Tuesday, September 10, 2013

what about me????

Check-up Time: 1:03pm (09-Sept-2013)


Haluuuu! Haluuuu!!!! Haluuuuuu!!!!!!!!!!!! (nasamid) *cough* *cough*



Andyan pala kayo sa likod ko, hindi ko kayo marinig... sira ang audio. cherets!



DIREK!!!!!!! sira po ang audio, paki ayos lang please... mag-start na po ako... in 3.....2.....1.....

*cue music...*




Naalala ko noon, noon pa yun nung nag-sisimula pa lang ako sa ganitong siste, patipa-tipa, papindot-pindot, pakapa-kapa....  hanggang sa madakma ng.........















" PANINGIN ko "





... ang mga pahina ng mga beterano at semi-pro na manunulat sa blogspero, nasabi ko noon na karamihan sa kanila ay may entry na nagbibigay ng pagpapakilala sa kanila.. May mga nag papakilala sa paraan ng pagku-kwento, paraan na paang talambuhay at ang iba naman ay parang chart hitlist na may top 10 kinembot pa.

Syempre ako naman ay gumawa din para naman maramdaman ko din ang pakiramdam nila habang sinusulat nila ito. Napagisip-isip ko na.... ay wait lang po, wala pala akong isip hindi po applicable ang isip isip sa akin kasi isang isip nga wala ako isip isip pa kaya? cheruts! So eto na nga, bigla ko na lang napagdesisyunan na maglagay ng isang tab sa pahina ko na nagsasabi o nagpapakilala sa akin, kung ano ang hilig ko, kung ano ang mga bagay na pumupukaw sa aking interest. Last month ay sinilip ko ito at bigla na lang.....


Rix Persona 1: "Rix, narito ang mahiwagang salamin, kung kakausapin ka nya at sasabihin nya kung masaya ka sa nakikita mo sa tab na yan ano ang sasabihin mo? timer starts now..."

Rix Personal 2: " Thank you very much for that very challenging question.... ladies and gentlemen, friends, people, guests, judges, host, cameramen, people in the monitor... Im Rix from the brightest constellation in heaven... I came from the city of stars........ STARCITY!!!! going back to your question... No, Im not"

Rix Persona 1: "Ano naman ang dahilan kung bakit hindi ka masaya sa nakikita mo?"

Rix Persona 2: "Magulo ang page, marami akong sinasabi tungkol sa sarili ko na hindi ko naman mapapatunayan sa mga tao dahil hindi naman nila ako nakasalamuha ng tunay"

Rix Persona 1: "Ano ang tingin mo na dapat mong gawin upang makilala ka ng mga tao na bago sa pahina mo?"

Rix Persona 2: " I came from the brightest place... remember? that is why I have brightest idea (chos!)"

Rix Persona 1: "Ano po yun? paki sabi agad agad, nag-mamadali po kami may taxi na naghihintay sa labas... may lakad pa po ako... dilat na ang mata ng mga pasyente ko daliiiiiiiiiiii"

Rix Persona 2: "Ito ang gagawin ko..... *bulong* *bulong* *bulong*... *whisper* *whisper* *whisper with wings*..... Ohhhhhhhhhhhhh divine?????? "

Rix Persona 1: "Oo nga maganda ang idea mo..... tignan natin kung ano ang mangyayari"



Nakasunod ba kayo sa pinagusapan nila? kasi ako hindi, tiyarose!!!!!


Ang totoo po ay nag send ako ng indibidual na personal na mensahe sa mga kaibigan, maging sa mga tao sa likod ng kani kanilang blog na sinusundan ko at sinusundan din naman ang pahinang ito... 

Nakakatuwa ang mga sinabi nila sa akin. sobrang naaaliw ako kapag paulit ulit kong binabasa ang mga mensahe sa akin. Magkahalong ngiti habang nakakataba naman ng puso ang sa iba...

Inalis ko na ang link ng twitter ko sa page na ito upang palitan sya ng link na mapupunta sa page kung saan ay nakalagay ang mga bagay na masasabi ng mga tao na ito sa inyong lingkod...




Sa upper right side ng page ko ay makikita ang imahe na nasa taas.. ididirect ka nito sa pahina kung saan nakalagay ang mga bagay na masasabi ng mga tao sa akin..


Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumugon sa aking kahilingan... Pag-palain po nawa kayo... Gusto ko po na bigyang na special na pagpapasalamat sila Anthony, Fiel, Phioxee at Grah na madalas ko nakakausap sa pesbuk kung saan madalas ay may segment kami sa chatroom na "Issue 101" kapag online kami madalas (pasensya na din madalas eh back read ang peg ko dahil bisibisihan ang lolo nyo lelz leng).

