Friday, March 29, 2013

Maasim na paglalahad...

Check-up Time: 3:02am



Ano ano ba ang naiisip mo kapag sinabi ang salitang maasim?



Narinig mo na ba ang linyang:


"Huwag kang mag maasim dyan. Hindi bagay sayo"
- na ang ibig sabihin ay wag kang mag inarte?


"Ang asim mo sa part na yan"
- na ang ibig sabihin ay may pag mamataray kang caracas.


"Ay ang sarap, maasim-asim sya"
- na ang kahulugan ay gusto mo ang lasa ng ninanamnam mong putahe.


"Huwag kang tumabi sa akin, ang asim mo"
- na ang tinutukoy ay ang amoy mo galing sa pagka-jabar dahil malamang ay binaskil ka ng walang habas.


"Ang asim ng mukha mo?"
- na tinutukoy ay ang itsura mo na parang tumungga ng galon galong suka dahil di maipinta sa pagka-badtrip mo.


Ang powerful na ng salitang maasim/asim noh? May isa ba sa mga linya na yan ang di man eksaktong salita eh nagamit mo na?


Ako nga minsan di ko lang sya ginagamit, ginagawa o nararanasan ko pa. Kaya napaisip ako habang ako ay naglalabas ng sama ng loob sa kubeta, dapat na ba akong bigyan ng katibayan na ako ay isang maasim na mamamayan ng Pilipinas?


Pero na pagtanto ko lang, hindi pala ako ang pinaka maasim dahil meron pang mas maasim sa akin.




sya ay si...
































Ooooppppppssss, sorry mali ng piktiyur (may naiisip ba kayo sa itsura ng piktiyur hihi)..... Henny waste, sya ay walang iba kundi si....








































Ay sorry ulit, mali nanaman ng piktiyur henebe?

Heto  na talaga, ang pinakamaasim na nilalang sa balat ng vitamin C, sya po ay si....
























































ang madam ng bayan... ang nag iisang fortune teller and future sugar lola si Madam Auring....

Ang ASIM nya noh?


☺☺☺☺☺☺

Usapang maasim kami nung lunch break sa opisina dahil sa sobrang asim ng usapan namin eh biglang umasim ang saltik ko kaya naasiman ko ang asylum ko... Baka nangangasim ka na habang binabasa mo ito, ok lang asiman mo nga ang post na ito ahahahaha....



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

22 comments:

  1. Lol! Langya si Madam Auring pala? Hahahahaha

    ReplyDelete
  2. Nadismaya ako ng makita ko si Madam Auring hahahaha!

    Sa wakas, nakapag comment na rin ako sa blog mo..hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daddy Jay sya daw po ang batayan ng standard na asim ahaha.

      Uu nga po, tenchu :D

      Delete
    2. isipin nga anong asim ang binibigay ni madam auring hahaha naalala ko yong nagkaron sya ng jowa na bata lol

      Delete
    3. ang magpaasim ng mukha ng tao, yan ang contribution nya.

      Delete
  3. Pak ka Rix hahahaha! akala ko naman na detect mo na hindi pa ako naliligo at naamoy mo ang kaasiman ko wahahahaha :D

    Anyare? Biyernes Santo tapos may Madam Auring sa dulo nyahahaha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha ayan ha guilty :D

      Nagpapalakas daw sya ng anting anting nya :D

      Delete
  4. naisip ko na masarap talaga pang sigang yung SARAP tamarin soup base, natakam ako.
    tas nung makita ko si madam auring wala na.. nawala pagka takam ko ( na umay? ) nyahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha kahit ako mauumay din eh... Lakas ng asim power ni Madam noh?

      Delete
  5. hahaha may asim pa yang si madam kaya lumalablayp pa eh lol yong jabar2x ba eh ur referring to ano ba kasi ang nasa isip ko kasi ang asim ng amoy mo eh mabaho ang kilili ganyan un na ba yon? hahaha nganga lang lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang gulo pinaghalo halo mo lahat ahahaha. Sinigang ba ang comment mo? :D

      Delete
  6. Hahahaaha! Kakqalurkey ang nakabalandrang asim ni Madam Auring!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Disturbing di ba? nasa kanya na ang korona :D

      Delete
  7. haha maasim kasi expired na? haha ang mean ko haha
    imba may suspense suspense pa ang endign pala si madam auring

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga ang mean mo you dont do that to her ahaha.

      Ganyan talaga ang element of suprice...


      See u bukas :D

      Delete
  8. Naglalaway ako habang nagbabasa nito....

    sarap naman talaga ng tamarind at saka sabaw na maasim..

    yun nga lang, kuntikan na akong masuka dun sa finale mo... : )
    kakaibang asim yan. hanap na lang ako ng ibang panghimagas : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha grabe ka naman tukayo, pero uu nga nakakaumay nga sya :D

      Delete

hansaveh mo?