Friday, May 23, 2014

Naenjoy ko ang summer dahil...

Check-up Time: 7:14pm

I enjoy this summer because...

1) Ito ang pinaka-busy kong summer pero bagama't busy ako eh naenjoy ko ang pagiging productive ko.

2) Unang beses ko sa buhay estudyante ko ang mag-summer class para makahabol sa mga subject so. Kanina ay finals namin at confident ako na pasado na ako sa subject na ito.

3) Hindi ko alam na makakaya ko ang subject na Chemistry dahil sa noong highschool ako isa akong epik fail sa subject na ito. Ngayon ay mas naintindihan ko ang subject na ito at sa unang pagkakataon ay nagagawa ko mag compute ng formula mass at molecular mass kunin ang percentage nila at gumawa ng covalent at ionic bonding na dati ay hindi ko maintindihan.

4) Nakapagpa-evaluate na ako at ngayon ay 3rd year na ako next sem although naiwan ko pa ang physics, rhetoric at trigonometry. Ok na sana ang rhetric eme eme lang ang gagawin ko pero yung dalawang math... baka matibag ang utak ko dito lolz.

5) Nakabalik ulit ako ng Baguio at natupad ko ang pangako ko sa sarili ko last year na babalik ako dito. Ngayon palano ko ang pumunta ng Sagada o Mt. Pulag.

6) Finally napadpad na din ako sa Baler (sinusulat ko na ang draft ng byahe namin sa Baler, baka next post ko ay iyon na ang ipost ko).

7) Enjoy an enjoy ako sa mga kawork ko na nakakasama ko magtravel. Kahit ano ang mga level namin sa work, lahat yun ay hindi namin dinadala kapag magkasama kami sa labas ng opisina at nageenjoy sa aming paggagala.

8) Mukang madadagdagan ang mga plano kong travel lets see kung magmamaterialize sya.

Yan ang mga dahilan kung bakit ang summer ng 2014 ang isa sa pinaka-productive at pinaka masayang kong summer ng buhay ko..

O sana samahan nyo ako next time para naman malaman nyo ang adventure na ginawa namin sa probinsya ng Aurora....

Bago ko tapusin ang entry na ito ay nais ko pasalamatan ng bonggang bongga si Rolf ng Jokenalismo Salamat po sir.

Nakakatuwa na makakita ng mga bagong sibol na blogero sa sphere sana po ay maging isang prominenteng pahina ang blog nyo..


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

18 comments:

  1. Pansin ko nga eh, sobrang bisi-bisihan ka this summer. Ang daming gala. Plus yung school mo pa. Natutulog ka pa ba? nyahaha!

    Buti walang undeadz na naliligaw dito sa Asylum *evil grin* di bale, I know always ready ka naman sa mga nilalang na nagtatago sa dilim XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu mga hmmmmm 4-5 hours lolz.

      hayzt buti nga eh. sayo may naligaw pero buti na lang nasupil mo lolz.

      Delete
  2. Natawa naman ako sa comment ni Fiel about undeadz, he,he. At ikaw Mister eh isang tao, sa dami niyan eh baka naman hindi kayanin ng powers mo ang mga akitividades. Sana lahat ng tao eh kasing sipag mo. Pahingi naman ng kaunting sipag. At ang mga travels, uulitin ko, parang tiles, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha kaya pa naman.

      naku di po ako masipag. sa totoo lang tamad po ako lolz.

      Delete
  3. feel ko ang kaligayahan mo. alam ko na singtingkad ng piyesta ang iyong summer. teka may kulang, wala bang lovelife?
    -AnonymousBeki

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm fiesta? mukang wala akong napuntahan na fiesta. pero ok lang lolz.

      lovelife? hmmmm tara po kain na lang tayo...

      Delete
  4. Congrats bro! hahah special mention pa ha, salamat! Mukhang nasa puso mo lagi ang kasayahan! Sana managana ang adventure mo bro!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tenchu po.

      ganito po ang pagwelcome sa mga bagong follower ng clinic ko hihihi.

      hindi naman po. sana nga crossstitch este cross fingers.

      Delete
  5. 1. Gaano ba ka busy at gaano ka productive? Quantifiable?

    2) Ok ah, summer class. Sa mga ganyang klase madalas kumukutikutitap ang mga mata ko dahil sa init habang nagaaral.

    3) Whatever. wala ako naintindihan

    4) Hindi ako maka-relate. Hindi na talaga ako estudyante. hahhaha!

    5) Sagada seems to be a very exotic and exciting place to visit.

    6) I'll be waiting for that post about Baler.

    7) Oo naman. Leisure is leisure, work is work.

    8) Ako din sana mag materialize ang mga plano!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1) medyo po lolz.
      2) kami naman jinajabar
      3) lolz
      4) aral na ulit ahaha.
      5) yep mahaba lang ang byahe
      6) soon po ehehe
      7) truth!
      8) tiwala lang lolz.

      Delete
    2. ang-harsh mo sa #3 Mr.T. hehe

      Delete
    3. siguro its the Mr. T thing lolz

      Delete
  6. Ahaha travelistera ka na talaga , daming gala huh ... estudyante ka rin pala ... may tanong lang ako do you have a work also ? ... ang galing naman ng time management mo : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, i got to enjoy exploring the Philippines.

      Yep, 2nd courser po ako at nagttrabaho din po.

      Ang time management ay mawawalang saysay kung hindi ka po interested sa mga bagay na ginagawa mo... Kung interested ka sa isang bagay kahit nahihirapan ka kailangan maglaan ka ng oras. yan po ang naging panuntunan ko nung naging dyanmic ang interest ko lolz.

      Delete
  7. Ikaw na ang bongga ang Summer 2014 hehehe :)

    Salamat din sa pag-share mo ng iyong mga lakad at adventures dito sa iyong blog, sa isip naming mga mambabasa ay para na rin namin nasilayan ang mga lugar na iyong napuntahan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihi zolomots!

      Yan naman po siguro ang layunin natin bilang blogger, ang i-share ang saya ng mga bagay na naranasan natin para naman malaman din ng ibang tao at masubukan din nila *winx*

      Delete
  8. wow chem. good to know you enjoyed it. #ChemMajorHere :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe ni sa hinagap hindi ko naisip na kakayanin ko ito. Ang challenge na sa akin ay ang organic, inroganic at bio chem ko.

      Delete

hansaveh mo?