Check-up Time: 3:51pm
Kamusta na ulit mga katambay :D ito na po ang sunod na update sa kwento ni Rey at Meg.
Ito na po ang huling kabanata ng kwento... sa mga sumubaybay ng sabaw sabawang kwentong ito ay sagad simula fats ko hanggang buto ang pasasalamat ko...
-----------
Karugtong...
BLAG!
Umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa pagsalpok ng likurang bahagi ng bus sa harap ng minamaneho ko. Gulat na kumapit sa akin si Ruth. Dahil sa magkahalong takot at pagkabigla ay nag simula ng umiyak ang mga bata. Pinipilit ko silang pakalmahin pero maging ako ay may takot din na nararamdaman. Mas nadagdagan ang kaba ko ng nagsimula itulak ng sasakyan sa harap ang sinasakyan namin. Mas lalo akong natakot para sa pamilya ko dahil kitang kita sa rearview ng sasakyan na sa bangin kami tinutulak ng sasakyan na nasa unahan. Sa isang iglap dalawang sasakyan ang ag pagulong gulong sa bangin. Dinig ko ang iyakan ng mag-anak ko, hawak ko si Sandra ng mahigpit sa kamay. di ko man masyado makita ang nagaganap dahil sa sumisirko ang ang sasakyan. Pakiramdam ko ay para kaming gulay na winawasiwas hanggang sa tumama ang sasakyan namin sa isang puno. Tahimik ang paligid. Pinipilit kong kumilos, inuutusan ng utak kong gumalaw ang katawan ko pero nanatiling bingi ito at di ako sinusunod. Hindi ko masyado makita ang paligid dahil sa may likido na umaagas sa mata ko, di ito amoy langis ng sasakyan at di rin naman ito tubig dahil may kulay ito... Dugo, umaagos ang masaganang dugo galing sa sugat na natamo ko sa ulo sanhi ng malakas na pagkakasalpok ko sa manibela hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo at unti unti ay magdilim ang paningin ko at lamunin ng kadiliman ng paningin ko....
"Buti naman at gising ka na" Sabi ng panilyar na boses sa akin.
"Si Ruth? ang mga anak ko? nasaan sila? nasaan sila Meg?" Sagot ko sa kausap.
Bagamat hirap kumilos dahil sa bugbog ang katawan ko sanhi ng aksidente ay pinipilit ko gumalaw. Hinawakan Meg ang kamay ko.
"Nasa kabilang silid ang mga bata nagpapagaling na sila". Paliwanag ni Meg.
"Si Ruth? nasan ang asawa ko Meg?" tanong ko sa kanya na umaasang nagpapagaling din sa ibang silid.
Nakita kong naguunahan ang mga luha sa mga mata ni Meg habang umiiling.
"Bakit di ka sumasagot? Nasaan ang asawa ko? Gusto ko syang makita Meg, dalhin mo ako sa kanya" kinakabahan kong mga tanong ko sa kausap.
Huminga ng malalim si Meg bago nagsalita. "Di na umabot si Ruth, sabi ng mga doktor eh malakas ang paghanpas ng ulo nya sa kanto ng sasakyan, may namuong dugo sa utak nya. kung mas maaga daw sana syang na bigyan ng atensyong medikal ay makakaligtas sya pero hindi iyon ang ng yari" hirap na paliwanag ni Meg habang umiiyak.
Hindi ko mapigilan ang umiyak habang sumisigaw sa silid... Di ko matanggap ang nangyari sa pamilya ko. Nagpumilit akong makita si Ruth. Nakiusap ako kay Meg na pakiusapan ang doctor na payagan akong makita ang asawa ko. Puno ng pagtangis si Meg, niyakap nya ako ng mahigpit na tila sinasabi nya na nasa tabi lang sya di nya ako iiwan.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang silid kung nasaan ang mga labi ni Ruth.
"Meg maari mo ba akong ilapit sa asawa ko?" Pakiusap ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko...
Itinulak ni Meg ang upuang de gulong sa kinaroroonan ng malamig at wala ng buhay na si Ruth. Tunog lang ng hinagpis ko ang maririnig sa lahat ng sulok ng silid na iyon, lubos ang pasasalamat ko kay Meg dahil sa nasa likod ko sya at inalalayan ako sa panahong kailangan ko ng kasama at di pa lubusang tinatanggap ng isip ko ang lahat ng naganap noong araw na iyon.
