Thursday, September 26, 2013

kita kita sa finals

Check-up Time: Tuesday, 5:47am



Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal, Nitong mga nakaraang araw sa loob lamang mga maikling panahon ay maraming naganap sa akin.... (sariling version ng himala? lolz)


Sa totoo lang po hindi ito epekto ng ubo't at sipon ko ngayon, yep kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon I'm proud of it kasi pinaghirapan ko ito lolz.


Kidding aside by side by side by side, this is Pinoy Pop Chuperstar!!!! Charoz!



Matagal ko na din naman na balak na isara ang pahina na ito ngunit marami ang pumigil. Ang iba, sinabi na hayaan ko na lang na bukas ang pahinang ito, ang ilan naman ay pinayuhan ako na huwag huminto habang ramdam ko ang mainit pa sa bagong lutong bulalo ang suporta nila sa akin na magpatuloy sa kalokohan ko at pang-uurat ko sa inyo sa pamamagitan ng pag-update ng page ko... Pahinga lang daw ang kailangan ko. Ang sabi ng ilan, "once a blogger is always a blogger" naniniwala naman ako kaya nga bumalik balik ako.


Nitong mga nakaraang buwan nga mas naging madalas ang pagpapaskil ko ng walang mga kasusta-sustansya, walang kapararakan, walang ka kwenta-kwenta, walang kalatoy-latoy at walang kabuhay buhay na mga entry na wala namang social and political relevance. Bagaman may mga pumapatol, naaaliw at natutuwa sa mga mangilan-ngilan kong mga paskil eh hindi nyo lang po alam kung gaano nito ginawang chubby ang puso ko tuwing umiinom kayo ng alak… habang hinihitit nyo ang sigarilyo nyo at habang nilulustay nyo ang perang pinapadala ko! Sana maisip nyo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito, Direk cut po.... Hindi na po ito kasama sa lines ko... Ano po ba kayo? Nagbblog po ako, mamaya na yang shoting Direct ok?... Manang, yung vitamins ni Christian ok? Ateh Vi? Charut lang.... Sa totoo lang ay  lubos ang pagpapasalamat ng katawang lupa ko sa lahat ng magagandang bagay na sinabi nyo sa pahinang ito at sa akin...


Napapadalas na ang "Me Time" ko pero kahit ganun, eh saglit lang din naiibsan ang stress na nararamdaman ko. Sobra ang pagod ko sa trabaho, tapos lagari din ang schedule ko sa school at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may naganap pa na lalong nagpabago ng takbo ng buhay ni Rixophrenic. Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na magpahinga muna sa pagsusulat.


Kailangan ko mag concentrate sa bagay na gagawin ko upang maka-cope up agad sa pagbabago ng buhay ko. Isa pa, mukhang mas mahabang pahinga ang kailangan ko dahil sa hindi nagkakasya ang katawan ko sa short time na aliw pahinga kaya naman mukhang kailangan ko mag pahinga ng mahaba... Pupunta muna ako sa isang lugar kung saan eh tahimik kong magagawa ang bagay na kailangan kong gawin... sa kubeta...


Tama ang sabi ng ibang manunulat sa mundo ng blogspero, kapag nakapagpahinga ka ng matagal ay medyo mahirap bumalik, kung dumating man ang panahon na handa ka ng bumalik ay hindi mo rin alam kung may mga babalikan ka pa nga, gayun pa man ang sabi ko lang sa sarili ko ay "kung talagang gusto ng mga mambabasa ang gawa ko, kahit anong mangyayari sa akin ay babalik pa rin ang mga taong natuwa at naaliw sa akin" sa ngayon ang bagay na lang na yan ang aking pinanghahawakan... kung dumating man ang oras na nararamdaman ko na talagang wala na akong balikan, eh ayos lang naman din sa akin. Hindi naman ako sikat sa larangan na ito kaya hindi ako dapat mag expect ang sobra sobra.


Ang halos magdadalawang taon ko na pagbabahagi ng karanasan ganun din ang magbahagi ng tuwa at saya sa mga naaliw, natuwa at naging masaya sa pahina ko ay sapat ng karanasan bilang isang bloggero. Sobra sobra na ang kaligayahan ko na malaman na may mangilan ngilan na natuwa sa kalokohan ko. Hindi ako mag-papaalam, hindi ko kakandado ang pintuan ng asylum ko... sisilip-silipin ko pa rin ito. Kapag nagkaroon ng kaunting oras eh baka iupdate ko naman ang pahina na ito. Baka magrepost din ako ng mga dati ko ng mga entry, basta bahala na. One thing is for sure... I will never give up my asylum.


