Thursday, October 31, 2013

Kwentakotan! (Repost)

Check-up Time: 5:00am (17-OCT-2013)

Another repost po. Sana ay maaliw kayo sa kwento na ito.


* = * = *


Kung ang lahat ay may halloween special papakabog ba ako? Oh, heto na ang kwento ko....

Third eye, marami ang nagsasabi na kapag bukas ang pangatlong mata mo ay mararamdaman mo ang bagay na di nararamdaman ng ordinaryong tao.

Ordinaryo lang ang araw na iyon para sa akin sa pagkakatandan ko, Walang masyadong bago. Dahil sa bagot ko ay nagpasya akong lumabas ng opisina at magpunta sa malapit na tindahan para bumili ang ano man ang maibigan ko.

May naunang bumili sa akin na bata, biscuit na Hiro ang binili nya. Dahil sa inggit ay iyon na rin ang binili ko saka di ko gusto ang isa pang biscuit na nakita ko sa estante dahil matamis ang panlasa ko sa Cream O. Habang kinakagat ang biscuit na binili ko ay napansin ko ang batang nauna sa aking bumili na nakikipag laro sa madungis na pusa dahilan para sa maging madungis din sya. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko ang oras. Alas tres na ng hapon. Inilagay ko ang natirang Hiro sa likod ng pantalon ko at nagsimula ng tahakin ang opisina namin ng biglang.... BLAG!!!!


kahit na maingay ang jackhammer sa paligid dahil sa ginagawang gusali ay dinig ko parin ang malakas na kalabog ng galing sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakitang nagkagulo ang mga tao. May nasagasaan ata, bata, ito ang pagkakarinig ko dahil sa medyo maingay ang paligid. Ilang minuto din akong napako sa kinatatayuan ko at nag oobserba lang. Dahil sa di ko talaga ugali makiusyoso lalo na sa mga nasagasaan dahil sa ayoko makakita ng mga lasog lasog na katawan ay nagpasya na akong bumalik sa opisina namin na may makita ako... Ang batang naunang bumili sa akin ng biscuit, nakatingin sa akin, duguan...

Kahit di ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namutla ako. Nagmadali akong lumakad papunta ng opisina, di ko mapigilan ang sarili ko, dahil sa sinasabi ko na guniguni ko lang ito ay lumingon ako pabalik at nakita ko na sinusundan ako ng bata. Dahil sa takot ko ay tinakbo ko na ng gusali kung saan naroon ang opisina namin. Humahangos ako ng marating ko ang opisina namin. "Ok ka lang ba? anong nangyari sayo?" tanong ng kaopisina ko. "ah, wala. May nakita akong dati kong kakilala eh hinabol ko para kamustahin" ang tanging naging palusot ko.

Akala ko ay doon na matatapos ang panggugulo sa akin ang batang iyon pero hindi pala. Paglabas ko ng opisina ay nakita ko sya na parang naghihintay. Nakatingin pa rin ang duguang bata sa akin. Sa takot ko ang sumabay at humalo ang sa mga taong nag lalakad kasabay ko. Mukha namang nagtagumpay ako. Yun ang akala ko. Komportable na ako sa bus ng mapalingon ako sa likurang parte nito at nakitang nakatingin ang bata sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumungo at umusal ng dasal hanggang sa makarating ako sa bababaan ko. Aligaga ako sa paglalakad habang tinatahak ang bahay namin. Pagpasok ko ng bahay ay pininid ko agad ang tarangkahan at ang pinto namin. Nakita ko pa rin ang bata na nakatingin sa direksyon ko. "Hoy ano nagyayari sa iyo?" Tanong ng Mama ko, nagulat man ako sa tanong nya at sinabi ko na wala naman iyon. Di ko maintindihan dahil di naman pumapasok ang duguan bata sa bahay kaya kahit paano ay kampante ako ngunit di sya umaalis sa tapat ng bahay dahil sa nandun sya tuwing sisilip ako sa labas. Takot man at kinikilabutan ay nagpasya na akong matulog tumabi ako sa kapatid ko, iniisip ko na kung ano man ang mangyari ay di ako masyado matatakot dahil sa nandyan ang kapatid ko. Kinaumagahan, mukang napagod na sya kakasunod sa akin. Wala na ang bata nung lumabas ako ng bahay.

