Check-up Time: 9:00 pm
Hindi lang sa Starbuck kundi ganun na din sa the Coffee bean, Seattle's best, at iba pang coffee shop pati na rin ang dunkin donuts.
Nakakatawa ang iba dahil lahat na lang yata ng shop na may ini-issue na planner eh gusto kumpletuhin, ang tanong magagamit mo ba ang lahat ng planner na yan sa loob ng isang taon? eh pare-pareho lang naman ang mga date sa bawat planner.
Kung sabagay kanya kanya namang trip yan, ano bang paki ko kung ku-kumpletuhin nyo lahat ng mga yan eh dito naman kayo makakatanggap at makakaramdam ng happiness di ba? (Sana lang wag nyo ako kalimutan bigyan ha, pleassssseeeee!!!)
Pero, ngunit, subalit, datapwat, bago muna natin lunurin ang sarili natin sa mamahaling kape sana ay magawa natin na isipin at tulungan ang mga kababayan natin na apektado ng nagdaang Typhoon Yolanda hindi lamang sa Tacloban kundi pati na rin sa Capiz.
Hindi man direktang tinamaan ang lugar ng mga relatives namin sa Leyte eh sobra ang pagaalala namin dahil sa inabot ng 3 araw bago namin sila natawagan at nakausap. Habang sa lugar naman kung saan ang probinsya ng sister-in-law ko ay wala na halos mapapakinabangan sa mga naiwan ni Yolanda.
ang mga pics sa taas ay random pics sa Tacloban at sa mga lugar sa Capiz, Iloilo. |
Sa ngayon ay masigasig si Diko at ang wife nya sa pag-ask ng tulong sa mga kaibigan nila sa Manila na magbigay ng kahit anong tulong para sa mga taga-Capiz. Ang lahat ng tulong na ito ay direktang binibigay sa mga affected na tao sa Capiz dahil sa sobrang bagal ng distribution ng tulong sa lugar na iyon (ayon sa mga sources ay idinadaan pa sa politika ang lahat instead na maibigay na sa mga naghihirap na mga taga-Capiz). Mahirap manghingi ng tulong kaya bilang kapatid at may pusong Ilonggo din ay nagtatanong na din sa mga kaibigan kung pwede na magbigay ng tulong para sa mga apektadong mga mamamayan ng Capiz.
Bukod dito ay nakiisa na din ako sa project ng company namin na mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda... Nagkakabiruan na lang tuloy kami na baka bukas makalawa eh ako na ang walang maisuot pero ok lang, gaya ng sinabi ko noon if you want to be the greatest you must be the least (maipilit lang) pero hindi yan ang concern ko ngayon, sa ngayon ay gusto ko lang tumulong dahil sa parang bini-blender ang puso ko kapag nakikita ko ang mga bata at matanda na very helpless dahil sa lupit ni Yolanda...
Nakaka-chubby ng heart ang sinabi ng CNN kaya sana po sa maliit na paraan ay makapag-abot tayo ng tulong para sa mga nangangailangan dahil at the end of the day tayo tayo pa rin ang mga magdadamayan sa ganitong panahon...
PS:
- Ang Title ng entry ko ay salitang Cebuano (Tabang) at Hiligaynon (Bulig) na ang ibig sabihin ay tulong...
- Ang entry na ito ay ginawa ko last week para sana magremind na bukod sa pagkompleto ng mga stickers para sa mga planners ng paborito nating coffee shop na inaasam natin ay kumpletuhin din sana natin ang Simbang Gabi ngunit mas mukang dapat pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga kababayan natin..
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!
naks may nalaman akong bagong salita. "TABANG BULIG" ♥ tara volunteer tau hehe! sabihan ninyo lang ako game ako..pero mga busy kau eh..
ReplyDeletemeron atang balak ang mga member ng PBO na sumama sa pag pack ng mga goods na para sa mga victims pero hindi pa na fi-finalize..
Deletetamaaa! tulong muna bago sticker!