Sa ngayon mas madalas siguro ako na makakapag-update ng mga nangyayari sa akin sa FB, Twitter at Instagram. Sa mga kaibigan ko na sa mga nasabing social media keme, update update po tayo dun lang po ako may time pansamantagal.


See you when I see you mga kaibigan, pasyente, kapatid sa panulat, at mga parokyano, kapuso, kapamilya, kabarkada, kaque, kaberks, ka-ututang dila. Isipin nyo na lang po, tayo tayo pa rin ang magkikita sa finals lolz.


Hanggang sa muli....











Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless

Sunday, September 22, 2013

Rainy Playlist

Check-up Time: 7:11pm


Hi every all!!!

Wow grabe ang ulan ha... Ayaw paawat.  Comatose ako, 10 hours akong tulog dahil sa walang tigil ang ulan pag gising ko naabutan ko si Paping sa aming dirty kitchen ito sya oh...






Ang dirty nya di ba? pasensya na ha di pa nalilinis ng Aleli namin yung kitchen (nyaruts lungs!). So henny waste ito na nga. Tumabi ako sa kanya at nagusap ng mga not so important things in life... Plano sana namin na ipaayos yung pool namin sa likod bahay (kems).



Pasensya na kayo sa Aleli namin sinalisihan nanaman kami
ayan nag swimming si ateh purke day-off nya..


Ipapa-renovate na din sana namin yung theater room namin, luma na kasi sya... Gusto ko sana yung upuan pwede itaas ang paa para mas relax tapos maliit ang space yung mga 15 person lang ang capcity para di magulo kasi naman itong current namin eh 30 ang capacity.. (chars).






Naramdaman ko na gusto ko mag coffee kaya naman I ask Paping if like he want to have a cup of coffee and he said yes so I immediately go dito para kumuha ng dalawang tasa ng kape...





yung left sa akin yung right kay Paping

So ayun na nga, we sit and talk a while in a one world... one... sorry hindi Nescafe yung brand nya eh I forgot charut!

Sabi ko mukang mas masarap mag-usap kapag may background music so pinatugtog ko ang mumurahin naming entertainment showcase para mas feel namin ang masayang usapan ni Paping.





Natawa ako, random ang mga kanta na pinili ng player pero ito ang unang sampo na kanta na pinatugtog ng player:

1) Sunny Came Home - Shawn Colvin
2) I Cant Make You Love Me - Adele
3) Take It All - Adele
4) Man Who Can't Be Move - The Scripts
5) Crossroad - Bonethugs and Harmony
6) How To Save A Life - The Fray
7) If I Die Young - The Band Perry
8) In My Dreams - REO Speadwagon
9) When Love and Hate Collide - Def Deppard
10) I Crave - Mark Dorsey

Lakas maka-emo ang putek! nakikisabay sa uber lakas na eksena ng ganito..






O ibang klase ang playlist noh? Medyo nakikisali sa nararamdaman ko. O nag taka kayo kung bakit kasali ang Crossroad ng Bonethugs N' Harmony sa emo songs? Hoy! hindi ako ang maeemo sa kanta na yan yung mga friends ng mga tao na nanakit at umaayaw sa akin.... HOYYYY!!!! Kilala nyo kung sino kayo.... See you at the crossroads!!!! CHARUTS LANG!!! *knock on woodssss* nyahahaha.

Mas nauna ko ipost ang entry na ito (yung seryoso na entry) sa music room ko at syempre dito eh yung mas seryoso na entry di ba? lolz.


O heto na nga, ang pasalamatan portion... Nagpapasalamat po ako sa bagong pasyente ko sa asylum na si NAKS sir Naks maraming salamat po..

At ito pa, ang isa sa naging paborito na ng mga pasyente sa pahina ko, ang sponsor kenembot. Isispin mo yun may nag volunteer this time na mag sponsor para sa entry na ito.... Maraming salamat po sa...












Salamat sa SONY Entertainment



You want nobody, nobody... but Sony! *clap* *clap* ... *clap* *clap*...


