Gumagaya kay EMPI.
Wala talaga ako sa wishu nung nakaragang Biyernes... Alam ko naman na dapat ay may rason ako na ma-motivate pero wala talaga, di ko mahanap ang gana magtrabaho nung gabing iyon, dahil siguro sa kailangan ko magrender ng mandatory overtime kahit na alam kong wala naman akong gagawin sa opisina kaya may katam ako?
alas-dos ng hapon hanggang alas-onse ang shift ni Bino habang kami naman ni Tet at Silver G (ng The Editor of Atonement) ay alas-nuwebe hanggan alas-sais ng umaga... Wala pa kaming trabaho kaya naskukumpulan kami sa isang sulok ng opisina. Matagal na naming balak na subukan ang nadiskubre ni Zai Zai sa entry nya na "Halo Halong Kempet" ang eat all you can na korean foods, bilang kami naman ay magagana kumain ay gusto naming subukan..
Paglabas namin kinaumagahan eh walang patumpik tumpik na naghanda kami sa pagakyat sa antipolo... Magaalas 8 na kami nakarating ng Antipolo doon ay hinihintay kami ni Bino sa Ynares, nung nagkita-kita na kami ay agad kaming tumulak ng Over Looking...
You say "hello Antipolo!" when you look at them kahit hagad like me ahaha..
Maaga pa dahil sa may oras ang eat-all-you-can ay pinalipas namin ang oras dito, Wala pa kaming kain nito...
9:30am na nung subukan naming puntahan ang target resto na pinunta namin doon... Sa wakas restaurant spotted..
Nakita namin ang restaurant na sinabi ni Zai ngunit nalungkkot kami kasi 11 pa pala ang eat-all-you-can nila. Tumingin tingin kami sa mga estante ng restaurant/mini grocery at tinignan namin ang mga korean Items doon..
Bilang si Tet ay may kapatid na nakapag asawa ng Koreano at nakarating na ding ng Korean kaya marunong magsalita at magbasa ng Korean
Ay kung ano ano ang tinatanong namin sa kanya... Hanggang sa Bumili sya ng mga items doon dahil sa familiar sya sa mga ito... Sumunod si Bino sa kanya hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na dumadampot din ng kung anek anek at nagpunta ng cashier..
3 Spicy korean instant noodles na masarap, tig-isa kami ni Bunso ng bite size na coockies na may filling sa loob, isang ice cream sandwich na ubod ng sarap at almond chocolate para kay Paping...
Ang tagal na naming nakatambay ng maggyaya ang mga kasama ko na umikot muna ng very light lang kaya naman sumakay ulit kami sa kanya kanya naming walis tambo.... Charut! sa oto ni Bino at umikot lang ng light hanggang sa may nakita ulit kami na isa pang eat-all-you-can na Resto na di kalayuan sa 2-Do's.. Ang Don Day Korean resto..
Umakyat kami para i-check ito at saktong bukas na sila, dahil kinakain na ata ng mga small instenstin namin ang large instenstin ay nagpasya na kami na doon na kumain...
Nagpapahinga kami ng kaunti ng biglang makita ni Silver G ang spa sa tapat namin.. Dahil sa isa na ata ito sa hobby nya ay niyaya nya ako na subukan magpa-spa...
Nagtext na din ang hobby ni Tet kaya naman nag desisyon na syang umuwi, si Bino naman ay may lakad pa kaya mukhang kami na lang ang susubok... Gusto ko na sanang umuwi ng makapag pahinga na subalit parang sinusunog ang balat ko... pakiramdam ko kailangan ko mag lotion ng mang tomas at kumagat sa mansanas eh isang ganap na litson na ako...
Dahil dito ay na linlang ako ni SG, makiligo na lang daw kami sa spa tapos mag pamasahe..
Mababait at very accommodating ang mga staff nila.. agad kaming binigyan ng slippers at inihanda ang towel namin para makapaligo... Habang nag hihintay ay nagserve sila ng kanilang on-the-house unlimited tea..
