Thursday, November 28, 2013

Ika-limang sabak

Check-up Time: 1:12am


Unang beses ko na gawin ito, sobrang kinakabahan ako. Tinawag na ang pangalan ko para simulan na ang nakatakdang programa na gagawin namin para sa mga babaeng bakas sa mga kulubot na mukha at balat ang lumipas ng panahon.

Medyo makulimlim ng araw na iyon, walang umaandar na bentilador sa silid, para sa iba ay sapat ang temperatura dahil hindi sila pinagpapawisan subali't ako naman ay hindi magkamayaw sa pagpahid ng butil butil na pawis. Nagsimula na akong magsalita. Sinasabi ko lang ang kung ano ang nasa isip ko dere-derecho. Huminto ako ng wala na akong maisip sabihin.

Naalala ko ilang beses na din ako ng bumalik dito pero wala akong ginawa kundi ang umalalay lang sa mga kasama ko kapag kailangan na nilang ibigay ang mga dala namin handog para sa kanila at akayin sila papunta sa mga pwesto nila.

Siguro ito na ang magandang oportunidad para malaman ko ang dahilan ng kanilang paglagi sa lugar na iyon. Ito din pala ang magiging dahilan ng pagtingin ko sa mga taong nasa lugar na iyon.

May ilan sa kanila na pinili na kalimutan ang sarili nila at nagpursege na kumita para mapagtapos ang kanilang mga kapatid. Sa kabila ng tagumpay ang kanilang kapatid naririto sila at kinukopkop ang lugar na ito.

Nakakaaliw ang isang matandang babae sa isang sulok ng lugar. Abala sya sa paggagansilyo habang kinukwento niya ang dahilan kung bakit sya napunta sa lugar na ito. Isa syang Vietnamese na refugee na kinopkop ng lugar ng dahil wala naman syang mapupuntahan.

Ilan sa kanila ang walang matirahan dahil sa wala ng kamag-anak at ang nakakahapis pa sa kanilang kwento ay ang pag panaw din ng kanilang kabiyak at ng kanilang anak.

Nagsilbi naman inspirasyon ang isang sa kanila na sa kabila ng saklay na gamit niya sa paglalakad ay nagawa nyang makapag pa-aral ng dalawang bata at napagtapos sa elementarya subalit hindi ko alam kung nadadalaw sya ng mga batang ito.

Ilan din sa kanila ang hinayaan na lamang ng kanilang mga anak na mamalagi dito subalit kapag tatanungin mo sila kung gaano sila kadalas dalawin ng mga ito ay sasagutin kanila ng "bihira lang".

Sa isang ginang ako nagtagal dahil medyo matagal bago tuluyang natanggap ng diwa ko dahilan ng kanyang paglagi sa lugar na iyon. Hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang nanay.

Nang pumanaw ang kanyang kabiyak ay pinipilit sya ng kanyang pamilya na muling mag-asawa ngunit tutol sya dito kayat mabigat man sa kalooban nya ay lumisan sya sa poder ng mga ito na hindi kasama ang kanyang anak.

Lumaki ang kanyang anak sa pangangalaga ng kanyang kapatid at nanirahan sa Pransya. Nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa kanyang ina ng ito ay dapuan ng katarata. Tinulungan niya ang kanyang ina sa operasyon pero hindi nito inisip na kunin ang ina at isama sa bansa kung nasaan sya at sinabi na magpapadala na lang sya ng pera para sa mga pangangailangan nito.

Sa kwento ng ginang na ito ay batid ko na hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang kanyang ina bagay na ikinalungkot ko. Maaring masama ang loob ng kanyang anak dahil sa nangyari subalit napaisip ako, ang mga taong nga na hindi kilala ang tunay nilang magulang ay ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang makita ang kanilang tunay na magulang, pero ang anak na ito, sa kabila ng katotohanan na alam na niya kung sino ang kanyang ina ay minabuti niyang hindi kupkupin at nakasama ang tunay na ina niya.

"Sana ay magbago ang pakikitungo ng iyong anak sa iyo bago pa mahuli ang lahat, may mga bagay na nagagawa ang tao dahil sa marahil sa panahon at sitwasyon na iyon, iyon ang naisip mong tama pero hindi ka dapat husgahan ng anak mo dahil alam ko na kung masakit sa kanya ang ng yari ay mas masakit para sa isang ina na iwan ang kanyang anak" ayan ang nasabi ko sa kanya.

Napakadaming mga malulungkot na kwento akong natuklasan ng araw na iyon, pero hindi ito alintana ng mga nandoon dahil para sa kanila ang oras na nandoon kami at oras na dapat magsaya.

Hanggang sa muli nating pagkikita....






