Hello????????????? as in hellooooooooo?????
Is its me your looking for???????
Ay mali ako pala ang naghahanap sa inyo hihihi...
So much for the updates for myself. Umay na yata kayo lolz.
Nasabi ko sa inyo ang mga schedule ko ngayon sa school at promise sobrang nakakapraning ang schedule ko kahit yata pawis ko walang pahinga sa pagpatak (ang pinagtataka ko lang bat ang taas pa rin ng body fluid ko lolz).
Nakairita much pa ang iba kong mga prof ang sasakit nila sa gums parang gusto ko na nga bumili ng blade ng matapos na ang paghihirap ko. O kaya naman kumausap na ako ng mga pumapayag mag tumba ng tao for buy 1 take 1 na Angel's burger charot!
Last Friday lang ako pumasok kung bakit? eh tinatamad pa kasi ako lolz. Mukang hindi uubra ang aking best actor in a pretending role ngayon sem (last sem absent ako ng 1 month pag balik ko ay may band-aid ang kabilang bahagi ng palad ko at sinabi ko na na-dengue ako... PAK!!!! kinagat ng mga prof ang alibi ko at ang tataas ng grade ko laugh! laugh! laugh! laugh!).
Yung Computer Literacy na Prof ko naman susko frustrated na Call Center applicant at sinabi na nya sa mga ka-klase ko ang mga alam nya sa call center application sasagot sana ako kaso lang ayaw ko basagin ang trip nya... (evil ko lang lolz). Pero sa totoo lang nakakainis sya kasi naman minor subject na lang sya demanding pa. Haist! sa totoo lang 2 kami na irregular sa subject nya at pareho ng may computer subject before at pansin namin di sya credible sa subject na tinuturo nya kasi parang hindi IT-ish yung mga terms na gamit nya... Arte ko lang sa IT-ish nyahaha.
Yung subject naman namin sa Earth Science hay naku bukod sa pasakit dahil 12:00pm ang oras at ang init eh oras de piligro pa bukod doon ayaw nya ng late dahil 3 lates lang sa kanya absent na. Ang subject na ito ay minor subject lang pero parang dadaan ka sa butas ng karayon eh iniisip ko nga ano ang relationship ng Earth Science sa pag aanalize ng behaviour ng tao? kapag mainit ang lupa mainit din ang ulo ng tao kapag malamig naman hayahay sila??? ganun ba? Ay ewan.
Yung Retorika ko ewan ko ba kanuha ko na yang subject na yan ayaw nila i-credit kaya nagdudusa ako sa subject na ito super honda pa naman ng prof na ito. Honda-dot pag 7am nasa classroom na sya masipag mag check ng attendance at medyo terror-ish pa naman. Baka nga pati si Lucy(fer) sukuan sya... Another minor subject yan ha.
Naalala ko pa noon sa una kong course, Biology kailangan namin magkaroon ng experiment na mag oobserve kami ng buoyant force at ang oobserbahan namin ay ang paglutang ng tunay na tao sa tubig. So in short (shorter than me) eh nag swimming kami. Nahihiya pa ako na makita ng mga ka-klase ko ang sexy at kaakit akit kong mga taba at bilbil tapos natapat pa sa akin ang barkada ko na di marunong lumangoy. Hahayaan ko na sana sya malunod para matapos na ang ginagawa kong observation kaso wala talaga akong killer instinct (charito!) dahil dyan pasang awa lang tuloy ang grade namin.
Minsan nga naiisip ko bakit ba may mga prof na hindi naman sila ang major subjects pero bakit buwis buhay, dila laylay kung kukuin mo? Sobrang demanding dinaig pa ang major subjects namin...
Hayzt sana bigyan pansin ng Ched ito nyahahaha nandamay?...
