Wednesday, March 6, 2013

Now Playing: Kundiman (ikatlong bahagi)

Check-up Time:  5:04 pm

Haw east ebri juan? ako naman ay ayos lang matapos ng dalawang linggo ng pagkasabaw. 

Ikinatuwa ko na madami ang nag-bigay ng kaunting oras para silipin ang sabaw post ko na kumu-kumershal daw na peg. Nagpaunlak pa ako ng mini mining hinterbiyu sa tyat sa pesbuk upang magbigay ng mga kaunting detalye sa Milk Magic, akala ko nung una ay gagawa ng pastilyas yun pala ay gusto talagang tikman hihihi (mukang kunbinsing ang pag kemershal hendorsment ko (hene daw?).

Henny waste, saw mutts four da comer shells, itutuloy ko na po ang kwento ng serye na ginawa ko, ngunit, subalit datapwat, ako muna ay mag-papasalamat sa bagong sponsor tambay sa asylum ng baliw na si ako...

maraming salamat po Daddy Jay Rafol
*** fireworks (ganyan) ***

Dahil po dyan, bigyan ng jacket at cd si daddy Jay at gip sertificeyt sa mami ni aling Mameng, sa mami ni aling Mameng, di ka mabibitin..... "You dont do that to me" (beri willie, chars!)

and now back to regular programming...


***************

Ang karugtong...


Akala ko ay lubos na ang kaligayahan ni Meg ng hindi sinasadya ng pagkakataon ay nawala ang batang dinadala nya. 

Dahil sa pagod ni Meg sa trabaho at sa maselan ang kanyang pag-dadalang tao ay nakunan si Meg. Labis na ikinalungkot ni Meg ang nangyari sa dapat sana ay una nilang supling ni Andy. Ang dating mga labi na puno ng ngiti kahit na malungkot ay tuluyan ng nawalan ng sigla. Paulit-ulit nyang isinisisi sa kanyang sarili ang dahilan kung bakit nawala ang dapat sana ay karga karga at pinaghehele nyang sangol. Kahit na paulit-ulit na sinasabi ni Andy na di nya kasalanan ang mga yari ay tila bingi ito ay hindi inaalintana ang pagdamay ng kabiyak sa kalungkutang nadarama.

Nawalan ng gana si Meg sa buhay. Madalas na lumiliban sa trabaho at nasa bahay lang, nagmumukmok. Naging makitid ang pag iisip ni Andy sa pag-unawa kay Meg kaya nagpasya ito na iniwan ang kabiyak. Naiwan si Meg sa gitna ng kalungkutan, sa oras na dapat sana ay inintindi sya. Sobrang ang naramdaman kong kalunkutan para sa aking kaibigan. Sa panahong ito ay hindi ko iniwan si Meg gaya na rin ng pangako namin na aalalayan namin ang bawat isa kahit hindi kami ang pinalad na magkasama. 






Masakit man sa parte ni Ruth ay hinayaan nya akong damayan ko ang aking kaibigan sa panahon ng kanyang pighati, ikinatuwa ko dahil hindi din ako iniwan ni Ruth at naka-alalay siya sa akin sa tuwing  puntahan ko si Meg sa kanyang tahanan para kamustahin, kausapain, at ipaintindi sa kanya na di nya kasalanan ang nangyari sa kanila ni Andy at dapat syang magpatuloy sa buhay. Dahil sa masigasig din kaming mag-asawa sa pagkumbinsi kay Meg ay ikinatuwa namin ng minsan isang araw ay gumising si Meg masigla, maaliwalas ang kanyang mukha at tila ba napuno sya ng naguumapaw na positibong bagay. Muli ay bumalik siya sa trabaho at sa mga dati niyang mga gawain. Tinanong namin siya kung balak niya na hanapin si Andy pero ang tanging sinabi nya ay...

"Hindi na sya sumasagot sa mga tawag ko, hindi na rin alam ng mga magulang nya kung nasaan sya. Kung babalik man sya sa akin maghihintay ako, pero kung hindi na, hangad ko ang kaligayahan nya at ipagdadasal ko na sana ay ligtas siya palagi". 

Hindi na namin pinilit si Meg dahil ang importante sa akin ngayon ay bumalik na ang sigla nito. Dahil sa nangyari ay unti-unti din naging malapit si Meg at Ruth sa isa't isa, bagay na mas lubos kong ikinagalak. Masaya na rin ako dahil sa maunawain ang asawa ko at masaya naman ang kaibigan ko na dati kong kasintahan. Ngayon ay nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa pagkatao ng aking kabiyak, bagamat may mga pagkakatain na dumarating ang sandali na hindi kami komportable sa sitwasyon ay nagkakasya na lang kaming ipagkibitbalikat ito.

