Sunday, May 11, 2014

2nd timer, Baguio Again! (Pt. 2)

Check-up Time: 1215pm

Hello Bulalo! (wala lang ipinilit ko lang lolz)


So, ito na nga ang karugtong ng trip namin sa City of Pines. Ang aming day 2 Baguio adventure.

6 am ay nakaligo na ako hinihintay ko na lang amg mga kasama ko para makababa ng hotel at makapag breakfast. Nakarecieved kami ng text sa dati naming ka-team mate na nagpaassign sa site namin sa Baguio kaya naman nakasabay namin sya magbreakfast. Dahil sa namiss ko ang strawberry taho ay ito ang nilantakan ko kasama ng longganisa at scrambled eggs.



emote muna bago kami pumunta ng Cathedral


After namin kumain ay naghanda na kami para sa susunod naming lakad. Pumunta muna kami sa Baguio Cathedral para magpasalamat dahil sa Linggo din ng araw na yun (hindi na kami masyado nag kuhaan ng picture, hindi mahulugan ng karayom ng simbahan).




After magpasalamat ride kami ng taxi sabay sigaw ng kuya sa PMA, Vamous! lolz.

Nasa gate pa lang kami ay nakataas na ang mga paa namin para ipakita sa kuyang nag babantay na hindi kami naka slippers at nakashort (hindi katulad ng ginawa ko last year na bukod sa nakashort ako ay nakaslippers pa lolz) Pinapasok kami at nag tungo na malapit sa grandstand. Ayaw na kasi ng mga kasama ko na mag lakad ng malayo nadala sila sa akin pag sinabi ko daw na malapit na eh para daw silang naglakad from Makati Ave to Ayala Ave. Exadj! lolz

Ang nagyari sa amin sa PMA natural pictorial dahil ito talaga ng ipimunta namin dun bukod sa tignan ang grandstand, puntahan ang tree house at ang makipag mingle sa mga kadete. Tintry din namin na umupo sa upuan ng mga mataas ng posisyon kapag may formation ang mga kadete...


Ito ang ilan sa mga tingin ko lang ay ok sa material na kailangan namin...








Pero syempre bukod sa sinadya namin doon dapat meron kaming picture taker, para may remember... Lolz










Pero ito talaga ang pinaka higlights ng aming pictorial doon. Ang aming "lakas maka-Americas next top model - combined edition" #BoomPanis!!! Charot lang!!!!
















After this ay dinala ko naman ang mga kasama ko sa isang resto na naamaze ako dahil sa bukod sa maganda at artistic ang buong ambiance, masarap at healty din ang foodams nila, Napa-"Oh My Gulay" sila sa Oh My Gulay vegie resto.




Hindi sila magkamayaw sa pag libot at pagpapakuha ng litrato sa buong lugar dahil ibang iba at sobrang ganda ng ambiance ng lugar na ito kaya naman sobrang nag enjoy sila. 





Ang inorder ko ay "Keso". Isang pasta na ginamitan ng 3 kinds of cheese..


Habang ang order naman ng iba ay Caesar Asar Salad at Oh my Rice..

Oh My Rice
Caesar Asar Salad
may drama pa sila dito kunwari daw may pinaguusapan sila... Lakas maka the Buzz
Kinuhaan ako ng litrato habang nag-ma-master chef critic ako sa kinakain ko... hindi ako aware lolz

ito ata ang wierd na pic namin na sinasabi ng kasama namin... Dahil sa bago nya pindutin ang click button
eh may nakita sya na dumaan sa likod namin eh both sides naman namin eh wala kang dadaanan...
Hindi sinabi ng kasama namin ang tungkol dito until ng encounter namin sa isa pang resto.

After ng very very healthy na lunch, takbo na agad kami ng BenCab Museum.