Medyo inaantok pa ako kaya pupungas pungas pa sa bus at sa muling pagkakataon, palingon ko sa likurang parte ng bus ay nandun pa rin ang bata. Nilukuban na ako ng takot at kaba. "bakit di ako tinatantanan ng batang ito? wala naman akong ginawang masama" ito ang sigaw ng utak ko na umaalingawngaw... Bumaba ako sa sunod na babaan at nag pasyang mag-taxi na lang. Nakarating ako ng opisina ng walang sumusunod na bata sa akin. Di ako lumabas o bumaba ng opisina dahil sa takot ko na baka nandun ulit ang batang kinatatakutan ko.

Takot man ay buo na ang isip ko, kailangan kong kausapin at tanungin ang bata kung bakit ayaw nya ako lubayan kung makikita ko ulit sya nag matapos ang oras ng trabaho ko. Di ako nagkamali naghihintay pa rin ang bata sa tapat ng gusali kung nasaan ang opisina namin. "Ano bang kailangan mo sa akin? bat ayaw mo akong lubayan? Wala naman akong kasalanan at ipinagdasal kita ng maraming beses" sambit ko habang naginginig ang tuhod ko. "yung biscuit" sagot ng bata sa akin. Namumutla na ako, ito ang pakiramdam ko ng biglang tapikin ako ng sikyu na naka-duty. "hoy, anong nagyayari sayo?" tanong nya. "Yung bata po? nakikita nyo ba?" sagot ko. Tumawa ng nakakalokong tawa sikyu. Di ko maintindihan ang ngyayri "kahapon may nasagasang pusa, iyon ay alaga ng isang bata. Matapos masagasaan ng pusa ay tinabi nya iyon" sabi ng sikyu. Nagtataka ako kung ano ang koneksyon ng kwento kahapon. "Iyan ang batang iyon" sabay nguso ng sikyo sa bata. "Kuya, akin na lang po yung biscuit na di nyo naubos. Yung nilagay nyo sa likod ng pantalon nyo" sabi ng bata....







At iyan ang kwentong fibisco ko.











Kayo anong kwentong fibisco nyo?










PS. habang ginagawa ko ng entry kong ito ay kinakain ko ang Hiro na ginamit kong props hihihi.



Sa mga dadalaw po ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay, ingat po tayo. Sa mga busy at walang oras pumunta sa puntod ng mahal nila sa buhay just text DALAW to 2366 at sila mismo ang dadalaw sayo. hihihi.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Sunday, October 27, 2013

Trick or Treat!!! (REPOST)

Check-up Time: 4:49am (17-OCT-2013)


O repost po muna tayo gaya ng nasabi ko.... last year ko po napost ang kalokohan naito sana maenjoy nyo, o sya ito na sya.... haiiiiyyaaaaahhhh!!!!!!








Nagulantang ako dahil sa maya maya ay may pasulpot sulpot na mga bata sa opisina namin na karga karag ng kani-kanilang magulang. Ang cute nila suot ang iba't ibang klase ng costume. Naalala ko, malapit na pala ang undas at dahil di lang ang pag alala sa mga mahal natin sa buhay na nasa mabuti ng lugar ang ginugunita natin, ay ito rin ang panahon para mag enjoy ang bagets sa kani-kanilang costume at mag.... TRICK OR TREAT!!!!!

Kapag pupunta sa mga kasiyahan na ganito at kailangan nyo mag costume, siguraduhin din na ang costume nyo ay maayos at may dating, yung tipong mapapa-wow yung makakakita ng suot nyo, di yung basta na lang na nag-costume tulad nito....






