************
*Kasalukuyan...*
Ilang taon na pala ang nakalipas noong naganap ang pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko. Kinuha na din ng panahon ang kabataan ko. ngayon ang puti na ang mga buhok ko ay kulubot na ang mga mukha ko pero nanatili ang pangako namin ni Meg sa isa't isa na kahit hindi kami ang maging magkatipan ay nanatili kami sa likod ng bawat isa at hindi lalayo. Ito ang eksaktong araw na nagtapat ako ng pag-ibig kay Meg, ito din ang eksaktong araw na tinanggap nya ang pagmamahal ko sa kanya. Katulad ng nakagawian namin, ay magkakaroon ng maliit na salo salo sa lugar na ito, ang lugar na saksi sa bawat saya, kalungkutan, sakit at tagumpay namin.
Maraming salamat sa pagsama mo sa lahat ng mga kaganapan sa buhat namin.
Salamat kaibigan.
--------
Matapos magsulat ay itiniklop ni Rey ang liham na ginawa nya at inilagay sa siwang sa ilalim ng mesa ng tambayan nila.
"Kanina pa ba kayo dito?" Tinig ng isang matandang babae na pamilyar ang boses.
Nilingon ni Rey ang pinanggalingan ng boses. Nakita nya si Meg na nakangiti habang bitbit ang isang basket na puno ng prutas at inaalalayan ni Andy.
"Hindi naman, medyo maaga lang kaming nakarating dito dahil sa nangungulit ang apo kong ito na umalis ng maaga dahil na sabik ng makita ang mga kaibigan ng lolo nya" Nakangiting paliwanag ni Rey kay Meg habang sinusundan ng tingin ang apo nya na naglalaro sa playground.
"Mico, halika na dito at tulungan mo kaming maghanda ng pagkain para makakain na tayo" masayang tawag ni Andy sa apo ni Rey.
"Opo, lolo Andy, papunta na po ako dyan" sagot ng bibong bata na may halong pananabik dahil sa nakita nito ang mga kaibigan ng kanyang lolo.
Masayang naghain ng magasawa at maglolo sa mesa na naging saksi sa saya, lungkot, tagumpay at pighati
Ang lugar na naging espesyal sa buhay ng mag kaibigang Meg at Rey...
*** WAKAS ***
aww... kakalungkot naman. salamat sa magandang kwento kaibigan.
ReplyDeletesalamat din sa pagsubaybay at pangungulit ng kasunod na kabanata :D
Deletekakasad naman ang kwento .... ganyan talaga ang buhay... minsan may pagsubok na biglang darating...
ReplyDeletepero katulad sa kwento.. tuloy pa rin ang buhay...
:D tama ka po. Gaano man ka lungkot ang kaganapan ng buhay dapat ay pilitin pa rin natin magpatuloy...
DeleteSalamat Jon sa pag-encourage sa akin na ituloy-tuloy ko ang pagsulat ng kwentong ito :D
di ko malaman kung maganda oh hindi ung ending
ReplyDeletesad kasi namatay si ruth,
pero happy kasi naging ok sila meg at rey gang huli
hmmm nice naisip ko tuloy kami ng gf ko since
meaningful samen ang song na yan
:D ehehehe
DeleteMaganda ang kantang yan... ito ang isa sa mga kryptonite song ko :D
nakakatakot tong mga wakas na sinusulat mo eh, parang hindi lang ito ang magwawakas...
ReplyDeletetakte, kung ako ang nasa sasakyan na gumulong gulong paibaba, lol or ako yung nasa bingit pa lang, adrenaline rush at angat dugo sa utak sa panic. namatay si ruth T_T sina meg at andy and naging oks :)))
nyahaha sumakit ba ang bangs mo? pasensya :D
DeleteWaah Rix! sabi ko na nga ba eh... like what I commented on the previous chapter, nagkaroonn nga ng aksidente. Kakalungkot naman... pero at least, naging masaya pa rin si Andy sa piling ni Meg.
ReplyDeleteGujab Rix!
ehehe halo ang emosyon no? masaya na malungkot :D
DeleteTenchu.
eeek... nice ang ending may tragedy... like not all story needs to end in a nice ending but a realistic one.. char... hahaha
ReplyDeleteNyahaha gustong gusto ko ang comment na ito Sir Kiko :D
Delete