Friday, March 1, 2013

Fruit Magic sa Milk!!! (repost)

Check-up Time: 1:13pm

May naisip na sana akong bagong entry sa asylum ko ngunit tila ata hinigop ng trabaho ko lahat ng pagka-saltik ko at nearly brain dead na ako... teka wala pala akong brain, so di applicable ang brain dead sa akin.. tyarose!


So ito na nga punta ako sa website na pinupuntahan namin ng brudir ko para manood ng anime, haweber habang pinanonood ang unang part bago ang que ng entrance song (parang graduweysyen lungst) ay di ko agad naintindihan ng nagaganap kaya malakas ang sabi ng vertud na di ko maiintindihan ang buong palabas. Sayang ang kuryente.



Tumakbo ako sa kusina para tignan kung may bagay na interesante pero failed, naisip kung guluhin ang buong kusina at ayusin ulit sya, pero dahil pagod ako ay tinamad akong gawin yun hanggang sa buksan ko ang pridyeder (lakas maka pelikula. lewls) ay may kakaibang bagay akong nakita. Pumukaw sa atensyon ko at nasabi kong..... "Gusto ko ito!".



Dali dali akong ng init ng tubig.... hinanda ang peyborit kong plain white mug, nilagyan ng karampot na asukal ang peyborit kong plain white mug, nilagay ang nakita ko at nakipag tyat ng mini mini sa mga kaibigan sa pesbuk habang hinihintay na uminit ang tubig.


TING! mainit na ang tubig. Agad kong nilagayan ng mainit na tubig ang hinanda ko at ilang segundo lang,




















Viola! Handa na ang aking Milk Magic Instant Melon Milk, ang magic ng prutas na nasa gatas...



















Ang gatas may tunay at natural na flavor ng Melon!



Itry nyo ng mapatunayan nyo ang sinasabi ko, sugod na sa mga suking tindahan... ahgad, ahgad!



and CUT!.......... and now! back to regular programming....



Akala nyo seryoso ang entry na ito noh? ito po ang script ng bagong commercial ng Milk Magic... TYARLOTS LUNGS! di papasa ng entry na ito as commercial dahil puro kalokohan lang nyahahahaha.



****


Sa totoo lang isang linggo na akong sabaw. Di ko alam kung may tamaritis ako o sakit sa bato.

Henny waste, bago ko po tuluyang tapusin ang naguumapaw sa sabaw na entry na ito ay gusto kong pasalamatan ang bagong tagatangkilik ng asylum na ito na mukhang kukunin na nga bangko at magsasara na.. tyars!

Maraming salamat po Genski sa pagtambay

Dahil po dyan, bigyan si madam ng jacket at will phone at one year supply ng kuskos whitening soap, kuskos lang ng kuskos puputi ka rin.... Kemeruth lungs po! sana po ay maaliw ka po.


- Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless! -

28 comments:

  1. Endoerser ka pala ng Milk Magic wahehehe!

    Akala ko juice yan haha, tinitimpla pala sa mainit na tubig :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. dati yun ang entry na ito ay pinost ko din nung kasalukuyang sabaw din ako.

      Delete
  2. pag sabaw ba, best in commercial ang peg? hehehe

    ReplyDelete
  3. pasok naman ang commercial a haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukha nga pasok para sayo napansin mo eh nyahahaha...

      Delete
  4. haha commercial ang peg ng post nito
    mala kris aquino ba?
    haha
    di ako mahilig sa gatas at melon
    pero trip ko matikamn yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mecoy kung di mo keri ang hot milk pwede din ang cold. ngayon ko lang nadiscover na mas masarap sya ng cold.

      Delete
  5. hahaha naloka ako sa melon milk, lakas ata maka brenakels nyan Rix! di naman nakakasakit ng tyan? :)

    pwedeng pwede ka ng endorser te! gow! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Din naman po, malinamnam sya feeling ko nga madadagdagan ako ng 7 guhit na timbang dahil full cream sya.

      Nyahaha pucho puchong endorser lungs, ganyan *winx*

      Delete
  6. At endorser ka na ng melon milk ng milk magic? Magkano po ang iyong TF? :D

    Anong site yung pinapanuoran nyo ni Brader?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha rejected ang commercial na yan. puno daw ng tubig na may nam nam yung script :D.

      crunchyroll.com po papi.

      Delete
  7. haha adik ka! yung nido, naglabas din ata ng melon milk. gawan mo rin ng ad

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehehe salamat sa muling pagbisita sir Mots :) di ko pa natitikman ang Nido... ittry kong tumambling sa sukung grocery ni aling tentay para matikman ang Nido Melon, Nag-gatas ka na nakapag-melon ka pa. chars!

      Delete
    2. Naks ikaw na umaad. Patikim nga nyan!

      Delete
    3. nyahaha di ka bumili nung nasa Pinas ka :)

      Delete
  8. One thing is for sure. napangiti ako todo sa post na eto. Kung minsan, ang sarap magbasa ng ganitong post na napa ka honest at hindi seryoso. No need to think, just ride along and smile.

    At tunkol sa sabaw na entry mo, masarap na sabaw eto.

    Gusto ko sana bili Milk magic melon, kaso wala sa tindahan dito at sarado pa mga tindahan every sunday:)
    Maybe pag uwi ko ng Pinas:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe Mommy Joy natuwa po ako ng sobra sa sinabi mo na ito ang ang masarap na sabaw entry... salamat po.

      Delete
  9. Daming space ha.. LAkas maka nutty! nyahaha

    ReplyDelete
  10. hahaha... matikman nga yang magic milk...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Go sir Kiko, pwede syang hot pwede ding cold... pino-promote talaga ahahaha.

      Delete
  11. Parang nanood lang ako ng commercial sa TV.. hehe
    Pero kidding aside, may ganyang produkto pala... di ko talaga alam.. (Wala sa bundok nyan eh..)
    Henny Waste, napadaan lang..(nahahawa na ako sa mga terms na nababasa ko lately, sana wag ako sabawin : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat tukayo, nyahaha meron sya last year ko pa sya iniinom..

      sana nga di ka mahawa ahahaha...

      Delete
    2. haha, actually..di ko alam ang kahulugan ng sabaw, basta nakiki-sabaw din lang ako.. then kanina nabasa ko sa kabilang blog ang meaning ng'sabaw'... now alam ko na...
      No. hindi naman ako sinabawan sa pagdalaw ko sa asylum mo, hehe

      Delete
    3. ahaha mabuti naman tukayo at di ka sinabaw sa entry na ito ahahaha. mukang alam ko kung saang blog ka napabisita ehehehe.

      Delete
  12. oo alam mo na yung blog na yun tukayo.. Dyan lang yun sa tabi-tabi... Nagku-krus lang naman ang landas ng mga blogs natin : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha uu nga eh. mukha ngang isa sya sa nagcomment ng post na ito :)

      Delete

hansaveh mo?