Sunday, March 31, 2013

2nd PBO Kick-off

Check-up Time: 4:18pm


Sa pangalawang pagkakataon isa na namang proyekto ang napagtagumpayan ng PBO ng magdala sila ng kaligayahan sa mga lola ng Bahay ni Maria sa Calamba, Laguna.






Hindi sapat ang mga salita para ipabatid kung gaano kasaya ang pakiramdam ko ng muling makasama ang mga taong nakakasama ko na sa proyekto ng PBO idagdag pa dito ang mga bagong kakilala at mga baong kasama...

Maraming salamat at naka-kiskisang siko ko kayo...









Si lola Emila, ang pinaka kinatutuwaan naming lola ni Erin (bukod kay lola Binay) ang nagpataas ng energy level ko kahit na 28 oras na akong gising...







Nag-enjoy din ako ng wagas kahit na pagod sa byahe papunta ng Villa Rimas dahil sa na ligaw kami at naipit sa mala-parking lot na traffic dahil sa di namin pinatawad ni Erin at ang dalawa pa nyang mga friends (na naging friend ko na din) ang videoke na talaga namang hilig namin.


(from left to right: Toshi, Rix, Erin, Kelly)





Nangamaos na ako ng husto at wala talaga akong boses ngayon, Literal! Dahil sa parang nagkaroon lang kami ng concert at buma-back-up singer pa kami sa isa't isa eh, mangamatay ako ngayon sa dusa nyahahaha.





Isa sa mga holyweek na di ko makakalimutan...







Amaprowd PBOers!!!!!




PS: Hindi din ako makamove on sa gangnam style na sinundutan namin ng kalokohan ang lyrics...
"kalamo Korean nanay mo...." Lewlz..






Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Friday, March 29, 2013

Maasim na paglalahad...

Check-up Time: 3:02am



Ano ano ba ang naiisip mo kapag sinabi ang salitang maasim?



Narinig mo na ba ang linyang:


"Huwag kang mag maasim dyan. Hindi bagay sayo"
- na ang ibig sabihin ay wag kang mag inarte?


"Ang asim mo sa part na yan"
- na ang ibig sabihin ay may pag mamataray kang caracas.


"Ay ang sarap, maasim-asim sya"
- na ang kahulugan ay gusto mo ang lasa ng ninanamnam mong putahe.


"Huwag kang tumabi sa akin, ang asim mo"
- na ang tinutukoy ay ang amoy mo galing sa pagka-jabar dahil malamang ay binaskil ka ng walang habas.


"Ang asim ng mukha mo?"
- na tinutukoy ay ang itsura mo na parang tumungga ng galon galong suka dahil di maipinta sa pagka-badtrip mo.


Ang powerful na ng salitang maasim/asim noh? May isa ba sa mga linya na yan ang di man eksaktong salita eh nagamit mo na?


Ako nga minsan di ko lang sya ginagamit, ginagawa o nararanasan ko pa. Kaya napaisip ako habang ako ay naglalabas ng sama ng loob sa kubeta, dapat na ba akong bigyan ng katibayan na ako ay isang maasim na mamamayan ng Pilipinas?


Pero na pagtanto ko lang, hindi pala ako ang pinaka maasim dahil meron pang mas maasim sa akin.




sya ay si...
































Ooooppppppssss, sorry mali ng piktiyur (may naiisip ba kayo sa itsura ng piktiyur hihi)..... Henny waste, sya ay walang iba kundi si....








































Ay sorry ulit, mali nanaman ng piktiyur henebe?

Heto  na talaga, ang pinakamaasim na nilalang sa balat ng vitamin C, sya po ay si....
























































ang madam ng bayan... ang nag iisang fortune teller and future sugar lola si Madam Auring....

Ang ASIM nya noh?


☺☺☺☺☺☺

Usapang maasim kami nung lunch break sa opisina dahil sa sobrang asim ng usapan namin eh biglang umasim ang saltik ko kaya naasiman ko ang asylum ko... Baka nangangasim ka na habang binabasa mo ito, ok lang asiman mo nga ang post na ito ahahahaha....



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Friday, March 22, 2013

Halo-Halosineyshen

Check-up Time: 5:24am

Sa katahimikan ng aking mahimbing na pagkakatulog ay binulabog ako ng alarm ng aking ketai. Parang wala ng bukas at susunod pang mga bukas kung mag alam ang salbaheng ketai na ito. Kahit na ubod pa ng kupad iproseso ng kakarampot kung utak na kailangan ko ng bumangon para pumunta sa usapan namin ng mga kaibigan ko ay pinilit kong kaladkarin ang sarili ko sa banyo para maligo na..

Walang bakas ng pagmamadali. Sinigawan ako ng orasan dahilan para ako ay lumingon sa kanyang dereksyon...

Hello 4:20pm! Ang usapan naming magkakaibigan ay 5pm. Ang tanging nagagawa ko pa lang ay mag gayak ng aking kasuotan. Rush rush ako sa pagkilos. Nagsusuot na ako ng pang yapak ng maramdaman ko ang nagsusumiklab na galit ng mga organismo sa aking napaka-petite na sikmura. Doon ko na alala na wala pala akong dineposito dito bago nakawin ng mundo ng panaginip ang aking ulirat.

