Sunday, September 1, 2013

24 Hours Road Trip

Check-up Time: 11:46pm

Haluuuuuu!

Pasensya ngayon ko lang makkwento ang road trip namin ng mga ka-team ko ha... kasi naman sira yung keyboard ng laptop ko kaya nakigamit pa ako ng PC ng kapitbahay... charts lungs.

Matagal ng balak ng mga ka-team ko na magpunta sa province ng bagong teammate namin sa Cabanatuan pero parang palya lagi hanggang sa isang biglaang pagpaplano na ang naganap.

Nabawasan na ang bilang namin sa team dahil sa lumipat na ang isa naming ka-team sa site namin sa Baguio at na pag pasyahan namin na isama namin ang pag dalaw sa kanya sa road trip namin...



Yan lang ang dala ko sa road trip namin nagkasya naman ang lahat ng dala ko dyan sana ay madaig ko si Dora sa trip na ito lolz...

Dumating ako sa meeting place namin ng 4 hours early. Sa office lang naman kami magkikita, bangag pa ako nun dahil nakipag-shoot pa ako at literal na umiikot ang paningin ko hahaha. Sakto sa oras na inasahan ko ako magigising may oras pa para makapag gayak ako.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa trip na ito kasi medyo maulan pa kaya naman iniisip ko na baka mahirapan kami sa byahe.





6:31 am na kami ng nakaalis sa Makati madalim pa rin ang langit pero matatapang ang mga ka-team ko ayaw paawat eh di go na with the flow na din ako. Pampanga ang uana naming distinasyon dahil doon namin tatagpuin ang dala pa naming ka-team.


Unang Istasyon..... Pampanga.

Walang gaanong ganap dito kasi naman dapat ay pupunta kami sa Nathaniel's bakeshop para kumain ng buko pandan at ice cream dahil masarap daw ang ice cream nila kaso lang sobrang aga pa at sarado pa ito kaya naman wala ng patumpik tumpik pa na napagdesisyunan na namin na pumunta sa second stop, stop dance... chars! Ang tanging nakita ko lang ay ang kawawang kalagayan ng mga taniman dito...





Second stop, Pangasinan

Nagulat si Daddy Vic (former teammate namin) ng dumating kami di nya expected na kumpleto kami at hind namin sya inindyan... Kasi naman sabi nya ang dami nag balak na pumunta doon pero ilan lang ang pumunta.

Hindi pa kami nakakaupo at ready na ang putong kalantyaw, kutsinta, bayabas, saging, nilagang mani at mainit na tsokolate kain naman kami ng parang walang bukas. Nangamatay na ata kami sa busog ng biglang sabihin ng may bahay ni Daddy Vic na kung gusto na daw namin mag tanghalian. Gusto ko na sana magtanong kung may pang jumping rope sila para matagtag agad ang kinain ko... Kems lang! Tumanggi muna kami at sinabi namin na pupunta na lang muna kami sa simbahan ng Manaoag at kakain na lang pagbalik...



Tulad ng nakagawian ko naghanap agad ako ng mabibilhan ng kandila para magtirik (nakagawian ko na ito basta nagawi ako sa isang simbahan na unang beses ko pa lang mapuntahan)














Matapos ko na magsindi ng kandila ay hinanap namin ang pintuan ng simbahan pero ito ang aming nakita...
















Bawal kuhaan ang mga yan pero pasimple ko silang kinuhaan, malalaman ni Ate ito baka kutusan nya ako Lelz.
 Sa totoo lang ay bawal talaga na kuhaan ng picture ang mga nasa museum ng malapitan kung nasa receiving area ka lang pwede mo sila kuhaan pero alam nyo naman ako... Natural na baliw nyahahaha. Lahat ng nasa larawan ay mg tunay at authentic na mga gamit sa simbahan ng Manaoag. Nalaman ko din na ang birhen ng Manaoag pala ang ang mother of all call center ayon ito sa information na nakalagay sa museum nila.