Syempre pag may kasayahan eh di maiiwasang may salo-salo, ingat nga lang sa pagkain ha, kasi baka sila ang makain nyo...



















at isa pa ito.....










Make sure lang na nakapila kayo ng maayos para mabilis ang distribution ng pagkain at ng mga candies dahil kung hindi magagalit sya at baka mapugutan kayo ng ulo....



















Di ko alam kung bakit ba lagi na lang ang costume or effects ng mga sumasali sa halloween party ay puro madudugo tulad nito.....















Crap! mali pala ako ng nalagay na picture.... ito pala ang ibig ko sabihin....
















Pero ok na rin, iyan ang gusto nila eh. Walang basagan ng trip di ba Master Yoda?























Kung iyan ang trip mo suportahan tah ka.... kagaya ng mga costume nila na nakakapanghilakbot....




At nito pa,




















eh ito?




















naku ito ang walang effort sa costume at sya lang ang nag-iisang ganito....


























Scary ba? tyars!


O next time alam nyo na ang gagawin nyo ha... Good luck!





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Sunday, October 20, 2013

tenchu po c",)

Check-up Time: 9:39

Sa lahat po ng bumati sa aking kaarawan sa previous kong post at sa facebook (pm man, sa wall ko o sapag sagot sa mga naunang post),


MARAMING SALAMAT PO!

Para sa akin ang birthday ko ay isa lamang ordinaryong araw dahil sa noon ay bihira lang namin ipagdiwang ito, ang tanging nagpapasaya lang sa akin ay ang mga pagbati ng mga nakakakilala at malapit na kaibigan ko lalo na ang pamilya ko. Dahil sa pagbati na ito ay nararamdaman ko na masaya ako kahit na wala kaming handa...

Kahapon po ay sinubukan ko po ulit magluto ng cake na madalas ko ishowcase sa pahinang ito pero nag-level up na sya from bare na dark chocolate cake. In-fairview muka na talaga syang cake lolz.

Nage-evolve  na ang non-bake cake ko, ngayon isa na syang dark choco almond non-baked cake hihihi

Dapat ay magluluto din ako ng tuna white sauce pasta pero dahil sa mas pinili ni Bunso na sumama sa mga ka-klase nya na mag-out of town (nakinasama ng loob ko) napagdesisyunan ko na lang na mag eat all you can na lang kami ni Paping sa Dads dahil meron sila "celebrate your birthday in Dad's for free" kembot.

Hindi ko na ipopost yung mga kinain namin kasi kahit ako naumay, wala na kaming binatbat ni Paping pagdating sa eat all you can, olats na kami... Siguro isang pic lang ang ipapakita ko ahahaha.


Lamb stake

Ikinasosyal ko ang pagkain ng turkey at ng lamb na stake... Pero sa totoo lang hindi ko sya masyado nagustohan sa lamb ay, although tamang tama ang pagkakaluto nya ay nagco-complement ang lasa ng souce nya sa tender na meat ng lamb na madaming pepper at malasa dahil sa margarine eh very distinctive ang amoy nya at masasabi mong hindi sya karne ng baboy o baka, sumisipa ang amoy nya na sya ay isang tupa.

Marahil dahil sa ito ang unang beses ko nakatikim ng lamb kaya ganito ang reaction ko pero ganun talaga eh... Wala ng nasabi? ahahaha

Henny waste, maraming maraming salamat po muli sa inyo, nawa po ay tampalin kayo ng kaligayahan, sikmuraan kayo ng biyaya, tadyakan kayo ng pagmamahal at sikuhin kayo ng swerte dahil sa kaligayahang ipinadama nyo sa akin...

O yung mga regalo nyo po pa-deliver nyo na lang.. CHAROT!



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Friday, October 18, 2013

Sa araw ko....

Check-up Time: 10:48pm (16-OCT-2013)








October 20, 2013 - ito ang pinakamasaya, malungkot at nakakatakot na araw para sa akin.


