Sandali lang po halo halo po ang entry na ito ngayon... Magkakaskas lang ako ng yelo para sa mga rekado na ito:
* = * = *
Kasal-Kasalan
Naikwento ko na po sa inyo na malapit ng ikasal si Diko. Medyo maswerte kami kasi nakasama pa namin sya sa kaarawan nya bago sya pumunta ng Iloilo para ayusin ang mga bagay bagay sa kanyang kasal.
After ng birthday nya ay nagpunta sya sa Nuvali, Laguna dahil doon ginawa ang kanilang pre-nup pictorial. Medyo funny kasi namannormally eh ilang buwan bago gawin ang kasal nagkakaroon ng pre-nup pero yung sakanila eh mabilisan.
Madalas eh sa Eco Park sa Quezon City ginagawa ang mga pre-nup pics pero yung sa kanila kakaiba pero infairness eh nagustuhan ko naman ang mga pics nila:
Nag-file na akong mahigit isang linggo na leave sa company dahil bukod sa kailangan ko dumalo sa kasal ni Diko eh lulubos lubusin ko na ang bakasyon ko. Bilang sa Iloilo ang kasal eh derecho Boracay na ako. Its hiting 2 birds in 1 stone na lakad ito.
Excited na ako....
* = * = *
Food Trip kahit umuulan
Kahit umuulan kanina ay di kami natinag sa food trip namin. Naikwento ko kasi sa mga officemate ko na nung sumama ako sa nakaraang UP fare sa Diliman eh sobra ang enjoy ko sa food trip ko doon sa napaka murang halaga na mapapamura ka talaga, keme lungs.
Kesehodang umuulan eh dead sya sa samin, sumugod kami ng walang kaabog abog sa UP Diliman at pinuntahan ang pinakasikat na kainan ng street food doon at ito na nga ang mga ganap (babala, medyo may kalabuan ang pics kasi naman yung itouch ko ang gamit ko sa pag-kuha ng pic, siguro sa FB na lang ipopost yung malinaw na pics nyahaha)
Ang sarap ng isaw nila dito pramis... |
sila ang mga bago kong taste buddies |
yan ang round one, yung round 2 wala na pic baka malaman nyo kung ilan nakain ko. |
after ng isaw, kwek kwek, squid at chicken balls naman |
at sino nagsabi na hindi ka pwede kumain ng sorbetes kapag umuulan? |
akala ko magiging selfie ito pero sumama sya ok lang lolz |
yung totoo ang cute ng dalawang ito kulang na lang maging eksena sa commercial |
Sunod na target namin ay ang bancheto sa Cubao hahaha. Til next food trip..
* = * = *
Salamat
May isang biyaya akong natanggap kanina at ipinagpapasalamat ko ito ng sobrang wagas ganun pa man, dumarating talaga sa punto ng buhay mo nakahit magaganda ang oportunidad na dumarating ay kailangan mo mamili dahil sa hindi sapat ang lakas, enerhiya at oras ng katawang lupa mo para gawin ang lahat ng bagay na gusto mo... Kung totoo lang sana ang kagebushin ni Naruto sana inaral ko na yun ng hindi ako nagkakaroon ng problema ngayon.
Sa ngayon kahit mahirap ay kailangan ko na may i-give up ang isang bagay na ine-enjoy ko pa lamang pero kailangan ko ng tapusin agad agad. I gi-give up ko na po ang love life ko... chars! wala naman po akong love life, charut lang po yun. eehhhhh basta po may igi-give nga po ako...
Tama na nga muna ang drama... Sabi ko nga magpapasalamat ako eh. Salamat po kay Geosef Garcia, Mommy Joy, at kay Xan sa mga karagdagan na comments sa "ABOUT ME" keme ko. Maraming salamat po sa inyo.
Ipinagpapasalamat ko rin po ang bonggang pag-spread ng words of Rix ni Mr. Tripster Guy sa FB na parang palaman lang sa tinapay:
Nung nakita ko po ito di ko na pigilan mag-ganito, habang pini-print screen ang pinost ni MTG:
Ang ending quote (last sentence ko sa entry) ay naisip ko na ilagay sa bawat entry na ginawa ko upang ipaalala lagi na kahit gaano kadami ang pinagdadaanan ng tao dapat ay hindi natin nakakalimutan na ngumiti dahil sa natutulungan tayo na gumaan ang pakiramdam natin ng pansamaglit lang...
Isa pa po na dapat ko na pasalamatan ay ang bagong tambay nanaman sa asylum ko.... Akalain mo yan may nagtyaga nanaman na basahin ang walang kabuhay buhay, walang kapararakan at walang ka-kwenta-kwentang page na ito ahaha...