Matapos nito ay nagtungo na kami sa simbahan nagdasal ng kaunti at bumili ng tupig, putong kalasyaw. Bumili na din ako ng bilin ni Paping sa akin, ang lana (coconut oil).

i like this picture di ako masyado mataba tignan nyahaha (si Daddy Vic yung nasa likod ko)

ang mga nawawala kong ka-team






After nito ay bumalik na kami kila daddy Vic para mag lunch. So malamang hindi na kayo magtataka kung bakit parang mas lumaki ang built-in salbabida ko di ba? hihihi.



Alas tres na din kami ng magpasya na umalis kila Daddy Vic bago kami umalis ay pinag balot pa kami ng baon sa byahe, bico na may tsez.. Matapos ang mahabang paalamanan eh naghanda na kami sa sunod naming destination... ang final destination.... Tyars! (knock on wood).


Third Destination... Isadaan, Tarlac.

Busog pa naman kami at halos mapunit ang mga Tiyanda  Romero namin sa busog pero ang mag meryenda lang naman ang feel namin gawin dito at kumuha ng sandamukal ng picture. Ang isaan ay isang floating restaurant na may pagka theme park ang peg kaya nakakaaliw para sa mga customers nila kasi kung matagalan man ang pagseserve ng food ay di ka mabuburyo dahil sa ambiance nito at sa mga attraction nila.

ito ang kinain namin sa Isdaan







pagnatawid mo yungnasa gitna ng man made lake from end to end eh libre ang 1 kilo if fish ng group nyo












lambot! ahahahaha


taksyapo

taksyapo ulit

After namin kumain ay nag tungo na kami sa next place namin, sa place to be, Cindy's! chars lang


Fourth Place.... KCT, Tarlac

Ang KCT sa tapat ng SM Tarlac ito ang sunod na pinuntahan namin para mag Go Kart. Sa totoo lang maganda ang race track nila dito kasi mas malaki sa nakita ko sa Manila. Magbabayad na kami nung sabihan kami na ititigil daw muna ang operation dahil mukang uulan daw... Noooooooooooooo! yan ang sigaw namin sa kahera sabay kuha ng knife para sa stake na sine-serve nila tapos nilaslas namin yung pulso ni ate tapos pinasagasaan sa mga go kart..... Shempre kems lang yun.

Nakiusap kami na magbabayad kami kapag umulan hindi na kami tutuloy pero pag hindi umulan eh push kami sa Go Kart. Nakiayon sa amin ang panahon at ayun na nga nakapag Go Kart ang tropa...





Ibang klase ang karanasan, ang sarap sa pakiramdam lalo na kapag nararamdaman mo ang malakas na hampas ng hangging sa mukha mo habang nag mamaneho ka mararamdaman mo ang kaba mo dahil baka magkaproblema ka pag liko mo, yung saya ng mabilis na pagpapatakbo ng kart mo at ang adrenaline rush pag nagsama sama kakaibang feeling. Pagbaba ko sa kart sabi ng mga ka-team ko hindi daw ako pwede maging driver sa tunay na buhay kasi kaskasero daw ko, ay kiber basta masaya ako ahahaha. NAgpapalitan pa kami ng karanasan ng biglang sabihan kani nga ka-team namin na pupuntahan namin sa Nueva Ecija ay nakahanda na daw ang aming hapunan... Packed up agad kami at punta sa susunod na location (shooting?).

Sixth Location... Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ang ganap dito ay kumain kami ng wagas pakiramdam namin huling kain na namin ito, pasensya nga lang hindi na kami nakakuha ng picture nawala sa isip namin dahil lahat ay gutom na. After nito ay kanya kanya kaming ligo at nag simula na ang highlights ng trip na ito... Inuman na! pero hindi nila ako nalasing dahil bago pa man nila ako lasingin eh lasing na ako sa antok at pagod kaya nauna akong natulog...