Run-away-bride ako sa pridyider. hinahabol ko ang amoy tocino ko pang hininga (tocino ang kinain ko kagabi) ng mahawakan ko ang bukasan nito kahit na 10-hakbang lang ang layo sa pinanggalingan ko aming balingkinitang pridyider.

Puno ng masayang buhay kong binuksan ang nasa harap ko dahil sa pag-asa na may bagay na magliligtas sa akin sa mala-2012 na rebolusyon ng aking kyut na kyut na tummy pero....













Wala......







Walang himala!!!!! nasa utak ko lang ang himala....


Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata... Lumayo ako sa bagay na nasa tapat ko habang  dumadayalog ng...

"Inaasahan ko na iintindihin mo ako... pero bakit mo ako hinayaan..Hinayaan mo akong maramdaman ang sakit na ito.... ANG SAKIT!!!!! "

Napasandal ako sa konretong pader at dahan dahan na dumadaos-dos pababa habang pumapatak ang 2 luha sa napa-chinky kong right eye..

Bago pa tuluyang naubos ang libag ko sa braso sanhi ng pagdaos-dos ko sa pader ay napatingin ako sa lamesa at may napansin kong bagay...

May ngiti sa kanya, kumakaway sya at ako ay inanyayahan nya...

Mabilis ko syang nilapitan at ng akin siyang hawakan ay biglang nawala ang ilaw sa aking paligid.... ay wait lang, meron palang natira... spotlight na nakatutok sa akin...

Ngumiti ako habang naramdaman ko ang napaka breezzy na hangin na dumampi sa aking pagkatambok tambok na mukha at winave wave nya pa ang hair ko..

Suspense ang sumunod na eksena...

Tumakbo ako sa water dispenser habang dala ang aking peyborit white mug.... nagmamadali ako na nilalagyan ng mainit na tubig..

"Bilisssss, bilisan moooooo....." samo ko habang nangangatog ang buong katawan ko sa pagmamadali... halos humiwalay ang puso ko sa katawan ko sa sobrang bilis ng pintig nya...

Walang ano ano ay bigla ko na lang kinagat ang nakita ko kanina... napilas ang dala ko. Buong pwersa ko itinaob ang dala ko sa mug na hawak ko.. naiiyak akong humanap ng kutsara at nagmamadali hinalo ang dala ko na parang kung di ko sya magagawa agad agad ay bigla na lang may lalabas na bakulaw sa eksena ay tatadtarin nya ng pinong pino ang napaka-kyut at napaka-petite kong katawan..

So ayun na nga... natapos ko na syang itimpla... Matapos nun ay itinas ko ang mug ko at may narinig ako from somewhere na may isang melodious na voice na may sobrang taas na pitch na umawit ng...





Haleluya!!!!









....Ang haba ng kwento ko eh ang nangyari lang naman eh nag timpla ako nito.....





























Huwag hayaang maging hibang sa gutom... mag-Energen Go-Fruit na, ang instant oat drink na may real fruits na sagot sa mini-mining gutom...
Also available Enegen Vanilla, Energen Choco, at Energen Munggo..



                                                     *************************



Sinapian nanaman po ako ng saltik ko kaya naman nagawa ko nanaman itong entry na ito..

Naglalakad lang ako sa grocery at nakita ko ang bagong variants ng energen kaya bumili ako at tinikman maayos naman ang lasa nya at nakabusog din naman sa mini mining gutom... kaya itry mo na din ahahaha...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Tuesday, March 19, 2013

Now Playing: Kundiman (Huling Bahagi)

Check-up Time: 3:51pm

Kamusta na ulit mga katambay :D ito na po ang sunod na update sa kwento ni Rey at Meg.

Ito na po ang huling kabanata ng kwento... sa mga sumubaybay ng sabaw sabawang kwentong ito ay sagad simula fats ko hanggang buto ang pasasalamat ko...


-----------

Karugtong...


BLAG! 

Umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa pagsalpok ng likurang bahagi ng bus sa harap ng minamaneho ko. Gulat na kumapit sa akin si Ruth. Dahil sa magkahalong takot at pagkabigla ay nag simula ng umiyak ang mga bata. Pinipilit ko silang pakalmahin pero maging ako ay may takot din na nararamdaman. Mas nadagdagan ang kaba ko ng nagsimula itulak ng sasakyan sa harap ang sinasakyan namin. Mas lalo akong natakot para sa pamilya ko dahil kitang kita sa rearview ng sasakyan na sa bangin kami tinutulak ng sasakyan na nasa unahan. Sa isang iglap dalawang sasakyan ang ag pagulong gulong sa bangin. Dinig ko ang iyakan ng mag-anak ko, hawak ko si Sandra ng mahigpit sa kamay.  di ko man masyado makita ang nagaganap dahil sa sumisirko ang ang sasakyan. Pakiramdam ko ay para kaming gulay na winawasiwas hanggang sa tumama ang sasakyan namin sa isang puno. Tahimik ang paligid. Pinipilit kong kumilos, inuutusan ng utak kong gumalaw ang katawan ko pero nanatiling bingi ito at di ako sinusunod. Hindi ko masyado makita ang paligid dahil sa may likido na umaagas sa mata ko, di ito amoy langis ng sasakyan at di rin naman ito tubig dahil may kulay ito... Dugo, umaagos ang masaganang dugo galing sa sugat na natamo ko sa ulo sanhi ng malakas na pagkakasalpok ko sa manibela hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo at unti unti ay magdilim ang paningin ko at lamunin ng kadiliman ng paningin ko....


