Naranasan mo na ba na nagtanong ka tapos ang layo ng sagot sa tanong mo? O kaya naman tinanong ka kaso ang layo ng sagot mo? O sadyang magulo ka lang kausap, tulad ko? Nakakainis pero minsan matatawa ka na lang kapag nasa sitwasyon ka na lang na ganun eh. Naranasan mo na ba ang minsan ay may ganitong karanasan ka o kaya naman malapit na dyan? Share mo naman para naman may babasahin ako sa opisina, anti-antok ba ehehe.
Sa gadget store:
Ako: Magkano po ang tab?
Sales Agent: Opo, tab po yan, nakasale po sya ngayon.
Ako: *kamot ulo*
= * = * =
Kausap ko ang kaibigan sa BBM:
Friend: Bat hindi mo sinabi sa akin?
Ako: Eh bakit kasi di mo tinanong sa akin?
Friend: wag mo nga ako paandaran ng ganyan ha, wag mo sagutin ng tanong ang tanong ko...
Ako: Ooii! ano tingin mo sa akin sasakyan? di ako umaandar.
= * = * =
Gumagawa ng essay si Bunso:
Bunso: Ano ng yung ibang tawag sa mukang original?
Ako: Not original?
Bunso: You motherfather you!
= * = * =
Nagchecheck ng quiz:
Ako: Ma'am ano nga po yung sagot sa number 3?
Prof: Oo, tama yung sagot sa number 3 sabi ng classmate mo.
Ako: Ahhh, ok po... *kamot ulo*
=*=*=
Discussion sa isang subject
Prof: Ano ang naging negatibong epekto sa mga Pilipino nung sinakop tayo ng mga kastila?
Classmate: Naging relihiyoso tayo.
Ako: *kain ng mani*
=*=*=
Bumibili ng gastas sa grocery
Ako: Kuya anong number ng gondola yung mga gatas?
Sales clerk: Yung pang-breakfast po?
Ako: Ay, magkaiba po ba sila ng pang gabing gatas?
Sales clerk: Hindi po pareho lang po sila.
Ako: Ah ganun po pala yun noh? saan po yun?
Sales clerk: Sa number 5 po
Ako: Thank you!
Hay naku minsan parang ayaw ko na nga makipag usap feeling ko kasi mapapaway ako pag ka pinatulan ko pa ang iba dyan. eh ang bait ko kaya, charot!
Kapopost ko lang ng bagong entry sa Music room at feeling ko lang (ako lang naman) eh interesting sya ahahaha.
O sya iwan ko muna kayo kasi dadalhin namin si Sugar sa vet para pabakunahan... akala ko ako ng pababakunahan buti na lang hindi hihihi...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
hhaa madalas ata mangyari sakin yan dahil madalas akong lutang
ReplyDeletenatandaan ko tuloy ung gf ng tropa ko, mejo magulong usapan din kasi
girl:meron po kayo nung tiglilimang pisong scotch-tape
tindero: oo meron
girl: magkano po?
haha corny dba pero dame namin tawa sa kanya
nyahaha minsan nabiktima na din ako nya. classic example ng lutang moments..
DeleteAko: It is uncomfortable to wear a sweater outside. So right now, if I wear a sweater outside and it is sunny, what will happen?
ReplyDeleteStudent: It will be cold.
Ako: Ha?
Nangugulit lang. Anong pet si sugar? Isda? ha,ha,ha!
Isa pa:
Anak: Mom! How many fish do we have in the pond?
Mom: I don't now anak, why don't you count them.
Anak: Ok.
After an hour or two, the anak came back.
Anak: We have twenty two.
Mom: How did you know?