*************
Ika-limang beses ko ng nakiisa at sumuporta sa programa ng mga kaibigan ko na magbigay at maghandog ng kaunting kaligayahan sa mga lola ng Huspicio de San Jose, subalit ang karanasan ko noong 24-Nov-2013 ang isa sa pinaka kakaiba, ng makisuyo ang aking kasama kung pwede ako muna ang mamuno sa programa.



************
Tatlong araw ng sunod sunod akong nagpapaskil ng kung ano ano sa pahinang ito.. baka magpahinga muna ako dahil baka maumay na din kayo.


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Wednesday, November 27, 2013

" naka-relate "

Check-up Time: 12:55am (27-Nov-2013)



Madaling ikubli ang tunay na nararamdamn mo sa mga taong kilala ka.





Pero kahit na ganun ka kalapit at kakilala ng mga tao sa paligid mo, kung mahusay kang magkubli ang pinagdadaanan mo sa likod ang makulay na palamuti sa mukha ay maitatago mo pa rin sa kanila ang sugat ng damdamin mo..




(click the pic please)



Ang dalawang entry na ito ay nabuo hango sa karanasan ng isang kaibigan. Isinalaysay sa akin ang mga bagay na nangyari ng hindi sinasadya ay mapuna ko na may bagay na bumabagabag sa kanya. Naka-ralate ako sa mga nangyari sa kanya dahil sa halos napagdaanan ko ang mga bagay na napagdaanan nya.

( Note: Alam ng kaibigan ko ang entry na ito dahil pinabasa ko sa kanya, Hindi naman sya tumutol dahil halaw lang ito sa tunay na naganap)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Tuesday, November 26, 2013

powerful ka...

Check-up Time: 3:01am





Bakit ba hindi ko magawang manalo sayo?












Kahit na sanayin ko ang sarili ko wala pa rin akong laban sayo...












Kahit na sabihin ko na matapang ako ay hindi kita madaig...












Kahit na sabihin ko na malakas ako eh nahihigitan mo ako ng sobra...












Kahit na madalas kitang labanan hindi man lang ako nagtagumpay kahit minsan...



















Totoo yata ang sinabi nila na kahit gaano kalakas at katapang ang isang tao, wala silang laban sa....





























ANTOK


Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko ngayon sa sobrang antok ko kaya imbes na magkamali ako sa ginagawa ko sa trabaho, gumawa na lang ako ng entry ko lolz.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
 God Bless!

Saturday, November 23, 2013

Gubye!

Check-up Time: 3:30am

Sa totoo lang buhat ng ibinigay ka sa akin ay puro pasakit na lang ang naramdaman ko.

Hirap ako na tanawin ang landas na dapat kong daan at puntahan. Hindi ako kumportable sa aking ginagawa.

Pinagtyagaan din kita ng 3 linggo. May mga bagay na dapat na magagawa ko ng maayos ngunit ikaw ang naging sagabal para magawa ko ito ng walang hirap.

Kahit sa pagtulog ko dapat nandyan ka kahit na gusto kitang mawala ng pansamantala hindi pwede dahil ako rin ang mahihirapan kung bigla na lang mawalay ka sa akin.

Salamat at pumayag na ang doctor na tanggalin ka. Ngayon ay makakatulog na ako ng maayos, ngayon ay makakakilos na ako ng walang aalalahanin, ngayon ay makakapaligo na ako ng dere-derecho, ngayon ay makakapaglakad na ako ng di ka alintana.

Sa wakas medyo maayos na ang paningin ko. Hinihintay ko na lang ang tuluyan paghilom ng mga sugat sa aking mga mata. Hindi ko man alam kung talagang ganap na magiging malinaw ang aking natatanaw pero sa ngayon ay masaya ako sa mga bagay na naaninag at nakikita ko ng walang ibang instrumento na tutulong sa akin para makita ang magagandang bagay nasa paligid ko...

Paalam eye shield, ngayon ay isa ka na lamang alaala na ako ay sumailalim sa kakaibang karanasan upang maibalik ng kakayahan kong makakita ng maayos ng walang antipara at modernong lente sa mata.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Monday, November 18, 2013

Minor Subjects

Check-up Time: 11:14am

Hello????????????? as in hellooooooooo?????

Is its me your looking for???????

Ay mali ako pala ang naghahanap sa inyo hihihi...

So much for the updates for myself. Umay na yata kayo lolz.

Nasabi ko sa inyo ang mga schedule ko ngayon sa school at promise sobrang nakakapraning ang schedule ko kahit yata pawis ko walang pahinga sa pagpatak (ang pinagtataka ko lang bat ang taas pa rin ng body fluid ko lolz).




Nakairita much pa ang iba kong mga prof ang sasakit nila sa gums parang gusto ko na nga bumili ng blade ng matapos na ang paghihirap ko. O kaya naman kumausap na ako ng mga pumapayag mag tumba ng tao for buy 1 take 1 na Angel's burger charot!

