Thursday, September 26, 2013

kita kita sa finals

Check-up Time: Tuesday, 5:47am



Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal, Nitong mga nakaraang araw sa loob lamang mga maikling panahon ay maraming naganap sa akin.... (sariling version ng himala? lolz)


Sa totoo lang po hindi ito epekto ng ubo't at sipon ko ngayon, yep kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon I'm proud of it kasi pinaghirapan ko ito lolz.


Kidding aside by side by side by side, this is Pinoy Pop Chuperstar!!!! Charoz!



Matagal ko na din naman na balak na isara ang pahina na ito ngunit marami ang pumigil. Ang iba, sinabi na hayaan ko na lang na bukas ang pahinang ito, ang ilan naman ay pinayuhan ako na huwag huminto habang ramdam ko ang mainit pa sa bagong lutong bulalo ang suporta nila sa akin na magpatuloy sa kalokohan ko at pang-uurat ko sa inyo sa pamamagitan ng pag-update ng page ko... Pahinga lang daw ang kailangan ko. Ang sabi ng ilan, "once a blogger is always a blogger" naniniwala naman ako kaya nga bumalik balik ako.


Nitong mga nakaraang buwan nga mas naging madalas ang pagpapaskil ko ng walang mga kasusta-sustansya, walang kapararakan, walang ka kwenta-kwenta, walang kalatoy-latoy at walang kabuhay buhay na mga entry na wala namang social and political relevance. Bagaman may mga pumapatol, naaaliw at natutuwa sa mga mangilan-ngilan kong mga paskil eh hindi nyo lang po alam kung gaano nito ginawang chubby ang puso ko tuwing umiinom kayo ng alak… habang hinihitit nyo ang sigarilyo nyo at habang nilulustay nyo ang perang pinapadala ko! Sana maisip nyo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito, Direk cut po.... Hindi na po ito kasama sa lines ko... Ano po ba kayo? Nagbblog po ako, mamaya na yang shoting Direct ok?... Manang, yung vitamins ni Christian ok? Ateh Vi? Charut lang.... Sa totoo lang ay  lubos ang pagpapasalamat ng katawang lupa ko sa lahat ng magagandang bagay na sinabi nyo sa pahinang ito at sa akin...


Napapadalas na ang "Me Time" ko pero kahit ganun, eh saglit lang din naiibsan ang stress na nararamdaman ko. Sobra ang pagod ko sa trabaho, tapos lagari din ang schedule ko sa school at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may naganap pa na lalong nagpabago ng takbo ng buhay ni Rixophrenic. Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na magpahinga muna sa pagsusulat.


Kailangan ko mag concentrate sa bagay na gagawin ko upang maka-cope up agad sa pagbabago ng buhay ko. Isa pa, mukhang mas mahabang pahinga ang kailangan ko dahil sa hindi nagkakasya ang katawan ko sa short time na aliw pahinga kaya naman mukhang kailangan ko mag pahinga ng mahaba... Pupunta muna ako sa isang lugar kung saan eh tahimik kong magagawa ang bagay na kailangan kong gawin... sa kubeta...


Tama ang sabi ng ibang manunulat sa mundo ng blogspero, kapag nakapagpahinga ka ng matagal ay medyo mahirap bumalik, kung dumating man ang panahon na handa ka ng bumalik ay hindi mo rin alam kung may mga babalikan ka pa nga, gayun pa man ang sabi ko lang sa sarili ko ay "kung talagang gusto ng mga mambabasa ang gawa ko, kahit anong mangyayari sa akin ay babalik pa rin ang mga taong natuwa at naaliw sa akin" sa ngayon ang bagay na lang na yan ang aking pinanghahawakan... kung dumating man ang oras na nararamdaman ko na talagang wala na akong balikan, eh ayos lang naman din sa akin. Hindi naman ako sikat sa larangan na ito kaya hindi ako dapat mag expect ang sobra sobra.


Ang halos magdadalawang taon ko na pagbabahagi ng karanasan ganun din ang magbahagi ng tuwa at saya sa mga naaliw, natuwa at naging masaya sa pahina ko ay sapat ng karanasan bilang isang bloggero. Sobra sobra na ang kaligayahan ko na malaman na may mangilan ngilan na natuwa sa kalokohan ko. Hindi ako mag-papaalam, hindi ko kakandado ang pintuan ng asylum ko... sisilip-silipin ko pa rin ito. Kapag nagkaroon ng kaunting oras eh baka iupdate ko naman ang pahina na ito. Baka magrepost din ako ng mga dati ko ng mga entry, basta bahala na. One thing is for sure... I will never give up my asylum.


Sa ngayon mas madalas siguro ako na makakapag-update ng mga nangyayari sa akin sa FB, Twitter at Instagram. Sa mga kaibigan ko na sa mga nasabing social media keme, update update po tayo dun lang po ako may time pansamantagal.


See you when I see you mga kaibigan, pasyente, kapatid sa panulat, at mga parokyano, kapuso, kapamilya, kabarkada, kaque, kaberks, ka-ututang dila. Isipin nyo na lang po, tayo tayo pa rin ang magkikita sa finals lolz.


Hanggang sa muli....











Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless

32 comments:

  1. Replies
    1. lolz, siguro nga po Sir OP... pero hindi naman po ibig sabihin na i will stop doing this. medyo demanding lang talaga ang mga bagong pangyayari sa buhay ko hahaha.

