Check-up Time: 8:00pm (16-May-2014)
3rd day, maaga kami nagising dahil sabi ko sa kanila last adventure na ito kaya naman dapat sulitin na namin ang mga dapat puntahan,
Hindi namin alam kung aabot kami sa oras para magcheck in kaya naman nakiusap kami sa front desk na iiwan na lang namin ang gamit namin sa kanila if ever na maaga pa kami nakabalik mageextend kami pero kapag lumagpas kami sa deadline eh autocheck out na.
After namin mag-gayak at naghanap na kami ng masasakyan papunta ng Lourdes Groto. Excited ako sa mga magiging reaksyon ng mga kasama ko sa gagawin namin doon. 2 sa mga kasama ko ang di pa nakarating doon at nganga sila ng makarating kami sa lugar. Hindi na sumama ang isa namin kasama dahil sa nakapunta na daw sya sa tuktok nito. kaya sabi ko na lang sa ibang aakyat na ikondisyon muna nila ang mga sarili nila. Nagsimula ako matawa sa kanila ng very hash ng marinig ko na hinihingal sila sa pagakyat eh nasa pangalawang level pa lang kami.
Derederecho na ako since alam ko na kung ano ieexpect ko doon. Nung nasataas na kami konting mass selfie lang, sabi ko sa kanila bababa ako kasi sasabihan ko yung kasama ko na ime-meet namin sila sa kabilang gate dahil doon naman ang way papuntang Diplomat Hotel.
Derederecho na ako since alam ko na kung ano ieexpect ko doon. Nung nasataas na kami konting mass selfie lang, sabi ko sa kanila bababa ako kasi sasabihan ko yung kasama ko na ime-meet namin sila sa kabilang gate dahil doon naman ang way papuntang Diplomat Hotel.
After namin magkita sa waiting shed ang gate. nagsimula na kami sa aming journey. Bakit journey? ahaha nilakad namin pataas sa matarik na lugar ang diplomat. Sabi ko sa kanila malapit lang laylay na ang nila nila hanggang sa tuhod sa pagod. Kung tutuosin namain hindi sya dapat nakakapagod kung hindi pataas ang lalakarin mo.
Ako ang naunang nakarating sa kanila sa Diplomat. Malamig sa lugar dahil sa mataas na bahagi ito ng lugar kaya naman dama mo agad ang hangin plus mapuno pa sa bukana ng hotel. Pagkarating nila napossess ako... Keme lang! Sabay sabay na kami naglakad papunta ng pinto. Halata sa lugar na ito na niluma na sya ng panahod dahil sa mga lamat ng pader. Nagpunta kami sa fountain kembot. Hindi ko sinabi sa mga kasama ko na ayon sa mga chismis na nakalap ko 24 oras eh dito madalas tumambay ang mga spirits para pagchismisan ang mga bisita nila. Pero nagreklamo ang 2 kasama namin na ang bigat daw sa dibdib ng lugar kung nasaan kami. Deads lang ako, Lapit ako sa kasama ko na open ang 3rd eye, kinukulit ko sya habang nakangiti at tinatanong ko sya ng... "do you see dead people?" lolz. Sabi nya madami daw kaso parang ang siste eh may mga alala ang lugar na yun kaya naman doon nila bet tumambay para magkape chars. So keri lang lang naman pala. Eh di picture picture na.
Pero mukang ayaw nila na kumukuha kami ng picture kasi nung lumabas kami sa likod ng hotel dahil parang maganda din magpicturan hala ka!! lahat ng nyelpon namin, ang tab at itouch ay hindi nag oopen ang camera. Walang halong keme ito. Dito na kami kinilabutan kasi kanina lang nagagamit namin ang cp namin pero all of a sudden eh nagattitude. Tanging ang kasama lang namin na open ang 3rd eye ang gumagana ang cp. May favoritism? so ang siste binigay namin sa kanya lahat ng gadyet namin at sya taga kuha namin ng picture. Pero hindi na kami nagtagal kasi dahil sa nagyari eh medyo natakot na ang mga kasama ko kaya nagyaya na sila na pumunta sa susunod namin pupuntahan.