Last Friday lang ako pumasok kung bakit? eh tinatamad pa kasi ako lolz. Mukang hindi uubra ang aking best actor in a pretending role ngayon sem (last sem absent ako ng 1 month pag balik ko ay may band-aid ang kabilang bahagi ng palad ko at sinabi ko na na-dengue ako... PAK!!!! kinagat ng mga prof ang alibi ko at ang tataas ng grade ko laugh! laugh! laugh! laugh!).

Yung Computer Literacy na Prof ko naman susko frustrated na Call Center applicant at sinabi na nya sa mga ka-klase ko ang mga alam nya sa call center application sasagot sana ako kaso lang ayaw ko basagin ang trip nya... (evil ko lang lolz). Pero sa totoo lang nakakainis sya kasi naman minor subject na lang sya demanding pa. Haist! sa totoo lang 2 kami na irregular sa subject nya at pareho ng may computer subject before at pansin namin di sya credible sa subject na tinuturo nya kasi parang hindi IT-ish yung mga terms na gamit nya... Arte ko lang sa IT-ish nyahaha.

Yung subject naman namin sa Earth Science hay naku bukod sa pasakit dahil 12:00pm ang oras at ang init eh oras de piligro pa bukod doon ayaw nya ng late dahil 3 lates lang sa kanya absent na. Ang subject na ito ay minor subject lang pero parang dadaan ka sa butas ng karayon eh iniisip ko nga ano ang relationship ng Earth Science sa pag aanalize ng behaviour ng tao? kapag mainit ang lupa mainit din ang ulo ng tao kapag malamig naman hayahay sila??? ganun ba? Ay ewan.

Yung Retorika ko ewan ko ba kanuha ko na yang subject na yan ayaw nila i-credit kaya nagdudusa ako sa subject na ito super honda pa naman ng prof na ito. Honda-dot pag 7am nasa classroom na sya masipag mag check ng attendance at medyo terror-ish pa naman. Baka nga pati si Lucy(fer) sukuan sya... Another minor subject yan ha.

Naalala ko pa noon sa una kong course, Biology kailangan namin magkaroon ng experiment na mag oobserve kami ng buoyant force at ang oobserbahan namin ay ang paglutang ng tunay na tao sa tubig. So in short (shorter than me) eh nag swimming kami. Nahihiya pa ako na makita ng mga ka-klase ko ang sexy at kaakit akit kong mga taba at bilbil tapos natapat pa sa akin ang barkada ko na di marunong lumangoy. Hahayaan ko na sana sya malunod para matapos na ang ginagawa kong observation kaso wala talaga akong killer instinct (charito!) dahil dyan pasang awa lang tuloy ang grade namin.

Minsan nga naiisip ko bakit ba may mga prof na hindi naman sila ang major subjects pero bakit buwis buhay, dila laylay kung kukuin mo? Sobrang demanding dinaig pa ang major subjects namin...

Hayzt sana bigyan pansin ng Ched ito nyahahaha nandamay?...

Bago ko po tapusin ang entry na ito.... Sa mga nakakaramdam na ng Christmas season click here pero sa mga hindi pa nakakaramdam gawin ang mga sumusunod:

1) Huwag hihinga ng 2 minuto
2) Dapat ay may matinding concentrasyon
3) Umawit ng buchekek pag lagpas ng 1 minuto pero hindi pa rin hihinga
4) Subukang irevive ang sarili kung kaya
5) Kung hindi na kaya siguraduhing may naka antabay na ambulansya..

GOOOOOOO!!!!! lolz



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

Friday, November 15, 2013

few updates

Check-up Time: 2:50am



- Grabe ang bago kong sched napaka hectic. Monday to Saturday ang pasok ko sa school habang work naman sa gabi...

- Tinatanong ng ibang tao kung bakit pa ako ang 2nd course. Pinahihirapan ko lang daw ang sarili ko. Tapos na ako mag aral pero pinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa school.

- May uniform na kami ngayon. Nak ng teteng pang-nursing ang uniform namin nakaka-asiwa magsuot akala ng mga taga sa amin eh nurse ako. lolz

- Minsan eh gusto ko na sumuko sa pag-aaral ko dahil sa bukod sa napapagod ako eh tinatamad ako. Pero iba talaga pag may inspirasyon ka... Lakas maka highschool. (blush)

- May inabot na tulong ang company namin sa mga relatives ko sa Hindang, Leyte. Tinanong nila kung sino ang mga may kamaganak doon kasi ibibigay nila sa mga empleyado ang tulong at kami na ang bahalang mag bigay sa kanila.

