Monday, March 11, 2013

Ano ang Sunday song mo?

Check-up Time: 1:26pm


Kamusta na mga katambay sa asylum? 


Ako? di pa rin makarecover hanggang ngayon sa pagbabago ng sched ko sa trabaho... Matagal na akong naging daywalker pero all of a sudden eh bigla na lang akong gagawing isa nanaman bonfire... Opo bonfire, yung may pangil na sumisipsip ng dugo... 






.........Ay vampire ba yun? sorry mali ang tinitignan kong dictionary hihihi...








Dahil doon ay nakipagbonding-bonding ako kay Nutty Thoughts ng Nutt-Cracker para naman makalimutan ko ang yamot ko....

Nalasing ako ng sobra sa pineapple juice at namaos sa pagkanta sa videoke... Tahimik kami ng biglang pinlay ang isang lumang kanta... (insert intro......)

Nabigla ako kay Nutty dahil bigla syang rumeak ng medyo violent sa kanta at sinaksak ang katabi nya... charot lang!


So eto na nga... bigla nya sinabi na gusto nya ang kanta dahil ito ang kantang kumukompleto sa Sunday nya...


Alam nyo ba kung ano yun? syempre hindi kasi wala naman kayo dun dabuh? hihihi..


Pero isha-share ko sa inyo kung ano iyon... Insert video..



















(Bakit ikaw pa? by Geraldin)

--- Ang awiting ito ay hatid sa atin ng Buko pie ni Egay... Masarap sya, lasang nata! (Charet lang!)




Syempre napaisip naman ako ng sobrang hard kung ano nga ba ang kantang madalas ay napapakinggan ko tuwing Sunday. At naalala kong madalas nga palang i-play ito ng boarder namin kaya naman siguro nasabi ko na ito ang Sunday song na kumumpleto sa linggo namin....

Mr. DJ... hit it!























(Paano? by Dulce)
--- Ang awiting ito ay hatid sa atin ng Chicharon ni Kulas, Putok batok ba ang gusto mo? itry mo ito... (charut ulit!)




Ikaw po ba ano ang Sunday song mo? kung ayaw mo po sabihin, dial 1-800-800-800 sa inyong mga telepono at pakisabing ***fax tone please*** para malaman ko, malay mo sya ang ifeature ko sa susunod kong entry... nyahahaha...




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

36 comments:

  1. hala... nakakatuwa naman... anlakas maka-provincial ng mga songs... hahaha... I love the first one and memorized ko siya kasi yung classmate ko nung highschool, contest piece niya yan... nostalgic kaya... yung kay dulce I sing that minapsan pag naliligo... hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha ayan alam na kung naliligo ka kasi sinabi mo na kung ano yung kinakanta mo pag naliligo ka :D

      Delete
  2. ahahahahaha...
    naknampakenambits na sunday song yan oo!

    buti wala yung mga alma morena/maricel sorriano songs mo jan?
    lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. ooooiiiiii wala akong ganyang kanta ha. Chumasera ka :D

      Delete
  3. hahaha ganyan klaseng songs tuwing sunday sa FM.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at karamihan po ng nag eenjoy sa mga kanta ang ang mga magulang natin :D

      Delete
  4. Aww, pak na pak ung Bakit ikaw pa ni Geraldin hahaha. madalas kong marinig yan tuwing linggo :D

    Hmm, Sunday song ko kasi mas gusto kong makinig sa mga New Wave songs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe kasama ba dyan ang karma chameleon, take on me, manic monday, boys don't cry mga ganyan? ahahaha.

      Delete
  5. Nakakatuwa naman ang post na ito... at in fairness aliw na aliw ako sa segway at endorsement... hehehehe

    Madalas ko ngang nadidinig ang mga songs na yan pag Sunday...madalas sa bus papuntang work...
    Yang mga songs na yan ang mareremind sakin na Sunday na pala hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. :D salamat naman ay naaliw ka sa mga segway at endorsement hihihi..

      Delete
  6. natawa naman ako sa buko pie ni egay at chicharon ni kulas! lols! hehe

    Hhmmmm haha! may sunday song din ako lols! kahapo kasi nagkukulong lang ako sa kwarto tapos nag you-youtube! eto yung pinakinggan ko walastik to!

    Pag ibig ko metal
    http://www.youtube.com/watch?v=x7jujw9oBis

    dumb watys to die
    http://www.youtube.com/watch?v=IJNR2EpS0jw

    yung sa metal diko alam kung matutuwa ako o maiinis! haha!
    ang sagana ko mag comment parang nag aani lang ng palay : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Xan gusto mo ba ng buko pie at chicharon? yang brand na yan ang kunin mo ha available na yan sa suking tindahan :D

      Delete
  7. Rebellion by Benjamin Francis Leftwich

    Ayan ang sunday song ko ser.