ReplyDeleteok lang naman sana ang mag-collect ng ganun pero sana wag din po muna natin kalimutan na tumulong lahat naman ay gumagawa ng way para tumulong kaya maki-uso sana ang lahat...
DeleteStupid planner scheme... *tsk tsk*
ReplyDeletehindi naman nila kasalanan na nataon ito sa ganitong trahedya pero sana lang bukod sa pag-avail nila ng promo ay tumulong din sila sa mga nangangailangan...
Deletesa panahon ngayon, sa totoo lang, nakak-guilty magpakasaya masyado. hindi tama. at hanggat kaya nating tumulong, tumulong tayo....
ReplyDeletetrue... im proud of your students kasi in their own little way eh very eager sila na tumulong... nakakachubby ng heart ang kabaitan nila...
Deletesana lang mapabilis nga nila ang pagdala ng tulong at hinde nakaconcentrate lang sa isang lugar na meron camera...
ReplyDeleteSalamat po sa pagbisita sa pahina ko... Sana nga po, marami ang nag aabot ng tulong pero tila yata hindi natatanggap ng mga dapat tulungan sana po ay di matulog sa pansitan ang nasa local na gobyerno ay maging masigasig sila sa pagtulong... ngayon nila dapat patunayan na di nagkamali ang sambayanan sa pagluklok sa kanila sa pwesto...
DeleteTulong na, Tabang na, Tayo na!
ReplyDeleteGrabe, overwhelming talaga ang buhos ng tulong ngayon for Visayas. Nakakatuwa din ung mga foreign volunteers na ready to go na rin :))
Like what I'm always saying sa ibang blog post or fb post na ganito, di man ako makapag donate in terms of physical goods/services, naguumapaw naman ang prayers at suporta ko para sa lahat ng volunteers at mga kababayan nating labis na nasalanta,
God Bless the Philippines!
sana lang mabilis nila makuha yung tulong kasi yung iba sa kanila hindi nakakakuha ng tulong... Ang ibang baranggay ng tacloban ay ghost town na daw.
Deletedi lang ghost town, mamaya nyan puro zombies na lang ang mga nandun. battle for survival na talaga ito. ambagal dumating ng tulong from the gov't, kung meron man di pa rin talga sapat!
Deletenaku wag na sana nila hayaan maging walking dead ang tacloban baka magsisi sila...
DeleteStill I pray for the people of the affected area.
Tumulong na rin ako through one organization here. Hope more will donate
ReplyDeleteSana nga po mommy Joy... more victims need help.
DeleteKa bitter mo about sa planner ha. Pero totoo naman yun. hehehe, pareho lang naman. Siguro they're after the name or design. Braggin' rights baybhe.. lols. Oh akin na lang kung may kukuha ka. lels
ReplyDeleteDi ako masyado updated sa news abt the typhonn aftermath but I know na sobrang devastated ang Tacloban as what I saw naman sa pictures. Grabe. I'm thankful na kahit papanu di affected province namen.
Excuse me po dadaan lang po ako...
DeleteIm not bitter naman sa planner as I said kanya kanyang trip ang pag-collect nito dahil ito ang makakapag bigay ng happiness sa kanila ang sa akin lang sana aside from collecting stickers sana naman ay magkaraoon din sila ng kind heart to help those who are in need...
Planner season na naman pala! Kung andyan ako sa Pinas, nangunguna na siguro ako sa pangungulekta ng stickers hahaha
ReplyDeleteIsantabi na muna yang planner, tulong muna unahin natin...
Matik na yan lolz.
DeleteTrue! umuwi ka na kasi kuya Mar ng makapag-organize na ng sunod na outreach lolz.
buti nalang kuntento na ako sa planner na nasa loob ng selpon ko lolz!
ReplyDeleteay nako te sana mabilis dumating mga tulong sa mga nangangailangan . .
Sana nga. Parang di umuusad ang tulong ng gobyerno eh pero.. dami tuloy nakakaawa.
Delete