"Buti naman at gising ka na" Sabi ng panilyar na boses sa akin. 

"Si Ruth? ang mga anak ko? nasaan sila? nasaan sila Meg?" Sagot ko sa kausap. 

Bagamat hirap kumilos dahil sa bugbog ang katawan ko sanhi ng aksidente ay pinipilit ko gumalaw. Hinawakan Meg ang kamay ko. 

"Nasa kabilang silid ang mga bata nagpapagaling na sila". Paliwanag ni Meg.

"Si Ruth? nasan ang asawa ko Meg?" tanong ko sa kanya na umaasang nagpapagaling din sa ibang silid. 

Nakita kong naguunahan ang mga luha sa mga mata ni Meg habang umiiling. 

"Bakit di ka sumasagot? Nasaan ang asawa ko? Gusto ko syang makita Meg, dalhin mo ako sa kanya" kinakabahan kong mga tanong ko sa kausap.

Huminga ng malalim si Meg bago nagsalita. "Di na umabot si Ruth, sabi ng mga doktor eh malakas ang paghanpas ng ulo nya sa kanto ng sasakyan, may namuong dugo sa utak nya. kung mas maaga daw sana syang na bigyan ng atensyong medikal ay makakaligtas sya pero hindi iyon ang ng yari" hirap na paliwanag ni Meg habang umiiyak. 

Hindi ko mapigilan ang umiyak habang sumisigaw sa silid... Di ko matanggap ang nangyari sa pamilya ko. Nagpumilit akong makita si Ruth. Nakiusap ako kay Meg na pakiusapan ang doctor na payagan akong makita ang asawa ko. Puno ng pagtangis si Meg, niyakap nya ako ng mahigpit na tila sinasabi nya na nasa tabi lang sya di nya ako iiwan.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang silid kung nasaan ang mga labi ni Ruth.

"Meg maari mo ba akong ilapit sa asawa ko?" Pakiusap ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko... 

Itinulak ni Meg ang upuang de gulong sa kinaroroonan ng malamig at wala ng buhay na si Ruth. Tunog lang ng hinagpis ko ang maririnig sa lahat ng sulok ng silid na iyon, lubos ang pasasalamat ko kay Meg dahil sa nasa likod ko sya at inalalayan ako sa panahong kailangan ko ng kasama at di pa lubusang tinatanggap ng isip ko ang lahat ng naganap noong araw na iyon.


************


*Kasalukuyan...*

Ilang taon na pala ang nakalipas noong naganap ang pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko. Kinuha na din ng panahon ang kabataan ko. ngayon ang puti na ang mga buhok ko ay kulubot na ang mga mukha ko pero nanatili ang pangako namin ni Meg sa isa't isa na kahit hindi kami ang maging magkatipan ay nanatili kami sa likod ng bawat isa at hindi lalayo. Ito ang eksaktong araw na nagtapat ako ng pag-ibig kay Meg, ito din ang eksaktong araw na tinanggap nya ang pagmamahal ko sa kanya. Katulad ng nakagawian namin, ay magkakaroon ng maliit na salo salo sa lugar na ito, ang lugar na saksi sa bawat saya, kalungkutan, sakit at tagumpay namin.

Maraming salamat sa pagsama mo sa lahat ng mga kaganapan sa buhat namin.

Salamat kaibigan.

--------




Matapos magsulat ay itiniklop ni Rey ang liham na ginawa nya at inilagay sa siwang sa ilalim ng mesa ng tambayan nila.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tinig ng isang matandang babae na pamilyar ang boses.

Nilingon ni Rey ang pinanggalingan ng boses. Nakita nya si Meg na nakangiti habang bitbit ang isang basket na puno ng prutas at inaalalayan ni Andy.

"Hindi naman, medyo maaga lang kaming nakarating dito dahil sa nangungulit ang apo kong ito na umalis ng maaga dahil na sabik ng makita ang mga kaibigan ng lolo nya" Nakangiting paliwanag ni Rey kay Meg habang sinusundan ng tingin ang apo nya na naglalaro sa playground.

"Mico, halika na dito at tulungan mo kaming maghanda ng pagkain para makakain na tayo" masayang tawag ni Andy sa apo ni Rey.

"Opo, lolo Andy, papunta na po ako dyan" sagot ng bibong bata na may halong pananabik dahil sa nakita nito ang mga kaibigan ng kanyang lolo.

Masayang naghain ng magasawa at maglolo sa mesa na naging saksi sa saya, lungkot, tagumpay at pighati 

Ang lugar na naging espesyal sa buhay ng mag kaibigang Meg at Rey...



*** WAKAS ***



Sunday, March 17, 2013

Kare Kareng Entry (part 2)

Check-up Time:8:39pm

Gumagaya kay EMPI.