Pinag-aaralan namin ni SG ang tea nila dahil sa mahilig kami sa mga humihealthy na inumin.. Di ko malasahan kung anong tea ito pero may honeylemon sweetener sya at kalamansi din parang ganyan..
Natatawa kami ni SG dahil sa pang couples yung room na hinanda sa amin, kaya sinabi namin kay kuya Alvin (isa sa terapist doon) na separate room kami.
Heto na sumalang na kami. pumasok ang therapist ko, "hi sir ako po si Al Rose", pagkarining ko ng pangalan ay agad napatakip ako ng kumot at sumigaw ng "RAPE!!!!!" Charut lang ahahaha...
Bakit girl ang magmamasahe sa akin? Naalala ko di nga pala ako nagsabi sa information na male therapist ang gusto ko... Una sa lahat, nahihiya ako na lamas-lamasin ng babae na therapist ang katawan ko, nakakailang kaya. Pangalawa, iba ang preasure ng lalaking therapist kesa babae. Pangatlo, nasanay ako na ang nagmamasahe sa akin ay si Diko at Bunso na mga lalaki kaya mas kumportable ako na lalaki ang nag mamasahe sa akin..
Nagsabi ako na baka pwedeng lalaki ang therapist na magasikaso sa akin, kaso walang available. Kaya sige na nga kahit na iilang ako..
So ito na nga, nagtanong si ate Al rose kung hard o soft... bigalang nagkaroon ng background music at lumabas ang mga back-up dancer ko at kumata ako habang sumasayaw...
♪♫♪ boom borom boom boom borom boom base.... super hard! ♫♪♫ syempre joke lang yun...
Sabi ko kay ate super hard po... matagal na kasi akong di nagpapamasahe kaya alam kong marami na akong lamig.... ay mali pala MPS (Myofascial Pain Syndrome) pala ang tawag doon. Hindi naniniwala ang mga Physical Therapist sa salitang lamig sabi ng ka-work kong PT noon.
Hindi naman ako napahiya sa masahe ni Ate Al Rose, dahil kung tela lang akong nilalabhan nya ay malamang iiwan nya akong gulagulanit habang nakasampay... ganyang level...
Sa totoo lang minsan gusto kong humagikhik sa tawa dahil sa nakikiliti talaga ako pang tinutusok-tusok ang baba ng balikat ko hanggang balakang ko pero ang tangi ko lang magawa ay ang automatic na manigas ang katawan ko dahil sa kiliti..
Alas sinco na ng hapon ng matapos kami medyo di na mainit kaya mukang ok na ang magbyahe pababa ng Antipolo... Sigurado mauulit ito...
Ang Mt. Apo Spa ay may mga branches sa Brookside Hills, Cainta, Taytay, Binangonan at Angono at soon ay sa Ortigas, Meron din silang home service for more details nasa pic po yung contact number..
Ang Don Day Korean Restaurant po ay ganun din nasa pic ang contact number at address.
Bisitahin nyo po sila mag eenjoy din po kayo..
(ang post na ito ay gumagaya lang sa entry ni Empi na may eat-all-you-can tapos spa na peg ahahaha..)
*************************************************
DJ Rixophrenic
Kagaya ng napangako ko last week... ay patutugtugin po natin ang awiting na gusto nyo sa page na ito ehehehe..
Simulan na po natin ang programa...
Ang awiting ito ay para kay Fiel-kun na mahilig sa new wave na kanta... Ang awiting ito ay may pagka-up-beat na kanta ng Culture Club...
Hit it Mr. Dj...
Ang sunod na awitin naman ay para kay Xan Gerna, Nakakatuwa ang kanta ng Tangerine Kitty (ata) na tungkol sa pag-iisip ng mga stupid ways to die. And now lets listen to their song, this is Tangerine Kitty's Dumb way to die.... Hey Mr. DJ put the records on....
