Friday, November 15, 2013

few updates

Check-up Time: 2:50am



- Grabe ang bago kong sched napaka hectic. Monday to Saturday ang pasok ko sa school habang work naman sa gabi...

- Tinatanong ng ibang tao kung bakit pa ako ang 2nd course. Pinahihirapan ko lang daw ang sarili ko. Tapos na ako mag aral pero pinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa school.

- May uniform na kami ngayon. Nak ng teteng pang-nursing ang uniform namin nakaka-asiwa magsuot akala ng mga taga sa amin eh nurse ako. lolz

- Minsan eh gusto ko na sumuko sa pag-aaral ko dahil sa bukod sa napapagod ako eh tinatamad ako. Pero iba talaga pag may inspirasyon ka... Lakas maka highschool. (blush)

- May inabot na tulong ang company namin sa mga relatives ko sa Hindang, Leyte. Tinanong nila kung sino ang mga may kamaganak doon kasi ibibigay nila sa mga empleyado ang tulong at kami na ang bahalang mag bigay sa kanila.

- After ng shift ko bukas ay dederecho na ako sa Red Cross sa  Quezon City Circle HQ. Kasama ang ibang member ng PBO napagkasunduan namin tumulong sa repacking ng mga goods na ipapadala para sa mga victim ng typhoon Yolanda.

- Mahirap makipag usap sa taong walang pakialam sa sinasabi mo... Para kang nakikipagusap sa bato.

- Hindi dapat sa lahat ng oras ay ang tao sa paligid ko ang nakikibagay sayo... minsan dapat ikaw mismo ang makibagay sa kanila.

- Nakuha ko na ang ticket ko sa musical play na Wicked. Walang hiya kasi si Erin dahil aliw na aliw sya kay Miranda (Miranda Sings (try to find her in youtube) na kumanta ng defiying gravity ayun... nung nalaman na may musical play na wicked ay bumili ng ticket kaya may utang pa ako sa kanya... Ayos lang sa tingin ko ay maeenjoy ko naman ang play.

- Nakuha ko na din ang kopya ng libro na Wicked mouth ang unang Putok. Salamat din kay Erin. Pero kahit na may message na ito ni Glen at Sir Mots pupunta pa din ako ng Book signing nila.

- Ngayon pa lang ay pinaguusapan na namin ng mga kawork ko ang plano namin na out of town next year. Babalik ako ng Baguio. Hopefully this year tuloy na ang Baler at Thailand ko. Balak ko din mag Coron at baka bumalik ulit kami ni Bunso ng Boracay.

- Mag dadalawang linggo na akong may suot na eye shield. After ng lasik surgery ko eh pakiramdam ko naka contact lens ako at yung grado nya noon. Sabi ng doctora mas mararamdaman ko ang effect nya ng isa hangang 3 buwan dahil naka depende daw ang paglinaw ng mata ko kung gaano kabilis maghilom ang sugat ng tissue ng mata ko.

- Mukang magiging masaya ang holiday namin dahil kasama namin si Diko at asawa nya sa Pasko at Baging Taon... Hindi ako makakapagleave sa Pasko pero pag di nila ako pinayagan mag leave ng 31 aabsent ako kahit pa magkaroon ako ng memo lolz.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
 God Bless!

30 comments:

  1. ayos naman kahit papaano ay napapatambay ka pa rin sa crib mo bukod sa dami ng ngyayari sayo.

    ReplyDelete
  2. taray daming ganap.

    uy bet ko ring manood ng wicked! teka nga kukulitin ko yung friend ko kung what day kami manonood! shet.

    ano nga pa lang second course mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh ahahaha.

      Go lang batang teatro din ako kaya alam ko na maeenjoy ko sya kahit mahal lolz.

      Psych po :D

      Delete
  3. Try mo mag masters. Mas konti units kesa undergrad degree.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha balak ko sana kaso kung mag master ako gusto ko hindi ako nag wowork para makapagconcentrate ako.

      Delete
  4. I am taking up a second course too! At first it gets awkward to be with people 2-4years younger than you pero eventually I got used to it :) I hope you do good in school ;)

    ReplyDelete
  5. Napagod ako samantalang binasa ko lang ang updates mo. Pupunta ka pala dito, ako naman ang magtatago lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha dami noh? ahaha. ang balak naman 3 days 2 nights

      Delete
  6. Replies
    1. Ay Feb 8 kami... Sayang hindi tayo sabay. :P

      Delete
    2. keri lungs basta alam ang wento ng play ayos na yun nyahaha.

      Delete
  7. Woot? madaling araw naga-update ng blog :D

    Ikaw na talaga si Super Rix! lagare sa umaga hanggang gabi XD

    Woot? sino kaya yang nagbibigay inspirasyon sayo? *evil grin* at ang nurse uniform, pa selfie naman kahit isa lungs wearing it lols

    At tuloy na tuloy na pala kayo sa pagvo-volunteer magrepack ng relief goods for Phil Red Cross. Goodluck guys!

    Ang lakas maka anime ng "eye shield" ahahaha :D

    Magiging super linaw na ng mga mata mo before Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha uu namans

      nyahaha baka nga lagare-in na ako ng literal eh lolz.

      sikereto lolz ahahaha.

      true bukas ang pag vp-volunteer ehehe.

      lolz. uu nga eh eyeshiel 21 ang peg

      sana nga *cross fingers*

      Delete
  8. haha.. ikaw na mayaman... daming gustong puntahan.. hehe. bukas sa qc circle and PBO? ano oras yun? sana makapunta ako..

    pinaka masaya talaga ang holidays ng december to january.. lalo na ang new year kasi dun talaga kayo nagtitipon-tpon na pamilya..

    ang cool dito sa place mo .. no rooms for sadness ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman po ahahaha gusto ko lang talaga maranasan magtravel, deprive kasi ako sa ganyan.

      5:30 po ang meeting sa QC city hall po.

      Chrew po yan.

      hahaha yung may ari po ang sad lolz.

      Delete
  9. Ang yaman mo talaga Rix. Kamusta naman mga travel plans mo at LAsik?? Huwaw.. yaman!

    ReplyDelete
  10. daming naganap ah.... ako nga parang like ko din mag aral ulit..... sarap din kasi ng buhay studyante.... nakaka miss din...

    sana okay na mga relatives mo....

    ingat lagi.... enjoy lang diyan ^^

    ReplyDelete
  11. Ang daming travel plans! Pasama naman hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Push o kaya plan ka kuya Mar if pwede ako sama ako lolz. Sama mo na rin si Empi :D

      Delete
  12. You are really busy man. But you like what you are doing, so yon ang importante.
    Good luck sa PBO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara ka dyan Mommy Joy. A lot of things to do but few hours to spend.

      Delete
  13. napaka sipag mo kaya..pero kahit paminsan minsan pahinga rin :)so go go go na sa travel

    ReplyDelete

hansaveh mo?