- After ng shift ko bukas ay dederecho na ako sa Red Cross sa  Quezon City Circle HQ. Kasama ang ibang member ng PBO napagkasunduan namin tumulong sa repacking ng mga goods na ipapadala para sa mga victim ng typhoon Yolanda.

- Mahirap makipag usap sa taong walang pakialam sa sinasabi mo... Para kang nakikipagusap sa bato.

- Hindi dapat sa lahat ng oras ay ang tao sa paligid ko ang nakikibagay sayo... minsan dapat ikaw mismo ang makibagay sa kanila.

- Nakuha ko na ang ticket ko sa musical play na Wicked. Walang hiya kasi si Erin dahil aliw na aliw sya kay Miranda (Miranda Sings (try to find her in youtube) na kumanta ng defiying gravity ayun... nung nalaman na may musical play na wicked ay bumili ng ticket kaya may utang pa ako sa kanya... Ayos lang sa tingin ko ay maeenjoy ko naman ang play.

- Nakuha ko na din ang kopya ng libro na Wicked mouth ang unang Putok. Salamat din kay Erin. Pero kahit na may message na ito ni Glen at Sir Mots pupunta pa din ako ng Book signing nila.

- Ngayon pa lang ay pinaguusapan na namin ng mga kawork ko ang plano namin na out of town next year. Babalik ako ng Baguio. Hopefully this year tuloy na ang Baler at Thailand ko. Balak ko din mag Coron at baka bumalik ulit kami ni Bunso ng Boracay.

- Mag dadalawang linggo na akong may suot na eye shield. After ng lasik surgery ko eh pakiramdam ko naka contact lens ako at yung grado nya noon. Sabi ng doctora mas mararamdaman ko ang effect nya ng isa hangang 3 buwan dahil naka depende daw ang paglinaw ng mata ko kung gaano kabilis maghilom ang sugat ng tissue ng mata ko.

- Mukang magiging masaya ang holiday namin dahil kasama namin si Diko at asawa nya sa Pasko at Baging Taon... Hindi ako makakapagleave sa Pasko pero pag di nila ako pinayagan mag leave ng 31 aabsent ako kahit pa magkaroon ako ng memo lolz.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
 God Bless!

Tuesday, November 12, 2013

Tabang... Bulig....

Check-up Time: 9:00 pm


Uso nanaman ang pangongolekta ng stickers para sa taon-taong planer ng Starbucks...




Hindi lang sa Starbuck kundi ganun na din sa the Coffee bean, Seattle's best, at iba pang coffee shop pati na rin ang dunkin donuts.

Nakakatawa ang iba dahil lahat na lang yata ng shop na may ini-issue na planner eh gusto kumpletuhin, ang tanong magagamit mo ba ang lahat ng planner na yan sa loob ng isang taon? eh pare-pareho lang naman ang mga date sa bawat planner.

Kung sabagay kanya kanya namang trip yan, ano bang paki ko kung ku-kumpletuhin nyo lahat ng mga yan eh dito naman kayo makakatanggap at makakaramdam ng happiness di ba? (Sana lang wag nyo ako kalimutan bigyan ha, pleassssseeeee!!!)

Pero, ngunit, subalit, datapwat, bago muna natin lunurin ang sarili natin sa mamahaling kape sana ay magawa natin na isipin at tulungan ang mga kababayan natin na apektado ng nagdaang Typhoon Yolanda hindi lamang sa Tacloban kundi pati na rin sa Capiz.

Hindi man direktang tinamaan ang lugar ng mga relatives namin sa Leyte eh sobra ang pagaalala namin dahil sa inabot ng 3 araw bago namin sila natawagan at nakausap. Habang sa lugar naman kung saan ang probinsya ng sister-in-law ko ay wala na halos mapapakinabangan sa mga naiwan ni Yolanda.








ang mga pics sa taas ay random pics sa Tacloban at sa mga lugar sa Capiz, Iloilo.

Sa ngayon ay masigasig si Diko at ang wife nya sa pag-ask ng tulong sa mga kaibigan nila sa Manila na magbigay ng kahit anong tulong para sa mga taga-Capiz. Ang lahat ng tulong na ito ay direktang binibigay sa mga affected na tao sa Capiz dahil sa sobrang bagal ng distribution ng tulong sa lugar na iyon (ayon sa mga sources ay idinadaan pa sa politika ang lahat instead na maibigay na sa mga naghihirap na mga taga-Capiz). Mahirap manghingi ng tulong kaya bilang kapatid at may pusong Ilonggo din ay nagtatanong na din sa mga kaibigan kung pwede na magbigay ng tulong para sa mga apektadong mga mamamayan ng Capiz.

