- Nalulungkot ako dahil sa kulang/nawawala ang isa sa koleksyon kong libro ni Bob Ong.
- Nalulungkot ako dahil sa may problema ang Net namin. Sabi ng customer service eh ang lahat ng nasa plan kung saan kami naka subscribe ay nakakaranas ng problema na tulad ng sa amin. Wala man lang abiso. haizt!
- Nalulungkot ako dahil sa isang linggo na akong hirap matulog dahil sa sobrang init. na abot hanggang singit. Palanging 3 oras lang ang tulog ko.
- Nalulungkot ako dahil sa puyat (pwede ba tawagin na puyat ka kung kulang ka ng tulog sa araw?) eh unti-unti ko ng nararamdaman na nagkakasakit na ako. kaya dinoble ko na ang miligram ng vitamins ko.
- Nalulungkot ako dahil sa may mga tao talaga na ayaw nila ng may nabubuong pagkakaibigan at parang mas masaya pa sila na nakikita ang mga tao na may kaalitan.
- Nalulungkot ako dahil hindi na kami nakabili ng ticket ng Joy Bus papuntang Baler. Baka magregular fare kami.
- Nalulungkot ako dahil sa isang bahagi ng nakaraan ang nagparamdam:
Sya: Pasensya ka na sa ginawa ko ha. Hindi ako naging mabuti sayo.
Ako: ...... Alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi mo. Alam mo. Inintindi ko na lang kung bakit mo kailangan gawin ang ginawa mo sa akin.
Sya: Galit ka ba sa akin?
Ako: Hindi ako galit sayo... Hindi ko kaya magalit sa tao na minahal ko, pinagukulan ko ng panahon, oras at pagmamahal. Galit ako sa ginawa mo sa akin, pero kahit ganun ang nangyari, inisip ko na lang na may dahilan ka kung bakit mo ginawa yun at kahit hindi mo na sya sabihin sa akin ayos lang. Sobrang ok ako ngayon. Wala na akong hinanakit sayo kasi napatawad nakita sa ginawa mo. Matagal na yun eh. Ayoko ng magtanim ng galit sa tao na minahal ko dahil alam ko daratin pa din ang panahon na maari kitang makita at makasama sa panahon na hindi inaasahan.
Sya: Meron ka na ba ngayon?
Ako: Wala, hinahayaan ko lang na ganito ako ngayon. Masaya ako ng ganito.
Sya: Ang bait mo...
Ako: Hindi ako mabait. Kilala mo ako ahaha.
Sya: Pasensya talaga ha.
Ako: ......
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Wag ka na malungkot. Sabi nga sa
ReplyDeletekanta: "Tingnan lang ang mata ng
bawat isa, pitong libong dahilan para
magsaya..".
At sabi din ni Ryzza Mae: "Bawal ang
sad dapat happy!"
Kaya SMILE kana tulad ng nasa
profile pic mo.
-AnonymousBeki
Salamat AnonBeki, At salamt din sa paulit ulit na pagbisita sana di ka maumay ☺
Deletecheer up! :)
ReplyDeleteako rin ay nalulungkot sa librong pinahiram ko at hindi na bumalik, pati na rin sa mga libro na hinihiram ng kapatid ko na hindi bumabalik ng maayos sa akin :)
wag kang mag-alala, di ka nag-iisa hehe, di rin ako makatulog kahit sa gabi ako natutulog dahil mainit at saka wagas kasi mag-ingay ang neighborhood namin :)
at ikinalulungkot ko rin yung huli... bakit kasi may mga taong nagbabalik pa hehehe :)
more power to u! :)
Medyo nakakasama lang ng loob na matagal mong inipon ang mga libro na yun at napakahalaga sayo tapos biglang... haizt!
DeleteGrabe naman. Hope things get better dyan. At least kahit nagyelo pa dito, mas ok naman matulog kaysa sa init.
ReplyDeletesalamat Mommy Joy ☺
Deletehe he ako so far ay kumpleto pa naman ang Bob Ong collection ko , lahat naman ng Net ay may problema , onli in da Pilipins 'yan , so far regular naman tulog ko sa gabi , at minsan meron pang tulog sa hapon : ) , mainit nga lately , sobra , pati singit mo pagpapawisan talaga , di bale pambawas sebo 'yan hi hi hi : )
ReplyDeleteNaku pang gabi na po ang sched ko sa trabaho kaya sa araw po ako natutulog.
DeleteSabi nga ni Edgar above, look at the bright side. Gaya na rin ng sinabi mo, nalulungkot sa umpisa (title) and be happy at the end
ReplyDeletehazyst salamat Jonathan..
DeleteAw sad post!! Pero normal lang naman ang nakakaramdam ng lungkot dahil part yan ng ating emotion. Pero sana sa mga darating na araw ay magawan na ng paraan or masolusyunan ang kung ano man ang nagbibigay sa'yo ng discomfort. Let me say this, just treat your being malungkot as something that exercises the sorrow side in you - that at some points we need to feel uncomfortable situations. I just hope that very soon you can get out of it in great stride. Kaya mo yan Rix! At di bagay ang malungkot sa blog mo haha! Bias ako eh, I only see the kalog side of you in this blog :)
ReplyDeletesalamat daddy Jay. i know saglit ang ito anytime soon ill be ok
DeleteCheer up! Di ako sanay na malungkot ang blog mo!
ReplyDeletesalamat po.. magiging ok din po ako soon ehehe
DeleteAnyare ba Rix? akala ko masaya ka at kagagaling mo lang sa isang bonggang bakasyon eh. lol
ReplyDeletenext time na ako magkkwento dun... wala pa akong sipag eh hehe.
Deletenawalan ka ng lbro pero feeling ko lang ha...may babalik sa iyo...hindi yung libro kundi isang tao...starting over again? hehhehheh
ReplyDeletenaku di ko po sure yan. isa pa po suntok aa buwan yun ehehe
Delete