Ang Sumunod naman na awit ay para kay Sir Overthinker Palaboy, Ang kantang ito ay isang cover song galing sa band na arcade fire... Isang napaka-mellow na kanta that talks about the truth vs. lies ito po ang Rebellion by Benjamin Francis Leftwich. Mr DJ play it for us... now na..
Speaking of cover songs dahil sa cover songs ang trip ni Mecoy ang house party song ng kanta ni Sia featuring David Guetta ang para sa kanya, ito ang Titanium ng Boyce Ave...
Going back to the old song... para naman ma-feel ni Zai na its so so Sunday ito ang kantang madalas nyang maalala kapag Sunday This is Tom Jones' Delilah..
All out of nothing to say ba ang peg ni Jun kaya nasabi nya eh Airsupply ang naabutan nya? well, well, well I don' think so... Mabuti pa lets listen to Airsupply's all out of love... this song is for June... Oh Mr. deyji paki play na...
Dahil sa bagets na bagets si Bagotilyo at call me maybe na daw ang naabutan nya... eh di gow! hit it Mr. DJ, this is Carly Rae Jepse's Call me maybe
And last but not the least.... isang oldies song ulit ang madalas daw mapakinggan ni tukayong Ric kaya naman ang kantang ito ay para sa kanya... Sana ay makaabot pa ako sa kabilang page ko kahit parang like a bridge over troubled water ang peg.... this is Simon and Garfunkel's song like a bridge over troubled water...
Ayan po sana po ay nagustohan nyo ang kare-kareng edition ng Asylum ni Rixophrenic pero bago po tuluyang matapos ang uber habang entry na ito ay magpapasalamat po ako sa bagong tambay ng asylum na ito na si TrekkerTrail. Sana po ay di ka po magsawang bumalik balik sa ubod ng sabaw at walang kapararakang pahina ng baliw na si Rix..
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!
May tatlo akong punto sa post mong ito:
ReplyDeleteUna, ang saya ng ginawa nyong lafang trip sa bundok ng Antipolo. Akala ko ung kasama nyong Bino ay si Kuya Bino ng damuhan.com. Hindi pala. Magka-iba pala sila nyahahaha.
Pangalawa, ang dami kong tawa sa massage story mo kay Ate Al Rose. Di ko pa naranasan magpamassage sa isang spa. Ma-try ka nga din yan. Pantanggal lang ng lamig at sakit sa kasu-kasuhan :D
Pangatlo, natawa ako sa song dedications mo sa amen. At baket Karma Chameleon ang song para sakin? nyahahaha. Sana Tonight by Ken Laszlo na lang or Go West ng Pet Shop Boys hahahaha :D
Nyahaha. Kawork ko po si Bino
DeleteItry mo minsan kung di ka pa sanay soft lang muna para di mabarubal ang mura mong katawan ahahaha.
ehhhhhhh basta yan na yung song ahahaha.
Salamat ser sa pagbanggit. at ayos talaga yung song na yun. :)
ReplyDeleteMukhang magpapamasahe din ako mamaya dahil 3rd week ko na seven days a week ang trabaho. at hanggang next week yata ay working weekend pa rin ako.
Mukhang sulit yung sa korean restaurant. malayo lang.
Sir walang ano man po...
DeleteAwts robot lang ang peg... Ang trabaho di nauubos pero ang energy mo sir konting konti na lang. hihihi...
Oo nga Sir sadyain.
gustp ko itry yan yung korean cuisine ......
ReplyDeleteGo push ng very very hard....
DeleteFoodtrip oh! Mukhang masarap dyan ah. Masarap ba? :)
ReplyDeleteAnong nangyari sa super hard na massage ni ate al rose? Magpapamasahe din ako next week. Hahaha. *inggitero*
dj ka na pala? Pwede magrequest? Lol
Masarap sya... gusto ko yung sweet and sour chicken pork, egg roll, gyosa yung parang maki nila...