Bukod dito ay nakiisa na din ako sa project ng company namin na mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda... Nagkakabiruan na lang tuloy kami na baka bukas makalawa eh ako na ang walang maisuot pero ok lang, gaya ng sinabi ko noon if you want to be the greatest you must be the least (maipilit lang) pero hindi yan ang concern ko ngayon, sa ngayon ay gusto ko lang tumulong dahil sa parang bini-blender ang puso ko kapag nakikita ko ang mga bata at matanda na very helpless dahil sa lupit ni Yolanda...

Nakaka-chubby ng heart ang sinabi ng CNN kaya sana po sa maliit na paraan ay makapag-abot tayo ng tulong para sa mga nangangailangan dahil at the end of the day tayo tayo pa rin ang mga magdadamayan sa ganitong panahon...





PS:
- Ang Title ng entry ko ay salitang Cebuano (Tabang) at Hiligaynon (Bulig) na ang ibig sabihin ay tulong...

- Ang entry na ito ay ginawa ko last week para sana magremind na bukod sa pagkompleto ng mga stickers para sa mga planners ng paborito nating coffee shop na inaasam natin ay kumpletuhin din sana natin ang Simbang Gabi ngunit mas mukang dapat pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga kababayan natin..


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Thursday, November 7, 2013

Iloilo: Ang lakwatsa at food trip

Check-up Time: 8:12pm

Hello mga Kapamilya, Kapuso, Kabarkada, Ka-que, Kaibigan, Kaututang-dila, Kamaganak, Kapatid sa pananampalataya, Karelyebo, at Kachokaran...


Ako nga po ito wala ng iba pa, wala ng sasarap pa sa century tuna... anong konek? Paki-explain po, love you! Ewan ko din yun na lang ang nasalitype ko eh... pabayaan nyo na page ko naman ito... chars...


Nairaos namin ng maayos ang kasal ng kapatid ko, excited na ako makita ang video at picture galing sa nirentahan nilang photo at videographer... Unang beses ko maging isang bestman, I did my best naman kaya I think its good enough lolz.

Kuha sa ere noong papunta kami ni Bunso sa Iloilo.
ang cute ng mga clouds sa ilalim ng eroplano no? sarap mag palundaglundag...


dapat ba ang groom lang ang may moment? bakit ba? lolz


Sa chrew lungs, nung nakita ko ng naglalakad si Diko at ang kanyang mapapangasawa eh biglang may kumurot sa dibdib ko at na pa "ouch" ako ng medyo harsh... charus! Seryoso, medyo nakaramdam ako ng paginit ng muka ay may nangilid na luha sa kanang mata ko, di ko na pigil at tuluyan ng pumatak ito.... ganun po ang nangyari ate Charo... Charot! Seryoso na talaga. Medyo nakaramdam ako ng panghihinayang at kalungkutan. Panghihinayang dahil hindi namin kasama si Mama sa isang espisyal na event sa pamilya namin at malungkot dahil hindi nya masasaksihan na lalagay na sa magulong buhay ng pagaasawa si Diko namin.

sweet sweetan di ba?

ang kwadro de jack lolz

Nung hiningi na ang message ng mga magulang para sa bagong kasal ay ako ang nag salita in behalf of my Mother na nasa langit na... Madalas nya kasi sinasabi sa akin kapag nagkakape kami at napaguusapan ang love life ni Diko, sinasabi nya na "Kung sino ang pipiliin ng anak ko na mahalin, mamahalin ko din. Sya (ang wife nya ngayon) ang pinili ni Diko kaya hindi ako tututol at dapat na mahalin ko sya kasi sya ang mahal ng anak ko". Nung sinabi ko yun ay medyo naiyak ang sister-in-law ko na sa narining nya.


Nakasurvive ako sa kasal na iyon kahit na masama  pa ang pakiramdam ko dahil sa may colds pa ako ay may cough ahahaha.


Kinabukasan after ng kasal, rampage na ako, si Papa, at Bunso sa Boracay. Hindi namin kasama si Diko at ang wife nya dahil sa Guimaras Island sila nagpunta. Bago kami nag-Bora ay dumaan muna kami ng Sampaguita Gardens/Christmas Village kung saan 365 days na Christmas. Pagpasok pa lang namin ay gina-guide na kami ng mga cute angels na ito kung saan kami dadaan. nagpakuha kami ng mga pics sa mga cute na mga statue na ito. Hindi pa ayos ang merry-go-round at ang mini train na ito kaya pinabayaan na muna namin. Matapos noon at sa tapat naman ng palasyo na ito kami ng gulo..



Artihan mo yang bunso..


parang bata lang ahahaha

Palimot po..


inaayos pa ang merry-go-round at ang train

Sino may sabi na si Maito Guy lang ang pwede mag summon ng Pagong, Ako din kaya Lolz...