Masaya dahil ito ang araw na nagreremind sa akin na hindi ko putok sa buho at ako ay nagkabuhay... Malungkot dahil si Papa lang ang kasama ko mag-celebrate ng birthday ko... di ako sanay dati laging kompleto ang pamilya sa okasyon na ito... Natatakot dahil tatandan nanaman ako, emerged!!!!!

Ang picture na nasa taas ang ginamit ko sa cake na ginawa/gagawin ko... Siguro ipopost ko na lang yung pic ng cake sa fesbuk nyahahaha.

Sa mga kaibigan ko sa blog world, greetings is good but I need gifts.... tumatanggap din po ako ng cheke... Chars lang po!!!!! Siguro kahit fun sign lang masaya na ako.... mademand lang!!! Joke lang po yun.... wag nyo masyado seryosohin..

Sa sunod na update ko ng page ko takutan po tayo, kung matatakot po kayo ahahaha.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Thursday, October 17, 2013

Sana mainspire ka

Check-up Time: 8:50pm


" If you want to be the greatest, you must be the least "



(credits to the owner of the pic)



When I was in college, me and my friends have a habit of putting our experiences into sayings...

I was very facinated when my friend used this saying:

We struggled a lot during our feasibility studies, our budget is so tight to the point that we only took one meryenda everyday in shool considering that our schedule is 8am to 6pm. Just imagine how difficult it was to study your topic while your stomach is rumbling...

We learn how to share whatever we have because we believe that as a group we need to help each other in order for us succeed..

Imagine 2 person eating a 5 pesos fishball and they have their own cup of rice. 2 person eating 1 salted egg and tomato for lunch. 1 stick of banana que was being shared by 3 person but we survive.

We did not expect that our professor like our topic and how each person deliver their reports. We became our prof's apple of the eye and have a grade of flat 1.

Out of nowhere our barkada just mentioned " ay naku sobra ang naging sakripisyo natin sa project na ito na kulang nalang yung kinakain mo agawin ko para lang makasurvive. Pero dahil shinare ng iba sa kulang ang kaunting meron sila ayan ang magandang resulta... If you want to be the greatest, you must be the least " (not her exact word)...

It was like an echo. It was just a simple word for me but beyond that is a great meaning...

A lot of times I use and reflect on this whenever someone invited me to participate on their charity event/works.



Sana na-inspire ka.....







(PS: Talagang pinilit ko english-in, alam nyo naman na hindi ako sanay sa ganyan kaya pagpasensyahan nyo ang ang pinagpilitang post)







Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Tuesday, October 15, 2013

sem break!

Check-up Time: 12:05am


Halooooooo... loooowww... lowwwww.... loowwww... looooowwww... loooooowww


Apple Bottom jeans, Boots with the fur ♪♫♪♫ (with the fur)... kumanta ba? lolzzz Kamusta na ho?


Malapit na ang araw na kinatatakutan ko pero ganun pa man kay ikinatutuwa ko din. Magulo ba? ehhhhhhh wag nyo na ako kontrahin, basta hihihihi.

Sem break na kaya naman medyo maluwag-luwag ang sched ko pero wait but wait mukang hindi ko masyado mararamdaman ito dahil sa magiging busy pa rin ako sa bago kong pinagkakaabalahan... O ang gulo ulit noh? di pa kayo nasanay sa akin.... hihihihi ulit.










Ang dami ko ng pagod siguro 3,756 sya lahat lahat... chars lang. Bukod sa nakikicoordinate ako sa mga kaibigan ko para humungi ng mga pre-loved stuff para sa bazaar ng PBO sa mga susunod na weekends ng October eh busy din ako sa pakikipag coordinate sa kasal ni Diko.

Buti naman at natapos ko ng ayusin ang program ng reception nila at ako na din ang mag-emcee. Ito ang pangatlong beses ko na maging emcee sa isang okasyon. Nakakakaba pero sabi nga nila bahala na Batman (mukang magagalit na sa akin si Bruce sasabihin nanaman nya sa akin na sya nanaman ang ipangsasangkalan ko sa mga ganyan).





