa pang-apat na pagkakataon eh naglakad nanaman ako sa tubig baha..

3) Dahil isang linggo na walang pasok eh bumabawi ako ng tulog...

Hindi ko ma-post ang mga pending entry ko na throw back dahil hinahanap ko pa sa malusog kong kaloob-looban ang vertud para makapag sulat ako ng maayos na entry para sa kanila...


So there you go, sogo... ay sago pala charot!.. Gusto ko sana ikwento kung gaano ka-harsh ang eksena na nasaksihan ko nung nastranded ako sa bagyong Maring at Habagat, pero wag na lang kasi sure na sure ako na pare-pareho ang mga ganap sa mga nakita nyo sa fesbuk at sa mga napanood nyo sa mga balita sa tv.


Kanina ay nakigamit lang ako ng laptop ni Bunso, nakita ko na nakaonline si Erin ng The Nutty Thoughts at ito ang naganap (hinanap ko sa ipod ang paguusap naman at ni-print screen).....













("uu teh pero ok lang naman sila papa, yun nga lang mukang kailangan
namin ng additional jetski" nag jumble yung mga sinabi ko buti na lang
naintindihan ni Erin)
 










So ngayon alam nyo na kung bakit magkaibigan kami ni Erin? may common sa amin... "SALTIK". Sweet namin noh nagpapahiraman kami ng mga ari-arian (kahit na ilusyon lang sya nyahaha).


Isa sa mga pinakagusto kong ugali nating mga Pinoy ay ang hanapan ng humor ang mga masasaklap na pangyayari sa buhay natin dahil sa likas tayong masayahin... Idagdag mo pa ang mga taong ganito kausap eh sigurado ako na pansamantala eh mawawala ang mabigat na iniisip mo... Tawa tawa din tayo pag may time..


Pasasalamatan ko po muna ang sponsor natin para sa entry na ito.
Maraming salamat....


















Madam Auring, ang tunay na Maasim....

(credits sa kumuha ng picture nya)


Hanggang sa susunod na kulitan mga pasyente ng asylum....


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

24 comments:

  1. Gusto ko nang ganyang friend, hindi si Madam Auring ha! Yung bang walang nakakaintindi kung hindi kayo lang. At higit sa lahat mayaman! Pahiram ng yate kapag nagbaha ulit dito ng isang buwan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha, at least at you diffucult times eh nakakahanap ka ng rason tumawa kung may ganyan kang kaibigan.

      Sana lang available ang yate at di sya naka reserve.

      Delete
  2. Bayolente ka pala, masama binabalak mo sa keyboard mo! *haha*

    Buti at may friend kang ganyan. Di ko pa nararanasan mabahaan, kaya di ko alam kung pano magiging behavior ko once na makaexperience ako. Wag naman sana.
    :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha di sya nagfu-function na maayos nakakainis.

      Hindi naman kami actually naabot ng baha pero ang mga lugar na dadaanan papunta sa amin ang baha. Nakakastress sya.

      Delete
  3. Ahahaha, ang dami kong tawa sa convo nyo ni Erin. Ang yamans ha, may Jetski at Yate pa XD

    @Laptop - yan ung may sariling buhay ung keyboard iba?

    Share mo rin sa amin ung pakikipagsagupa mo kina Maring at Habagat. Gusto ko ung blow by blow account ng mga pangyayari *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu yun nga ang laptop na may sariling buhay. Ayaw ko ahaha hahaba sya dahil kung ikkwento ko sya kasama pa yung kay bagyong melenyo, ondoy ay habagat I...

      Delete
  4. katuwa naman kayo....

    sana mawala na ang baha diyan.....

    talagang bida si madam auring dito hehehe.... me asim pa nga...

    musta na.... miss u prend....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Humupa nanaman ang baha kaya passable na ang mga lugar na dadaanan ko pauwi.

      Nyahaha sya ang sponsor ng entry na ito :D

      michu too pren.

      Delete
  5. ang kulit ng magfriendship hahaha

    sorry to hear dong na nastranded ka at lumusong ka pa sa baha..

    at least ngayon okay na, text ka lang ha kung need mo yung isa kong helikopter lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang feeeling mo masasanay na ako sa paglusong sa tubig baha. Bongga naman helicopter kaso lang wala akong helipad sa bahay... nirerenovate sya.

      Delete
    2. Naumay ako sa last picture, haha sorry Peace!

      Delete
    3. nyahaha sya kasi ang sponsor ng entry na ito :D

      Delete
  6. Sana kinontak mo ko para pinasundo na lang kita sa driver ko. Tsak yun walang ka stress stress kahit nasaang lugar ka pa yun lang pag akyat mo sa sasakyan ang haggard kasi kelangan mo umakyat sa lubid pero bongga naman yun.

    Sana pinadala ko yung chopper ko.

    Haha! *gaya gaya* :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaso ang problema ko eh kung saan sya ipaparada sa bahay. ahaha

      Delete
  7. ang bongga nga..... nagpaparent kami ng warehouse at parking space para sa mga pang-mayaman nyong laruan..chos! nahaggard talaga ko sa ulan.. hndi ako pinatulog... buti ka pa, orlok to the max ka siguro nung mga panahong nasa balur ka lang... pati pusa ko nakisabay sa depression ko nung umaaura si maring sa kamaynilaan. mabuti na lang at tapos na ang unos.. pro ayoko pa pumasok..lols...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha keme lang yun XD

      naku buti na lang mataas ang lugar natin noh? kung hindi baka nawelcome ng hindi oras ng bahay natin ang tubig baha...

      Delete
  8. ang putik haha ang dami ko tawa dun sa usapan ninyo haha...
    oo nga wala ka t-back kahapon.. namiss ko yun...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehhhhh kasi wala pa daw supply ng t-back tinatahi pa daw sya.

      Delete
  9. haha hap na usapan nu ahh, anyways buti naman at
    may benifits din naman pala si habagat na bf ni maring

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro ang pinakagusto kong lang na benifit nya ay ang walang pasok sa school at nakatulog ako ng mahaba...

      Delete
  10. Nice to see u ric sa cvg at medyo pumayat ka , isauli niyo na ni erin ung hiniram niyong yate at jetski dahil gagamitin ng mga katulong namin

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha salamat ikaw lang nagsabi na pumayat ako.... :D

      Delete
  11. imba talaga pagdating sa imagination .. lakas ng saltik .. hehehe

    ReplyDelete

hansaveh mo?