Thursday, May 8, 2014

2nd timer, Baguio Again! (Pt. 1)

Check-up Time: 3:30pm

Amazing Ahola mga friends...

Nasabi ko ito kay Erin (ka-work ko) na dati na ring naka punta ng Baguio na gusto ko ulit bumalik sa city of pines sakto naman na bet nya rin pala na mag Baguio ulit kaya naman ito na nga... Gawa kami ng sobrang harsh na itinerary sa Baguio. Sakto naman na may mga kasama kami sa work na mga nakapunta na rin pero hindi naikot ang lugar ay may first timer din na gusto maki-join force. Sinabi ko sa kanila kung ang itinerary na inawa ko at ang budget. Medyo naoverwhelm sila like napanganga sila ng wide... Echos lang. Hindi muna sila naniwala sa sinabi kong badget dahil medyo mura ang offer ko kasi kasama na ang round trip bus, lodging at foodams. Pero nagpauto pa rin sila to the last minutes lolz.

Dahil ayaw ko masyado mastress Wednesday pa lang eh nakaempake na ako ng gamit eh hindi naman masama yun di ba? gusto ko lang pagdating ng araw na yun bibitbitin ko na lang ang dadalhin ko at ayaw ko mag kumahog sa pagiimpake ng gamit.

So, ito na nga sakto ala-una ng madaling araw ng sabado run the world kami ng Victory liner sa Pasay. Buti na lang at ahead of time ay bumili na kami ng ticket dahil napagalaman namin sa aming mga insider na ang susunod na byahe ay 8 ng umaga. Buti na lang at nasabihan kami ng aming informant na mag booked na ng ticket.



After a few mass selfie sa loob ng bus ay  hindi kinaya ng katawang chubby ko at nakatulog bago pa man kami makarating ng San Fernando, Pampanga. Nagising lang ako nung nagstop over ang bus namin sa Tarlac after mag checking sa foursqaure balik tulog ako at nagising nung nasa Pangasinan na akala ko hindi na ako makakatulog pero nung nasa La Union na kami at paakyat na ng Baguio ay kinuha ulit ng mga Fairy ang ulirat ko at nagising na ako nang nasa Baguio na,



Nagpipikit na ang mga microbs sa instenstines kez kaya naman nagpagpasyahan namin na kumain ng very very light lang. Punta kami ng Ebai's at muli kong natikman ang masarap nilang Carrot Cake pero this time hindi na tanglad juice ang inorder ko... Kapeng baguio na.




carrot cake lang yung sa akin dyan ha, yung iba sa mga kasama ko lolz.


Hindi pa kami pwede magcheck in sa hotel namin dahil sa alas-dose pa ng tanghali ang check in namin pero pumayag sila na iwan namin ang mga gamit namin para makapagsimula na kaming mag gala.

Dumaan kami ng Teacher's Camp pero may seminar ang mga teacher dito (natural alangan namang mga studyante lolz) kaya naman hindi na kami nag tagal. Next stop...... stop light! chars lang.



Sunod namin na pinuntahan ang Botanical Garden. Enjoy sila sa isang igorot dito dahil sa mahusay sa pagpapakuha ng picture. Sya pa mismo ang nag sasabi nga gagawing post at nawindang kami ng bigla nya kami sabihan ng "Look Up" natawa kami talaga ng hard. May isa pa kaming project sa Baguio bukod sa bakasyon ay kailangan namin ng material kaya naman kailangan namin ng photoshoot, kaya naman wala kaming inaksayang panahon ng magkaroon nakami ng pagkakataon...

Sa dami ng mga nakuha ko na pic, ang nasa baba ang nagustuhan ko..





Sobrang dami pa nito, yung iba nasa digicam pa at nasa tab hindi pa nauupload ng mga kasama ko (imbey lang).

After ng kuhaan ng litrato, sugod na kami sa Mines View Park. This time napakaraming tao sa lugar dahil tinanghali na talaga kami ng punta dito kaya ayun ni hindi ka makapag emote sa pic dahil may mga photo bummer ganyan. kakaunti lang ang pic namin dito kaya after namin maglibot ng mabilis ay kumain na lang kami ng mga foodams dito at fly na kami sa 50's dinner para kumain ng there's no tommorow.

ito lang ang tanging magandang emote ng mga kasama ko dito lolz





Totoong there's no tommorrow ang order ko dahil parang hindi na ako kakain kailan man sa order ko. Kung sa Ilo-ilo ako nakakain ng pinakamalaking burger at siopao dito naman ako nakakain ng pinakamalaking sandwich.




black and white talaga para 50's ang effect nyahaha

ang loob ng 50's dinner


Ang order ko na sandwich

Hindi ako naging successful na maubos ang foodams ko dahil sa isang slice lang halos mag-blow na ako sa busog. Hindi ko na keri ang isa pangslice kung pipilitin pa ako ng mga kasama ko na ubusin ito baka i-slice ko na ang pulso ko. charot!

