Thursday, November 28, 2013

Ika-limang sabak

Check-up Time: 1:12am


Unang beses ko na gawin ito, sobrang kinakabahan ako. Tinawag na ang pangalan ko para simulan na ang nakatakdang programa na gagawin namin para sa mga babaeng bakas sa mga kulubot na mukha at balat ang lumipas ng panahon.

Medyo makulimlim ng araw na iyon, walang umaandar na bentilador sa silid, para sa iba ay sapat ang temperatura dahil hindi sila pinagpapawisan subali't ako naman ay hindi magkamayaw sa pagpahid ng butil butil na pawis. Nagsimula na akong magsalita. Sinasabi ko lang ang kung ano ang nasa isip ko dere-derecho. Huminto ako ng wala na akong maisip sabihin.

Naalala ko ilang beses na din ako ng bumalik dito pero wala akong ginawa kundi ang umalalay lang sa mga kasama ko kapag kailangan na nilang ibigay ang mga dala namin handog para sa kanila at akayin sila papunta sa mga pwesto nila.

Siguro ito na ang magandang oportunidad para malaman ko ang dahilan ng kanilang paglagi sa lugar na iyon. Ito din pala ang magiging dahilan ng pagtingin ko sa mga taong nasa lugar na iyon.

May ilan sa kanila na pinili na kalimutan ang sarili nila at nagpursege na kumita para mapagtapos ang kanilang mga kapatid. Sa kabila ng tagumpay ang kanilang kapatid naririto sila at kinukopkop ang lugar na ito.

Nakakaaliw ang isang matandang babae sa isang sulok ng lugar. Abala sya sa paggagansilyo habang kinukwento niya ang dahilan kung bakit sya napunta sa lugar na ito. Isa syang Vietnamese na refugee na kinopkop ng lugar ng dahil wala naman syang mapupuntahan.

Ilan sa kanila ang walang matirahan dahil sa wala ng kamag-anak at ang nakakahapis pa sa kanilang kwento ay ang pag panaw din ng kanilang kabiyak at ng kanilang anak.

Nagsilbi naman inspirasyon ang isang sa kanila na sa kabila ng saklay na gamit niya sa paglalakad ay nagawa nyang makapag pa-aral ng dalawang bata at napagtapos sa elementarya subalit hindi ko alam kung nadadalaw sya ng mga batang ito.

Ilan din sa kanila ang hinayaan na lamang ng kanilang mga anak na mamalagi dito subalit kapag tatanungin mo sila kung gaano sila kadalas dalawin ng mga ito ay sasagutin kanila ng "bihira lang".

Sa isang ginang ako nagtagal dahil medyo matagal bago tuluyang natanggap ng diwa ko dahilan ng kanyang paglagi sa lugar na iyon. Hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang nanay.

Nang pumanaw ang kanyang kabiyak ay pinipilit sya ng kanyang pamilya na muling mag-asawa ngunit tutol sya dito kayat mabigat man sa kalooban nya ay lumisan sya sa poder ng mga ito na hindi kasama ang kanyang anak.

Lumaki ang kanyang anak sa pangangalaga ng kanyang kapatid at nanirahan sa Pransya. Nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa kanyang ina ng ito ay dapuan ng katarata. Tinulungan niya ang kanyang ina sa operasyon pero hindi nito inisip na kunin ang ina at isama sa bansa kung nasaan sya at sinabi na magpapadala na lang sya ng pera para sa mga pangangailangan nito.

Sa kwento ng ginang na ito ay batid ko na hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang kanyang ina bagay na ikinalungkot ko. Maaring masama ang loob ng kanyang anak dahil sa nangyari subalit napaisip ako, ang mga taong nga na hindi kilala ang tunay nilang magulang ay ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang makita ang kanilang tunay na magulang, pero ang anak na ito, sa kabila ng katotohanan na alam na niya kung sino ang kanyang ina ay minabuti niyang hindi kupkupin at nakasama ang tunay na ina niya.

"Sana ay magbago ang pakikitungo ng iyong anak sa iyo bago pa mahuli ang lahat, may mga bagay na nagagawa ang tao dahil sa marahil sa panahon at sitwasyon na iyon, iyon ang naisip mong tama pero hindi ka dapat husgahan ng anak mo dahil alam ko na kung masakit sa kanya ang ng yari ay mas masakit para sa isang ina na iwan ang kanyang anak" ayan ang nasabi ko sa kanya.

Napakadaming mga malulungkot na kwento akong natuklasan ng araw na iyon, pero hindi ito alintana ng mga nandoon dahil para sa kanila ang oras na nandoon kami at oras na dapat magsaya.

Hanggang sa muli nating pagkikita....






*************
Ika-limang beses ko ng nakiisa at sumuporta sa programa ng mga kaibigan ko na magbigay at maghandog ng kaunting kaligayahan sa mga lola ng Huspicio de San Jose, subalit ang karanasan ko noong 24-Nov-2013 ang isa sa pinaka kakaiba, ng makisuyo ang aking kasama kung pwede ako muna ang mamuno sa programa.



************
Tatlong araw ng sunod sunod akong nagpapaskil ng kung ano ano sa pahinang ito.. baka magpahinga muna ako dahil baka maumay na din kayo.


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

14 comments:

  1. Oo nga ang sipag mag-blog. Anyways, this is one of my fave postings. Ang kailangan naman ng mga nanay eh kausap dahil hinahanap nga nila ang kanilang pamilya. Tama yang ginawa mo, naghatid saya, nakinig at ibinahagi sa amin ang iyong karanasan. Thumbs up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakaiba lang ang karanasan ko sa ika-limang balik ko dahil hindi ko inasahan ang ganitong scenario.

      Delete
  2. *lungkot much*

    Siguro kung ako ang bibisita sa kanila, maghahanda na ako ng balde T_T

    ReplyDelete
  3. aww kawawa si inay.

    grabe nakakadepress nga dahil nung pumunta rin kami sa isang home for the aged ng workmates ko nakita namin ang kalunos lunos na kalagayan ng mga matatanda.

    pero mas tumatak sa amin ang mga kuwento nila. ang dami nilang baon.
    hindi nila alintana ang kanilang kalagayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama totoo na nakakadurog ng damdamin lalo pa at malalaman mo ang mga malulungkot nlang kwento :(

      Delete
  4. kaka sad nga... nakakadurog ng puso ang mga kwento nila... sana makapunta din ako diyan.....

    ReplyDelete
  5. i dont know what to comment.. siguro sigh nalang and this :-(

    ..depressed

    ReplyDelete

hansaveh mo?