May na-score na din ako ng barong na isusuot ko sa araw ng kasal nya ang problema ko na lang ay ang gagamitin kong panloob. Gusto ko kasi eh unique ang kamiseta de chino ko bilang best man ang utol ko. Gusto ko isunod sa motif nila... "melon pink" lakas maka-bektas noh? eh wala naman kami magawa yan ang gusto ng mapapangasawa ni Diko. Ewan ko ba pwede naman kasi na simpleng kulay na lang.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano pumunta sa Christmas Village sa Sampaguita Garden sa Aklan. Gusto ko kasi muna magdrop by doon ng makita ko ang Christmas museum bago kami dumerecho ng Boracay after ng kasal ni Diko, Magta-travel na lang din ako lubos lubusin ko na ang mga pwede puntahan o makita sa mga lugar na madadaanan ko.








Nagdadalawang isip pa rin ako (amf! lagi ko na lang sinasabi na hindi nga applicable sa akin ang dalawang isip dahil wala nga ako nun pero lagi ko pa rin sinasabi... haist!) kung ibo-book ko nga ang isang room sa isang villa na nakita ko para tuluyan namin ni Paping at Bunso sa Bora. Kasi naman sa 3rd day na stay doon eh ako na lang mag-isa. Kasi maagang uuwi si Paping at Bunso dahil sa may mga aasikasuhin sila ako naman eh bakasyon grande mode. Ayaw ko talaga mag-isa kasi baka may magpakita eh hindi ko pa naman alam kung talagang meron akong gift baka mamaya ikamatay ko pa kung may makita ako. Pero iniisip ko naman na ito na ang chance ko to enjoy the night in Bora na mag-isa lang ako. Haist! Bruce bahala ka na ulit ha...





Hayzt, sana ganito pa ako kapayat sa pagpunta ko ng Bora... Ito ang panahon na wala pa akong makain kundi mga dumi sa kuko ko. Yung tipong amoy lang ng food tapos inom ng tubig ang peg, ganyan. Sana maibalik ko ang katawan kong ganyan tapos hardcore na workout na lang sa biceps, chest at abdominal para masaya.




O sya nag-update lang naman ako ng mga ganap ko, next update ko baka repost po kasi busy busyhan ako sa ibang mga ganap... magre-repost po ako ng about sa holloween basta mga kwentong takutan na may halong kabaliwan po tayo sa mga susunod na post ha....



Bago ko tapusin ang entry na ito, kami po, na volunteer ng PBO ay tumatanggap pa din po ng mga pre-loved items na pwede nyo idonate para sa PBO bazaar na gagawin sa October 19, 20, 26 at 27 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa Quezon City Memorial Circle. Para po sa ibang mga detalye pwede po kayong makipag ugnayan sa mga member ng PBO (tulad ko) or i-click lamang po ang icon ng PBO sa itaas na parte ng pahinang ito para po dalhin kayo sa PBO page sa facebook. O kaya naman po ay maari po kayo na pumunta sa mismong bazaar upang suportahan ito. Ang lahat po ng malilikom na pondo sa event na ito ay gagamitin para sa susunod na outreach na gagawin ng mga katoto natin sa PBO.





Maisingit ko na lang din po na para sa mga nagpareserve ng kopya ng unang libro ni Glen ng Wickedmouth at ng Ilustrator po ng Libro na si Titser Mots ng Teacher's Pwet na may title na Wickedmouth, Unang putok, nasabi po ni Glen na pwede nyo po i-claim/i-pick up ang kopya ng libro during the bazaar. So ayan maraming mga bagay na nakalaan para sa atin ang hatid ng event na ito kaya po sana maka-dropby po tayo...


Sa lahat ng magaabot ng kani-kanilang tulong, ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ang inyong lingkod...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Monday, October 7, 2013

ito ang tunay na halo halo...