Mukang sadyain ang lugar na ito kasi bihira ang nag bibyahe na jeep kaya naman nagtaxi kami papunta dito. Hindi mo aakalain na malaki ang lugar sa labas kasi parang ordinaryong gusali lang ito na nag sasabi na ito ay isang Museum pero mawiwindang ka sa loob nito. Masive ang mga art work na nasa loob nito mga collection ng paintings, wood at metal craft at carvings ang nasa loob.















  







Syempre sinimulan nanaman namin ang pakay namin sa lugar, pictorial...  






Kinuhaan na din namin ng litrato ang madandang paligid na tanaw ng mata naman at syempre group picture nanaman












At, ang mag selfie ulit.... pag bigyan nyo na ako please. hihihi







  

natigil lang kami ng tawagan kami ng kasama namin, Umakyat na daw kami dahil nandun na yung taxi na kinuntrata namin para sunduin kami pabalik ng city proper. Haizt sayang di ko masyado na achive ang ganda ng place.

After nito ay nagbalik kami ng hotel ay naghanda para sa dinner namin at sa paggagala ng gabi na yun..

Hindi namin na malayan na pare-pareho kami nakaidlip kaya naman 6pm na kami nagsibangon. Paglabas namin ng Hotel sakay agad kami ng taxi at nagpahatid kami sa bagong tayong Good Taste malapit sa palengke. Bago pa kami makahanap ng upuan ay may nakita kami na pamilyar sa aming mata. Ahente ng kasama namin binati muna ng kasama namin ang family ng agent nya saka kami humanap ng upuan. Parang hindi na ulit kami kakain sa mga order namin lolz. 2 bowl na pang-6 servings na fried rice, Tig-isang order ng pansit, lechong kawali, nido soup, fried siomai at chicken chopsuey.


Nido Soup
Lechong Kawali
Yang Chow
Pansit
Fried Siomai 

Chicken Chopsuey


Bago iserve ang lahat ng food namin dito na may sobrang wierd na nangyari. Nilapitan kami ng agent ng kasama ko at sinabi nya na kukuhaan nya daw kami ng litrato. Nakapost na kami ng bigla nya ilayo ang camera nya at tumingin sa amin. Tinanong nya kung pito ba kami, Eh 6 lang naman kaming magkakasama. Sinabi namin na 6 lang kami pero sinabi nya na 7 daw talaga kami. Hindi namin sya pinansin at nagpakuha na kami ng litrato. Pagtapos nya magpaalam ay dumating na ang mga tao na mag serve ng mga plate, spoon at fork namin at nagulat kami dahil sa 7 plates, spoon, fork at glasses ang binigay sa amin. Nagkatinginan kami... Kahit kinikilabutan kami ay alam namin na may story ito at sa Manila na namin malalaman kung ano yun (actually medyo scary nga sya..)


Di ba 7 lahat sya...

After ang sobrang nakakabusog na pagkain ay pumunta kami ng Burnham para mag night market. Lahat kami ay busy kakacheck ng kung ano man ang nakalatag sa harap namin. halos lahat may bitbit at may naachive ng araw na yun ahaha ako ang nabili ko ay ang sweater.


Papunta na kami ng night Market nito ☺


Naglakad na kami papunta ng hotel ng marinig ng isa namin kasama na may acustic na bar kaming dadaanan kaya naman pumunta kami doon at naupo sa isang table. Hindi ko inaasahan na makakaladkad pa ako sa entablado at mapapakanta pa nila ako kahit na naninigas na ako sa lamig. Mukang nasira ko pa tuloy ang gabi ng mga nandoon dahil sa boses ko na masakit sa tenga lolz.

sa lugar na ito kami naglalakad sa Session Road
Sila ang mga musikero that time

Navideo-han pa ako nung kumakanta dito, kahit paano naman ok pala sya, hindi ganun kasakit sa tenga ahaha. Kala ko basura lang ang peg ko, super kalat lolz.

3am na ata kami nakarating sa hotel at seryoso paglapat ng mga likod namin sa kama ay kanya kanya na kaming tulog.

