Ang Habilin Ko
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko ay sa silid ko,
Gusto ko ay sa silid ko,
wag kayong mag-alala hindi ako magmumulto sa lugar na ito.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko sa puting narra na may simpleng desenyo ihihimlay ang labi ko.
Gusto ko sa puting narra na may simpleng desenyo ihihimlay ang labi ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Gusto ko lahat ng dadalaw sa akin ay nakaputi yan ang hiling ko.
Gusto ko lahat ng dadalaw sa akin ay nakaputi yan ang hiling ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Puting bulaklak ang gusto ko na nakalagay sa paligid ng narra na kinahihimlayan ko.
Puting bulaklak ang gusto ko na nakalagay sa paligid ng narra na kinahihimlayan ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko na tuwing ika-pito ng gabi ay misahan o ipagdasal ako.
Nais ko na tuwing ika-pito ng gabi ay misahan o ipagdasal ako.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Ngiti at hindi luha ang nababanaag sa mga mukha ng mga tao sa paligid ko,
Ngiti at hindi luha ang nababanaag sa mga mukha ng mga tao sa paligid ko,
Lubos kong ikatutuwa kung makikita ang ngiti sa bawat mukha ninyo.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Ayaw ko sana na mag susugal kayo,
Ayaw ko sana na mag susugal kayo,
Hindi ko talaga ibig ang gawi ito sa ganitong tagpo.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Mas ibig ko na makita kayo na nagsisi-awit sapagkat alam ninyo na ito ay hilig ko.
Mas ibig ko na makita kayo na nagsisi-awit sapagkat alam ninyo na ito ay hilig ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Hiling ko ay silipin nyo ako bago ako dalhin sa huling misa ko,
Hiling ko ay silipin nyo ako bago ako dalhin sa huling misa ko,
Kung hindi man ay naiintindihan ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko sana ang kantang "Paglisan" ang kantahin kapag ihahatid ako sa huling hantungan ko.
Nais ko sana ang kantang "Paglisan" ang kantahin kapag ihahatid ako sa huling hantungan ko.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
Nais ko sana na ilagak katabi ng mahal na Nanay ko ng sagayon ay maranasan kong muli na humiga sa tabi nya.
Nais ko sana na ilagak katabi ng mahal na Nanay ko ng sagayon ay maranasan kong muli na humiga sa tabi nya.
Kung ako ay lilisan sa mundo,
nais ko sana na magpalipad kayo ng puting lobo na simbolo ng pagtanggap na ako ay kapiling na ng lumikha at pagtanggap ng katotohanan na wala na ako.
nais ko sana na magpalipad kayo ng puting lobo na simbolo ng pagtanggap na ako ay kapiling na ng lumikha at pagtanggap ng katotohanan na wala na ako.
Kapag ako ay wala na sa mundo,
Nawa ay magkita kita kayo sa ika-siyam na araw buhat ng ako ay ihatid sa huling hantungan ko upang ipagadasal ako. Huwag kayong mag alala sigurado naman na may inihandang munting salo salo ang aking pamilya para sa inyo.

Nais ko sana na sa ika-pang apat na pu na araw buhat ng ako ay ihatid sa huling hantungan ko ay pamisahan ako.
Nais ko sana na sa ika-pang apat na pu na araw buhat ng ako ay ihatid sa huling hantungan ko ay pamisahan ako.
Iyon lang ang mga hiling at habilin ko kapag ako ay lumisan na sa mundo...
(credit to the owner of the pic) |
* = * = *
Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mamamalagi sa mundo. Hindi natin alam kung hanggang kailan ipapahiram sa atin ang buhay natin na kasalukuyan ay ine-enjoy natin. Unti-unti ay dapat din natin ihanda ang ating sarili at ang araw na iyon.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless..
Hala, luma-last will and testament lang ha. :P
ReplyDeleteMay kung ano na humikayat sa akin na gawin ito..
DeleteBakit wala kang sponsor para sa post na ito? :P
Deleteayaw kasi mag sponsor ng arlington memorial... hindi naman daw kasi ako sikat na blogger... :p
DeleteDapat nagpa-sponsor ka na lang sa Nescafe o kaya sa Rebisco. Pwede din sa Zesto diba. :P
Deleteeh mahirap ang sponsor na puro food kung wala naman venue :p
Deletepero bago ka lumisan sa mundo sana makapag ice cream tayo hehe
ReplyDeleteuy seryoso.. nung binabasa ko ito sa simula akala ko may kung anong kalokohan ang susulpot.. pero habang binabasa ko pababa parang nakaramdam ako ng kung anong lungkot :(
nice one Rix.
Ehehe nasanay ka na sa akin na laging mag lalabas na kalokohan sa mga entry ha :p
DeleteSige mag ice cream tayo kasama ng ibang blogger the more the many-er
Waaah, Rix!!! napaka bata mo pa. 'Wag mo muna kaming iiwan, Rix!!!! *burst into tears* *witch matching walling* *sniff*
ReplyDelete*Oh yung mga bata, itawid na*
Grabe ka Rix, creepy pero napakaganda nitong paskil mo.
kagaya nga ng nasabi ko sayo sa FB, may bago akong entry na medyo mawi-wierd-an ka ay creepy para sa'yo :p
Deletemay emosyon naman ang tula na yan...
ReplyDeleteparang kaka sad..... pero sabagay tama ka... di natin masabi kung hanggang kailan tayo...
ako naman... gusto ko maging abo kung akoy lilisan hehehe....
at sana may magsulat ng talambuhay ko.... at babasahin sa araw ng libing ko.....
Maganda din yan. Ang iba parang pagkatapos nila icremate habang nagpapalam sila na namayapa eh binabasa nila ang liham o kaya naman eh ang mga huling bagay na gusto nila ipaabot sa namayapa.
DeletePara naman maaga pa mag iwan ng testamento.
ReplyDeleteAnyway, buti na rin siguro na alam na ng maiiwan mo one day. Well, matagal pa yon..marami ka pang unfinished task:)
Naku siguro nga mommy Joy pero naninigurado na ako ehehe.
DeleteMaaga pa para magbilin....
ReplyDeleteanyway,dyan naman ang patutunguhan ng lahat, una-una lang...
yep you right tukayo...
Deletejusko huwag rixxxx! hehe
ReplyDeletepero tama ka dapat maging handa sa pagdating nito... pero mahirap. :)
Totoo yan KC, kung sa ibang nga mahirap gawin what more sa iyo..
DeleteKaya iba na rin ang handa ka..
Nakakalungkot pero ito talaga ang reality, and mas magandang may habilin ka kesa sa wala, kasi syempre magandang alam nila ano naiisip mo at nararamdaman mo, pati ano mga gusto mong mangyari... Parang closure na rin para sa mga maiiwan... Hindi rin nga talaga natin alam kung kelan... Okay po itong post na toh, kahit nakakatakot isipin...
ReplyDelete-Steph
www.traveliztera.com
salamat sa muling pagbisita at salamat po at naibigan nyo po ang entry ko na ito :)
Deletesa totoo lang iniiwasan kong magbasa ng ganito :( pero salamat sa pagpapaalala samin na kailangan mahalin ang sariling buhay.. at share ko lang.. takot akong sumilip sa mga kabaong at ayokong pumupunta sa mga lamay pero natuto akong sumilip at lumapit nung namatay yung lola ko, na siyang nagkalinga rin sakin nung lumalaki na ko.
ReplyDeletebinabati kita dahil na lampasan mo ang takot mo na yan... Salamat po sa muling pagdalaw..
Delete