Friday, May 30, 2014

usapang puso sa puso...

Check-up Time: 7:34pm

Kemeste ne? Heng tegel ke neng de keye nebebete neng mey pesebeg!!!

Amserey, medyo na heat stroke lang akey kaya pasensya na kayow sa pambungad kong bati sa inyo... Kamusta na talaga kayo???? I soooooo miss you guys! talaga!!... OA lang ahaha.

Kinaiinisan ko talaga ang magkaroon ng weekend shift dahil sa para sa akin ang lakas maka-anti social ng ganitong shedule sa work pero ano nga ba naman ang magagawa ng isang ordinaryong empleyado ng kell cenner na op layn kung isasampal sa fes mo ang pinirmahan mong kentrect ng nagsasabi na amendable ka sa shipting na sched? E di ba waley? So kibit balikat na lang akiz.

Henny waste, Isang bagong friend na medyo nakahulihan ko ng loob lately ang naka jamming ko sa shift that day. Ang friend na ito ay mas matured sa akin in the sense na sya at mommy of 4. Lahat ay edukado at edukada na may kanya kanya ng profession. Haba ng intro ko kay friend noh? Well you know naman me, makanash and all lolz.

So ito na nga. Sobrang dami ng pinagusapan namin hanggang sa mapagusapan namin ang pag-ibig. Sinabi nya kung halimbawang may mag-aalok sa kanya ulit ng kasal sa tingin nya  ay di na nya gagawin dahil sa nararamdaman nya na hindi ang pag-aasawa muli ang calling nya kundi ang tumulong sa mga elders dahil sa dati ay tumira sya sa kumbento (Si mommy friend ay divorce na kasama na ni Lord ang kayang dating partner however, ang lovelife nya ay blooming dahil meron syang kasintahan. Kantahan natin si mommy friend ng... check your hair... gandang palmolive! nyarots).

Dahil sa conversation na ito nasabi ko kay mommy friend na marahil ay naranasan na nya ang satisfaction of having a husband before kaya naman ngayon ay personal fulfillment na ang hinahanap nya at nasabi nya sa akin na natumbok ko ang gusto at nararamdaman nya.

And we talk about more under the sun while we are sipping a fresh shake in front of the beach and enjoying the summer breeze, Charot lang! nasa opisina kaya kami naguusap lolz.

Natanong nya ako kung ano ang view ko about falling out of love. Sabi ko kay mommy friend na natural ang feeling na parang nagiging sour ang nararamdaman mo sa taong pinili mo bilang partner mo pero hindi ibig sabihin na kapag naramdaman mo ito eh dapat ka ng sumuko at maghanap ng iba. Una sa lahat para ke-ano pang naging kayo kung hindi nyo paguusapan ang mga nararamdaman nyo sa isa't isa. Mas maganda nga na mapag-usapan nyo ito nang sa ganun ay makaisip kayo ng paraan kung paano nyo maibabalik ang tamis ng inyong samahan. Pangalawa at huli, kung talagang mahal mo ang partner mo kapag dumating na sa punto na umaasim na ang nararamdaman mo sa kanya dapat ay lagi mo iniisip kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit mo sya minahal, kung bakit mo sya pinili bilang partner mo. Kasi kung mare-realize mo ito pwede kasi na maalala mo na ang mga katangian nya, ang dahilan kung bakit mo sya minahal, dahil sa kanya mo nakita ang mga bagay na gusto mo sa isang kapareha.

Haba ng hanash!

Hanggang sa napunta kami sa isang topic na nauga ang lahat ng fats ko sa katawan. "Paano mag move on" ahaha.

Natawa sya sa way ng pag momove-on ko at sa punto de vista ng pagmo-move on lolz.

Ganito kasi yun, may pagkamasokista kasi akiz nung tinatry ko mag move on ahaha. Lahat ng lugar kung saan kami pumupunta, pinuntahan ko. Lahat ng mga ginagawa namin noon nung mag kasama pa kami, ginagawa ko. Kinakain ko ang mga pagkain na paborito namin. Pinapanood ang palabas na gusto namin. Pinapakinggan ko ang mga kanta na gusto nya. Bakit? Kasi naniniwala ako na kung kaya ko nang gawin at harapin ang lahat ng may kinalaman sa kanya ng hindi na ako nasasaktan o naaapektuhan ibig sabihin ay okay na ako at naka move-on na sa pain. Para syang sugat. Kapag alam mo na may sugat ka iiwasan mo na masaktan ang sugat mo kaya naman aalagaan mo ang sugat mo at iiwas sa dagdag na sakit. Pero kung sasanayin mo ang sugat mo na maexpose sa additional na sakit ay matututunan ng isip mo na iendure ang pain hanggang sa parang manhid ka na at balewala na sayo ang chever na ito. Medyo ganyan ang idolohiya ko.

O di ba nakakatawa naman talaga? Pero after nya tumawa sinabi nya na kahit na masokista ang aking paraan ng pagmo-move on eh may sense pa rin ito, dahil sa totoo naman talaga na kung kaya mo ng harapin ang mga bagay bagay tungkol sa inyo at sa nakaraan mong pag-ibig nangangahulugan ito na talagang malaya ka na sa pain na dulot past mo.