Anak: I fished them all out of the water, look!
awts naawa ako sa mga fish ahaha. Si Sugar po ay ang pet namin dog :D
DeleteMagulo nga. Haha. Magandang gawan ng study yang mga ganyan :)
ReplyDeleteahaha mgataong may iniisp habang ginagawa ang isang bagay. out of focus, walang active listening yung iba naman trip lang :D
DeleteAko gumamit ng washing machine nung isang araw. Nang makita ako ng mother ko (may sakit sya kaya ako in-charge sa laundry ngayon) tinanong nya agad ako kung ilang takal daw ang ginamit ko...ilang takal ng ASUKAL, ang sabi nya. Natawa na lang ako. Asukal para sa washing machine??? Ganyan kasi minsan tayo kahit ako....tinanong na, uulitin pa :)...at minsan mali-mali ang response...
ReplyDeleteAhaha buohin daw po kasi ang sentence para di nadudugtungan ng kung ano ano ahahaha.
Delete
ReplyDeletehaha ang kulit ng usapan sa BB..
may iba pa bang tawag sa original?
hahahaaa,,,, may pang gabi na gatas????
OO nga eh minsan ganun din ako... bakit nga kaya?
Ewan ko kay bunso kung meron pang ibang tawag ahaha. Meron yung gatas na iinomin mo bago matulog ahahaha.
Deleteahaha your floating ha :p
hahaha kakaloka ang mga ganyang usapan! talo pa ang tv na walang antena sa kalabuan! tawang tawa ako sa gatas, baka may pang hapon na gatas din hehe :)
ReplyDeletepwede siguro, maghahanap nga ako ng ganyan ahahaha.
DeletePaaak! ilang box ng katol ang nasinghot mo ngayon Rix? umamin ka!!! XD
ReplyDeleteNatawa ako dito:
Prof: Ano ang naging negatibong epekto sa mga Pilipino nung sinakop tayo ng mga kastila?
Classmate: Naging relihiyoso tayo.
Ako: *kain ng mani*
Buti allowed kumain ng mani during class hours :D
ahaha wala na sya magagawa naisubo ko na yung mani eh ahaha..
Deletenatawa naman ako sa last hehehe..... kala ko magkaiba na ang gatas sa gabi hehehe
ReplyDeletemusta na...
Ako din eh ahahaha.
DeleteMalusog pa rin ako Jon ehehe. Ikaw?
Sus! buti di ako makausap mo. Kasi sometimes magulo din akong kausap. Lumilipad utak. Oi, may pakpak ba utak? hi hi
ReplyDeletethanks for making me smile:)
ehehe big hug sa iyo mommy Joy..
DeleteHahahahaa, atleast may katuwaan tayo sa mga ganitong maling sagot.
ReplyDeleteahahaha umamin ka ganyan ka din noh? :D
Deletehehehe! katawa naman. parang ako lang din, malayo ang sagot sa tanong.
ReplyDeleteNaku mukang madami tayong ganito ah.
DeleteI would like to commend your efforts. Grabe tinandaan mo ang lahat ng yan? Wow!
ReplyDeleteahahaha yung iba kasi di ko masyado natandaan yan lang yung mga uber tumatak sa akin :D
DeleteAwts sakit sa bangs te. Minsan ganyan din naman ako sumagot, minsan ganyan din naeencounter kong mga sagot lol
ReplyDeleteCheers sa mga malabo kausap ahahaha!
DeleteNatawa ako don sa pang huli. Pati dun sa relihiyoso. haha.
ReplyDeleteTenchu po.
Deletesana ser magkita tayo sa personal tapos tatanungin mo ako at mga ganyan klase ng sagot ang isasagot ko lol ! ^_^
ReplyDeleteahaha Pwede kaso baka malito ka din sa sagot ko Sir ahahahaha.
DeleteIba talaga ang gatas sa umaga at gatas sa gabi! Magkaiba yon! hahaha
ReplyDeleteganun po ba yun? bakit ano pinagkaiba nila? ahahaha
DeleteIba kasi naiisip ko sa pang-umagang gatas sa panggabi.. *evil grin* Minsan nga magtatanong ka ng isang tanong, sasagutin ka rin ng isa pang tanong... 0_o
ReplyDeletenyahaha mismo sinubukan ko sya epektib naman :D
Delete