(credits to the owner of the pics)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Thursday, September 19, 2013

Ang Habilin..

Check-up Time: 3:43am


Ang Habilin Ko

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko ay sa silid ko,
wag kayong mag-alala hindi ako magmumulto sa lugar na ito.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko sa puting narra na may simpleng desenyo ihihimlay ang labi ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko lahat ng dadalaw sa akin ay nakaputi yan ang hiling ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Puting bulaklak ang gusto ko na nakalagay sa paligid ng narra na kinahihimlayan ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko na tuwing ika-pito ng gabi ay misahan o ipagdasal ako.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Ngiti at hindi luha ang nababanaag sa mga mukha ng mga tao sa paligid ko,
Lubos kong ikatutuwa kung makikita ang ngiti sa bawat mukha ninyo.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Ayaw ko sana na mag susugal kayo,
Hindi ko talaga ibig ang gawi ito sa ganitong tagpo.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Mas ibig ko na makita kayo na nagsisi-awit sapagkat alam ninyo na ito ay hilig ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Hiling ko ay silipin nyo ako bago ako dalhin sa huling misa ko,
Kung hindi man ay naiintindihan ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko sana ang kantang "Paglisan" ang kantahin kapag ihahatid ako sa huling hantungan ko.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko sana na ilagak katabi ng mahal na Nanay ko ng sagayon ay maranasan kong muli na humiga sa tabi nya.

Kung ako ay lilisan sa mundo,
nais ko sana na magpalipad kayo ng puting lobo na simbolo ng pagtanggap na ako ay kapiling na ng lumikha at pagtanggap ng katotohanan na wala na ako.

Kapag ako ay wala na sa mundo,
Nawa ay magkita kita kayo sa ika-siyam na araw buhat ng ako ay ihatid sa huling hantungan ko upang ipagadasal ako. Huwag kayong mag alala sigurado naman na may inihandang munting salo salo ang aking pamilya para sa inyo.

Kapag ako ay wala na sa mundo,
Nais ko sana na sa ika-pang apat na pu na araw buhat ng ako ay ihatid sa huling hantungan ko ay pamisahan ako.


Iyon lang ang mga hiling at habilin ko kapag ako ay lumisan na sa mundo...



(credit to the owner of the pic)


*  =  *  =  *


Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mamamalagi sa mundo. Hindi natin alam kung hanggang kailan ipapahiram sa atin ang buhay natin na kasalukuyan ay ine-enjoy natin. Unti-unti ay dapat din natin ihanda ang ating sarili at ang araw na iyon.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless..

Saturday, September 14, 2013

Random Thoughts...

Check-up Time: 9:10 pm


Sandali lang po halo halo po ang entry na ito ngayon... Magkakaskas lang ako ng yelo para sa mga rekado na ito:


* = * = *

Kasal-Kasalan

Naikwento ko na po sa inyo na malapit ng ikasal si Diko. Medyo maswerte kami kasi nakasama pa namin sya sa kaarawan nya bago sya pumunta ng Iloilo para ayusin ang mga bagay bagay sa kanyang kasal.

After ng birthday nya ay nagpunta sya sa Nuvali, Laguna dahil doon ginawa ang kanilang pre-nup pictorial. Medyo funny kasi namannormally eh ilang buwan bago gawin ang kasal nagkakaroon ng pre-nup pero yung sakanila eh mabilisan.

Madalas eh sa Eco Park sa Quezon City ginagawa ang mga pre-nup pics pero yung sa kanila kakaiba pero infairness eh nagustuhan ko naman ang mga pics nila:











Nag-file na akong mahigit isang linggo na leave sa company dahil bukod sa kailangan ko dumalo sa kasal ni Diko eh lulubos lubusin ko na ang bakasyon ko. Bilang sa Iloilo ang kasal eh derecho Boracay na ako. Its hiting 2 birds in 1 stone na lakad ito.

Excited na ako....


* = * = *

Food Trip kahit umuulan

Kahit umuulan kanina ay di kami natinag sa food trip namin. Naikwento ko kasi sa mga officemate ko na nung sumama ako sa nakaraang UP fare sa Diliman eh sobra ang enjoy ko sa food trip ko doon sa napaka murang halaga na mapapamura ka talaga, keme lungs.