Nagulat na lang ako ng may biglang pumasok sa kwarto kung nasaan ako pwersahan hinubad ang saplot ko sa katawan at pwersahan akong binaboy!!!!! cheret lungs! walang ganyang eksena... nagulat lang ako kasi ginisng ako dahil kailangan na daw namin umuwi ng Manila..

Wala na ako matandaan nung pagka sandan ko sa van na nirentahan namin dahil parang na comatose lang ako dahil pag gising ko nasa Makati na kami.


Sa totoo lang na-enjoy ko ang trip na ito gawa ng sabi ko noon, kasi nawala ang emotional, physical at mental stress ko dahil sobrang na enjoy ko ang trip na ito... Dahil dito eh nakaplano an ang sunod naming lakad. kung ano man yun, abangan ahaha.


Bago ko tapusin ang entry na ito a lubos at wagas po ang pasasalamat ko sa bagong taga subay bay ng isang walang ka kwenta kwentang page sa balat ng blogspot... welcome po Mharliz sana po ay maaliw ka sa kung ano man ang nakikita po dito ahaha.

Oh sya ang oras ngayon ay 1:02 na ng umaga... pagod na ang katawang lupa ko kaya susubukan ko ng matulog... hanggang sa muli...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

16 comments:

  1. Hindi kakayanin ng powers ko ginagawa mo. Schooling, work, and pasyal in 24 hours! I need my sleep, 8 hours of them everyday. But the good thing, you enjoyed it.

    ReplyDelete
  2. Huwaw, grabe ang dami nyong binisitang lugar sa bandang Norte, Rix. Ikaw na talaga si Dora the explorer lols

    At ang foods, bumabaha. Dapat di ka kumaen ng marami. Paparating pa ang Pasko at New Year, lalo kang lulobo nyans!

    Ahahaha, tigas ng ulo. Lagot ka sa Birhen ng Manaog lol Bawal nga daw kunan ng piksyurs eh XD

    At yung Lana, buti hindi kumulo. Naku, baka may aswang sa paligid (Juan Dela Cruth lang ang peg)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha di ba nga sabi ko tatalunin ko dya har har.

      Pataway talaga ako :D

      Nyahaha, may orasyon yan ni notnot ahahaha.

      Delete
  3. bigla ako nakaramdam ng inggit hahahaha!
    dami mo pinuntahan.. ganyan din trip ko.. sana next year magawa ko yan ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha oo nga ngayon nga Sir eh mas marami pa ang lakad na gusto ko samahan.

      Inaayos ko na nga yung budget at sched ko para sa mga pupuntahan ko next year.

      Delete
  4. omg.... di ka bumili ng postcard sa museum... maganda yung mga postcard nila dun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. stamp ang gusto ko kunin dun... kunin talaga ahahaha.

      Delete
  5. Piling ko tumaba ka. hehehhe

    Tapos si daddy vic pa (naki daddy?) ang dami magpakain :p

    Siguro kaya nagkasya yung laaht ng dala mo yung iba pinasok mo sa bulsa mo sa tiyan.

    kabog mo c dora pati doraemon . wahhaha

    ReplyDelete
  6. hindi ko alam kung mata ko ang may deprensya pero lakas makawacky ang face ni Mr. Buddha.

    masarap kaya ang koi fish? hmmm---

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha siguro kasi nakangiti sya.

      kung edible man sila naku ang kalalaki ng koi fish doon.

      Delete
  7. Grabe talaga hospitality ng mga pinoy. Kahit saan, pag may bisita magpakain.
    Nag enjoy din ako sa trip kahit nakaupo lang ako dito:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. true Mommy Joy sakit sa tummy kakakain ahaha.

      Delete
  8. Ang saya! Gusto ko din tuloy mag road trip! :D
    Ang sarap basahin ng post mo, parang feeling ko nakikigala din ako :>

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagbisita Jhanz.. Ehehe sana madagdagan pa yan... yan talaga ang nakalagay sa mga gusto kong gawin this year.

      Delete

hansaveh mo?