Salamat po Kalansaycollector nawa po ay matuwa ka naman po sa page ko kahit na slight lungs hihihi.
O sya, akala nyo wala akong pasasalamatan na sponsor bago ko tapusin ang entry na ito tulad ng mga nakaraang entry ko noh? Meron kaya, huh! Ang entry na ito ay handog sa atin ng.....
Star Margarine, Sa margarina na ito, hahaba pa ang buto mo...
(credits to the owner of the pics)
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!
hindi yata kakayanin ng pwet at bewang ko yung dance moves. lol
ReplyDeleteayos sa olrayt ang mga pre-nup pics. May the force be with them.
Salamat Cy. Naku kaya mo yan... isipin mo na lang parang..... hmmmmmmm basta yun na yun lolz.
DeleteRix!!!! wala lungs... :D
ReplyDeleteWow, congrats kina Diko at wifey niya :))
Nakita ko rin yang food trip mo sa UP kahapon sa FB, bumaha ng pics mo sa timeline ko kahapon lol
Kung anu man yung need mong i-give up alang-alang sa isang bagay na importante sayo, nawa'y makamtan mo ito. God Bless!!!
- tenchu
Delete- wow ilan lang ang nipost ko sobra ka ahaha.
- yun na nga, di ba nga sabi ko nga :(
At sino naman ang mapalad na tatanggap ng i-gi-give up mo? ha,ha,ha. Food trip, kasalan, trip, pasasalamat, lahat na in one posting. Nabasa ko din siya sa FB, thanks for the updates at happy vacation!
ReplyDeleteay naku huhuhu... kung pwede lang na di ko sya igive up. Salamat sana hindi maulan ng araw na yun para naman ma-enjoy ko... Mukanga mag-so-solo nanaman ako doon kasi maagag uuwi si Paping at Bunso.
DeleteAng sweet naman ng diko mo at ng nobya nya. Nakaka in love:)
ReplyDeleteAnyway, ano man ang i give up mo ay it is for your own good for sure.
Nice bonding time rain or shine:)
ehehe salamat po Mommy Joy, sana nga po eh hindi wrong move ang desisyon ko..
Deleteganda ng pre nup photos... cute nila tingnan....
ReplyDeleteKaka miss ang Iloilo....
Enjoy enjoy langdiyan......
Salamat Jon. Magbakasyon ka na :D
Deletegusto ko na din ikasal! kaso nasa kandungan pa yata ng iba yung pakakasalan ko lols!!! oi sana hindi blogging yung i give up mo ha.. cheers! ui kagagaling ko lang ng bora.. bigyan kita tips hahahahhaa ^_^
ReplyDeletecheers!
Naku Xan huwag ka daw mag madali dahil nagbalik alindog program ka na darating na daw yan. Hmmmm so far naman hindi ang blogging ang igi-give up ko. ANo tips yan imessage mo sa akin sa FB lolz.
DeleteSorop ng isaaaaaaw at kwek kwek. *slurp*
ReplyDeleteSama naman sa Bancheto! Malapit lang ako dun. :D
Go sama ka. Kakaenjoy kumain dun...
DeleteNamiss ko yan na Mang Larrys isawan na ke haba haba ng pila..
ReplyDeleteGusto ko din ma try Rix mag bancheto! hay
Go tayo naman ang mag-schedule ng food trip... busy busi-han ka naman kasi binigyan na nga kita ng excuse letter noon ayaw mo naman gamitin...
DeleteAng saya naman ng food trip na yan, at mukhang nakarami kayo ha. Next na food trip niyo pasama naman! :) Congrats and best wishes in advance sa diko mo. I love the keep calm thingy! kilig lang para sa kanila.
ReplyDeletekung anuman yung igigive up mo, i'm sure naman para sa mas magandang opportunity yun, kaya suportahan kita diyan.
Go sama ka po, isama natin si Jun at si Geosep ehehe. Salamat. dahil dyan mag travel ako mag-isa like you ahaha.
DeleteNakow ang star marganrine na yan ang sanhi ng pag laki ko ng ganito hehe :)
ReplyDeleteTry ko din minsan ang mag ice cream sa ilalalim ng ulan! Mukhang masaya. Pati na din ang pag suklop sa payong, gaya ng cute na nakita mo - na parang mag pre-prenup din :)
ehehe ok nga ang matangkad lolz.
DeleteGo masarap mag food trip doon.
Feeling ko para na akong mayaman na sponsor. hahaha! Nice food trip! Miss ko na rin yang mga kwek kwek at fishballs!!!!
ReplyDeletepag naka uwi ka ng pinas ito ang dapat mo itry agad Mr. T ehehehe
Delete