Kesehodang umuulan eh dead sya sa samin, sumugod kami ng walang kaabog abog sa UP Diliman at pinuntahan ang pinakasikat na kainan ng street food doon at ito na nga ang mga ganap (babala, medyo may kalabuan ang pics kasi naman yung itouch ko ang gamit ko sa pag-kuha ng pic, siguro sa FB na lang ipopost yung malinaw na pics nyahaha)

Ang sarap ng isaw nila dito pramis...

sila ang mga bago kong taste buddies

yan ang round one, yung round 2 wala na pic
baka malaman nyo kung ilan nakain ko.

after ng isaw, kwek kwek, squid at chicken balls naman

at sino nagsabi na hindi ka pwede kumain
ng sorbetes kapag umuulan?

akala ko magiging selfie ito pero
sumama sya ok lang lolz

yung totoo ang cute ng dalawang ito kulang na
lang maging eksena sa commercial

Sunod na target namin ay ang bancheto sa Cubao hahaha. Til next food trip..



* = * = *

Salamat


May isang biyaya akong natanggap kanina at ipinagpapasalamat ko ito ng sobrang wagas ganun pa man, dumarating talaga sa punto ng buhay mo nakahit magaganda ang oportunidad na dumarating ay kailangan mo mamili dahil sa hindi sapat ang lakas, enerhiya at oras ng katawang lupa mo para gawin ang lahat ng bagay na gusto mo... Kung totoo lang sana ang kagebushin ni Naruto sana inaral ko na yun ng hindi ako nagkakaroon ng problema ngayon.

Sa ngayon kahit mahirap ay kailangan ko na may i-give up ang isang bagay na ine-enjoy ko pa lamang pero kailangan ko ng tapusin agad agad. I gi-give up ko na po ang love life ko... chars! wala naman po akong love life, charut lang po yun. eehhhhh basta po may igi-give nga po ako...

Tama na nga muna ang drama... Sabi ko nga magpapasalamat ako eh. Salamat po kay Geosef Garcia,  Mommy Joy, at kay  Xan sa mga karagdagan na comments sa "ABOUT ME" keme ko. Maraming salamat po sa inyo.

Ipinagpapasalamat ko rin po ang bonggang pag-spread ng words of Rix ni Mr. Tripster Guy sa FB na parang palaman lang sa tinapay:




Nung nakita ko po ito di ko na pigilan mag-ganito, habang pini-print screen ang pinost ni MTG:



Ang ending quote (last sentence ko sa entry) ay naisip ko na ilagay sa bawat entry na ginawa ko upang ipaalala lagi na kahit gaano kadami ang pinagdadaanan ng tao dapat ay hindi natin nakakalimutan na ngumiti dahil sa natutulungan tayo na gumaan ang pakiramdam natin ng pansamaglit lang...

Isa pa po na dapat ko na pasalamatan ay ang bagong tambay nanaman sa asylum ko.... Akalain mo yan may nagtyaga nanaman na basahin ang walang kabuhay buhay, walang kapararakan at walang ka-kwenta-kwentang page na ito ahaha...

Salamat po Kalansaycollector nawa po ay matuwa ka naman po sa page ko kahit na slight lungs hihihi.


O sya, akala nyo wala akong pasasalamatan na sponsor bago ko tapusin ang entry na ito tulad ng mga nakaraang entry ko noh? Meron kaya, huh! Ang entry na ito ay handog sa atin ng.....













Star Margarine, Sa margarina na ito, hahaba pa ang buto mo...












(credits to the owner of the pics)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Tuesday, September 10, 2013

what about me????

Check-up Time: 1:03pm (09-Sept-2013)


Haluuuu! Haluuuu!!!! Haluuuuuu!!!!!!!!!!!! (nasamid) *cough* *cough*



Andyan pala kayo sa likod ko, hindi ko kayo marinig... sira ang audio. cherets!



DIREK!!!!!!! sira po ang audio, paki ayos lang please... mag-start na po ako... in 3.....2.....1.....

*cue music...*




Naalala ko noon, noon pa yun nung nag-sisimula pa lang ako sa ganitong siste, patipa-tipa, papindot-pindot, pakapa-kapa....  hanggang sa madakma ng.........