Pagod na kami may group selfie pa din nyahaha



Hindi pa dyan nagtatapos ang kwento ko, kasi may part 3 pa. Kung bakit may extension pa sya ay naku, mag 3 hours ko ng ginagawa ang post na ito. Di ko alam kung nagloloko ang net ko o pinaglalaruan ako dahil sa hirap na hirap ako mag edit ng mga picture namin. Kung mapapansin nyo napost ko nga ang entry na ito ng di pa tapos ang entry na ito eh parang may sariling buhay ng laptop ko na pinost ang entry na ito...



Since hindi ko na post ang ibang pics ng first day namin... Ito na sya, kinulit ko si Erin ay agad agad nagpost ng mga pics lolz.


Botanical Garden:




Mines View Park:




Bell House:









Habang naglalakd papuntang Choco-Late de Batirol





Choco- late de Baterol:




White Laperal House:



Burnham Park 1st Day:





Til next time mga fwends!!! Para po sa di nakasunod ito po ang link ng part 1 nya hehehe: 2nd timer, Baguio Again (pt1)

 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. Para saan yung 'material' na sinasabi mo? Isa ba itong proyekto? Parang kaabang-abang, matutunghayan ko ba ito dito sa iyong blog? :)

    Nakakatuwa yung mga ANTM pictures n'yo :)

    BenCab Museum, kailangan makapunta ako d'yan :) Ang husay ng mga likha niya, gusto ko itong makita ng personal.

    Gusto ko yung mga nakakatakot na na-encounter ninyo, sana meron ulit sa part 3!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo ganun na nga po... hindi ko po alam kung masha-share ko po sya eh. Pero kapag pwede why not naman ehehe.

      Nyahaha salamat po at nasakyan mo ang kalokohan namin.

      Tama, maganda pa ang buong paligid nya. sobrang sarap mag pahinga doon grabe.

      actually meron pa nga po sya. lolz.

      Delete
  2. Ayyy grabe sa pagka photo overload ahaha. Di kinakaya ng powers ng internet ko sa loading pa lang XD

    Ayyy pwede pa lang mag selfie kasama ang mga kadete ng PMA?

    At kayo na talaga ang mga mowdel LOL

    Mag dyowa ba sila koya at ate na sweet na sweet lagi sa pics? XD

    Naaayyy may mumu nga yata *shivers*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasencious nemen pew! lolz

      yep snappy kaya nila kahit magpapakuha ka lang ng pic lolz.

      Hindi naman masyado lolz.

      Sila ang subject kaya wala silang magagawa sa utos ng kumukuha ng pic lolz.

      Truth!

      Delete
  3. Wow Baguio! I really miss Baguio. Pumunta din kami sa PMA. Picture taking din anywhere. I bought a cross pendant din from PMA. Hehe
    Kaibril's Sweet Life - Delicious desserts

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehem Yung mga kasama ko naman hoody na PMA ang binili.

      Delete
  4. Eto na siguro ang may pinakamaraming photos na nadalaw ko. Pito naman talaga kayo. Nang kuhaan kayo ni Kuya eh may reflection niya sa salamin so ang tingin niya 7 nga. Kidding aside, may nabitbit kayong kasama, balik kayo ng simbahan, pray for the soul.

    Hindi ko kakayanin ang whole day walking pero talagang sinulit ninyo, sayang nga naman ang oras. May part 3 pa? Ha,ha,ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya Sir, naoverwhelm lang at gusto ishare ang mga photos lolz.

      Yep tulad ng ng sinabi ko sa kanila pumunta na lang sa isang lugar sulitin na lang.

      Delete
  5. aba! nakakarami ka na sa Baguio ah! Baguio trip din post ni Zai, hindi naman kayo nagkita doon? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas nauna sya nag punta ng baguio kaya di kami nagkita lolz.

      Delete
  6. i swear narinig ko yung teme song ng antm abang nagbabasa ako ng post mo...nananananana nanananan nananana...hhahaaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha... sa chubby kong ito malamang out na ako agad agad..

      Delete

hansaveh mo?