Ito lang ang nakuha namin para sa kailangan namin na materyal sa lugar na iyon..
After the freaky encounter out next stop.... stop and shop! charlie! Tam-awan village. Wala pang 30 minutes buhat ng kami ay makasakay ng karwahe namin ay narating na namin ang piging. Kems! Pagdating namin sa lugar sinabi ko na sakanila ang mga gagawin at mga dapat iexpect so very harsh na kayatan ito ng mini mawnteyn.
Nung naglalakad na kami papuntang sky garden kung saan mo makikita ang observatory at ang sun set sa Baguio may family na confuse kung ano meron sa trail at saan dadaan. Sinabi ko sa kanila ang alam ko... Si kuya bigla ako pinauna susundan na lang daw kami lolz.
After few picture picture eh nakita ko na ang mga mata ng mga kasama ko na nagt-twinkle na kasi ang susunod na pupuntahan namin ay ang strawberry farm. Gusto ko pa sana magstay ng kaunti doon kasi naaliw ako kay kuya tour guide na ito ma-chika kasi masyado lalo sa mga foringers ahaha.
Niloloko nila ako na pwede na daw ako tour guide, kasi yung mga bahay bahay keme doon at mga arts mega explain ako kung para saan, tinanong nila ako bat ko alam. Ang sabi ko lang sa kanila binasa ko yung nung unang punta ko sa place ahaha.
Ito lang ang naachive namin na pictorial na gagamitin namin sa materyals namin... pwede na ito.
After few picture picture eh nakita ko na ang mga mata ng mga kasama ko na nagt-twinkle na kasi ang susunod na pupuntahan namin ay ang strawberry farm. Gusto ko pa sana magstay ng kaunti doon kasi naaliw ako kay kuya tour guide na ito ma-chika kasi masyado lalo sa mga foringers ahaha.
Iba ang ruta ng dinaanan namin ng papunta na kami sa strawberry farm pero ok lang dahil nakita ko ang sundo na distination namin after ng strawberry farm.... ang final distination (knock on wood) CHAROT LANG po yun...
Pagdating namin doon hindi pa man nakakapaglakad ang mga kasama ko sa taniman ko ng letsugas, carrots, sibuyaw, broccoli, at kung ano anong gulay eh nagpauto na agad sila sa tindero ng strawberry ice cream so wala ako choice... join the club ako ahahaha.
Ito na oras na para tignan kung sino sa mga kasama ko ang pwede ko ipaiwan sa aking malawak na lupain para maging alipin lolz. Nagpasya lang sila na mag-excape na nung napansin na nilang nasunog na ang mga balat nila nyahaha.
Pagdating namin doon hindi pa man nakakapaglakad ang mga kasama ko sa taniman ko ng letsugas, carrots, sibuyaw, broccoli, at kung ano anong gulay eh nagpauto na agad sila sa tindero ng strawberry ice cream so wala ako choice... join the club ako ahahaha.
Ito na oras na para tignan kung sino sa mga kasama ko ang pwede ko ipaiwan sa aking malawak na lupain para maging alipin lolz. Nagpasya lang sila na mag-excape na nung napansin na nilang nasunog na ang mga balat nila nyahaha.
Sunod na pupuntahan namin ay ang Benguet State University para bumili ng frozen Ube Jam. Masarap ang ube jam ng Good Shepheard pero gusto ko matikamn ito para malaman kung ano ang pagkakaiba nila. If gusto mo ng ube jam na medyo buterry ang flavor dito ka sumadya. Ang mga products na binibili sa BSU ay sila mismo ang nagtanim, nag-ani, sa kanila dumaan ang proseso ng paggawa ng produkto, sila ang nag pacheck sa DTI representative (charot!) at kaya sya frozen kasi sobrang less ng preservatives ng jam nila.. Less preservatives means more healthier... More healthier, means longger life... dami kuda ahahaha.
