Check-up Time: 5:24am
Sa katahimikan ng aking mahimbing na pagkakatulog ay binulabog ako ng alarm ng aking ketai. Parang wala ng bukas at susunod pang mga bukas kung mag alam ang salbaheng ketai na ito. Kahit na ubod pa ng kupad iproseso ng kakarampot kung utak na kailangan ko ng bumangon para pumunta sa usapan namin ng mga kaibigan ko ay pinilit kong kaladkarin ang sarili ko sa banyo para maligo na..
Walang bakas ng pagmamadali. Sinigawan ako ng orasan dahilan para ako ay lumingon sa kanyang dereksyon...
Hello 4:20pm! Ang usapan naming magkakaibigan ay 5pm. Ang tanging nagagawa ko pa lang ay mag gayak ng aking kasuotan. Rush rush ako sa pagkilos. Nagsusuot na ako ng pang yapak ng maramdaman ko ang nagsusumiklab na galit ng mga organismo sa aking napaka-petite na sikmura. Doon ko na alala na wala pala akong dineposito dito bago nakawin ng mundo ng panaginip ang aking ulirat.
Run-away-bride ako sa pridyider. hinahabol ko ang amoy tocino ko pang hininga (tocino ang kinain ko kagabi) ng mahawakan ko ang bukasan nito kahit na 10-hakbang lang ang layo sa pinanggalingan ko aming balingkinitang pridyider.
Puno ng masayang buhay kong binuksan ang nasa harap ko dahil sa pag-asa na may bagay na magliligtas sa akin sa mala-2012 na rebolusyon ng aking kyut na kyut na tummy pero....
Wala......
Walang himala!!!!! nasa utak ko lang ang himala....
Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata... Lumayo ako sa bagay na nasa tapat ko habang dumadayalog ng...
"Inaasahan ko na iintindihin mo ako... pero bakit mo ako hinayaan..Hinayaan mo akong maramdaman ang sakit na ito.... ANG SAKIT!!!!! "
Napasandal ako sa konretong pader at dahan dahan na dumadaos-dos pababa habang pumapatak ang 2 luha sa napa-chinky kong right eye..
Bago pa tuluyang naubos ang libag ko sa braso sanhi ng pagdaos-dos ko sa pader ay napatingin ako sa lamesa at may napansin kong bagay...
May ngiti sa kanya, kumakaway sya at ako ay inanyayahan nya...
Mabilis ko syang nilapitan at ng akin siyang hawakan ay biglang nawala ang ilaw sa aking paligid.... ay wait lang, meron palang natira... spotlight na nakatutok sa akin...
Ngumiti ako habang naramdaman ko ang napaka breezzy na hangin na dumampi sa aking pagkatambok tambok na mukha at winave wave nya pa ang hair ko..
Suspense ang sumunod na eksena...
Tumakbo ako sa water dispenser habang dala ang aking peyborit white mug.... nagmamadali ako na nilalagyan ng mainit na tubig..
"Bilisssss, bilisan moooooo....." samo ko habang nangangatog ang buong katawan ko sa pagmamadali... halos humiwalay ang puso ko sa katawan ko sa sobrang bilis ng pintig nya...
Walang ano ano ay bigla ko na lang kinagat ang nakita ko kanina... napilas ang dala ko. Buong pwersa ko itinaob ang dala ko sa mug na hawak ko.. naiiyak akong humanap ng kutsara at nagmamadali hinalo ang dala ko na parang kung di ko sya magagawa agad agad ay bigla na lang may lalabas na bakulaw sa eksena ay tatadtarin nya ng pinong pino ang napaka-kyut at napaka-petite kong katawan..
So ayun na nga... natapos ko na syang itimpla... Matapos nun ay itinas ko ang mug ko at may narinig ako from somewhere na may isang melodious na voice na may sobrang taas na pitch na umawit ng...
Haleluya!!!!
....Ang haba ng kwento ko eh ang nangyari lang naman eh nag timpla ako nito.....
Huwag hayaang maging hibang sa gutom... mag-Energen Go-Fruit na, ang instant oat drink na may real fruits na sagot sa mini-mining gutom...
Also available Enegen Vanilla, Energen Choco, at Energen Munggo..
*************************
Sinapian nanaman po ako ng saltik ko kaya naman nagawa ko nanaman itong entry na ito..
Naglalakad lang ako sa grocery at nakita ko ang bagong variants ng energen kaya bumili ako at tinikman maayos naman ang lasa nya at nakabusog din naman sa mini mining gutom... kaya itry mo na din ahahaha...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!