" PANINGIN ko "





... ang mga pahina ng mga beterano at semi-pro na manunulat sa blogspero, nasabi ko noon na karamihan sa kanila ay may entry na nagbibigay ng pagpapakilala sa kanila.. May mga nag papakilala sa paraan ng pagku-kwento, paraan na paang talambuhay at ang iba naman ay parang chart hitlist na may top 10 kinembot pa.

Syempre ako naman ay gumawa din para naman maramdaman ko din ang pakiramdam nila habang sinusulat nila ito. Napagisip-isip ko na.... ay wait lang po, wala pala akong isip hindi po applicable ang isip isip sa akin kasi isang isip nga wala ako isip isip pa kaya? cheruts! So eto na nga, bigla ko na lang napagdesisyunan na maglagay ng isang tab sa pahina ko na nagsasabi o nagpapakilala sa akin, kung ano ang hilig ko, kung ano ang mga bagay na pumupukaw sa aking interest. Last month ay sinilip ko ito at bigla na lang.....


Rix Persona 1: "Rix, narito ang mahiwagang salamin, kung kakausapin ka nya at sasabihin nya kung masaya ka sa nakikita mo sa tab na yan ano ang sasabihin mo? timer starts now..."

Rix Personal 2: " Thank you very much for that very challenging question.... ladies and gentlemen, friends, people, guests, judges, host, cameramen, people in the monitor... Im Rix from the brightest constellation in heaven... I came from the city of stars........ STARCITY!!!! going back to your question... No, Im not"

Rix Persona 1: "Ano naman ang dahilan kung bakit hindi ka masaya sa nakikita mo?"

Rix Persona 2: "Magulo ang page, marami akong sinasabi tungkol sa sarili ko na hindi ko naman mapapatunayan sa mga tao dahil hindi naman nila ako nakasalamuha ng tunay"

Rix Persona 1: "Ano ang tingin mo na dapat mong gawin upang makilala ka ng mga tao na bago sa pahina mo?"

Rix Persona 2: " I came from the brightest place... remember? that is why I have brightest idea (chos!)"

Rix Persona 1: "Ano po yun? paki sabi agad agad, nag-mamadali po kami may taxi na naghihintay sa labas... may lakad pa po ako... dilat na ang mata ng mga pasyente ko daliiiiiiiiiiii"

Rix Persona 2: "Ito ang gagawin ko..... *bulong* *bulong* *bulong*... *whisper* *whisper* *whisper with wings*..... Ohhhhhhhhhhhhh divine?????? "

Rix Persona 1: "Oo nga maganda ang idea mo..... tignan natin kung ano ang mangyayari"



Nakasunod ba kayo sa pinagusapan nila? kasi ako hindi, tiyarose!!!!!


Ang totoo po ay nag send ako ng indibidual na personal na mensahe sa mga kaibigan, maging sa mga tao sa likod ng kani kanilang blog na sinusundan ko at sinusundan din naman ang pahinang ito... 

Nakakatuwa ang mga sinabi nila sa akin. sobrang naaaliw ako kapag paulit ulit kong binabasa ang mga mensahe sa akin. Magkahalong ngiti habang nakakataba naman ng puso ang sa iba...

Inalis ko na ang link ng twitter ko sa page na ito upang palitan sya ng link na mapupunta sa page kung saan ay nakalagay ang mga bagay na masasabi ng mga tao na ito sa inyong lingkod...




Sa upper right side ng page ko ay makikita ang imahe na nasa taas.. ididirect ka nito sa pahina kung saan nakalagay ang mga bagay na masasabi ng mga tao sa akin..


Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumugon sa aking kahilingan... Pag-palain po nawa kayo... Gusto ko po na bigyang na special na pagpapasalamat sila Anthony, Fiel, Phioxee at Grah na madalas ko nakakausap sa pesbuk kung saan madalas ay may segment kami sa chatroom na "Issue 101" kapag online kami madalas (pasensya na din madalas eh back read ang peg ko dahil bisibisihan ang lolo nyo lelz leng).

Kung may madadagdag man sa mga komento tungkol sa akin ay asahan nyo po na iuupdate ko din kayo ng regular, alam nyo yan!!! Just follow me, pag nasaktan ako may latay kayo... ay follow po pala hindi palo sorry nemen, nyerets leng pe..

At bago ko po tapusin ang entry na ito, magpapasalamat po ako sa sponsor natin, sa truth! akalain mo yan? at sya talaga ang lumapit sa akin para mag-sponsor, divine? tarush noh? lewlz...