Sa loob ay nag kape kami dahil sa bus ay puro tulog ang ginawa namin. Inisip namin na kailangan na magising ang mga inaantok naming katawang lupa. Habang hinihintay ang aming kape ay kinuhaan namin ng litrato ang mga manika na kanilang ginawa, ginagawa at kanila ding binebenta sa publiko, ang Precious Moments Dolls.




special series ng precious moment dolls ito section na ito



Matapos namin magkape kami ay nagtungo sa likod na parte para naman tignan ang resort ng lugar. Nakaktuwa ang lugar dahil may bar din ito, may function room at seminar room.




Sinabihan kami ng isang staff na pwede kami pumunta sa garden sa likod nun. Pwede daw namin sakyan at lapitan ang mga statue na makikita namin doon para mag papicture at nandun din daw ang Mansion Museum ng may ari ng buong lugar. Dali-dali kaming nag tungo doon upang makita ang lugar at wala kaming sinayang na sandali nagpakuha kami ng litrato sa mga lugar na pwede pagkuhaan.


Gusto kong mangaso doon, Paquito ilabas ang mga aso madali!!!!!!

nga iipon ng chakra tinutulungan ako ng mga elepante lolz


sabi nila muka daw akong ganito... lolz


Matapos noon ay nagtungo naman kami sa Mansion para naman tignan kung ano ang meron sa loob. Doon namin nakita ang collection ng may ari ng lugar na si Mr. Sam Butcher. Si Mr. Sam ay tumira sa Asia at na humaling sa kulturang Asyano. Nagkaroon sya ng kaibigan na tag-Iloilo kung hindi ako nagkakamali sa pag kakawento, ito ay si Jojo. Hindi ko sure ang chismis na nasagap ko... Si kuya Jojo ata ay nagkaroon ng bahay na parang castle ang then dito nagkaroon ng idea ang mag kaibigan na gawin ang Chistmas cottage at ipinangalan sa kanya. Again, hindi ko po sure ito... ito ay base sa pagkakaintindi ko sa kwento sa amin hihihi...


akala mo naman marunong mag piano charut!

mga wall decors

Chinese table

parang lalagyan lang ng ostia

pinangarap ko mag karoon ng ganitong kama pero ngayon hindi na...

dinning area

2 ang piano sa mansion ito yung isa.

collection ng mga Chinese dolls
ang cute ng painting na ito may 3d effect sya
ang vase na ito ay galing sa Thailand... natakot ako kasi baka may sigbin... charut!
collection ng books
mga gamit  galing sa Thailand
sa receiving area naman makikita ang collection na ito
ang entrance
ang uber laking chandelier
Ang lahat ng mga collection ni Mr. Sam ay naiwan sa kanyang mansion. Mga figurine, mga gamit sa bahay, mga libro, mga malalaking banga, doll collections, piano, mga paintings, budah at iba pa. Pero may isang bagay sa kanyang collection ang talagang namangha ako..  sa 300 years old na opium bed. Sabi ng nag tour sa amin ang opium bed na ito ay nakuha nya sa isang auction.

astig nito promise
Dito daw madalas tumambay ang mga to-tropa na mga instik noon para suminghot ng opium at mag pachill chill ganyan.. Ang antigong gamit na ito ay medyo may mga tama na dahil na rin sa tagal ng panahon paborito na rin itong papakin ng mga anay kaya naman kitang kita sa taas na parte nito ang mga bakas ng kanilang pagpaparty. After nito ay pinuntahan namin ang chapel sa loob ng resort na ito...

entrance
sa wall na ito ay nabuo ang prayer na Our Father
eto naman ay kuha sa mga verse sa bible
sobrang natuwa ako sa message na ito ni Mr. Butcher.

Yung chrew lang nakakatuwa ang place na ito dahil sa napaka bait at accomodating ng mga staff nila yung tipong hindi ka pa nagsasalita ay sinabi na nila sayo kung ano ang mga dapat mong makita o i-expect sa lugar na tinuturo nila kaya naman hindi ka magmumukang nawawala o hindi alam ang ginagawa. Sobra ang aliw ko dito kaya naman nailagay ko sa visitor's log book nila na "this place brings back the child in me" kasi naman ganun talaga ang mararamdaman mo sa place. I will recomend you to visit the place kung mapapadpad kayo sa Kalibo, Aklan.


After namin magpack-up at umalis sa SGR ay nagtungo na kami sa terminal ng van papuntang port nga Caticlan. Akala namin ni bunso ilang utot lang eh nasa port na kami eh naborlog pa kaming 3 sa van ng higit isang oras nung maalimpungatan ako eh nakikita ko na ang seashore, indikasyon na malapit na kami sa port papuntang Boracay.


Matapos bayaran ang mga dapat bayaran ay sumakay na din kami sa pumpboat papuntang Boracay. Mainit ang sikat ng araw pero hindi gaanong mararamdaman ng balat mo dahil sa malakas din ang ihip ng hanging amihan kaya naman casual lang kami.








