Hindi sya naiiba sa inyo, nagiisip, may pangangailangan, may gusto, umiibig, kumakain, nasasaktan pero bakit nga ba tinawag syang payasong wala sa circus.
Hindi ramdam ang saya ng grupo kung wala ang tinuturing na payaso. Tagapagpasaya ng makungkot na kaibigan at taga kalma ng kalooban. Ilang luha na ba ang napawi ng payosong ito sa inyong magkakaibigan sa tuwing ang isa sa inyo ay nasawi sa pag-ibig? Ilan na ba ang okasyon na mas naging espesyal dahil sa pinasaya nya kayo ng husto. Ilang pagkakataon na bang naging kalmado kayong magkakaibigan dahil sa payasong ito sa twing nasa kritikal kayong sitwasyon? Pero naisip nyo ba kung sya ay nahihirapan? kung sya ay nasasaktan? kung sya ay nahihirapan? May nagtanong ka kung kamusta na sya?
Ilang beses na bang pinangiti ka sa opisina ng payaso na kaibigan mo sa tuwing pingalitan ka ng bisor mo? Ilang beses ka bang sinalba sa kalungkutan noong panahon na gusto ng umagos ng luha sa mata mo dahil sa may pinagdadaanan ka, ngunit sa kanya mo lang ibinulalas ang nararamdaman mo dahil higit kanino man ay sa kanya ka nag tiwala? Hindi ba sya din ang payaso na kasama mo tuwing lunch break mo na bukod sa busog ka na sa pagkain ay busog ka din sa masasayang kwento at tawa ninyo? Ikaw ba, nagawa mo ba na tulungan sya na ibsan ang nararamdaman nyang kalungkutan sa tuwing nananamlay sya dahil sa lungkot? Naiparamdam mo ba sa kanya kung gaano ka kapalad dahil may isang payaso kang kasama sa trabaho? Natanong mo ba kung ayos lang sya?
Kaibigan mo kung ituring ang payaso na kasama mo. Itinuring ka nya na malapit na tao sa kanya, taga-pag pangiti, taga-pag alis ng boring mo, taga-bigay ng payo, karamay mo sa lahat ng problema mo, katulong mo na magkaroon ng solusyon ang lahat ng problema mo, alam kung kelan ka tunay na masaya at kung kelan ka tunay na malungkot, alam ang gusto mo sa hindi, kilala ang mood mo pero kaya kang sakyan, hindi mo kailangan bayaran para lang may kausap ka pero handang makipagusap sayo ng kahit ano. Ikaw, ganun ka din ba sa payasong iyo? alam mo din ba ang gusto at ayaw nya? tinulungan mo na din ba sya? pinagaan mo ba ang pakiramdam nya tulad ng ginawa nya noong malungkot ka? Kilala mo ba sya kung talagang malungkot sya o nagpapanggap na masaya? Importante ba sya sayo gaya ng pagpapahalaga nya sayo?
Hindi masama ang ibalik sa tao ang isang bagay na ginawa nya sayo, sabi nila tumulong ka ng walang hinihintay ng kapalit pero bakit nga ba ang hirap sa atin na gumanti sa lahat ng mabuting bagay na ginawa ng isa indibidwal? bakit nga ba napakadamot natin sa pagiisip sa taong nagbigay ng kaligayahan sa atin? Sadya bang sarili lang natin ang iniisip natin at walang pakialam sa taong nag pahalaga sa atin?
Ang payaso ay magaling magpasaya at pumukaw ng negatibong damdamin ng tao ngunit nagtatago sa mga ngiti at mga kolorete sa kanilang mukha ay ang malungkot na realidad na maging sila ay dumadanas din ng lungkot at pighati... Tao din sila tulad mo... May pakiramdam din at minsan ay kailangan ng kakarampot na pagpapahalaga at pansin...
* I always like walking in the rain, so no one can see me crying - Charlie Chaplin *
Nais ko po magpasalamat kay Gillboard na bagong taga tangkilik ng maliit kong espayso sa mundo ng blogging... Nawa po ay ma-enjoy nyo ang pahinang ito...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
Ituring na maswerte kapag ika'y nakatagpo ng isang kaibigan, kamag anak o kapamilyang handang dumamay sa iyo sa kalungkutan at kasiyahan. Ngunit sinuman sa mga ito na naturingang payaso ng ating buhay ay di mga laruan lamang, di sila mga bagay na sa oras na kailangan natin ay saka natin sila aariin o kakailanganin at pagnagsawa ay saka ipapasintabi sa isang sulok. Sila ang mga tinuringang payaso na wala sa sirkus, ibig sabihin sila ay makikita, mararamdaman at maririnig sa realidad ng ating buhay. Bagama't pawang nakangiti silang makikita sa anyo nilang panlabas, naroo'y sumisilakbo at naghuhumikbi ang kanilang kalooban dulot ng kanilang emosyon. Sa madaling salita, sila ay mayroon ding PAKIRAMDAM na tulad mo. Kaya't kung may mga payaso na nasa circus ng buhay mo, dapat ika'y maging SENSITIBO sa kung anuman ang kanilang nararamdaman. Ika nga nila, kung sino pa yung mga taong palangiti at masayahin, sila yung nagkukubli at may tinatagong kalungkutan. Di man marinig sa mga binibigkas ng kanyang mga labi, nakikita naman sa kanyang mga mata.. dahil ang mata ay di nagsisinungaling, ito ay ang sumasalamin sa ating buong pagkatao. Ito ang kusang nagsasalaysay sa kung ano ang ating tunay na nararamdaman.