Check-up Time: 11:57am



Kamusta na mga tambay sa asylum ko.... Halo-halo ang emosyon ng post na ito... Kaya sisimulan ko na po...


-------------------------------------------------------------------------------------------

Sagarin mo pahhhhhhhhhhhh....



Oo nag desisyon na ako na tigilan ito... Ayaw ko ng gawin pa dahil sa parang ang sama ko sa mata ng mga kasama ko...





Subalit ano ba ang magagawa ko? Dumating ang panahon na naging desperado ako... Oo pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na akala ko ay hindi ko na gagawin pero malakas ang pagtawag mo sa akin... Ang panunukso mo. Wala akong nagawa kundi ang sundan ang tawag mo... Para akong isang puppet, isang laruan na walang buhay na tanging nagawa ay gumalaw ayun sa kagustuhan mo....




Unti unti akong lumapit sayo... Hinawakan ko ang katawan mo. Sinisigaw ng isip ko na huwag itong gawin pero naging mahina ako.. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na hawakan ang kabuoan mo. Naging mapangahas ang mga kamay ko ng hawakan at salatin ka. Hindi ko na pigil na pindutin ang ibang parte mo.. hanggang sa dumating na ang oras para subukan ko na tikman ka...




Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero nanaaig ang kagustuhan ko na gawin ito... mapangahas ako habang tinatalupan kita at sabik na tikman ang matamis mong lasa. Hindi ko kayang itago ang pananabik ko. Para kang isang masarap na putahe sa hapag at ako naman ay gutom na gutom na at gustong gusto na kitang lantakan..




Hindi ako nagkamali... ubod ka ng tamis, bawat subo ko ay ibayong saya ang naramdaman ko... Bawat subo ko ay mas lalo akong nananabik sa  iyo... haggang sa huli ay higupin ko ang likido mo.




Iba ka.... ang sarap sarap mo.....




































Dahil sa iyo nabawasan ako ng timbang ng 3 kilo lalo pa at sinasabay kita sa balik alindog program ko...


Akala nyo kung ano na noh?
It is not what you think....
but I love the way your thinking... Charot!!!


Opo eh tinopak po ako.... ayan ang resulta...
Mga halos the same na post, baka lang bet nyo tignan... lolz...



-------------------------------------------------------------------------------------------


Listahan ng mga litanya...





-------------------------------------------------------------------------------------------



Kaarawan ni Mama

Kaarawan ng mahal kong Ina noong October 5. Kahit na nasa heaven na sya eh inefortan namin na icelebrate ang birthday nya gaya ng napag-usapan namin ng family ko...

Nagluto ako ng Pasta Italliana na request ni Bunso, Nag litson din sila ng Manok... simple lang ang niluto namin pero busog na busog naman ako...





-----------------------------------------------------------------------------------------


Pakikiramay...


Nagulat ako sa bilis ng pangyayari nung nagkwento si Bunso sa akin... ANg dati naming kasamahan sa compound kung saan kami nakatira sa Makati ay pumanaw na...

Nabangga sya ng isang sasakyan habang nagbi-bisekleta kahit na mahina lang ang nagyaring pagbangga ay naging kritikal at delikado ang lagay nya dahil sa nabagok ang ulo nito sa gutter ng kalye.

Sinabi ng mga dokcor sa OsMak na kailangan nila maghanda ng 500K para sa operasyon pero hindi nito ginagarantiya na magiging maayos ang kalagayan ng pasyente... Hindi naman iniwan ng nakabundol ang pamilya ng pasyente..

Ikinagulat ko ang binulalas nila sa akin ng gabi ng sabihin nila na alas dose ng tanghali kahapon na bumigay na ang katawan nito ay sumakabilang buhay na...

Bukas ay pupunta kami sa kanila upang makiramay...

Isa ito sa mga bagay na nagpabigat ng kalooban ko nitong linggo....




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!