Wala talaga ako sa wishu nung nakaragang Biyernes... Alam ko naman na dapat ay may rason ako na ma-motivate pero wala talaga, di ko mahanap ang gana magtrabaho nung gabing iyon, dahil siguro sa kailangan ko magrender ng mandatory overtime kahit na alam kong wala naman akong gagawin sa opisina kaya may katam ako?

alas-dos ng hapon hanggang alas-onse ang shift ni Bino habang kami naman ni Tet at Silver G (ng The Editor of Atonement) ay alas-nuwebe hanggan alas-sais ng umaga... Wala pa kaming trabaho kaya naskukumpulan kami sa isang sulok ng opisina. Matagal na naming balak na subukan ang nadiskubre ni Zai Zai sa entry nya na "Halo Halong Kempet" ang eat all you can na korean foods, bilang kami naman ay magagana kumain ay gusto naming subukan..

Paglabas namin kinaumagahan eh walang patumpik tumpik na naghanda kami sa pagakyat sa antipolo... Magaalas 8 na kami nakarating ng Antipolo doon ay hinihintay kami ni Bino sa Ynares, nung nagkita-kita na kami ay agad kaming tumulak ng Over Looking...


You say "hello Antipolo!" when you look at them kahit hagad like me ahaha..


Maaga pa dahil sa may oras ang eat-all-you-can ay pinalipas namin ang oras dito, Wala pa kaming kain nito...



9:30am na nung subukan naming puntahan ang target resto na pinunta namin doon... Sa wakas restaurant spotted..


Nakita namin ang restaurant na sinabi ni Zai ngunit nalungkkot kami kasi 11 pa pala ang eat-all-you-can nila. Tumingin tingin kami sa mga estante ng restaurant/mini grocery at tinignan namin ang mga korean Items doon..

Bilang si Tet ay may kapatid na nakapag asawa ng Koreano at nakarating na ding ng Korean kaya marunong magsalita at magbasa ng Korean

Ay kung ano ano ang tinatanong namin sa kanya... Hanggang sa Bumili sya ng mga items doon dahil sa familiar sya sa mga ito... Sumunod si Bino sa kanya hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na dumadampot din ng kung anek anek at nagpunta ng cashier..




3 Spicy korean instant noodles na masarap, tig-isa kami ni Bunso ng bite size na coockies na may filling sa loob, isang ice cream sandwich na ubod ng sarap at almond chocolate para kay Paping...



Ang tagal na naming nakatambay ng maggyaya ang mga kasama ko na umikot muna ng very light lang kaya naman sumakay ulit kami sa kanya kanya naming walis tambo.... Charut! sa oto ni Bino at umikot lang ng light hanggang sa may nakita ulit kami na isa pang eat-all-you-can na Resto na di kalayuan sa 2-Do's.. Ang Don Day Korean resto..

Umakyat kami para i-check ito at saktong bukas na sila, dahil kinakain na ata ng mga small instenstin namin ang large instenstin ay nagpasya na kami na doon na kumain...











Isang oras pa lang kaming nakaupo parkiramdam ko eh 4 na oras na kaming kumakain. Nangamatay na talaga ako sa busog pakiramdam ko isang maling kilos ko lang eh bigla na lang akong puputok..

Nagpapahinga kami ng kaunti ng biglang makita ni Silver G ang spa sa tapat namin.. Dahil sa isa na ata ito sa hobby nya ay niyaya nya ako na subukan magpa-spa...

Nagtext na din ang hobby ni Tet kaya naman nag desisyon na syang umuwi, si Bino naman ay may lakad pa kaya mukhang kami na lang ang susubok... Gusto ko na sanang umuwi ng makapag pahinga na subalit parang sinusunog ang balat ko... pakiramdam ko kailangan ko mag lotion ng mang tomas at kumagat sa mansanas eh isang ganap na litson na ako...

Dahil dito ay na linlang ako ni SG, makiligo na lang daw kami sa spa tapos mag pamasahe..


Mababait at very accommodating ang mga staff nila.. agad kaming binigyan ng slippers at inihanda ang towel namin para makapaligo... Habang nag hihintay ay nagserve sila ng kanilang on-the-house unlimited tea..

Pinag-aaralan namin ni SG ang tea nila dahil sa mahilig kami sa mga humihealthy na inumin.. Di ko malasahan kung anong tea ito pero may honeylemon sweetener sya at kalamansi din parang ganyan..

Natatawa kami ni SG dahil sa pang couples yung room na hinanda sa amin, kaya sinabi namin kay kuya Alvin (isa sa terapist doon) na separate room kami.

Heto na sumalang na kami. pumasok ang therapist ko, "hi sir ako po si Al Rose", pagkarining ko ng pangalan ay agad napatakip ako ng kumot at sumigaw ng "RAPE!!!!!" Charut lang ahahaha...

Bakit girl ang magmamasahe sa akin? Naalala ko di nga pala ako nagsabi sa information na male therapist ang gusto ko... Una sa lahat, nahihiya ako na lamas-lamasin ng babae na therapist ang katawan ko, nakakailang kaya. Pangalawa, iba ang preasure ng lalaking therapist kesa babae. Pangatlo, nasanay ako na ang nagmamasahe sa akin ay si Diko at Bunso na mga lalaki kaya mas kumportable ako na lalaki ang nag mamasahe sa akin..