Ito pong entry na ito ay hatid sa atin ng bonggang bonggang sponsor ang.... ten den den den....























*pak* *pak* *pak*
confetti....

































































(credits to the owner of the pics)
'Coz, only Belo touches my skin... who cares? even the carebears don't care, tseh!





Yes! we don't care!!!!!!!




O sya tama na nga mapunta nanaman sa kung saan itong entry na ito nyahahaha.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

Saturday, September 7, 2013

#HBD

Check-up Time: 8:04pm


Haluuuu!!!!!

Itong week dumating si Diko sa Pinas. Sa wakas medyo may katagalan na din kasi namain hinihintay ang pagdating nya dahil sobrang dami nga mga bagay na nakatenga na dapat gawin nya lalo na sa kasal nya.

Nung dumating sya literal na bulagta ako sa kama, nilapitan nya pa ako at natatandaan ko pa na hinawakan ko ang braso nya pero di ko nakita ang mukha nya. Nagulat na lang ako nung nakita ko sya nung pagbangon ko at bumaba sa sala para maghanda pumasok sa opisina dahil ito ng itsura nya...
















Mukha syang ermitanyo! Binigay ko sa kanya ang shaver ko at inutusan sya na alisin ang balbas nya dahil wala na naman syang kasamang mga arabo.








Birthday ni Diko ngayon, kaya naman napagkasunduan namin kagabi na pupunta muna kami sa condo ni Mama after noon ay saka maghahanda ng munting salo salo sa kanya.


Medyo matagal din na hindi nadalaw ni Diko ang condo ni mama kaya naman binigyan namin sila ng panahon ng kanyang magiging wife to be.


Dumerecho na ako sa umuwi pagtapos namin dalawin si Mama para iprepare ang regalo ko sa kanya. Gumawa ako ng oreo cheesecake para sa kanya.




Kulang pa ng konting praktis pero mape-perfect ko din ito nyahaha... nilagyan ko na lang ng konting achachuchu sa ibabaw para naman presentable sya..




Next time it will be perfect na... wala po ako sa wishu mag blog pero keri lungs, medyo pagoda cold wave lotion with sunscreen protection and avocado extract, gingko biloba, seasame seads and tongkat ali ko... in short... pagod po hihihi..



Segue:

Minsan ang sarap at nakakagana magtrabaho kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong klase ng announcement:


note: ni-edit ko po yung first name... kasi naman buong/tunay na name ko yung nandun eh ahahaha.

Ang nakaka-demotivate lang is yung politika sa work environment.. tsk! tsk! tsk!


Maaga pa ako matutulog dahil kailangan ko gumising ng uber early dahil pupunta ako at ang mga friends ko sa Antipolo para magsimba.. Kaya gayang ng madalas kong paalala....


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

Thursday, September 5, 2013

huma-haiku

Check-up Time: 6:27pm



Batis

kaaya-ayang pagmasdan
batisang dalisay dumaloy.

Kinakalma isipang nalilito't
ginagawang payapa damdaming
magulo.

Pusong nalulungkot
kanya namang inaamo...





Yan ang tula na ipinasa ko sa aking guro sa panitikan nung kami ay pinagawa ng tulang Haiku... Hindi ko na maitutuloy ang Tback thursday ko dahil sa mukang panis na ang entry ko iyon. Nakakabadtrip kasi ang mga nakikialam sa mga tao na wala naman silang authority... Hayzt sabi nga nila digital na ang karma so hintay hintay na lang pag may time...


Malapit na mag-week end so ano pa nga ba? eh baka bumaha nanaman ng alak hinay -inay lang po ah wag po nating gawing motto ang "hanggang may atay, tagay".





Ang entry na ito ay hatid sa atin ng...



Ang kaagapay ng atay sa malusog na pamumuhay.... kaya ikaw, hayahay!

(credits to the owner of the pic)



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Sunday, September 1, 2013

24 Hours Road Trip

Check-up Time: 11:46pm

Haluuuuuu!

Pasensya ngayon ko lang makkwento ang road trip namin ng mga ka-team ko ha... kasi naman sira yung keyboard ng laptop ko kaya nakigamit pa ako ng PC ng kapitbahay... charts lungs.