Bago ko po tapusin ang entry na ito.... Sa mga nakakaramdam na ng Christmas season click here pero sa mga hindi pa nakakaramdam gawin ang mga sumusunod:
1) Huwag hihinga ng 2 minuto
2) Dapat ay may matinding concentrasyon
3) Umawit ng buchekek pag lagpas ng 1 minuto pero hindi pa rin hihinga
4) Subukang irevive ang sarili kung kaya
5) Kung hindi na kaya siguraduhing may naka antabay na ambulansya..
GOOOOOOO!!!!! lolz
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
Wooooh! na aliw namans ako sa bgm, Angel by The Corss :D
ReplyDeleteNaayyy... dengue-dengue-han ang peg? ang daya much ahahaha :D
natawa ako sa IT'ish lol
ang hirap naman ng challenge sa dulo nyahaha!
Nyahaha ganda pampagood vibes noh?
DeleteUu, wag ka maingay baka bawiin yung grade ko lolz.
Arte ko lang noh nyahaha.
kaya mo yan go... timer starts now.
Nakabatak ka na naman ah Daddy Rix. *hahahaha* Ang hyper mo ata ngayon? :P
ReplyDeleteNyahaha uu ibang klase ang nabatak ko ngayon sa school eh parang daling sa kili kili lolz.
DeleteNaku.. kahit naman may mga minor may naeenjoy din tayo jan.. Like Humanities.. papainting painting lang ang trip.
ReplyDeleteeh hindi nga ako marunong mag drawing eh.. buti na lang nadaan ko sya sa sayaw sayaw noong payat pa ako... hu u po ulit?
DeleteI Hate you Rix. |:(
Deleteditto...
DeleteBakit hindi ma credit yung courses? When I took another course, hindi na ako required kunin yang mga minor minor na mga yan. Ang sipag mo, at may mga bakasyon postings ka eh may pasok ka pala. Binabasa ko yung post mo tapos may tumutunog, may background music pala ire.
ReplyDeleteiba daw ang subject discription nila ang gusto nila word for word na pareho imba nga kainis.
Deleteahaha uu kung baga sa trabaho side line ko yan lolz.
ang hirap mag aral... daming subject... pero enjoy mo lang yan.....
ReplyDeleteButi bumenta ung dengue dengue mo hehehe....
Uu jon wala naman kasi ako choice eh lolz.
DeleteYep nagteatro ata ako (hanyabangs lolz)
awww. namiss ko ang mga ganitong klaseng problema!!! haha
ReplyDeletei miss school! hehe
shet nasayang lang yung MA ko. i want to go back!!!
Go Kc aral ulit ahahaha.
Deletewell pag may time. haha
Deletego na ako ng wala ding time eh nyahaha (damay damay)
DeleteGrabe. Hirap maging estudyante again. Buti sipag mo:)
ReplyDeletemommy Joy kung alam nyo lang how i-drag mayself to school lolz.
Deleteinfernes Rix, despite the hectic schedule naka punta at sama ka sa Red Cross! Aja!
ReplyDeleteKayang kaya mo yang busy sched at mga prof na yan :)
nyahaha its all for the love of charity... charutero lang nyahaha...
Deleteschhol problemss.... haharapin ko din ulo yung mga ganyang problema, malapit na.
ReplyDeletemagmamaster sya oh ehehehe.
Deleteayos sa olrayt yung mga ganyang prof, dedicated. Kapupulutan sila ng aral. Lalo na yung mga prof na matoxic kung magturo. Kulang na lang tumulo utak sa nostrils mo.
ReplyDeleteI miss schooling pero kailangan talaga muna kumita ng kwarta dahil taghirap.
true..masakit sila sa central nervous system. nayayanig nga ang left and right hemisphere ko sa kanila...
DeleteMeron pa yung, MINOR na FEELING MAJOR subj. at minor na dinaig pa ang major take note, di lang nagfeeling major hahaha! sorry nadala lang ako kabadtrip kasi XD pero alm kong kayang kaya mo yan! go go go!
ReplyDelete