Check-up Time: 5:20pm
Nasabi noon sa mga previous post ko, kung di ako nagkakamali eh February-ish or March-ish na balak ko pumunta ng Baler.
3 years ago pa noong nagsabi ako na gusto ko pumunta doon pero ayaw ni Lord, sabi nya may tamang time with tamang people to go there, ganyan... Close kami di ba? Sa wakas ay nagkaroon na ng katuparan ang wish ko. Kararating lang namin ng Baguio eh inayos na namin ang magiging accomodation namin sa Baler at nag-try na kami magpareserve ng ticket sa Joy bus ng Genesis. Akala namin everything will be smooth... Yun ang akala namin ng bigla kami makatanggap ng email na fully booked na ang Joy bus. Hindi maari ito! Hindi pwedeng ma-postpone ang byahe namin kung hindi lalaslasin ko ang pulso ng kung sino man ang makatabi ko.... Charot!
Dahil sa ako ang taga-research nila ng mga lugar, byahe, things to go, things to check, thing to bring and so on eh naghanap na ako ng ibang alternative on how to get to Baler, at magugulat kayo kasi ang alternative na natuklasan ko ay...... "Dimensional Travelling" Chars!
Ito ang sabi ko sa kanila pwede, kami sumakay ng regular trip sa Genesis or magcu-cutting trip kami. Sasakay kami ng bus pa-Cabanatuan at from Cabanatuan Central Terminal eh sasakay kami ng either van or bus pwedeng aircon o ordinary.
Nalaman ko na papunta din pala si Glentot ng Wickedmouth ng araw na pupunta din kami kaso lang hapon pa sya ba-byahe at kami naman ay madaling araw. Nagtanong sya kung paano ang gagawin namin para makarating sa place. Sinabi ko sa kanya ang gagawin namin. Sasakay kami ng walis. Ching lang! Sinabi ko
na kung di kami makakaabot ng regular fare eh cutting trip ang gagawin namin.
At heto na nga, dumating ang oras ng rampage to the wonderful Baler. Pagdating namin ng terminal puno na daw ang bus wala kaming choice kundi ang pumunta sa kabilang bus station at bumyahe pa-Cabanatuan. Nakarating kami ng Cabanatuan ng hindi ko alam dahil orlok ako. For the first time sa byahe ko tulog ako ahaha. Medyo nagtagal lang kami nung nasa terminal na kami ng Cabanatuan. Punuan ang bus at pakyaw ang mga van. Tinataga kami ng mga barker ng van at pinaghintay kami ng matagal para sa padating na daw na van. Hindi nila sinabi na may mga nagaabang pala na bus sa likod ng parang di ko sure kung mall ba yun, hindi kasi tapos ang gusali na yun. Kahit na kinontrata kami ni kuya ay dineadma na namin sya at sumakay na kami ng bus.
Isa sa mga naenjoy ko sa byahe namin dito ay ang discount ko bilang isang estudyante habang ang pamasahe nila ay 200+ ako naman ay 100+ lang. Yeh! Lelz. Akala ko ilang sandali na lang eh makakarating na kami doon yun pala ilang oras pa ahaha. Literal na butasan ng upuan ang byahe sa Baler nyahaha.
Nakarating kami ng Baler ng pasado alas-nueve ng umaga. Pagsakay namin sa tricycle para dalhin kami sa accomodation namin eh kinontrata na din kami ni kuya tricycle driver at sinabi nya na kung gusto daw namin na sya na ang mag service sa amin... ay parang ang panget pakinggan baguhin ko nga lolz. Sabi ni kuya eh pwede namin i-rent ang tricycle nya para ilibot kami sa mga lugar na pinupuntahan ng mga dayo sa Baler. Sabi nya normally eh 800 pesos for 2 person lang ang binibigay na offer ng mga taga-doon pero sa amin daw 800 pesos for 4 person na daw... Hindi ko alam kung ineechus kami ni kuya ng mga oras na yun pero since yun naman talaga ang plano namin go for gold na kami.
Sabi namin kay kuya sobrang sandali lang magpapalit lang kami ng damit yung comfortable para naman maenjoy ang pamamasyal namin. Sabi ko pa naman 10 minutes lang inabot kami ng 20 minutes pero mabait si kuya. Kahit kantiin mo di gumaganti, kems lang.
Nakiusap kami kay kuya na idaan muna kami sa Gerry Shan's para kumain dahil nangangatog na kami sa gutom. Ang Gerry Shan's ay eat all you can na... hmmm well ang ambiance nya ay more of eatery kaya di ko masabi na restaurant pero wag mo maliitin ang lugar na ito dahil sa halagang 199 eh aalis ka ng busog dahil sa sarap ng mga pagkain nila na lutong bahay.
Umalis kami ng Gerry Shan ng hindi ko alam kung paano ako uupo sa tricycle sa sobrang busog ko. Buti na lang smooth ang daan na tinatahak namin ng biglang...... Tententenen... Papunta na kami ng Mother Falls napraning ako ng ang daanan namin ay sobrang mabato kaya alam mo yung pakiramdam na busog ka at aalog-alog ang sinasakyan mo dahil sa ganito ka rough ang road...