Sa paglipas ng panahon ay natutunan ko ng mahalin ng totoo si Ruth, sobrang maunawain nya at sa haba ng pasensya nya sa akin ay napagtanto ko na naging madaya ako sa kanya. Isang araw pag-gising ko ay nagbago na ang pakikitungo ko sa kanya. Nagulat man si Ruth ay labis ang kaligayahan nya dahil sa wakas ay wala ng pagkukunwari ang pagsasama namin. Masaya at maayos ang lahat para sa amin kasama ang dalawang malusog, maliliksi at mababait na mga supling na lalaki. Naging mas masigasig ako sa pagta-trabaho para sa mga anak ko. Kahit pagod sa trabaho na hindi pa rin nawawala ang oras ko sa kanila at kay Ruth. Ang Linggo ay araw ng pamilya para sa amin. Pagtapos  magsimba ay lalabas kaming maganak para mamasyal o kaya naman ay maghahanda si Ruth ng isang masarap na hapunan. Minsan ay iniimbitahan namin si Meg na saluhan kami sa hapunan at habang pinagsasaluhan ang pagkain ay masaya ang kuwentuhan namin sa mga bagay na ngayari sa nagdaang linggo.

Minsan sa trabaho habang bagot na bagot na ako sa paulit-ulit kong paginspeksyon ng mga plano  ng ginagawa naming proyekto ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Meg. Iniimbitahan nya kami sa bahay nya sa Linggo, wala naman kaming plano ni Ruth sa araw na iyon kaya pumayag ako. Nung matapos namin mag-usap ay saka ko na pansin na may kakaiba sa Meg na kausap ko, ligalig at masayang masaya pero di ko na lang inintindi at bumalik ako sa ginagawa ko.

Sumapit ang Linggo, kahit na sinabi ni Meg na magluluto sya para sa amin ay nagdala pa rin kami ng pagkain na pagsasalu-salohan namin. Nung nasa labas pa lang kami ay may nakita ako sa bintana, mukang pamilyar ang pero dahil sa nakatalikod ang nakita ko ay di ako tiyak kung tama ang iniisip ko. Pinagbuksan kami ni Meg at pinatuloy na sa bahay nya. 

"Mukang masayang masaya ka, anong meron?" tanong ni Ruth kay Meg.

"Malalaman mo rin, sandali na lang..." ang tugon nya. 

Tama nga ako sa aking nakita... ngayon ay tapos na ang pagiisip ung sino ang nakita ko.

"Andy, bumalik ka na pala?" medyo gulat kong bulalas sa kaharap ko.

"Oo, alam kong malaki ang pagkakamali ko kay Meg. Dapat ay di ko sya iniwan noong panahong kailangan nya ako pero pinagsisihan ko yun." tugon nya habang hawak ang kamay ni Meg. 

Iba ang ligaya sa muka ni Meg kaya kahit gustong lumapat ng kamao ko sa mukha ng taong nagbigay ng labis na hinagpis sa kaibigan ko ay kinimkim ko na laman ito. 

"Magandang balita nga yan, ngayon ay makakapagsimuka na ulit kayo. Masaya ako para sa inyo!" Masayang bati ni Ruth kay Meg at Andy.

Di man ako masaya sa nalaman ko ay pinilit kong itago yun para kay Meg. 

Araw, linggo at buwan ang lumipas at nakita ko kay Andy na ginagawa nya ang lahat para makabawi sa pagkukulang nya kay Meg. May galit man ako sa kanya ay pinapawi ito ng mga ngiti ni Meg kaya naman unti-unti ay nilamon na rin ng pagpapatawad ang galit ko kay Andy.

Sumapit na ang bakasyon ng mga bata at dahil sa tag-init na ay nagpasya kami na umakyat ng Baguio. Kasama sana namin si Meg at Andy subalit dahil sa sunod sunod ang mga dapat gawin ni Meg sa trabaho ay nagsabi sila na hindi na sila sasama sa amin. Madaling araw pa lang noon ng baybayin na namin ang daan papunta ng Baguio. Kitang kita sa mga bata ang pagkasabik na makita ang lugar, ang mamasyal, sumakay ng mga bangka sa Burnhan park, sumakay ng kabayo at ang mamitas ng mga strawberry sa strawberry farm. Masayang masaya si Ruth. Kitang kita sa kanya ang kasayahan habang inaasikaso ako at ang mga bata sa byahe namin.

Ilang minuto pa ay pataas na ang kalsada na tinatahak namin, sinyales na nagsisimula na kaming umakyat ng Baguio. Medyo nararamdaman na rin namin na nagbabago ang klima sa kapaligiran. Hindi alintana sa dalawa kong bibong anak ang pagkabagot dahil bawat makita nilang kakaiba sa bintana ng sasakyan ay kinamamanghaan nila. Panay ang tanong kung bakit ganito, bakit ganyan, para saan ang mga nakikita nila. Nahihirapan man si Ruth na sagutin ang mga tanong ng mga bata at magiliw nya itong sinasagot. Masaya akong sinusulyapan sila paminsan-minsan habang nagmamaneho.

