Friday, April 25, 2014

Verum Est?

Check-up: 11: 08pm

Ikaw ba naniniwala sa Alien?

Maari ng naman na totoo sila pero hindi ko lang sure. Medyo may "to-see-is-to-believe" kasi ako na ugali kaya naman minsan yun ang kinaiinis sa akin ng mga nakakakilala sa kin.

Bakit ko ba na open ang issue na yan?

Noong Holyweek kasi wala akong ginawa kung ang panoorin ang mga Bible's Buried Secrets masyado ako na amaze sa pag lilink ng mga archeologist sa history at Bible. Kahit na may mga discrepancy ay naexplain naman doon na hindi lang isang tao ang nagsulat nito kaya naman posible na may mga ganitong hanash ang bible. May theory pa nga silang tinawag sa discrepancy na ito eh hindi ko lang matandaan kung ano tawag pasencious

Pero napatunayan naman nila na talagang may basis ang history sa bible dahil sa binangit naman sa mga tablet na nakita nila ang salitang House of David na nakaukit sa mga bato somewhere near Jerusalem.

So much nanaman sa mahaba kong hanash, ito ang real score lolz. Naalala ko ang sinabi ni Diko about sa Area 51 na documentation. Nabangit nya sa akin na ang main reason daw why God created the great flood during the time of Noah. This is to wiped out the Nephilim.

Ang Nephilim daw ay mga giants noong panahon na offspring ng mga angels and a human. The angels na sinasabi daw sa documentary are the fallen angels at si Goliath ang isa sa mga pinaniniwalaan na Nephilim. Sa iba naman ang theory nila ay ang mga giants na ito are aliens who mated the humans kaya sinilang ang mga titans at dahil karamihan sa kanila ay masama nag-decide si God na gawin ang great flood to wipe out 409,000 giants.

Pero natanong ko sya kung ano ang kaugnayan noon sa area 51 doon?


ang Area 51 na kuha ng mga satellite sa space


Sa Lovelock, Nevada noong 1912 ay may mga rancher na pumunta sa isang isolated na bundok para kumuha ng pataba ng lupa sa isang cave, napansin nila na sa loob noon ay may mga parang statue silang nakita, mga gamit sa pamimingwit ang ang ikinagimbal nila ay may nakita silang mummified na being na may pulang buhok and the height of the being is not normal dahil mas mataas pa sa 7 footer. Nasabi ng isang archeologist doon na ang dating prinsesa ng tribo ng mga indians sa lugar na iyon ay nagpatotoo sa may giant sa lugar na iyon dahil isinulat nya ang kwento na ito sa kanyang libro. terey  ni ateh noh? May book... Lolz.

So ito na nga! Kung naniniwala ang iba na may kaugnayan mga alien sa mga giant eh paano ba mapapatunayan ang tungkol dito? Doon papasok ang Area 51 na kaunting kembot na lang eh malapit lag din sa place kung saan nadiscover ang giant.

Ang Area 51 ay nasa Groom Lake, Nevada. Ito ay isang US Airforce Base na matagal ng isolated sa kabihasnan at may tight na security. Sinasabi nila na napakadaming top secret na mission, operation, at test ang ginagawa sa lugar na ito at ang isa pang mistery nito ay noturious ito bilang isa sa mga site kung saan talamak ang pagpapakita ang flying saucer ng alien.

Pinanood ko ang mga documentary about sa area 51. Si Bob Lazar, isang Psysicist na naging empleyado ng S4 isa sa mga location sa naturang base ay naglabas ng sarili niyang documentary about  reverse engineering kung paano nagagamit ng mga extraterestrial ang kanilang sasakyan ay sinasabi na gumagawa ng haka haka base sa sinabi ng US government. Sinubukan ng ilan na tignan ang credential nya para malaman kung talaga ngang scientist sya sa naturang base pero bigo sila dahil hindi nakalista ang pangalan nya sa mga listahan ng empleyado. Hanggang nag simula ng magsalita ang ibang mga dating nagtrabaho sa Area 51. Matalino ang gobyerno nila, psydo-name ang mga gamit nila, hindi mo makikita ang project ng iba dahil sarili mo lang project ang dapat mo intindihin ay ang mga kasama mo lang ang makikita mo at makakausap mo. In short pwedeng pwede nila pabulaanan ng testimonya ng tao na naglabas ng sekreto nila.

Ganun pa man, sabi ng mga retiradong piloto ng US na ang encounter sa mga flying saucer na ito ay halos kapareho ng kapwa nila piloto.

Totoo nga kayang may Alien? Kung totoo man dapat ka ba matakot? Totoo nga kaya na sinisekreto ng ibang tao ang tungkol sa katotohanan na ito? Kung totoo bakit nila ginagawa yun?

Dami ko tanong noh? Sobra kasi ako nafacinate at na-overwhlem sa mga bagay na nalaman ko kaya ayun...

Disclaimer: ang mga sinabi ko sa post na ito ay ayun sa pagkakaunawa ko sa napanood ko. Mas mainam din siguro kong mapapanood nyo ang mga ito para naman magshare tayo ang insights.

Sya dyan na nga muna po kayo.... Dahil 2 weeks na akong nagisa sa stress ko sa work its time to enjoy... Makikipag mingle muna ako sa mga Igorot hihihi...