After nito ay nagpunta na kami sa hotel para ayusin ang ang mga gamit at magpa-fresh para sa mga gagawin pa namin ng araw na iyon. May dalawang oras din na naghanda ang mga kasama ko... At ang suot ko parang nasa beach lang habang umuulan sa Baguio lolz. Seryoso po. Kahit na malamig ang hangin sa buong Baguio kebs lang ako as if init na init ako kahit na lahat na ata ng pores ko ay nagchi-chicken skin na haha.

Sunod na pinuntahan namin ay ang Camp John Hay na akala ko ay magfa-failed dahil nga sa parang may nagdidilig sa heaven.

O diba? naka sando lang talaga ako


At habang nag lalakd kami sa Camp John Hay ay hindi maawat ang mga kalokohan namin sa pag group pictures lolz.







Kahit mga trash bins hindi namin pinaligtas nyahahaha.





Pero di rin naman kami nag-patinag. Pinuntahan namin ang Cemetery of negativism at pinagtawanan ang mga lapida ng mga nandun tapos run kami ng Bell House.





Ito ang mga eme emeng lapida na nagustuhan namin..





Bells House sa Camp John Hay:









At another kulitan moment habang kinukuhaan namin ng pic ang isa't isa:






Hinahanap ko ang mga picture na kinuha ko sa mga kasama ko para sa pictorial namin pero nafrustrate ako ng ito lang ang nakita ko....


Hoy Erin.... Magupload ka na ng picture, panis na mga pic natin sa digicam at tab mo nyahahaha.

After nito kahit malamig pa ang buong Camp dahil sa umuulan pa rin ay di kami natinag mag mass selfie habang naglalakad kami sa buong camp papuntang Choco-late de Batirol. Saktong sakto ito lalo na sa weather ng mga oras na ito na super lamig. We opted (tehrey! english) to get the group package. 6 cups of traditional na batirol at tig isang serving ng turon, bibingka at suman sa linga. Hindi naman din kasi kami masyado gutom (lalo na ako) dahil sa dami ng kinain namin ng lunch kaya keri lang ang after lang talaga namin ay ang mainitan ang sikmura namin ahaha.







Akala ko ay hindi na kami pupunta ng White Laperal House dahil nga sa umuulan pero dahil sa determinado ang mga kasama ko na maachive ang itinerary namin push kami sa Laperal at nilibot ang sinasabing Haunted na lugar. Nagtanong ako ng pabulong sa kasama ko na bukas ang third eye (dahil ayaw ko mag freak out ang mga kasama ko) kung may nararamdaman pa ba sya sa lugar. Halos wala ng nagmumulto sa lugar na iyon pero ang meron daw ay mga elemental na beings. Yun lang at tinigil na namin ang usapan dahil sa sya at ang isa naming kasama na partially open ang third eye ay nag rereklamo na na may mainit at mabigat sa likod nila. Ayaw na magtagal ng kasama ko doon kaya naman nagsabi na sya na umalis na kami. So umalis na kami at pumunta ng Burnham Park.












 Isa sa mga gusto namin maachive dito ay ang street food sa Burnham Park pero dahil sa umulan ay hindi sila naglipana that day kaya naman nag gala kami ng light at sinubukan hintayin ang night market. Pero sumuko kami dahil sa sobrang lamig that time nagdecide na kami na bumalik ng hotel at mag pahing para sa 2nd day namin sa City of Pines

Pasencious di ako magakapag-post ng derederecho kasi naman busy as a bee lang akiz. Mid-term ko bukas tapos dami ko pa ginagawa na extra curricular so ikwento ko na lang sa susunod na entry ang karugtong ng Baguio trip ko again...

Bago ko tapusin ang enrty na ito nais ko pasalamatan ng taos sa puso, atay, balunbalunan, pancreas, apendix, small at large intestine at kung ano ano pang internal organs si kuya jobo flores na bagong kapanalig sa pagsinghot ko ng vulca seal, rugby, sunog na slippers at kung ano ano pa. 

Maraming salamat po Kuya Jobo nawa po ay maaliw ka kahit very very slight lang..

O sya dyan muna kayo... mag re-review muna ako ng mini mini hehehe.


 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

24 comments:

  1. Replies
    1. shhhh wag ka nga... pagbigyan mo na ako. Di nga ako nakasama nung nag bakasyon kayo ng liliw kaya naman rumibanse ako....

      Delete
  2. Wow! Buti ka pa panay pasyal Baguio:) me, di pa nakapunta dyan, pero parang naikot ko na rin dahil sa blog mo;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha mommy Joy, iba pa rin kapag ikaw mismo ang ikot. Yun nga lang magiging pula ang balat mo doon hihihi.

      Delete
  3. Ang dami nyo kaagad napuntahan nung first day :)
    Gusto ko rin magbalik sa Baguio para masulit na lahat ang dapat mapuntahan.
    Kapag mga kapamilya kasi ang kasama, pag may napagod na di na pwedeng umusad pa, balik na agad sa tinutuluyan, kaya yung mga gusto pang lumarga (tulad ko) ay hindi makagala :)

    Inabangan ko talaga yung sinabi mong pinaka gusto mong picture sa ibaba, hehehe :)
    Para saan ang mga 'sweet couple' photos? May event / activity ba sa inyong opisina? :)

    Pag nakabalik ako I'll try Choco-late de Batirol, saka mapuntahan yung White Laperal House, naiintriga ako dun :) Pa'no naging bukas ang third eye ng kasama mo? Innate na ba yun sa kanya? (curious)

    Aabangan ko ang susunod kasi magagamit kong guide yung mga itineraries na ginawa nyo :) (hahaha yun pala habol lols)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Jep, Ipopost ko yung mga pictures kapag nakuha ko na sa kasama ko.