Nagsabi ako na baka pwedeng lalaki ang therapist na magasikaso sa akin, kaso walang available. Kaya sige na nga kahit na iilang ako..

So ito na nga, nagtanong si ate Al rose kung hard o soft... bigalang nagkaroon ng background music at lumabas ang mga back-up dancer ko at kumata ako habang sumasayaw...

♪♫♪ boom borom boom boom borom boom base.... super hard! ♫♪♫ syempre joke lang yun...

Sabi ko kay ate super hard po... matagal na kasi akong di nagpapamasahe kaya alam kong marami na akong lamig.... ay mali pala MPS (Myofascial Pain Syndrome) pala ang tawag doon. Hindi naniniwala ang mga Physical Therapist sa salitang lamig sabi ng ka-work kong PT noon.

Hindi naman ako napahiya sa masahe ni Ate Al Rose, dahil kung tela lang akong nilalabhan nya ay malamang iiwan nya akong gulagulanit habang nakasampay... ganyang level...

Sa totoo lang minsan gusto kong humagikhik sa tawa dahil sa nakikiliti talaga ako pang tinutusok-tusok ang baba ng balikat ko hanggang balakang ko pero ang tangi ko lang magawa ay ang automatic na manigas ang katawan ko dahil sa kiliti..

Alas sinco na ng hapon ng matapos kami medyo di na mainit kaya mukang ok na ang magbyahe pababa ng Antipolo... Sigurado mauulit ito...

Ang Mt. Apo Spa ay may mga branches sa Brookside Hills, Cainta, Taytay, Binangonan at Angono at soon ay sa Ortigas, Meron din silang home service for more details nasa pic po yung contact number..

Ang Don Day Korean Restaurant po ay ganun din nasa pic ang contact number at address.

Bisitahin nyo po sila mag eenjoy din po kayo..

(ang post na ito ay gumagaya lang sa entry ni Empi na may eat-all-you-can tapos spa na peg ahahaha..)

*************************************************


DJ Rixophrenic

Kagaya ng napangako ko last week... ay patutugtugin po natin ang awiting na gusto nyo sa page na ito ehehehe..

Simulan na po natin ang programa... 

Ang awiting ito ay para kay Fiel-kun na mahilig sa new wave na kanta... Ang awiting ito ay may pagka-up-beat na kanta ng Culture Club...

Hit it Mr. Dj...





Ang sunod na awitin naman ay para kay Xan Gerna, Nakakatuwa ang kanta ng Tangerine Kitty (ata) na tungkol sa pag-iisip ng mga stupid ways to die. And now lets listen to their song, this is Tangerine Kitty's Dumb way to die.... Hey Mr. DJ put the records on....





Ang Sumunod naman na awit ay para kay Sir Overthinker Palaboy, Ang kantang ito ay isang cover song galing sa band na arcade fire... Isang napaka-mellow na kanta that talks about the truth vs. lies ito po ang Rebellion by Benjamin Francis Leftwich. Mr DJ play it for us... now na..






Speaking of cover songs dahil sa cover songs ang trip ni Mecoy ang house party song ng kanta ni Sia featuring David Guetta ang para sa kanya, ito ang Titanium ng Boyce Ave...




Going back to the old song... para naman ma-feel ni Zai na its so so Sunday ito ang kantang madalas nyang maalala kapag Sunday This is Tom Jones' Delilah..




All out of nothing to say ba ang peg ni Jun kaya nasabi nya eh Airsupply ang naabutan nya? well, well, well I don' think so... Mabuti pa lets listen to Airsupply's all out of love... this song is for June... Oh Mr. deyji paki play na...




Dahil sa bagets na bagets si Bagotilyo at call me maybe na daw ang naabutan nya... eh di gow! hit it Mr. DJ, this is Carly Rae Jepse's Call me maybe


And last but not the least.... isang oldies song ulit ang madalas daw mapakinggan ni tukayong Ric kaya naman ang kantang ito ay para sa kanya... Sana ay makaabot pa ako sa kabilang page ko kahit parang like a bridge over troubled water ang peg.... this is Simon and Garfunkel's song like a bridge over troubled water...




Ayan po sana po ay nagustohan nyo ang kare-kareng edition ng Asylum ni Rixophrenic pero bago po tuluyang matapos ang uber habang entry na ito ay magpapasalamat po ako sa bagong tambay ng asylum na ito na si TrekkerTrail. Sana po ay di ka po magsawang bumalik balik sa ubod ng sabaw at walang kapararakang pahina ng baliw na si Rix..



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Thursday, March 14, 2013

Kumo kowts..

Check-up Time: 6:02pm



Heleeewwww!

Sa totoo lang ay di ko inaasahan na maging seryoso ang isang Rixophrenic, pero dahil na rin sa tulong ni Maestro Sinto-Sintonado ay lumabas ang seryosong bahagi ng baliw na si Rix (bipolar? hehehe)..

Nang dahil sa huling awitin na pinatugtog ni Maestro sa music room  nya ay lumabas ang ilan sa mga saloobin nya na di inaakalang may naka-relate na ka-duet.

Nagulat ako pag gising ko kanina dahil sa nakatag ako sa isang kowtabol kowts ni Fiel-Kun, at nung binasa ko ito ay nalaman kong ito ay isang sagot sa komento ng isang tagasubaybay...


