Wednesday, November 28, 2012

All I Want for Christmas!!!!


5:10pm (sok)




Hola!

Maraming salamat Pinky sa pag tag sa akin.

Sa totoo lang ang wish ko talaga ay pera, mga dyamante at 3 wishes ulit charut! Seryoso, ang gusto ko ay good health para sa aking family and love ones. Iyon ay kung aspetong hindi kayang ibigay ng materyal na bagay.

Sa kabilang dako, sa dako paroon ang mga bagay na gusto ko i-achieve ngayong season to be chubby, ay mali pala... season to be jolly ay ang mga followings:

1) Yung bagong bluetooth headset ng Nokia (bh 505).


Nakabili ako nung bluetooth headset na nirelease nila last year gustong gusto ko sya kaso lang medyo malaki sya unlike itong headset na ito na bukod sa noice conceal eh di malaki at bulky.




2) Ride all you can GC sa Star City kasama ang aking family.


Oo, child at heart talaga ako bukod doon at gusto ko talaga makabonding ang family sa masayang environment na maari naming makalimutan ang stress sa mga bagay bagay.




3) Tennis Racket

Plano namin ng mga katrabaho ko na maglaro ng sports na ito. Interesting naman sya kaya gusto ko bago ang araw na ito ay may tennis racket na sana ako.



4) Treadmill


Para kahit sa bahay lang nakakapaglakad lakad o nakakatakbo ako. Medyo lumulusog nanaman ako kaya need ko nanaman magbawas ng timbang. Pasko pa naman, sarap kumain huhuhu.



5) Magic Sing


Walang basagan ng trip nyahaha trip ko kumanta kanta, ganyan ahaha.



6) Complete dvd ng Twiglight Saga


Ewan ko ba naenjoy ko talaga ang kwento ng mga bampira at lobo na ito. For sure pirated pa lang ang available sa breaking daw part 2 kaya matagal pa pwedeng maisakatuparan.



Aside sa wishes na ito na mukang ilan lang ang pwedeng magkatotoo ay feel na feel ko din ang Pasko dahil sa nasaksihan ko nanaman ang ganda ng Light Show sa Ayala Triangle kahapon...



Bago ko tapusin ang entry na ito ay gusto ko iwelcome ang bagong tambay sa asylum ng baliw na si Rix.... Welcome sayo D.Gravity! enjoy enjoy po... at dahil dyan isasama kita sa mga link para ipagpatuloy ang mga wishes na ito hihihi.


This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).

4. Send me the link so I could check it out too.

And Im tagging,

Nutty Thoughts
janzen.fiesta
keisi reyes
eArL...
D.Gravity
Jo-mar Del Rosario



- It's my opinion... so? -

12 comments:

  1. potah!!! busy na nga ako sa pagtutlak ng droga dadagdagan mo pa ang trabaho ko???
    lels....

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha go wala ka pang entry simula nung bumalik ka kaya magpiga ka na ng creative juices mo nyahaha

      Delete
  2. Syak! nainggit ako sa Ayala Triangle. Ang taba mo sa pix. dyuk! Ikaw na magaling kumanta. Magic Sing? Good luck sa mga wishes mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha di ko na idedeny na lumusog nanaman ako . oist di ako magaling feeling lang. charut!

      Delete
  3. sana matupad yan...

    Ngayon ko lang nalaman na ung bluetooth headset ng Nokia (bh 505)-- di na ako updated hehehe

    Goodluck sa mga wishes mo... sana makuha mo rin ang magic sing ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehehe sir Jon yung luma kasi ang meron ako yung BH 503.

      Delete
  4. ayan nagawa mo na..at ang bilis ah!..very good ka maya..i mean rix pala hehe...

    gusto ko din ng complete dvd ng twilight saga..ikaw na mahilig kumanta!..midi na lang bilhin sa quiapo marami tapos mura pa at maraming songs pwede pa i-update every 6 months...

    goodluck sa threadmill hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa office palang gumawa na ako ng draft para pagdating sa bahay copy paste na lang :). Yung treadmmill talaga ang gusto ko ipagnovena :)

      Delete
  5. Yung magic sing... sOnger ka pala kuya... Sampol sampol :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakupu kung kakanta ako lalapit mga palaka makiki-jamming. Ikaw, gitarista ka pala.. sampol! sampol! nyahahaha.

      Delete
    2. HAHAH wala e, sira ang gitara. Naputol! ;)

      Delete
    3. ok lang yun next time na magkaroon ka magsampol ka na. sumama ka sa amin nila Pinky at Archie pag nag ktv :)

      Delete

hansaveh mo?