Pagdating namin sa Boracay ay humanap na kami ng tricycle na maghahatid sa amin papunta ng resort kaso hindi pala kaya ni koya na ihatid kami mismo sa hotel kasi naman sadyain ang place. Sa station 3 kami sa Bora, kahit na malayo kami sa lugar kung saan nandoon ang party eh parang favor sa amin dahil kasama namin si Paping na kailangan ng tahimik na lugar kapag matutulog.
  

sinisipat ang lugar na pupuntahan lolz

at talagang nag effort ako, nakigawa sa mga tao sa dalampasigan ahahaha

Sa hotel na ito kami tumuloy

kahit luma na ay well maintained naman ang lugar

at sobrang mura pa ng accomodation nila, Salamat Orchids Resort... Hopefully, see you next year..
finally naramdaman na ang panget kong paa ang tubig sa bora ahahaha

dahil sa damit ni Paping eh napagkamalan pa kami ng aleman na ito na taga Thailand..
water bending lolz
magselfie daw part 1
magselfie daw part 2 nyahahaha
baywatch kuno nyahahaha
Hindi naman namin pansin na malayo ang station 1 kapag naglalakad kami dahil aliw na aliw kami sa mga napapansin at nakakasalubong namin habang naglalakad. Picture na lang po ang magpapakita ang mga kakulitan namin sa Bora.
















Nagawa naman namin ang mga activities doon pero hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon dahil ang sobrang naenjoy ko ay ang night life namin sa Bora... Bakit? Kasama namin si Paping eh... Kung nung una eh sila ni Mama ang katagayan namin sa bahay kapag trip namin mag-inuman ngayon eh kasama namin si Paping na gumimik sa Bora. Pihado kung kasama pa namin si Mama ka-join force namin sya na tumagay tagay sa tabing dagat. Natatawa lang akong isipin na kasama namin sa table si Papa habang gumigimik kasi hindi naman namin nagagawa sa Manila ito kaya sobrang inenjoy ko ang moment na iyon.


sa bar na ito kami tumagay tagay.. sa harap nito ay tabing dagat na may chairs and tables..





Matapos namin tumagay ay nakuha pa namin na magkape nyahahahaha.



Sobrang naenjoy ko talaga ang bonding naming tatlo sa isla ng Boracay...


stolen sana pero aware si Paping ahahaha


inefortan ko ang picture na ito at ito ang pinakagusto kong picture naming tatlo

Ang balak ko pagbalik ko ng Iloilo ay makakapag Guimaras Island pa ako kaso naalala ko na hindi ko pala naisama sa budget ito kaya windang ako... So ito na ang huling hirit ko sa Iloilo...... Food trip.


Umuwi na si Paping at Bunso ng October 28 dahil sa mga aasikasuhin nila habang ako naman ay sa October 29 pa ang uwi kaya naman ako ang kasama ni Diko at ng wife nya mag food trip.


Hindi kompleto ang pagbisita mo sa Iloilo kung hindi mo matitikman ang kanilang bachoy kaya naman kimumpara ko ang bachoy ng Teds at ng Deco's Original La Paz Bachoy. 


Sa aming 3 (ako, Diko at ang wife nya) ako lang ang may rating na 8 out of 10 para sa Deco's lahat sila 10 ang score. Hindi ko alam sa panlasa ko kasi eh medyo matabang sya although sagana sa sahod ang bachoy ng Deco's at pwede ka pang humingi ng sabaw with no extra charge. Isa lang naman ang babae sa amin pero kung makahingi kami ng sabaw eh para kaming nag papasuso ng sangol lolz. Nangangamatay na kami sa kahihigop ng sabaw ng bachoy pero parang ayaw namin na kainin ang sahog ahaha patagalan kami ng kain. May 3 size ang Bachoy ng Deco's ang pinakamalaki nila ay good for 2 na kung medyo balingkinitan ang mga sikmura nyo lolz.



Kahit may Teds dito sa Manila ay kailangan kong kumain ng bachoy sa Iloilo para lang talagang -masabing masiba ako mai-compare ko ang lasa ng dalawang sikat na bachoy-an sa Iloilo. Swak sa panlasa ko ang Teds kasi medyo maalat ang timpla nila. Ewan ko lang, siguro nasanay ako sa lasa ng mga bachoy sa Bacolod na medyo maalat kaya naman mas swak ang lasa ng Teds sa akin. Kagaya ng Deco's 3 din ang size ng bachoy nila ang hindi ko lang sure eh kung pwede ka magpadagdag ng sabaw sa kanila. Ang teds ay nag-o-offer na din ng mga mga dessert na sobrang mouth-watering. Isa din sa mga must try sa Iloilo.