Binigyan ako ng idea ni Fiel-kun na gawin kong entry ang kowtabol kowts na ito, kaya  heto po sila..












*********







Muli maraming salamat Fiel-Kun sa pag bibigay ng idea na gawin kong entry ang mga kotabol kowts na yan...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Monday, March 11, 2013

Ano ang Sunday song mo?

Check-up Time: 1:26pm


Kamusta na mga katambay sa asylum? 


Ako? di pa rin makarecover hanggang ngayon sa pagbabago ng sched ko sa trabaho... Matagal na akong naging daywalker pero all of a sudden eh bigla na lang akong gagawing isa nanaman bonfire... Opo bonfire, yung may pangil na sumisipsip ng dugo... 






.........Ay vampire ba yun? sorry mali ang tinitignan kong dictionary hihihi...








Dahil doon ay nakipagbonding-bonding ako kay Nutty Thoughts ng Nutt-Cracker para naman makalimutan ko ang yamot ko....

Nalasing ako ng sobra sa pineapple juice at namaos sa pagkanta sa videoke... Tahimik kami ng biglang pinlay ang isang lumang kanta... (insert intro......)

Nabigla ako kay Nutty dahil bigla syang rumeak ng medyo violent sa kanta at sinaksak ang katabi nya... charot lang!


So eto na nga... bigla nya sinabi na gusto nya ang kanta dahil ito ang kantang kumukompleto sa Sunday nya...


Alam nyo ba kung ano yun? syempre hindi kasi wala naman kayo dun dabuh? hihihi..


Pero isha-share ko sa inyo kung ano iyon... Insert video..



















(Bakit ikaw pa? by Geraldin)

--- Ang awiting ito ay hatid sa atin ng Buko pie ni Egay... Masarap sya, lasang nata! (Charet lang!)




Syempre napaisip naman ako ng sobrang hard kung ano nga ba ang kantang madalas ay napapakinggan ko tuwing Sunday. At naalala kong madalas nga palang i-play ito ng boarder namin kaya naman siguro nasabi ko na ito ang Sunday song na kumumpleto sa linggo namin....

Mr. DJ... hit it!























(Paano? by Dulce)
--- Ang awiting ito ay hatid sa atin ng Chicharon ni Kulas, Putok batok ba ang gusto mo? itry mo ito... (charut ulit!)




Ikaw po ba ano ang Sunday song mo? kung ayaw mo po sabihin, dial 1-800-800-800 sa inyong mga telepono at pakisabing ***fax tone please*** para malaman ko, malay mo sya ang ifeature ko sa susunod kong entry... nyahahaha...




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Wednesday, March 6, 2013

Now Playing: Kundiman (ikatlong bahagi)

Check-up Time:  5:04 pm

Haw east ebri juan? ako naman ay ayos lang matapos ng dalawang linggo ng pagkasabaw. 

Ikinatuwa ko na madami ang nag-bigay ng kaunting oras para silipin ang sabaw post ko na kumu-kumershal daw na peg. Nagpaunlak pa ako ng mini mining hinterbiyu sa tyat sa pesbuk upang magbigay ng mga kaunting detalye sa Milk Magic, akala ko nung una ay gagawa ng pastilyas yun pala ay gusto talagang tikman hihihi (mukang kunbinsing ang pag kemershal hendorsment ko (hene daw?).

Henny waste, saw mutts four da comer shells, itutuloy ko na po ang kwento ng serye na ginawa ko, ngunit, subalit datapwat, ako muna ay mag-papasalamat sa bagong sponsor tambay sa asylum ng baliw na si ako...

maraming salamat po Daddy Jay Rafol
*** fireworks (ganyan) ***

Dahil po dyan, bigyan ng jacket at cd si daddy Jay at gip sertificeyt sa mami ni aling Mameng, sa mami ni aling Mameng, di ka mabibitin..... "You dont do that to me" (beri willie, chars!)

and now back to regular programming...


***************

Ang karugtong...


Akala ko ay lubos na ang kaligayahan ni Meg ng hindi sinasadya ng pagkakataon ay nawala ang batang dinadala nya. 

Dahil sa pagod ni Meg sa trabaho at sa maselan ang kanyang pag-dadalang tao ay nakunan si Meg. Labis na ikinalungkot ni Meg ang nangyari sa dapat sana ay una nilang supling ni Andy. Ang dating mga labi na puno ng ngiti kahit na malungkot ay tuluyan ng nawalan ng sigla. Paulit-ulit nyang isinisisi sa kanyang sarili ang dahilan kung bakit nawala ang dapat sana ay karga karga at pinaghehele nyang sangol. Kahit na paulit-ulit na sinasabi ni Andy na di nya kasalanan ang mga yari ay tila bingi ito ay hindi inaalintana ang pagdamay ng kabiyak sa kalungkutang nadarama.