After a week, nagulat ako ng kausapin ako ulit ni mommy friend. Sinabi nya na sinubukan nya daw gawin ang paraan ko ng pag mo-move on. Nahirapan sya kasi naiiyak sya nung makita ang park at mga kalsada na dinadaanan nila ng kanyang nakaraang pag-ibig. Pero sinabi nya na  makukuha nya rin na magawa ang nagawa ko.

In fairness natuwa ako kay mommy friend kasi nagserve pa ako as inspiration para matulungan sya maka move on sa past nya at nakakatuwa naman na ngayon ay malapit nya na din magawa ang nagawa ko na.
O sya hanggang dito na lang ng ubod ng haba kong hanash, ate Charing, sana po ay kahit paano ay makapulot po kayo ng kung ano ano sa mga pinagsasabi ko... hanggang dito na lang....

Rix..

Para po manalo ng 500 load para sa episode na ito itext lamang ang sa tingin nyong title ng kwentong barbero na ito sa ganitong format:

psy <space> *title ng hanash* <space> *smiley* <space> *pangalan* <space> *smiley* <space> *edad* <space> *smiley* <space> *tirahan* <space> *smiley* <space> *prof of purchase* <space> *smiley* <space> *suking tindahan* <space> *smiley* <space> and send it to outer space.

Sana po ay manalo kayo... See you!!!!!!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

24 comments:

  1. Ayy grabe, di ko kinaya ang usapang pag-ibig. Next topic please.... XD

    Di ko alam, Dr. Love na pala ang peg mo ngayon Rix hihihi :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Seriously speaking, di ko yata kaya yung way mo ng pag move on. Parang torture ang dating saken >.<

      Delete
    2. nyahaha loko loko established na yan Dr. Love na yan lolz

      Delete
    3. kanya kanya ang way ng tao sa pag-cope up sa nararamdaman nilang pain.

      Whatever works for me may not work for you. pero sabi ko nga kapag dumating sa punto na hindi ka na nasasaktan kapag ang bagay na naeencounter mo ay may kinalaman sa past mo eh masasabi mo na ok ka na.

      Delete
  2. Ha ha very endearing naman si Mommy Friend , baka kung saan mauwi iyan huh he he .

    Di bale na lang sa 500 pesos load , ang haba ng format mo eh he he he.

    ReplyDelete
  3. Idol na kita pagdating sa pagpapayo Rix... sana nga maka move on na si Mommy Friend mo, buti na lang nakilala ka niya.. may nahihingan siya ng problema niya... puwede rin bang hiumingi ng payo? hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha.

      pwede naman pero wag kalimutan manghingi ng 2nd opinion ahaha baka maya mga kabaliwan lang isuggest ko lolz.

      Delete
  4. Free Coffee nalang ung 500 load :) Its great to finally be able your blog again after weeks of me barely being able to go online haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oi kamusta. Salamat sa muling pagbisita.

      Ano po ba ang gusto nyo 3-in-one or kopiko brown? lolz

      Delete
  5. Buti na lang for me ay very happy ako to move in kasi ang ex ay violent and babaero at marami pa iba. Just forgiven him and moved on:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok naman ang naging pagmo-move on nyo mommy and im happy that you are happy now ☺

      Delete
  6. Puede ba! Lampas na ang February! hahahaha!

    ReplyDelete
  7. Mahirap mag move on for mommy kasi yung relationship niya with her former husband is beyond friendship. They married each other. Sa pagkawala ng isa eh parang biniyak ang iyong puso at kaluluwa. Time may heal but it will take a long time.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa muling pagbisita lolz.

      Ayan po mommy Joy ang advise ni Sir Jonathan (y)

      Delete
  8. ang galing mo pala Teh Rix mag-advice tungkol sa love. sayo pala ako dapat humingi ng advice, may kalokohan ang mga hanash pero may sense. pero bata pa naman ako kaya di pa ako masyado maka-relate sa topic, sowi po, pero marami akong matutunan.
    -AnonymousBeki

    ReplyDelete
    Replies
    1. magaral muna ng maigi bago mag lovelife marami kang oras para sa love life ahaha.

      Delete
  9. wala bang ibang paraan para makuha yang limang daan na load? lol
    sabi nga nila kanya-kanya ang paraan ng bawat tao sa pagmomove-on, pero ako, ginawa ko rin iyan. ang balikan ang bawat lugar o pangyayari na nagdulot ng sakit ay lubhang mahirap, pero kung hindi ko ito makakayanan ay hindi ako uusad. dahan-dahan sa paglimot.
    -anthony

    ReplyDelete
  10. Omg. Ipakilala mo saki si maderloo

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm wait same situation ba kayo? if you want someone you can talk to you can send me an email ☺

      Delete
  11. Winner sa hanash moments! Love it! Hahaha

    ReplyDelete

hansaveh mo?