      Hindi naman po pero kailangan namin ang mga materyals na yan kasi may kino-conceptualize (terey) kami na project ehehe.

      Try the batirol with suman sa lingga, masarap sya na combination.

      Matagal ng open ang 3rd eye nya. High school pa lang eh aware na sya na open ang 3rd eye nya.

      Keri lang may 2 freaky encounters pa kami doon ahahaha.

      Delete
  4. Grabe, adik much talaga sa galaan. Iba na talaga pag newly promoted at nakaka-LL sa buhay nyahahaha!

    Katakot naman dun sa Laperal House, parang any moment may lalabas na not so friendly ghost XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha loko loko.

      Kung ang alam mo lang ay hunted house sya at may kasama ka pupunta doon ok lang. Pero ang may kasama ka at alam mo na bukas ang 3rd eye nyahaha its a different story lolz

      Delete
  5. Kayo na Rix nila Zai at Marge at Josh ang mga travellers and lakwatsera much he he ... kakainggit , sana I can have time and money too he he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyhahaha hindi po ako nag ttravel ng mahal, kaya po nag co-customize ako ng travel ko na affordable since may sumasama mag nababawasan ang expenses lolz.

      Delete
  6. I've never been to laperal house... creepy.. I've been to diplomat hotel tho.. super creepy din ng pakiramdam dun.. ehehe lalo na sa may fountain...

    ReplyDelete
    Replies
    1. laperal house is ordinary lang po for me kung hindi mo alam kung ano ang meron doon pero pag may kasama ka na active ang spiritual senses eh medyo ibang usapan na ehehe.

      ang lower level nun ay ginawang mini museum ng mga bamboo craft. yung sa fire place na may big ben dun iba ang pakiramdamn nila hihihi.

      Delete
  7. ang haba ng pagkasulat,kalurqs, (pt.1 pa lang yan?).
    im sure na nag-enjoy ka (kitang-kita kasi sa picture) at happy ako for you (last time kasi malungkot ka).
    mahilig ka talaga gumala at kumain.
    sana makapunta din ako sa Baguio balang araw. balak kong bisitahin ang mga nabisita mo lalong lalo na yung Laperal House (para kasing adventure).
    -AnonymousBeki

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe yep yan po ang trip ko lolz.

      sabi ko nga sa mga kasama ko mas maganda nga habang kaya pa ng katawan ko magtravel eh magtravel na kesa naman sa gawin ko sya kung kelan mahina na ang tuhod ko di hindi ako lalo mag eenjoy lolz.

      wait mo din ang kwento namin sa diplomat lolz.

      Delete
  8. i loveee baguio! isa ito sa mga paborito kong lungsod sa pilipinas. hehe
    shet sana makabalik ako dito this year! hihi

    shet some of my fondest memories happened in baguio. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun oh nyahaha may naalala. hmmmmm hindi ito si mukang enchong noh? lolz

      Delete
  9. Dahil sa first Baguio post mo kaya pumunta ako ulit after several years then Baguio na naman ito with more stories and places. Isipin ko muna dahil wala akong bakasyon na mahaba haba. Ayaw ko sa mga haunted houses, napapanaginipan ko sila afterwards. Nagutom ako sa mga kakanin kaya magpapalibre ako sa iyo next time, lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha keri lang but anytime you need to check what place to go to, you can check out my Baguio adventure.

      Delete
  10. kakamiss ang baguio...lalo ang teacher's camp kung saan nag ghost hunting kami dati...bahahhahaha enjoy your stay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha actually yun nga ang isang bagay na pinunta namin dun kaso lang may mga seminar sila lolz.

      Salamat muli kuya Jobo for following..

      Delete
    2. huh? ah eh?....nalito ako nung mabasa ko post mong to or untill now lito ako...kala ko kapangalan ko yung nasa huli...or ako ba yun? epekto siguro ng almost 24 hrs ng sleep deprivation hehehehh

      Delete
    3. Nyahaha! mukang kulang nga po ikaw sa tulog.

      Ikaw po yun, ikaw po ang bago kong follower. Tradisyon na sa clinic ko na iwelcome ang mga bagong followers lolz

      Delete
    4. at least naliwanagan na ako...hahahahaha oo kulang ako sa tulog at gusto ko ng mahabang bakasyon sa trabaho...kung hindi kayo kumakain ng aso....ingat sa mga ihaw ihaw diyan sa baguio minsan nagseserve sila ng bbq na aso ...totoo...

      Delete
    5. so far naman po eh lasang calamares yung nakain ko so kahit paano po masasabi ko na hindi po sya aso.

      Delete

hansaveh mo?