Nawalan ng gana si Meg sa buhay. Madalas na lumiliban sa trabaho at nasa bahay lang, nagmumukmok. Naging makitid ang pag iisip ni Andy sa pag-unawa kay Meg kaya nagpasya ito na iniwan ang kabiyak. Naiwan si Meg sa gitna ng kalungkutan, sa oras na dapat sana ay inintindi sya. Sobrang ang naramdaman kong kalunkutan para sa aking kaibigan. Sa panahong ito ay hindi ko iniwan si Meg gaya na rin ng pangako namin na aalalayan namin ang bawat isa kahit hindi kami ang pinalad na magkasama. 






Masakit man sa parte ni Ruth ay hinayaan nya akong damayan ko ang aking kaibigan sa panahon ng kanyang pighati, ikinatuwa ko dahil hindi din ako iniwan ni Ruth at naka-alalay siya sa akin sa tuwing  puntahan ko si Meg sa kanyang tahanan para kamustahin, kausapain, at ipaintindi sa kanya na di nya kasalanan ang nangyari sa kanila ni Andy at dapat syang magpatuloy sa buhay. Dahil sa masigasig din kaming mag-asawa sa pagkumbinsi kay Meg ay ikinatuwa namin ng minsan isang araw ay gumising si Meg masigla, maaliwalas ang kanyang mukha at tila ba napuno sya ng naguumapaw na positibong bagay. Muli ay bumalik siya sa trabaho at sa mga dati niyang mga gawain. Tinanong namin siya kung balak niya na hanapin si Andy pero ang tanging sinabi nya ay...

"Hindi na sya sumasagot sa mga tawag ko, hindi na rin alam ng mga magulang nya kung nasaan sya. Kung babalik man sya sa akin maghihintay ako, pero kung hindi na, hangad ko ang kaligayahan nya at ipagdadasal ko na sana ay ligtas siya palagi". 

Hindi na namin pinilit si Meg dahil ang importante sa akin ngayon ay bumalik na ang sigla nito. Dahil sa nangyari ay unti-unti din naging malapit si Meg at Ruth sa isa't isa, bagay na mas lubos kong ikinagalak. Masaya na rin ako dahil sa maunawain ang asawa ko at masaya naman ang kaibigan ko na dati kong kasintahan. Ngayon ay nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa pagkatao ng aking kabiyak, bagamat may mga pagkakatain na dumarating ang sandali na hindi kami komportable sa sitwasyon ay nagkakasya na lang kaming ipagkibitbalikat ito.

Sa paglipas ng panahon ay natutunan ko ng mahalin ng totoo si Ruth, sobrang maunawain nya at sa haba ng pasensya nya sa akin ay napagtanto ko na naging madaya ako sa kanya. Isang araw pag-gising ko ay nagbago na ang pakikitungo ko sa kanya. Nagulat man si Ruth ay labis ang kaligayahan nya dahil sa wakas ay wala ng pagkukunwari ang pagsasama namin. Masaya at maayos ang lahat para sa amin kasama ang dalawang malusog, maliliksi at mababait na mga supling na lalaki. Naging mas masigasig ako sa pagta-trabaho para sa mga anak ko. Kahit pagod sa trabaho na hindi pa rin nawawala ang oras ko sa kanila at kay Ruth. Ang Linggo ay araw ng pamilya para sa amin. Pagtapos  magsimba ay lalabas kaming maganak para mamasyal o kaya naman ay maghahanda si Ruth ng isang masarap na hapunan. Minsan ay iniimbitahan namin si Meg na saluhan kami sa hapunan at habang pinagsasaluhan ang pagkain ay masaya ang kuwentuhan namin sa mga bagay na ngayari sa nagdaang linggo.

Minsan sa trabaho habang bagot na bagot na ako sa paulit-ulit kong paginspeksyon ng mga plano  ng ginagawa naming proyekto ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Meg. Iniimbitahan nya kami sa bahay nya sa Linggo, wala naman kaming plano ni Ruth sa araw na iyon kaya pumayag ako. Nung matapos namin mag-usap ay saka ko na pansin na may kakaiba sa Meg na kausap ko, ligalig at masayang masaya pero di ko na lang inintindi at bumalik ako sa ginagawa ko.

Sumapit ang Linggo, kahit na sinabi ni Meg na magluluto sya para sa amin ay nagdala pa rin kami ng pagkain na pagsasalu-salohan namin. Nung nasa labas pa lang kami ay may nakita ako sa bintana, mukang pamilyar ang pero dahil sa nakatalikod ang nakita ko ay di ako tiyak kung tama ang iniisip ko. Pinagbuksan kami ni Meg at pinatuloy na sa bahay nya. 

"Mukang masayang masaya ka, anong meron?" tanong ni Ruth kay Meg.

"Malalaman mo rin, sandali na lang..." ang tugon nya. 

Tama nga ako sa aking nakita... ngayon ay tapos na ang pagiisip ung sino ang nakita ko.

"Andy, bumalik ka na pala?" medyo gulat kong bulalas sa kaharap ko.

"Oo, alam kong malaki ang pagkakamali ko kay Meg. Dapat ay di ko sya iniwan noong panahong kailangan nya ako pero pinagsisihan ko yun." tugon nya habang hawak ang kamay ni Meg. 

Iba ang ligaya sa muka ni Meg kaya kahit gustong lumapat ng kamao ko sa mukha ng taong nagbigay ng labis na hinagpis sa kaibigan ko ay kinimkim ko na laman ito. 