Tinapakan ko ang preno ng sinasakyan naming SUV dahil sa huminto ang pampublikong bus sa harap namin. Ilang minuto ang hinintay namin bago ulit umandar ang sasakyan sa harap namin subalit laking gulat ko ng biglang mabilis na umatras ang sasakyan sa harapan. 


BLAG!........


- Itutuloy... -

36 comments:

  1. ay biglang nagbalik si Andy.

    at anu yung nangyari sa Baguio trip nila? sana di nahulog sa bangin ung sasakyan nila. dyuk.

    ReplyDelete
  2. Owwwmay god... who ruined the sweet, happy, family moment?!..

    Tagung tago ang pa rin ang mga pwedeng mangyari sa kwento kahit pa kaunti ang mga tauhan... sa totoo lang humanap ako ng clue pero wala, ramdam kong mhabang subaybayin ito at mas lalu ko pang nagugustuhan ang takbo.. galing mo tol ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po natin alam kung mahaba pa sya... may latak pa nga ito ng sabaw nyahaha.

      Delete
  3. asan ang kasunod? hehe diko masyado mahulaan ang mangyayari! ma-aatrasan ba sila? mahuhulog ba yung bus sa bangin? mapapahamak ba sila!!??

    sana na atrasan lang sila pero walang gaanong pinsala ang mangyari ^_^

    kapanapanabik! more! more!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baku ginoong Xan salamat sa muling pagbisita :D

      Delete
  4. Aba ano to? Sumeserye kana pala ah. Magbaback read muna ako para masundan ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nung Feb pa ito, dapat nga tapos na ito kaso sinasabaw ako hihihihi...

      Delete
  5. ala tragedy! haha ang intense ng ending ahh! nakakapanabik tuloy ung next part!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mecoy :D salamat sa pagbisita mo ulit ehehe.

      Delete
  6. OMGEEE! sana may nauntog lang kaya may blag! wag naman sana aksidente!

    Baka nakita ni June Benitez ang kaganapan, nasa Baguio sya recently diba? lols!

    ReplyDelete
  7. Fast ung mga events that leads into a very descriptive way ng pagkakasulat. I did not feel the agony of Meg because Andy came back at the same chapter which (for me) became useless. Anyways maganda ung pag kaka end ng chapter because u gave your readers the excitement to read the next chapter. pEace.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po sa observation ehehe expected ko na po ang mabilis na turn of events :D

      Delete
  8. Naisip ko na nga, something will happen. Abangan uli;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Mommy Joy, salamat po sa pagsubaybay nyo dyan sa kwento ehehehe.

      Delete
  9. habang binabasa ko inaalala ko si meg at andy sa nakaraan mong post...:) at eto na naman....bumibitin...hehehe at least may susundan na naman ako...:)


    xx!

    ReplyDelete
  10. Naku po. Wag naman sana silang maatrasan na sanhi ng ikamatay nilang lahat. Tsk!

    ReplyDelete
  11. Nabasa ko na rin ^^ hanggang ngayon di ko pa rin mahulaan kung ano mangyayari sa huli... ano na kaya ang nangyari sa kanila... wala naman sanang namatay....

    maraming pwedeng mangyari dito.... at un ang kaabang abang...

    sulat pa ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe parang walang ka clue clue? madamot lang :D

      Delete
  12. Waahh backread muna ako 1 at 2

    ReplyDelete
  13. Ito ang gusto ko sa serye na ito, lagi akong pinahuhula kung ano ang mangyayaring twist, laging bitin sa huli na may sound effect pa.

    Naatrasan yan, eh paakyat so sloping pa. And tendency ay mahuhulog sa slope. Yun na! Hula lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha tignan natin kung ano ang mangyayari... Salamat Papi :D

      Delete
  14. interesting ang story... back ward reading naman ako...di ko nasimulan eh hehehe

    ReplyDelete
  15. biglang preno? may nasagasaan? to be continued..
    pero gaya nila dapat balikan ko din ang mga nakaraang episodes para mas maunawaan : ) until next time tukayo!

    ReplyDelete
  16. Parang first time kong makapunta sa blog mo... natuwa ako sa pagkakaiba ng tono ng introduction at ng mismong kwento. Parang magkaibang tao ang gumawa. Disorder po ba ito? LOL biro lang. Nice blog you got here.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa pagbisita. may Rixophrenia po yung taong gumawa nga blog ehehehe.

      Delete
  17. :-( akala ko happy ending nah. Bad pala

    ReplyDelete

hansaveh mo?