Saturday, September 7, 2013

#HBD

Check-up Time: 8:04pm


Haluuuu!!!!!

Itong week dumating si Diko sa Pinas. Sa wakas medyo may katagalan na din kasi namain hinihintay ang pagdating nya dahil sobrang dami nga mga bagay na nakatenga na dapat gawin nya lalo na sa kasal nya.

Nung dumating sya literal na bulagta ako sa kama, nilapitan nya pa ako at natatandaan ko pa na hinawakan ko ang braso nya pero di ko nakita ang mukha nya. Nagulat na lang ako nung nakita ko sya nung pagbangon ko at bumaba sa sala para maghanda pumasok sa opisina dahil ito ng itsura nya...
















Mukha syang ermitanyo! Binigay ko sa kanya ang shaver ko at inutusan sya na alisin ang balbas nya dahil wala na naman syang kasamang mga arabo.








Birthday ni Diko ngayon, kaya naman napagkasunduan namin kagabi na pupunta muna kami sa condo ni Mama after noon ay saka maghahanda ng munting salo salo sa kanya.


Medyo matagal din na hindi nadalaw ni Diko ang condo ni mama kaya naman binigyan namin sila ng panahon ng kanyang magiging wife to be.


Dumerecho na ako sa umuwi pagtapos namin dalawin si Mama para iprepare ang regalo ko sa kanya. Gumawa ako ng oreo cheesecake para sa kanya.




Kulang pa ng konting praktis pero mape-perfect ko din ito nyahaha... nilagyan ko na lang ng konting achachuchu sa ibabaw para naman presentable sya..




Next time it will be perfect na... wala po ako sa wishu mag blog pero keri lungs, medyo pagoda cold wave lotion with sunscreen protection and avocado extract, gingko biloba, seasame seads and tongkat ali ko... in short... pagod po hihihi..



Segue:

Minsan ang sarap at nakakagana magtrabaho kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong klase ng announcement:


note: ni-edit ko po yung first name... kasi naman buong/tunay na name ko yung nandun eh ahahaha.

Ang nakaka-demotivate lang is yung politika sa work environment.. tsk! tsk! tsk!


Maaga pa ako matutulog dahil kailangan ko gumising ng uber early dahil pupunta ako at ang mga friends ko sa Antipolo para magsimba.. Kaya gayang ng madalas kong paalala....


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

16 comments:

  1. Hangkyut mo lang Rix. :)

    At mukhang masarap...

    ...ang Oreo cheesecake mo. *hahaha!* Pahingi ng isang slice? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha cute talaga ako kasi medyo chub ako... (ayaw pa umamin na chubby talaga)

      Masarap talaga ako.... mag mahal sa family at sa mga mga taong malapit sa akin hihihi.

      Delete
  2. ahehe kala ko jowa.. Peace diko hihi

    condo pala tawag dun, hehehe dong okay ka talaga. God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep yun ang tawag namin dyan... Salamat gid day! ikaw din ayo ayo ka da..

      Delete
  3. Ahahaha, Heypi Bortdey kay kuya mo :))

    Pahinga ka na nga lungs jan.. saka ka na mag lamyerda kung saan saan ahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku nag punta ako sa antipolo atpos nag eat all you can kami kanina sa seafoods resto atpos nag pa-foot spa ulit ako nyahaha.

      Delete
  4. hanggang cvg may pulitika? ahahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hooooiiiiiiii shhhhhhhh wag ka maingay ahahaha

      Delete
  5. Mukhang masarap ang oreo cake na yan! Partner natin sa kape! Solb yan! hahaha

    HBD sa kuya mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap talaga yan, sa kapeng barako ipapartner ayos sya para may konta ang medyo matamis na lasa para di mauumay agad.

      Delete
  6. Galing naman marunong ka palang mag bake:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. None-baked po yang cheese cake mommy Joy ehehe.

      Delete
  7. Eh parang ang sarap! Gusto ko din tuloy gumawa. Hehe. :) Ang sweet mo naman!

    ReplyDelete

hansaveh mo?