Thursday, September 5, 2013

huma-haiku

Check-up Time: 6:27pm



Batis

kaaya-ayang pagmasdan
batisang dalisay dumaloy.

Kinakalma isipang nalilito't
ginagawang payapa damdaming
magulo.

Pusong nalulungkot
kanya namang inaamo...





Yan ang tula na ipinasa ko sa aking guro sa panitikan nung kami ay pinagawa ng tulang Haiku... Hindi ko na maitutuloy ang Tback thursday ko dahil sa mukang panis na ang entry ko iyon. Nakakabadtrip kasi ang mga nakikialam sa mga tao na wala naman silang authority... Hayzt sabi nga nila digital na ang karma so hintay hintay na lang pag may time...


Malapit na mag-week end so ano pa nga ba? eh baka bumaha nanaman ng alak hinay -inay lang po ah wag po nating gawing motto ang "hanggang may atay, tagay".





Ang entry na ito ay hatid sa atin ng...



Ang kaagapay ng atay sa malusog na pamumuhay.... kaya ikaw, hayahay!

(credits to the owner of the pic)



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

24 comments:

  1. ano grade na binigay sayo dun sa tula? hehe

    liver lover boy!

    ReplyDelete
  2. sponsor mo yun? naks naman hahaha..

    anyway medyo nakulangan ako sa tula...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano ba patolers ka talaga kahit kelan ahahaha.

      eeeeeee Haiku nga eh..

      Delete
  3. digital na nga talaga. i[push ang haiku na yan.

    ReplyDelete
  4. Natawa naman ako sa endorsement! *hahahaha!* Kwela...

    ReplyDelete
    Replies
    1. :D salamat po... ikaw gusto mo po maging endorser? hihihi

      Delete
  5. hehe.. ako yata highschool gumawa na HAIKU, mero pa yang kapartner.. TANAGA .. challenging yan kasi limited lang ang sukat ng mga salita..

    ayos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. truth sobrang kailangan eh sakto ang sukat ng bawat pangungusap ehehehe

      Delete
  6. ayos ah.... hehehe balita mo kung ilan ang grades hehehe

    ayos ang endorsement ah hehehe

    musta na...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku hindi nga sinasabi saka hindi sya dart board ahaha.

      Pang ilan na yan sa commercial na naendors ko ahahah.

      Delete
  7. Hu ma haiku naman dito. Linggo ng tula, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
  8. nakakainis yung endorsement!!! hahahaha mataas ba ang nakuha mong haiku? or napahaynaku ka na lang? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po sa pagbisita sa aking pahina sir KC.

      hindi ko pa nakikita. ayaw sabihin sa amin kung ano grade namin huhuhu.

      Delete
  9. may sponsor ng liveraid? ang hilig mo magrhyme, hihihi

    ReplyDelete

hansaveh mo?