"Magandang balita nga yan, ngayon ay makakapagsimuka na ulit kayo. Masaya ako para sa inyo!" Masayang bati ni Ruth kay Meg at Andy.

Di man ako masaya sa nalaman ko ay pinilit kong itago yun para kay Meg. 

Araw, linggo at buwan ang lumipas at nakita ko kay Andy na ginagawa nya ang lahat para makabawi sa pagkukulang nya kay Meg. May galit man ako sa kanya ay pinapawi ito ng mga ngiti ni Meg kaya naman unti-unti ay nilamon na rin ng pagpapatawad ang galit ko kay Andy.

Sumapit na ang bakasyon ng mga bata at dahil sa tag-init na ay nagpasya kami na umakyat ng Baguio. Kasama sana namin si Meg at Andy subalit dahil sa sunod sunod ang mga dapat gawin ni Meg sa trabaho ay nagsabi sila na hindi na sila sasama sa amin. Madaling araw pa lang noon ng baybayin na namin ang daan papunta ng Baguio. Kitang kita sa mga bata ang pagkasabik na makita ang lugar, ang mamasyal, sumakay ng mga bangka sa Burnhan park, sumakay ng kabayo at ang mamitas ng mga strawberry sa strawberry farm. Masayang masaya si Ruth. Kitang kita sa kanya ang kasayahan habang inaasikaso ako at ang mga bata sa byahe namin.

Ilang minuto pa ay pataas na ang kalsada na tinatahak namin, sinyales na nagsisimula na kaming umakyat ng Baguio. Medyo nararamdaman na rin namin na nagbabago ang klima sa kapaligiran. Hindi alintana sa dalawa kong bibong anak ang pagkabagot dahil bawat makita nilang kakaiba sa bintana ng sasakyan ay kinamamanghaan nila. Panay ang tanong kung bakit ganito, bakit ganyan, para saan ang mga nakikita nila. Nahihirapan man si Ruth na sagutin ang mga tanong ng mga bata at magiliw nya itong sinasagot. Masaya akong sinusulyapan sila paminsan-minsan habang nagmamaneho.

Tinapakan ko ang preno ng sinasakyan naming SUV dahil sa huminto ang pampublikong bus sa harap namin. Ilang minuto ang hinintay namin bago ulit umandar ang sasakyan sa harap namin subalit laking gulat ko ng biglang mabilis na umatras ang sasakyan sa harapan. 


BLAG!........


- Itutuloy... -

Friday, March 1, 2013

Fruit Magic sa Milk!!! (repost)

Check-up Time: 1:13pm

May naisip na sana akong bagong entry sa asylum ko ngunit tila ata hinigop ng trabaho ko lahat ng pagka-saltik ko at nearly brain dead na ako... teka wala pala akong brain, so di applicable ang brain dead sa akin.. tyarose!


So ito na nga punta ako sa website na pinupuntahan namin ng brudir ko para manood ng anime, haweber habang pinanonood ang unang part bago ang que ng entrance song (parang graduweysyen lungst) ay di ko agad naintindihan ng nagaganap kaya malakas ang sabi ng vertud na di ko maiintindihan ang buong palabas. Sayang ang kuryente.



Tumakbo ako sa kusina para tignan kung may bagay na interesante pero failed, naisip kung guluhin ang buong kusina at ayusin ulit sya, pero dahil pagod ako ay tinamad akong gawin yun hanggang sa buksan ko ang pridyeder (lakas maka pelikula. lewls) ay may kakaibang bagay akong nakita. Pumukaw sa atensyon ko at nasabi kong..... "Gusto ko ito!".



Dali dali akong ng init ng tubig.... hinanda ang peyborit kong plain white mug, nilagyan ng karampot na asukal ang peyborit kong plain white mug, nilagay ang nakita ko at nakipag tyat ng mini mini sa mga kaibigan sa pesbuk habang hinihintay na uminit ang tubig.


TING! mainit na ang tubig. Agad kong nilagayan ng mainit na tubig ang hinanda ko at ilang segundo lang,




















Viola! Handa na ang aking Milk Magic Instant Melon Milk, ang magic ng prutas na nasa gatas...



















Ang gatas may tunay at natural na flavor ng Melon!



Itry nyo ng mapatunayan nyo ang sinasabi ko, sugod na sa mga suking tindahan... ahgad, ahgad!



and CUT!.......... and now! back to regular programming....



Akala nyo seryoso ang entry na ito noh? ito po ang script ng bagong commercial ng Milk Magic... TYARLOTS LUNGS! di papasa ng entry na ito as commercial dahil puro kalokohan lang nyahahahaha.



****


Sa totoo lang isang linggo na akong sabaw. Di ko alam kung may tamaritis ako o sakit sa bato.

Henny waste, bago ko po tuluyang tapusin ang naguumapaw sa sabaw na entry na ito ay gusto kong pasalamatan ang bagong tagatangkilik ng asylum na ito na mukhang kukunin na nga bangko at magsasara na.. tyars!

Maraming salamat po Genski sa pagtambay

Dahil po dyan, bigyan si madam ng jacket at will phone at one year supply ng kuskos whitening soap, kuskos lang ng kuskos puputi ka rin.... Kemeruth lungs po! sana po ay maaliw ka po.


- Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless! -