DeleteEto, di ako nagpapahalata kanina na masakit ang likod at balakang ko ahahaha.. para akong nakarate chop..
Diyje diyjehan lang hahaha... punta ka sa page ni Maestro sya talaga ang musikero ahahaha.
Wow, parang gusto ko itry doon. Haha ang PG ko lang no. Lol
DeleteHahaha, di maganda ang service nila pala. Tsk tsk. Next time, wag na magrequest ng super hard. Lol
Ano url?
Oo yung isang helera ng egg roll dun kinuha na namin eh saka mukang masarap din yung yang chow nila...
DeleteMaganda naman kasi nasunod ang request ko, yun lang ako din ang sumuko ahahaha..
ito http://maestrosintonado.blogspot.com/
Nakakatakam naman, sana soooooon makapagfoodtrip doon.
DeleteSalamat sa url. :)
Go push! ahahahaha.
DeleteSalamat nga pala sa pagbanggit ng pangalan ko :)
ReplyDeleteMay bayad yunnnnn.... hahahahaha...
DeleteHahahaha, binabawi ko na, joke
Deletenyahahahaha loko ka ha.... :D
Deleteantipolo, hmm ung church pa lang nakita ko dyan haha
ReplyDeletekumukure kure pa and chibugan nu ahh
haha lalaki oh babae di ako pwede sa masahihan kasi ako'y kiliti na tinubuan ng katawan!
pwera sa 2nd at 3rd alam ko lahat haha at call me maybe at titanum lang ata akma sa panahon ko hahah piz!
Oo dumayo talaga kami ahaha.
DeleteWow kahit saan ka pala sundutin tatawa ka :D
nyahaha ikaw na ang ka-era ni Bagotilyo ahaha.
yan ang gusto ko ma try, eat all you can a la Korean Edition. Pa share nyang video na Dumb Ways to die sa FB ganda kasi. share ko lang sa kaibigan kong may balak din magpakamatay.
ReplyDeletesige ahaha wait lang tag kita Sir :D
DeleteSarap naman ng food nyo, ginugutom na tuloy ako!
ReplyDeletePero I doubt kung mabubusog din ako!
Di kasi ako maalam gumamit ng chopstick : )
Nagkakamay lang kami sa bundok : )
And yes, like ko yang bridge over troubled water! thumbs up.. (kuntikan ko nang di mabasa ang part na yun ah, sensya na hehe)
DeleteNyahaha tukayo, may spoon and fork naman sya ahahaha.
DeleteButi naman sumakto ang pinlay ni mr DJ.
Deletemaalam naman akong gumamit ng fork and spoon : )
Deletehehe yes, medyo 19gotten na yang 'music' na yan pero minsan kinakanta pa rin sa videoke.. bagay kasi sa voice ko, troubled din :)...
Nyahaha go lang po.
DeleteButi ka pa tukayo... ako kahit ano yatang kanta troubled ahahaha.
grabe, sarap ng Korean foods! -_- kaso, yung resto po dito malapit samen, nagsara na at lumipat sa Ortigas. Huhu!
ReplyDeleteLOL sa masahe ni Ate :P
Myxilog
Awts sayang... Salamat at naaliw ka po sa masahe ni ate at salamat po sa pagbisita.
Deleteang takaw much lang. lol. at bakit ka nakikiliti? dahil si ate nagmassage? hehehe
ReplyDeleteHanggang ngayon may pakiramdam ako na ayaw ko munang kumain ahahaha..
DeleteHindi ang kiliti ko talaga ay sa likod.. simula baba ng balikatt hanggang balakang :D
So, sila may song dedication? Eh pano ko???! hahaha
ReplyDeleteBonggang reward yang foodtrip at spa spa! Good job :D
Na-shock naman ako sa Delilah sa playlist... So new ah... hahaha
Ahaha di ka naman kasi nag request last time :p
DeleteSobrang nga ako sa kain ngayon :D