Kung may madadagdag man sa mga komento tungkol sa akin ay asahan nyo po na iuupdate ko din kayo ng regular, alam nyo yan!!! Just follow me, pag nasaktan ako may latay kayo... ay follow po pala hindi palo sorry nemen, nyerets leng pe..

At bago ko po tapusin ang entry na ito, magpapasalamat po ako sa sponsor natin, sa truth! akalain mo yan? at sya talaga ang lumapit sa akin para mag-sponsor, divine? tarush noh? lewlz...

Ito pong entry na ito ay hatid sa atin ng bonggang bonggang sponsor ang.... ten den den den....























*pak* *pak* *pak*
confetti....

































































(credits to the owner of the pics)
'Coz, only Belo touches my skin... who cares? even the carebears don't care, tseh!





Yes! we don't care!!!!!!!




O sya tama na nga mapunta nanaman sa kung saan itong entry na ito nyahahaha.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

24 comments:

  1. Dami kong tawa sa post mo na to. Lalo na sa sponsors! Feeling ko wala ka lang magawa kaya ito naisip mong trip! *hahahaha* Biro lang.

    Paano ba ako makakasama dun sa ABOUT ME mo? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po ako nag iisip, wala po akong isip ahahaha.

      Comment ka po doon sa comment box update ko na lang po sya :D

      Salamat Geosep.

      Delete
  2. Wahahahaha! adik ka talaga Rix!!!

    Na-gets ko yung dalawang persona mo na naguusap sa taas. Parang Chico-Locong lang peg XD

    Natawa ako dun sa "issue 101" segment nyahahaha!

    Pwedeng bang libreng magpa diamond peel sa Belo? *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal na kaya ako adik alam mo yan... ngayon eh sinumpong ako ng very harsh lolz.

      Pwede naman daw kaso yung kanto daw ng diamond mismo ang ikakaskas sa pes lolz.

      Delete
  3. Ang tindi, binasa ko ulit dahil nahirapan ang aking kukote intindihin ang dalawang mukha ng pag-ibig, eh Rix pala. Daming fans ah, magkano naman binayaran mo o babayaran sa mga sagot na iyan? May libreng kape ba? Sasagot din ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku po wala brasuhan po ang labanan ahaha. Meron naman po kasamang kape, kaso di pa nagigiling ngunguyain na lang daw ehehehe.

      Delete
  4. Ang alam ko lang lagi mo kong napapatawa. la din siguro ako isip:)dyuk:)
    I know behind those words is an intelligent and kindhearted man.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awts.... Mommy Joy, lalong naging chubby ang heart ko, Tenchu po.

      Delete
  5. Hang gulo ng dalawang rix. Yun ang pinagkapareho nila hahahaa. Pero oi minsan di issue 101 yung group chat natin. Minsan Help Help 101 din. Lalo na sa mga FAR away blogger na gaya namin ni grah. At least nakokonek mo kami sa world nyu jan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha uu nga. malapit na magkaroon ng kantahan session dun lolz.

      Delete
  6. Wahahahaha ngayon lang ako napadpad dito at sobra ang tawa ko sa dalawang persona mo wahahahaha ok tama na tawa. Hihihi tindi ng sponsor belo talaga. Nyahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome po sa munti kong pahina... Muka nga pong tuwang tuwa ka... nakikita ko lolz.

      Delete
  7. Hahahahaha, ang daming introduction tas di ka naman pala okay.. bakit. anu ba ang hinahanap mo sa buhay Rix? kulang ka lang sa gala kaya ganyan ka at malungkot..mag solo trip ka ulet.. find yourself.. okay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala! off topic? ahaha baka para sa music room yung comment mo hindi sa asylum wakukukukuku...

      Delete
  8. shet naiwan sa taxi ang unang rix dahil sayo. chos. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha hindi naman yun nga lang malaki ang bill nya lolz

      Delete
  9. at nagpapasalamat ako sayo dahil walang word verification sa comment box mo! nyahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha ayoko maglagay nun para hindi na hustle sa mga gusto mag comment nyahahaha.

      Delete
  10. Ahahaha! Love the ending statement. But wait a minute. Anniversary ba ng blog mo or something? Teka nawawala na ako sa trip mong ito. Malamang panahon na talaga para sa akin ang humanap ng adik. Hahaha!

    Pahiram ng ending statement para ma-share sa sangkatauhan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po blogsarry ng page ko lolz.

      Nakita ko po ni-share mo sa FB, lolz napa gimme gimme ako sa gulat lolz...

      Delete
  11. hehehe aliw naman ako....

    enjoy enjoy lang....

    ReplyDelete
  12. padaan lang po ^_^

    -hahaha kunek na kunek comment ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga, bored ka nanaman noh? ahahahaha.

      Delete

hansaveh mo?