Till next time po



Time: Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

18 comments:

  1. verum est :) akala ko yung dating palabas sa tv...

    interesting naman yang napanuod mo, at hindi ko alam na may pagka-'greek mythology' pala ang Bible, may mga giants, titans at may alien pa pala :)

    nakaka-kati sa utak ang mga ganitong impormasyon, yung gustong-gusto mo talagang malaman kung ano ang katotohanan, at ngayon ko lang narinig yang area 51 na yan ah, ano bang pinagkakaabalahan ko at hindi ko alam yan hehehe

    salamat sa mga ganitong info :) napakamisteryoso talaga ng buhay at ng mundo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha sabi lang sa documentary na napanood ko lolz.

      uu nga eh kaya naman ilang lagpas 1 hour na documentary ang pinanood ko ng holyweek.

      Delete
  2. fave ko ang verum est dati! hihi

    anyway dahil naniniwala ako sa diyos, hindi nagwowork sa akin ang to see is to believe. may mga bagay kasi na hindi man natin nakikita, atin namang nadarama, natitikman o naririnig pero di natin nakikita. hehe kaya open minded ako sa ibang mga bagay gaya ng aliens na yan. hehe

    ReplyDelete
  3. pagdating sa mga supernatural and extra terrestrial, interesado ako. I love bible, not bec,I believe in bible, but bec of the lessons. Prof ko sa theology ang nagsabi sakin, di totoo ang Noahs Arc, at ang iba pang kwento sa bible. Speaking of aliens, fav kong panuorin ang ancient aliens. Lahat ng bagay at civilization natin, dahil sa alien or with the help of them. even Gods ay me kinalaman sa alien. interesting..haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oi musta na? Salamat sa pagdalaw ☺

      Hehehe sobrang interesting nga ang mga bagay about sa kanila im planning to watch more of the mystery and supernatural things next time ehehehe.

      Delete
  4. ang tanging naalala ko lng palagi tuwing nakikita or naririnig ko ang salitang Area 51 ay yung movie na Independence Day saka si Will Smith nyahaha.

    may alien ba talaga? i dunno... pero somewhere out there... sa malaying galaxy, millions of light years away sa ating Solar System, I believe may planetang tulad din ng mundo kung saan may mga nakatirang nilalang... kung ano ang itsura nila... walag nakakaalam...

    Verum Est... totoo ba ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha wild wild west?

      Siguro nga? pero hindi pa ako nakakakita eh lolz

      Delete
  5. Grabe talaga. Marami tayong di pa alam. Thanks for the info:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep mommy Joy kaya nga im watching docus about it interested ako sa topic ehehe

      Delete
  6. Napaisip tuloy ako at napatingin sa salamin, lol! Mahanap nga yan at nang mapanood. Sige baka hindi Igorot makita mo, mga mummified princesses kaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha kababaliw ko lang galing sa bundok. sakit ng katawan ko ☺

      Delete
  7. whatta bg music..scary! stop it haha! kaya minsan di ako makapasok ng horror house dahil sa bg music na ginagamit..Even me to see is to believe din ako eh but i truly believe in God and Gods word.nagkakaroon ng ganitong pangyayari dahil marami na kasing versions na lumalabas thats why lumalaki at lumalawak ang isang bagay kaya na uuwi ito sa maraming katanungan at ang iba ay kanya kanya ng prediksyon kaya di maresolba ang isang bagay kaya naiiwan ito sa kategoryang teyorya na lamang. :)

    ReplyDelete
  8. Alien? They live among us... di mo lang alam yang katabi mo eh alien na pala hahaha...

    Interesting topic to ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyaha watch ka rin ng mga ganito tapos kwentuhan tayo habang nagkakape..

      Delete
  9. I believe that aliens exist. Ayon sa
    mga paranormal experts, aliens
    are real. Ang mga aliens daw ay
    spirits at may powers.
    Meron namang mababait at isa na
    diyan ang PLEIADIAN ALIENS:
    mala-diwata ang kanilang hitsura.
    Di sila masyadong pumupunta sa
    earth, pero nakikipag-commu
    nicate sila sa mga tao sa
    pamamagitan ng telepathy. Goal
    nila na maging mabait ang mga tao
    at tulungang madevelop ang
    spiritual.
    Isa pang specie ng aliens ay ang
    SIRIAN ALIENS: sila ang tumulong
    sa mga ancient egyptians, ancient
    mayans, atbp.
    Meron ding masasama at example
    diyan ang REPTILIAN ALIENS: sila'y
    mga chaka, madaming kaliskis,
    nangangain, at shape shifters.
    Thousand years ago nung sila'y
    dumating sa earth at dito na
    nanirahan. At this time, andiyan
    lang sila sa tabi-tabi. Sila ang
    pinakakinatatakutan ko dahil
    bukod sa chaka eh nakatira daw
    sila ngayon sa ilalim ng lupa.
    Posible nga kayang merong aliens
    sa ilalim ng mismong kinatatayuan
    natin?
    afraid much!
    -anonymous beki

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salam,at sa pagbisita AB..

      Ehehe medyo fan ka din pala ng ganitong topic.

      Delete

hansaveh mo?