Saturday, November 23, 2013

Gubye!

Check-up Time: 3:30am

Sa totoo lang buhat ng ibinigay ka sa akin ay puro pasakit na lang ang naramdaman ko.

Hirap ako na tanawin ang landas na dapat kong daan at puntahan. Hindi ako kumportable sa aking ginagawa.

Pinagtyagaan din kita ng 3 linggo. May mga bagay na dapat na magagawa ko ng maayos ngunit ikaw ang naging sagabal para magawa ko ito ng walang hirap.

Kahit sa pagtulog ko dapat nandyan ka kahit na gusto kitang mawala ng pansamantala hindi pwede dahil ako rin ang mahihirapan kung bigla na lang mawalay ka sa akin.

Salamat at pumayag na ang doctor na tanggalin ka. Ngayon ay makakatulog na ako ng maayos, ngayon ay makakakilos na ako ng walang aalalahanin, ngayon ay makakapaligo na ako ng dere-derecho, ngayon ay makakapaglakad na ako ng di ka alintana.

Sa wakas medyo maayos na ang paningin ko. Hinihintay ko na lang ang tuluyan paghilom ng mga sugat sa aking mga mata. Hindi ko man alam kung talagang ganap na magiging malinaw ang aking natatanaw pero sa ngayon ay masaya ako sa mga bagay na naaninag at nakikita ko ng walang ibang instrumento na tutulong sa akin para makita ang magagandang bagay nasa paligid ko...

Paalam eye shield, ngayon ay isa ka na lamang alaala na ako ay sumailalim sa kakaibang karanasan upang maibalik ng kakayahan kong makakita ng maayos ng walang antipara at modernong lente sa mata.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

16 comments:

  1. Eye shield pala....abala nga yan.....let it go na .....
    just dropping by early in the morning.... busy-busyhan ang weekend ko!

    ReplyDelete
  2. Naiinggit ako. Gusto ko na din magpa-LASIK. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto mo irecomend kita sa doctor ko? lolz

      Delete
  3. haggard pala si eyeshield pati pag tulog kailangan suot! Perp buti na lang bye bye na..adios eyeshield! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. true ahaha. minsan nga nakakainis na sya hindi ka makatulog ng maayos ahaha.

      Delete
  4. ang bigat siguro nyan... tiis-ganda lang ang drama....hahaha :D :D :D
    oh well, ngayon, ganda na lang.. bye to the tiis eyeshield!

    ReplyDelete
  5. akala ko kung ano na.... ^_^ musta na diyan....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayos naman ang lahat Jon ahaha salamat :D

      Delete
  6. yun oh! babush eyeshield 21 nah XD

    ReplyDelete
  7. Buti naman. So mas pogi ka na ngayon na wala kang suot na eyeshield? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha imposible po yan mommy Joy.

      Delete
  8. so dahil nagpalaser ka ng mata?

    oh em kung oo, inggit ako... hehe though parang ayokong i-let go ang aking salamin.
    hehe may character kasi pag may salamin. mukhang matalino kunyari. nyahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep nagpalasik po ako.

      - nyahaha yan din ang inaachive kong peg noon natuluyan ako. nag kagrado ang mata ko super taas tapos nagdusa ako dahil sa hirap makakita lolz...

      Delete

hansaveh mo?