      Delete
  2. Kahit magupdate ka once a month ayos na yun. Unahin muna ang mga mas mahalagang bagay.

    Goodluck ser!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe uu nga, sige gagawin ko yun idol kita eh lolz..

      Delete
  3. Wala ulit sponsor this time? *haha*

    I-message ko na lang sayo ang comment ko. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala po eh papayag na sana ang Cebu Pac kaso lang puro piso fare lang daw ang alam ko... lolz.

      Yep got it... I will reply soon..

      Delete
  4. Dumarating siguro talaga sa LAHAT ang ganitong time.. kahit ako naisip ko na din ....pero nagpapatuloy kahit na manaka-naka na lang....Ewan siguro darating din ang time na ikakandado ko din.... Pero sa ngayon, naisip ko, just enjoy the 'moment', the 'journey', the 'life'...Kung may makabisita man sa ating 'worlds'. ipagpasalamat natin. Kung wala man, ipagpasalamat din kasi nagkaraoon tayo ng pagkakataon na mailabas... (ang alin?) ang 'emotions' , ang 'thoughts' at that time.... At isang paraan ng 'healing' daw ang mga ganitong pamamaraan... (deep :). Anyway, by the way, come what may, I will respect your decisions.. Take time to rest and be good : )

    ReplyDelete
  5. jusko sa halos magpipitong taong buhay ng blog naisip ko rin ang pagsasara... but well i can't. hindi ko kaya. haha chismosa ako e. lol

    anyway maganda yang alam mo ang iyong priorities, kung anuman ang mahalagang bagay na dapat mong gawin, gora lang.. ang blog naman ay laging nandiyan lang.. at pati kami ring mga nagbabasa, nandito lang. hindi mawawala parang fans lang ni ate vi. :)

    ReplyDelete
  6. Ayos lang yan Rix :)) it's normal to feel that way. Napag-daanan ko na rin yan dati. Halos 1 and a half year din akong in-active sa blogging. Kung hindi siguro ako nagbalik sa pagba-blog ay hindi ko cguro makikilala ang da best people in da neighborhood! syempre isa ka na dun :))

    ang mahalaga talaga sa ngayon ay kung ano ang nasa puso mo, sundin mo! get get awww!!! sexbomb girls lng ang peg? LOL

    di bale, madalas naman tayong magka talsikang laway sa fb eh, so dun na lng tayo mag chismisan pag may time.

    cheers!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. DI ba nga? Alam mo yan, para na lang tayong may conference lagi sa FB lolz.

      Delete
    2. soooss kayong dalawa oo wag kayong ganyan hahahaha bumalik agad2x ako nga rin busy busyhan pero chars lang yon hahaha pero ayon nga talaga totoo nga minsan nakakapagod talaga yong mga demand sa paligid natin, lalo na kasi ikaw now eh ur studying nakuh drain na drain talaga hehehehe di bale hanggat ndi ka deactivated sa fb then ok lang yon hindi pa kita aawayin hahahaha

      Delete
    3. wow habang kami ay hindi nagreklamo nung nawala ka... frog ka teh... lolz

      Delete
  7. Tseh matutulog kl lng eh puro tulog hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. shhh wag ka maingay mabigyan nanaman ako ng memo. Charut!

      Delete
  8. Tama ang naging desisyon mo na wag iclose. Kasi makakaluwag-luwag ka rin naman sa schedule pagdating ng panahon. So magandang may blog at blogger friends kang babalikan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, Salamat sa muling pagbisita glentot...

      Delete
  9. Kung kelan naman napapadalas na ulit ako mag blog at mag bloghopping, at kung kelan nakilala pa lang kita! :((

    Pero naiintindihan kita promise... Kasi may ganyang moments din ako... I'm sure pagbalik mo, super ibang level na naman! Sa ngayon, magbabackread nalang muna ako hehehe! Good luck sa lahat ng mga gagawin mo, and I'm sure super maganda outcome ng lahat! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga po... im crossing cubao este my fingers para sa success nito.

      Delete
  10. totoo naba ito? parang kailangan lang muna siguro natin ilabas yong hangin sa tyan natin hehehe well i do understand u syempre dumaan din ako dyan hahaha pero ito ulet ako nanggugulo na naman hahahaha i miss u martin!!! kumanta kana ulet ivlog na yan!!!

    ReplyDelete
  11. Kababalik ko lang sa matagal na pamamamahinga sa blogging yun nga lang shinutdown ko na yung blog ko at gumawa ako ng bago bumalik. Anyway..marami ka pang babalikan for sure yan. =))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep nakwento nga ni anthony sa akin ehehe... welcome back sa new blog mo.

      Delete
  12. Basta balik ka lang uli pag may time. Remember you make smile:)
    Good luck!
    Pero sabagay, dami na talagang di active sa blogging ngayon. Baka mahawa din ako:)

    ReplyDelete
  13. Wag kang papahawa... hehehe go, blog lang ng blog pag may time!

    Ako kasi bihira na kaya bukas-sara din ang aking bahay. Ngayon namiss ko magbasa kaya dito ako sumisilip hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sa muling pag silip at pagbisita...

      Delete

hansaveh mo?