    ReplyDelete
    Replies
    1. napaka mellow ng kantang ito sir OP :D. Song talks about the truth vs. lies maganda yang kanta :D

      Delete
    2. Is this the same rebellion (lies) as that of arcade fire? I didn't know revival lang pala yun until I read this comment. nice nice.

      Delete
    3. Yep Sir Olivr, its a revival/cover song po from arcade fire...

      Delete
  8. Hindi ko alam yung first song, yung kay Dulce madalas nga marinig yan.. Yun mga ganyang songs nga lang nag-remind saken na Sunday, minsan litong lito ako sa mga araw e, haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha! ito ang kantang magpapaalala na bukas resday na :D.. wohoooooo!

      Delete
    2. Busy si Miss Joanne. Daming appointments.

      Delete
    3. hahaha ganun kasi ata yun eh, lalo na pagbaliktad ang mundo. Gising sa gabi at tulog sa gabi kaya minsan di mo talaga malaman kung anong araw na :D

      Delete
  9. haha di ko alam yung mga song hahaha
    pero naiimagine ko ngang yan ang tugtugan nu
    haha
    naku ako kasi cover songs talaga trip ko
    ayoko ng origs ahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hashteg! ibig sabihin bumo-boyce avenuw ka din.. ganyan? apir! gustong gusto ko sila :D

      Delete
  10. hehehe na miss ko tuloy ang pakikinig sa radio... usong uso sa amin yan sa province nun... at tuwing sunday mga ganyan ang mapapakinggan mo...

    tuwang tuwa lola ko noon hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku sinabi mo pa Jon, minsan nga katambal nyan ang isang tasa ng kape at biscocho ahahaha.

      Delete
  11. Haha bongga ang mga sunday songs..ako my, my, my delilah ang lagi ko naririnig..brought to you by Virgin Coco Martin cooking oil..yummy!

    Minsan ok ang sunday songs pag medyo bago bago pa, pero pag from 19kopong kopong ang sakit na sa bangs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zai nakakatuwa din yung mga niluma ng panahong kanta ahaha. pwede ka na din sa advertising agency ahaha. magtayo na tayo ng company :D

      Delete
  12. Matik na yan, kapag Linggo ganyan ang mga tugtugan. Putok batok ang trip ko! Lol, cge paorder ng chicharon ni Mang Kulas. :D

    Takte pamilyar ako sa mga songs, pero hindi ko naabutan ah. :P Yung kay Dulce medyo kabisa ko. Kasi kinakanta yun sa bidyokehan sa may tapat malapit sa bilyaran samin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha, ilang kilog Chicharon Papi? :D

      ahaha... bago ka lumisan sanay maturuan mo... na limutin ang nakasanayan ko.... nyahahahaha. sumampol?

      Delete
  13. Nakikipag-away ako sa tatay ko dati pag gusto nya nakatutok sa sunday songs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din ganun pakiramdam ko baduy.. pero when i realize na some of the song i want to listen are revivals, i learn to appreciate old songs na din... Ganun talaga ata pag music lover ka kahit ayaw naman ng music sayo...

      Baka gusto mo din bisitahin Sir ang music room ni maestro hihihi...

      Delete
  14. Hahahaha tawa ako sa bonfire...napa isip din ako eh.

    Dapat talaga wagas ang space Rix? Nutty style?

    Watda? anung mga songs to? ganyan ba gap naten Rix? Air supply na lang aq..nyahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. O di ba? kiniliti ko ang utak mo sa bonfire. Ayos di ba?


      Ganun talaga, more space, more thrill and more chances of winning but wait there's more, if you call right now, charet lang.

      Oiiiiiiiiiiiiiiiiiii pabata ka? Airsupply ka dyan. nyahahahahaha.

      Delete
  15. di ko alam maxado yung song. pinanganak ako "call me maybe" na ata ang usong kanta eh. ewan ko lang baby pa rin ako nun eh. whahahahah


    :)

    ReplyDelete
  16. di ko gaanong naririnig ang mga ganitong songs but yes, familiar naman sa akin. madalas din ako makarinig ng mga oldies pag sunday pero madalas english oldies!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tukayo yan ba ung mga green green grass of home, elusive dreams, temple of the king, bridge over troubled water and a like? ahahaha.

      Delete

hansaveh mo?