Sa totoo lang pakiramdam ko talaga ay any moment ma-eerna ako ahahaha pasintabi sa mga kumakain. Yan po kasi talaga ang pakiramdam ko. Susko buti na lang at nakayanan ko hanggang doon sa simula ng trail paakyat ng Mother Falls.
Mainit ang panahon kaya naman ng makakita ako ng tubig eh kahit na may daanan para di ka mabasa ng tubig ay hindi ko dinaanan yun mas pinili namin ng mga kasama ko na lumusong sa stream. Ubod ng lamig ng tubig nakakaginhawa ng pakiramdam.
Halos isang oras ang lalakarin mo paakyat ng Mother Falls pero kahit mahaba ang trail eh madami kang pwedeng makausap, makasabay, umispot ng inspiration (sa akin talaga nanggaling ito lolz), at sobrang dami mong mapapansin.
Nang makarating kami sa falls eh tumawid kami sa kabilang pampang para masaksihan ang ganda at majestic na scene. Nganga kami sa nakita namin dahil sa sobrang daming inspiration na naliligo... este dahil sa ganda ng falls. Sobrang lamig dito ang iisa ang sinasabi ng mga naliligo.... "Ang lamig ng tubig". Sinamantala na namin ang pagkakataon na maenjoy ang lugar na yun after a few pictures eh nag decide na kami na pumunta sa ibang lugar.
Ang sunod na pinuntahan namin ay ang Millennium Tree. Akala ko ito ay sobrang massive na park pero ang Millennium Tree pala ay isang matayog at matatag na puno na nakatirik sa lugar na nasasakupan ng isang promenenteng pamilya sa lugar. Napakataas at nakakamangha ang puno. Kapag nakapasok ka sa loob eh magugulat ka dahil ang kinatatayuan mo ay ang ugat ng napakalaking puno ng Balete. Ibang klase ang lugar dahil sa sila ay may wifi hotspot kaya kapag kuha mo ng picture pwede mo na agad i-upload at i-share sa kahit anong porn site... este, social networking site pala lolz.
So ito na nga nakakatuwa pa ang mga nagaassist doon dahil sa may nakuha pang trick ang mga kasama ko... Ang kumuha ng panoramic style gamit ang mga cellphone nila lolz.
Umakyat kami ng isa kong kasama sa mga ugat nito at nag pakuha kami ng picture ito ang isang bagay na talagang ineffortant ko, kasi naman once in a life time lang ito lolz.
After namin sa Millennium Tree ay hinatid naman kami ni kuya sa Museo de Baler dahil sa alas-quatro na ng hapon sinabi ni kuya na yun muna ang pupuntahan namin dahil baka hindi na namin abutan na buhay ang nagbabantay doon. Charot lang. Baka di na kasi namin abutan ng bukas yun, so rush agad kami sa Museo.
Nasa labas palang kami more picture taking na kami hanggang sa nag-abot kami ng donation to preserve and maintain the place at nag libot na kami. Dito ko nakita na sinusubukan pala ng lugar na ito na i-retrieve ang mga artifacts noong gallon trade. Nakalagay din dito ang mga bagay at mga props na ginamit sa pelikulang "Baler". Nasalabas ng Museo ang naging bahay ni Manuel Quezon at ang vintage na sasakyan na ito..
After namin na ikutin ang Museo ay nag pahatid na kami kay kuya sa next destination namin, sa Ermita Hills. Hindi pa man kami nakakasampa sa daan paakyat ng Ermita hills eh naamoy ko na ang scent ng dagat at nakakita na ako ng mga bakawan kaya naman kinunfirm ko kay kuya kung malapit ba kami sa dagat. Di nga ako nag kamali hanggang sa nakaakyat na kami ng Ermita hills. Wala kaming nagawa kundi mag emote sa sobrang ganda ng nasaksihan namin. Alam mo yung sa sobrang wala kang masabi sa sobrang ganda ng lugar eh parang gusto mo magalay ng buhay na tao sa dagat. Charut lang po!!! ahaha.
Hindi namin alam kung ano ang magandang word na gagamitin namin nung nakita namin ang scene na ito ang tanging nasabi lang namin ay "gusto ko ng picture sa spot na ito".
After namin samsamin ang ganda ng lugar at langhapin ang sobrang sariwang hanging na parang wala na kaming gusto itira sa mga tao sa tabi namin ay pumunta naman kami sa baba upang mag pakuha nga family photo kasama ang mga statue na ito. Ang siste ito daw ay rebulto ng mga tao na nakaligtas noong nagkaroon ng tsunami sa Baler noong 27th ng December 1735.
After namin makipag kiskisang siko sa kanila eh rush na kami sa Diguisit Rock Formation na last destination namin ng pamamasyal. On our way eh nakakita kami ng mga sambayanan na nagkakaroong komusyon nasa Diguisit falls na pala kami gusto pa sana namin umakyat sa taas nito pero sa totoo lang wala na kami chakra. Naubos nung na engkwentro namin ang Akatsuki sa daan. Charut!