Matagal ng balak ng mga ka-team ko na magpunta sa province ng bagong teammate namin sa Cabanatuan pero parang palya lagi hanggang sa isang biglaang pagpaplano na ang naganap.

Nabawasan na ang bilang namin sa team dahil sa lumipat na ang isa naming ka-team sa site namin sa Baguio at na pag pasyahan namin na isama namin ang pag dalaw sa kanya sa road trip namin...



Yan lang ang dala ko sa road trip namin nagkasya naman ang lahat ng dala ko dyan sana ay madaig ko si Dora sa trip na ito lolz...

Dumating ako sa meeting place namin ng 4 hours early. Sa office lang naman kami magkikita, bangag pa ako nun dahil nakipag-shoot pa ako at literal na umiikot ang paningin ko hahaha. Sakto sa oras na inasahan ko ako magigising may oras pa para makapag gayak ako.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa trip na ito kasi medyo maulan pa kaya naman iniisip ko na baka mahirapan kami sa byahe.





6:31 am na kami ng nakaalis sa Makati madalim pa rin ang langit pero matatapang ang mga ka-team ko ayaw paawat eh di go na with the flow na din ako. Pampanga ang uana naming distinasyon dahil doon namin tatagpuin ang dala pa naming ka-team.


Unang Istasyon..... Pampanga.

Walang gaanong ganap dito kasi naman dapat ay pupunta kami sa Nathaniel's bakeshop para kumain ng buko pandan at ice cream dahil masarap daw ang ice cream nila kaso lang sobrang aga pa at sarado pa ito kaya naman wala ng patumpik tumpik pa na napagdesisyunan na namin na pumunta sa second stop, stop dance... chars! Ang tanging nakita ko lang ay ang kawawang kalagayan ng mga taniman dito...





Second stop, Pangasinan

Nagulat si Daddy Vic (former teammate namin) ng dumating kami di nya expected na kumpleto kami at hind namin sya inindyan... Kasi naman sabi nya ang dami nag balak na pumunta doon pero ilan lang ang pumunta.

Hindi pa kami nakakaupo at ready na ang putong kalantyaw, kutsinta, bayabas, saging, nilagang mani at mainit na tsokolate kain naman kami ng parang walang bukas. Nangamatay na ata kami sa busog ng biglang sabihin ng may bahay ni Daddy Vic na kung gusto na daw namin mag tanghalian. Gusto ko na sana magtanong kung may pang jumping rope sila para matagtag agad ang kinain ko... Kems lang! Tumanggi muna kami at sinabi namin na pupunta na lang muna kami sa simbahan ng Manaoag at kakain na lang pagbalik...



Tulad ng nakagawian ko naghanap agad ako ng mabibilhan ng kandila para magtirik (nakagawian ko na ito basta nagawi ako sa isang simbahan na unang beses ko pa lang mapuntahan)














Matapos ko na magsindi ng kandila ay hinanap namin ang pintuan ng simbahan pero ito ang aming nakita...
















Bawal kuhaan ang mga yan pero pasimple ko silang kinuhaan, malalaman ni Ate ito baka kutusan nya ako Lelz.
 Sa totoo lang ay bawal talaga na kuhaan ng picture ang mga nasa museum ng malapitan kung nasa receiving area ka lang pwede mo sila kuhaan pero alam nyo naman ako... Natural na baliw nyahahaha. Lahat ng nasa larawan ay mg tunay at authentic na mga gamit sa simbahan ng Manaoag. Nalaman ko din na ang birhen ng Manaoag pala ang ang mother of all call center ayon ito sa information na nakalagay sa museum nila.

Matapos nito ay nagtungo na kami sa simbahan nagdasal ng kaunti at bumili ng tupig, putong kalasyaw. Bumili na din ako ng bilin ni Paping sa akin, ang lana (coconut oil).

i like this picture di ako masyado mataba tignan nyahaha (si Daddy Vic yung nasa likod ko)

ang mga nawawala kong ka-team






After nito ay bumalik na kami kila daddy Vic para mag lunch. So malamang hindi na kayo magtataka kung bakit parang mas lumaki ang built-in salbabida ko di ba? hihihi.



Alas tres na din kami ng magpasya na umalis kila Daddy Vic bago kami umalis ay pinag balot pa kami ng baon sa byahe, bico na may tsez.. Matapos ang mahabang paalamanan eh naghanda na kami sa sunod naming destination... ang final destination.... Tyars! (knock on wood).