ReplyDelete*sniff* True!
DeleteDay very well said :D
Deletehala nakarelate si Fiel...
Delete1. Ang emo ng post! lol
ReplyDelete2. I don't like clowns.
3. I like circus though.
4. Madaming maiingay na tao na malulungkot.
5. Madami din naman ang taong concern na di lang napapansin na concerned sila.
1) opo ehehehe
Delete2) awts my phobia ka po?
3) ayos masaya ang kabataan mo Sir
4) chrew!
5) ehehe siguro nga Sir :D
Kahit sino naman ay pwedeng maging payaso... masaya o nagpapasaya pero may itinatagong lungkot din! Yan ang reality ng buhay. Pero hanga talaga ako sa mga taong sa kabila ng maraming paghihirap at pagsubok ay nagagawa pa ring makapagpasaya sa iba...Yes, aminado silang may kalungkutan o kawalan pero mas nananaig ang masayang pananaw...
ReplyDeleteTama, isang magandang inspirasyon na sa kabila ng hirap na dinadanas nila ay nagagawa nilang ngumiti dahil sa kahit na katiting na sandali ay nais nilang ngumiti....
DeleteMay pinaghuhugutan. Lagi akong nasasabihang malungkot ang isang pagtitipon kapag wala ako pero walang nakaisip kung bakit hindi ako nakarating o kung bakit hindi na ako dumadalo. Sa mga ganitong pagkakataon, alam ko nang hindi kaibigan ang turing sa akin. Tulad ng sinabi mo, ako ay isang payaso lamang sa kanilang paningin.
ReplyDeletehindi po ehehe, ito po ay dailan sa busog kong utak... may inspirasyon ang post na ito.
DeleteLaughter is not always "the best medicine". Sometimes, it's just "the best disguise" to hide the pain within.
ReplyDelete#relatemuch ako dito Rix!
wow, apir nyahahahaha... alam nah!!
Deletemukang may pinaghuhugutan nga ser ah? hehe... ikaw ba to?
ReplyDeletekung ikaw to relate ako sayo hahahahaha ^_^
Nope ang inspirasyon nito ay nakita ko sa isang libro...
DeleteKakaiyak naman eto. My personality is like a clown. I am a person that likes to spread joy around me. When I am lonely, it is my method to be happy too. Yes, I am hurting many times and needed a friend and I thank God that he always provides one in another person or his presence.
ReplyDeleteNice reminder Ric. Ang lalim. Liked it very much.
Thanks Mommy Joy ehehehe *hugs*
DeleteDi naman ikaw to rix? Ang payaso? So far sa friendships ko lahat nagko complain pa oa much na at insensitive na masyado ang isa sa kapwa. Gud thing found friends like them. Kasi kawawa kung one sided lang ang damayan ng magfriendship
ReplyDeletehindi po ahaha buti na lang nasabi ko agad sa FB bago ko ito nabasa ehehehe.
Deletewow ang lalim nag pinaghuhugutan neto ahh
ReplyDeletenaalala ko tuloy ung officemate ko pinaka jolly sya samen
pero sya pala yung my pinaka mabigat na problema
sabi nga nila ang taong magaling magpasaya ee s syang dumanas ng matinding kalungkutan
ahaha linya sa libro ang inspirasyon nyan :D
DeleteRix okay ka lng hahaha?
ReplyDeletemakatawa naman ito ahahaha, libre mo naman ako ng algems dali na....
DeleteTakot ako sa clowns, feeling ko bigla akong sasaksakin hehe!
ReplyDeleteAnyways, ganyan ata talaga, minsan pag nakikita nilang ikaw ang masiyahin expected nilang lagi kang ganun. Basta pag naiiyak, tandaan na lang na kailangan may handang pang retouch, masisira ang make up pag naluha hehe
ahahaha forever na daw ng kolorete sa mukha
DeleteThere's always one on the group na laging nagpapatawa. I wonder why kung bakit hindi siya nawawala sa kahit anong klaseng grupo. upper, middle or lower class. Galing noh?
ReplyDeletethey can blend to any type of person dahil sila ang kadalasan ay madalas makapag adjust agad sa kahit anong antas ng pamumuhay.... charot lang... di ko rin alam ahahaha.
Deleteuy, may special mention.
ReplyDeletehahahaha
salamat! :)
ehehe walang ano man po sir Gill :D
Delete