Medyo pagod na kami at nire-reserve na namin ang aming natitirang kapangyarihan para sa Diguisit rock formation lolz. Tutal kahit nasa baba ka lang eh tanaw mo ang ganda ng falls at maeenjoy mo ang malamig na tubig nito malapit sa kalsada. Bukod sa Diguisit Falls ay may isa pang maliit na falls kaming nadaanan ang tubig na dumadaloy dito ay derederecho sa kalsada. Nakarating kami ng Cobra Reef ng di namin na malayan sa totoo lang hindi na kami nakatawid sa kabilang pampang dahil sa pare-pareho ng masakit ang talampakan namin nung akyatin namin ang Mother Falls kaya ang sinabi na lang namin ay dapat ma-achive namin ang Diguisit Rock Chever na hindi naman kami nag-failed dahil sa pagbaba namin ng tricycle eh agad kami nag takbuhan at ang sigawan ng "Habulin mo ako!!!" lolz lang.
|
panoramic view ng Diguisit Beach |
Syempre lusong agad agad kami sa dagat nung makarating kami sa mga bato batong part picture picture na kahit pawala na ang araw, deadma lolz. Matapos namin enjoyin ang lugar eh nagpahatid na kami kay kuya driver sa aming Inn para makapaligo at makapag gayak para makapunta na sa kakainan namin.
Ang dinner namin sa Bayler's Inn ay epik failed. Hindi sila katulad ng ibang resto na kung ilan ang may order ang partikular na putahe eh sabay sabay iluluto para mai-serve nila ang lahat ng order ng guest nila ng paunti-unti. Ang siste sa kanila eh per table ang pagluluto ng pagkain kaya naman malilipasan ka ng gustom sa kanila. Inabot ng lagpas isang oras kami naghintay para sa pagkain namin. Dumating kami doon mga 12 minutes bago mag 8pm at nakapag simula na kaming kumain ng past 9pm na. Kinain na ng mga large intestine namin ang mga small intestine na literal, ni hindi na nga namin nakuha pang kuhaan ng litrato ang kinain namin. Sabi ng mga kasama ko medyo failed ang adobong pusit sa gata nila at aligue rice. Pansit ang inorder ko at ubod ng alat, patunay na walang shortage ng asin sa lugar. Pizza lang ata nila ang medyo naapreciate namin.
After kumain eh naglakad lakad kami sa shore para makita namin kung ano ang dapat i-expect bukas since bukas kami magsu-surf. Pagdating namin ng Inn, bagsakan kami sa sobrang pagod. Ni hindi ko namalayan na kinuha na ng mga fairy ang ulirat ng katawang chubby ko.
|
Ang room namin na good for 10 pero 4 lang kami lolz |
So lets fast forward. 6am naalimpungatan ako nagpe-prepare na ang kasama ko para sa activity namin that morning. Hinintay ko lang sya matapos at sumunod na ako hanggang sa nagsikilos na nga kami lahat. Walang puknat ang lagay namin ang SPF1000 na sunblock at sunscreen. ching lang! Syempre we need protection pa rin para sa harmful sun rays. kemeh!
So ito na bago kami dumerecho ng Sabang hanap muna kami ng pwede kainan ng very light lang para di nangangatog ang mga binti namin pagnaka-apak na kami sa surf board. After kumain takbo, talon, tili na kami sa Sabang. Scout muna kami kung saan pwede magrent. In demand ang activity kasi yung iba eh kailangan namin maghintay ng 1-2 hours para lang makaeksena pero lucky pa rin kami kasi may nakita kami na surf rental na sabak agad kami pagbayad.
Eto na! binigyan na kami ng tig-iisang board at trainer. Si kuya Clifford ang na-assign na mag turo sa akin. Turo-turo muna ng basic nung medyo nakuha ko na time to put the theory into reality (artihan ko ang english lolz). Ilang try pa lang eh wipe out ako lagi pero inoobserve ko kung saan ako nagkakamali sa bawat wipe outs ko. nalaman ko na kaya di ako umuusad eh lahat ng timbang ko eh nilalagay ko sa likod na parte ng board kaya naman lumulubog agad ako. Isa pa kapag tumayo ako sa board lagi akong nasa likod na parte which is dapat ay nasa medyo gitnang part ako para naman balanse ang distribution ng timbang at smooth ang pag-surf ko. Nagawa ko rin sya after several wipe outs. I managed to surf 17 times at nagawa ko ito smoothly hanggang sa shore, sobrang sarap. Its an achivement for me dahil i learned a new sport/thing at naaadik ako ahaha. Ibang experience ang mag-surf. Napakasarap sa pakiramdam. Kailangan ko nga lang medyo magbawas pa ng timbang para kahit hindi ganun kalaki ang waves eh kaya pa rin ako nito.
|
Panoramic view of Sabang Beach |
Hanggang sa muli mga ka-talk ko *winx*
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!