Third Destination... Isadaan, Tarlac.

Busog pa naman kami at halos mapunit ang mga Tiyanda  Romero namin sa busog pero ang mag meryenda lang naman ang feel namin gawin dito at kumuha ng sandamukal ng picture. Ang isaan ay isang floating restaurant na may pagka theme park ang peg kaya nakakaaliw para sa mga customers nila kasi kung matagalan man ang pagseserve ng food ay di ka mabuburyo dahil sa ambiance nito at sa mga attraction nila.

ito ang kinain namin sa Isdaan







pagnatawid mo yungnasa gitna ng man made lake from end to end eh libre ang 1 kilo if fish ng group nyo












lambot! ahahahaha


taksyapo

taksyapo ulit

After namin kumain ay nag tungo na kami sa next place namin, sa place to be, Cindy's! chars lang


Fourth Place.... KCT, Tarlac

Ang KCT sa tapat ng SM Tarlac ito ang sunod na pinuntahan namin para mag Go Kart. Sa totoo lang maganda ang race track nila dito kasi mas malaki sa nakita ko sa Manila. Magbabayad na kami nung sabihan kami na ititigil daw muna ang operation dahil mukang uulan daw... Noooooooooooooo! yan ang sigaw namin sa kahera sabay kuha ng knife para sa stake na sine-serve nila tapos nilaslas namin yung pulso ni ate tapos pinasagasaan sa mga go kart..... Shempre kems lang yun.

Nakiusap kami na magbabayad kami kapag umulan hindi na kami tutuloy pero pag hindi umulan eh push kami sa Go Kart. Nakiayon sa amin ang panahon at ayun na nga nakapag Go Kart ang tropa...





Ibang klase ang karanasan, ang sarap sa pakiramdam lalo na kapag nararamdaman mo ang malakas na hampas ng hangging sa mukha mo habang nag mamaneho ka mararamdaman mo ang kaba mo dahil baka magkaproblema ka pag liko mo, yung saya ng mabilis na pagpapatakbo ng kart mo at ang adrenaline rush pag nagsama sama kakaibang feeling. Pagbaba ko sa kart sabi ng mga ka-team ko hindi daw ako pwede maging driver sa tunay na buhay kasi kaskasero daw ko, ay kiber basta masaya ako ahahaha. NAgpapalitan pa kami ng karanasan ng biglang sabihan kani nga ka-team namin na pupuntahan namin sa Nueva Ecija ay nakahanda na daw ang aming hapunan... Packed up agad kami at punta sa susunod na location (shooting?).

Sixth Location... Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ang ganap dito ay kumain kami ng wagas pakiramdam namin huling kain na namin ito, pasensya nga lang hindi na kami nakakuha ng picture nawala sa isip namin dahil lahat ay gutom na. After nito ay kanya kanya kaming ligo at nag simula na ang highlights ng trip na ito... Inuman na! pero hindi nila ako nalasing dahil bago pa man nila ako lasingin eh lasing na ako sa antok at pagod kaya nauna akong natulog...

Nagulat na lang ako ng may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan ako pwersahan hinubad ang saplot ko sa katawan at pwersahan akong binaboy!!!!! cheret lungs! walang ganyang eksena... nagulat lang ako kasi ginisng ako dahil kailangan na daw namin umuwi ng Manila..

Wala na ako matandaan nung pagka sandan ko sa van na nirentahan namin dahil parang na comatose lang ako dahil pag gising ko nasa Makati na kami.


Sa totoo lang na-enjoy ko ang trip na ito gawa ng sabi ko noon, kasi nawala ang emotional, physical at mental stress ko dahil sobrang na enjoy ko ang trip na ito... Dahil dito eh nakaplano an ang sunod naming lakad. kung ano man yun, abangan ahaha.


Bago ko tapusin ang entry na ito a lubos at wagas po ang pasasalamat ko sa bagong taga subay bay ng isang walang ka kwenta kwentang page sa balat ng blogspot... welcome po Mharliz sana po ay maaliw ka sa kung ano man ang nakikita po dito ahaha.

Oh sya ang oras ngayon ay 1:02 na ng umaga... pagod na ang katawang lupa ko kaya susubukan ko ng matulog... hanggang sa muli...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!