Talaga ganyan may talent. You can make something out of nothing:)
ReplyDeleteTechu po mommy Joy sana po ay naaliw ka uli :D
DeleteRun-away-bride ako sa pridyider.
ReplyDeleteantawa ko dito :) at sa breakdown scene sa pader. Hehe
hanggang Energen Chocolate lang ako. mai-try nga itong bago mong endorsement,,
ehehe sige po Kuya try mo po... yung munggo ang di ko matry kasi parang wierd kasi, pero susubukan ko pa rin sya iisipin ko na lang na ginataang munggo sya :D
DeleteMaganda ang narration... Dapat binabayaran ka ng mga produktong na-endorse mo na...
ReplyDeleteAla-Nutty ay spasing mo sa post na ito ha...
spacing pala
DeleteNyahahaha tinamaan lang ako ng sapak dyan.
Deleteoo daw para may element of surprise ganyan ahahaha.
DeleteWahahaha, love ko din yang Energen!!!
ReplyDelete:D nun una akala ko nestiva lang ang masarap, masarap din naman sya :D
Deletehaha another commercial ba to? i video mo na yan ng mas maipakita mo samin ang kabaliwan mo haha
ReplyDeletehooooooooooooiiiii di pwede nag-quit na ako sa pag-arte... literal na maarte na lang ako ahaha.
DeleteYou dont do that to me ahaha.
natakam ako sa tosino.... fav ko kasi un..... tagal na akong di nakakain hehehe
ReplyDeletena curious ako sa energen na yan.... di ko pa yata natikman yan hehehe
ung original lang yata... wala pa ung fruity hehehe
bawal magpagutom ngayon hehehe
nyahaha oo di pwede magpagutom kasi baka maging ganito ang epekto..
Deletesabihan ko nga si motherdear na gumetlak ng iba pang flavah ng energen.. takte ka! buti wlang pugot na ulo na lumabas sa pridyider mo..haha
ReplyDeleteGo nga matikman mo din sya...
DeleteOiiii, horror naman masyado yan :p
madramang pagatatagpo nyo ni Energen...
ReplyDeleteParang kanina lang yan din ang breakfast ko...yung strawberry...
Winner ang pag daosdos pa baba :p
Nyahaha malapelekulang eksena ahahaha
Deletewaaaah Rix, pwedeng pwede ka na talagang endorser. Nga pala nakanbili ako ng milk magic, yung skimmed milk ang nitry ko :)) okay sya. ambilis ngang naubos. Hahahah!
ReplyDeleteNgayon naman mas natakam ako sa banana na yan! Ittry ko din yan!
Diet ka skimmed milk talaga ang tinry mo?
DeleteMasarap yung saging lasang cerelac.
pinag-iisipan ko kung saan patungo ang kwento....
ReplyDeleteang alam ko mahirap talagang kaladkarin ang sarili para maligo..
pero mas mahirap kaladkrin ang hinagap (isipan) patungo sa nais na kahantungan (ano daw?)
anyway, commercial lang pala, haha.. anlaki ng ngiti : )
nyahaha lumalalim ang mga hinuha mo tukayo, ganun pa man ako ay labis na nasiyahan sapagkat natuwa ka :D
DeletePero sa isang banda, mukhang katakamtakam nga ang Energen. Sa Banana and Strawberry flavor talagang may dagdag na enerhiya! (haha, nakisawsaw lang sa commercial, seriously gusto ko ding i-try : )
ReplyDeleteTukayo subukan mo yung banana masarap lasang cerelac :D
Deletecerelac? gerber yata pinakin sa akin eh, hehe..
Deleteyes, nakatikim na din ako ng cerelac, malagkit at manamis-namis..
nyahaha bigla kong na isip ang wierd pala ng mga pinagkakain ko :D
Deletehahaha sa lahat ng energen yang may flavor ang di ko pa natry...
ReplyDeleteTry mo sir kiko ahaha masarap naman sila infairness :D
Deletepagnakakaluwag na.. hehehe kuripot alert...
DeleteNyahaha ok lang yan :D
Deleteay naku akala ko kung ano na nangyari sayo! love ko din ang energen tuwng sa office
ReplyDeleteAhaha isang mabisang pantawid gutom ito, life saver :D
Deletenaalala ko, energen lang anag panawid gutom naming dating magkakatrabaho sa pagitan ng pagtuturo hehe. nakakamiss :)
ReplyDeleteEhehe Sir Al ano po ang favorite flavor nyo ng energen?
DeleteMix it with pinoy music!
ReplyDelete