So ito na nga habang bitbit namin ang mga pinamili namin ay nagpunta na kami sa last spot sa Benguet sa Bell Temple. Sobrang laki ng place ay hindi pala sobrang taas... ay ano nga ba? kasi ganito yun... Malaki ang lugar tapo paakyat sya sooooooo... kayo na mag isip hihi.
Unang lugar na makikita mo ay isang temple kung saan taimtim na nagdadasal at nagtutusok ng ensenso ang mga instik. Kahit na may dugong instik ako never pa ako nakapunta sa lugar na ganito at hindi ko alam kung ano meron dahil nga 2 years ago ko lang nakenferm ito at hindi naman pinapractise nga tatay ko yan ahaha.
So pumasok na din ako at para naman kahit paano eh malaman ko kung ano ang meron sa dalanginan nila. Maganda ang lugar kaso lang hindi ka pwede kumuha ng litrato. Sagrado kasi sa kanila ito kaya hindi nila pinapayagan kumuha ng picpaks.
Akayat akyat kami at may mga budha kami nakita ay mga kumapre nila Mao Tse Tong doon... Charot! bukod sa tahimik ang lugar na ito ay makikita mo din ang busy life ng Benguet.
Pagkababa namin nagpahinga lang kami ng kaunti bago kami sumakay ng taxi papuntang hotel. Sabi ko may nakita kong instik na natatai-chi sa taas sabi nila wala sila nakita eh meron naman talaga ako nakita eh ito oh....
Nyahahahahahaha.
Pagbalik namin ng hotel nagrest lang kami ng kaunti tapos nagkayayaan kami na tumambay sa mall na walang aircon... sa SM Baguio ahaha. Tinignan namin ang buong paligid ng Baguio habang lumulubog ang araw. Ilang minuto pa ay naglakad na kami papuntang Terminal ng bus pauwi ng manila.
Pasensya na nahuli ang pagpo-post ko nito. Kasi naman nasa Baler ako at nakikipag harutan sa surf board. Syempre alam nyo na after ng Baguio eh Baler naman ang hanash ko ehehe.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
aaahhhhh! may part 3 pa pala! 'Kaw na teh Rix ang bagong president ng Department of Tourism. Kung ikaw napagod sa paglalakwatsa kami naman napagod sa pagbabasa, charls lang! Pero nag-enjoy talaga kami sa pagbabasa. Sana'y mas marami pang mga lugar ang malibot mo at sige lang, galugarin mo ang buong Pilipinas. lolz.
ReplyDelete-AnonymousBeki
huh?
DeleteGala lang po talaga ako.. Basta kaya ng budget at ok ang schedule...
Naaayyyy ang lakas ng loob mag-shorts ahahaha. Di ka nilamig Rix?
ReplyDeleteParang may mumu na nakasilip dun sa isa sa mga bintana ng Diplomat Hotel. *eeekkk* *shivers*
Inggit much talaga jan sa Strawberry farm. Yan talaga ang di ko palalampasin na mapuntahan kapag naka visita ako ng Baguio Citeeeh!!!! XD
Masarap dun malulula ka sa mura ng gulay :D
DeleteEtong part 3 mo ang hindi ko pa napuntahan so need to go back. Natawa ako sa Tai chi, iba ang pagkabasa ko may natata-i, lol! Magkano naman ang ibinayad sa iyo ng mga kasamahan mo sa iyong dakilang tour ? Affordable ba ang tour guide fee mo?
ReplyDeleteHindi ako mahal maningil persyong kaibigan lang para naman balikbalikan nyahahaha
Deleteganda nung mga black and white na kuha, dramatic at scary :)
ReplyDeletepero kinabog ito ng mga tai chi pose mo hehehe
congrats sa inyong adventure sa Baguio, sana kapag nakabalik ako ay mapuntahan ko rin ang mga hindi ko nagalugad sa iyong listahan :) Thanks!
Go lang po sir jep ehehehe
Deletemabuti ka pa nalibot mo na lahat ng magagandang place sa baguio.. sana makabalik din kami dyan.. katakot yung mga kuha mo dun sa mga black and white picture.. nikilabutan ako.. hehe..
ReplyDelete