Napaguusapan na rin lang ang malalaki.. (i love malaki lolz) eh sumunod ko namang sinubukan ay ang Perri Todd's na malapit sa Jaro Plaza. Pagkaupo namin sa table na napili namin eh nagisip na agad kami ng burger na oorderin. ang naging order namin ay chessy mushroom burger, linguine meatballs pasta at isang tower of ice tea. Unang sinerve sa amin ang pasta ito ang pinagsaluhan namin. Isa sa fave ko na food ay pasta at so far ay pasado ang pasta na inorder namin. Very crispy ang outer layer ng meatballs nila halatang niluto sa deep fryer dahilan para magkaroon ng twist ng pasta dahil sa normally sa ganitong dish eh madalas na hindi ganun ka tigas ang outer layer ng meatballs. Siksik na siksik at malasang malasa ang meatballs na iyon idagdag mo pa ang lasa ng tomato based sauce ng pasta, ay naku grabe ang sarap nya. Ilang minuto pa ang lumipas dumating na ang main course... ten ten tenen!!!!!! nangamatay ako sa jumberger na ito. Seryoso ang hirap nya ubusin kahit na 3 kaming bumabanat sa jumberger na ito. Nung matapos namin upakan ang jumberjer Takbo naman kami sa city proper para tikman ang Iloilo's biggest siopao ahaha I told you mahilig ako sa malaki lolz.

credit sa owner ng pic.. di ko na kuhaan ito ng pic eh ahaha


hindi pa ako kumakain muka na akong haggard ahahaha




Bago pa man namin puntahan ang Roberto's ay nadaan kami sa isang simbahan, ang simbahan ng San Agustin... Niyaya ko na pumasok ang mag asawa para naman makapag dasal at magpasalamat...







Sa loob mismo ng simbahan ay may mga puntod...

Sabi ng mga locals eh kapag luto na ang queen siopao ng Roberto's eh mahaba na ang pila ng mga suki nila. May 4 na size ang siopao nila Regular, Jumbo, King size at Queen Size. Naghintay pa kami ng 2 oras para lang matikaman ang siopao na ito ahaha. Walang sauce ang siopao na ito pero malasa pa rin sya. Mas recomended na kainin sya habang mainit pa at bagong luto kasi mas malalasahan mo ang mga sankap nya. Kung oobserbahan mo dain manipis ang tinapay nya. Kung bakit ay dahil ito sa dami ng mga sangkap nya sa loob na di tinipid. Akala ko nga ang Taipao na ng northpark ang malaking siopao ang makikilala ko dahil sa naging crew ako ng restaurant na ito way back 2003 pero wait hindi pala papahuli ang Roberto's Queen Siopao ahahaha.





Ito ang super laking siopao ng Roberto's

siksik sa laman kusa na ang nipis ng matao dahil puro sya fillings
tulad nga ng sinabi ng isa sa mga signage nila... lafang lafang nyahahaha
ito ang full menu ng Roberto's

After ng food trip na ito ay nagpahinga kami sa Dapli, isang class na turo turo sa Iloilo ahaha pahinga yan ha lolz. Ang mga pagkain na sine-serve sa Dapli ay common na nakikita sa turo-turo pero wait but wait sa restaurant na ito ay di tinipid sa sangkap ang mga pagkain at malasang malasa sya. kahit ang mga dessert nila. Puro mga best seller ang in-order namin doon, ang sister-in-law ko ay nilagang pata, si Diko naman ay beef with mushroom naman at ang sa akin ay sweet in sour fish. Sa totoo lang madaming mga kumakain sa resto na ito dahil sa halagang 90 pesos lang eh nakakain ka na ng marangal charot ahaha. If tight ang budget nyo at gusto nyo kumain sa isang kainan na mura pero di tinipid ang lasa I will recommend Dapli.

salamat sa owner ng pic mas malinaw ito kay sa sa kuha ko..
There you point and they will serve ganyan..

O napagod na ba kayo at nabusog sa post na ito? Sana nag-enjoy kayo kahit kwento lang ito hihihi. May mga restaurant pa ako na babalikan sa Iloilo hopefully eh makabalik ako ng Iloilo sa 2nd quarter ng 2014. Gusto mo po ba sumama? lolz Mukang dapat magpalit na ako ng theme ng blog dapat siguro maging travel and food blogger na ako. Charot!


Bago ko tuluyang tapusin ang napakahabang entry na ito ay nais ko po na pasalamatan si SIMON YEE na kasalukuyan po ay sinusubaybayan na ang pahinang itong na walang kabuhay buhay at walang kapaparakan kasama din ng dalawang follower na walang pangalan... lolz.

Sana po ay maenjoy ninyo ang kalokohan ko sa pahinang ito... mamats po!!!




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!