Monday, December 26, 2016

Energy!

Check-up Time: 11:00am

Kamuestas mga baliw, slight baliw, tamang baliw, baliw baliwan at mga pang derby ang level ang baliw?

For sure maluwalhati naman ninyong nagdiriwang ang Pasko di ba?

Ay naku, ako man sobrang ayos lang kahit dalawa lang kami ni bunso sa bahay. Si paping kasi nasa Iloilo. Hoping kasi na darating si diko at doon sa bahay nila sa Iloilo magce-celebrate ng Christmas eh kaso lang nadaot sila ng kumpanya ni diko kaya naman mauurong pa ang bakasyon nya.

More more tuloy ang foodams sa bahay. Muka ngang masisiraan pa kami ng pagkain. Haizt Henny waist, susko nakakapagod talaga ang event na ito dahil sa mga bagay na kailangan i-prepare sa grand day. Kaya naman nakakaubos ng energy. Nagka-energy gap na tuloy ako.... Kaya ng bet ko na din ata mag-Milo na din kasi sabi ni James Reid beat enegy gap daw. Aba sinunod ng mga poginger na mga celebrity ang sinabi ni kuya at naki-energy gap dance eme din si....














Chis Brown....



One Direction...



Ang buong cast ng High School Musical...



Justine Bieber...





Ang Korean girl band na Girl's Generation...





Ang ate Beyonce mo...




at ang di nagpapakabog na lola Lady Gaga nyo haha...






O napa-help beat enegy, enegy gap beat enegy gap drink Milo everyday din ba kayo? Nyahaha

Hay naku kaiinom ko lang ng Milo at nakisayaw na din dyan sa enegy gap eme na yan at dahil mukang lalo ako napagod tutulog na muna ako para bumalik ang energy ko.

O nawa naman ay punong puno kayo ng energy this week lalo pa at malapit na ang grandest event ng holiday season ang New Year.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng buong enegy na 


















































Image result for 2017 gif


(credits to the owner of the vids)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 19, 2016

dont they know is Christmas?

Check-up Time: 9:00am


Ehem... ehem... ehem...

So this is Christmas ♪♫♪♫

Charez lang hehehe!

So Christmas week na, for sure lahat ay super excited na sa ganap sa Saturday! Bongga di ba?

Kung excited tayo naku for sure may mas excited pa sa atin kaya lahat ng mga ninong at ninang dapat na maghanda... Bakit? Naku alam mo naman...



Excited na excited na silang sumutin ang laman ng bulsa natin... Charet lang haha. Well wala naman masama if magpuntahan ang mga inaanak natin since isa sa meaning ng season na ito is about giving and sharing pero medyo nakakabadtrip lang ang mga inaanak na kilala ka lang kapag ganitong panahon at kakutsaba pa nila ang mga magulang nila. Aminin! ahahaha.

Hindi ka pa rin ba humuhuba ang asar mo sa mga kawork mo na mga epal? Go lang mga meym at sers! Talagang ganyan sa work minsan gusto mo na sabihin sa kanya...


Hayaan mo na sila, wag ka na mabadtrip ngayong panahon... Next year na ulit pagtapos na ang celebration ng Christmas. Para may excuse na na ulit maimbernadette Sembrano. Choz lang hahaha.

Kanya kanya na ulit ang Christmas party ng mga kumpanya, magbabarkada, pamilya at magkakaputbahay. Syempre kapag may ganyang ganap, may palitan ng regalo. Ito nanaman ang feeling na hinuhulaan mo kung ano kaya ang regalo na natanggap mo dava?


Nakakatuwa kaya ang mga ganyang tagpo kapag palitan ng regalo.

So dahil magkakasama ang magto-tropa at may Christmas break sa work kanya kanya din ang plano ng magkakaibigan una ang ganda ng plano kaso unti unting nagkakabulilyaso ang nagplano ng 15 nauwi sa tatlo na lang ang pwede kaya magkakatamaran na lang. Minsan matatanong mo na lang sa mag kaibigan mo kung kelan nyo kukulayan ang mga plano nyo na drawing pa din hanggang ngayon. Para silang mga handa sa Noche Buena.



Sa mga taon taon an dumadrama sa buhay na panlalamig ng mga puso... Patuloy ang recruitment ng mga Samahang Malalamig ang Pasko. Pero sa ibang SMP ako sumali. Samahang Matipid ang Pasko. Very tight ang budget mga bes daming gastosin ahaha. Wag kayo magalal, darating din ang tao na nararapat para sa inyo. kung dumating man sila at saktan nila kayo mag tongue twister na lang kayo...



Kung ano't ano man ang kanya kanya nating hanash sa Chrustmas nawa at maitawin natin sya na ligtas at kasama ang ating pamilya.

Mula sa kaibuturan ang aking puso, atay, balunbalunan, esophagus, stomach, pancreas, apdo, gall bladder at iba pang internal organs. Maligayang Pasko sa inyo mga kaibigan ko sa blogspere...

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 12, 2016

Ladinakompake

Check-up Time: 10:00am


Hello mga baliw na kapanalig!!

Super busy na ng mga tao sa paligid at syempre tayo tayo lang (kaunti lang naman tayo) sa blogspere ang nagbobolahan dahil wala na nga ang iba... Kinuha na ng... Charos lang!

Nabanggit ko sa inyo last post ko na aliw ako sa post ni Senyora Santibanez pero unfortunately hindi ko pa sya natatapos dahil sa naghanda ako para sa validation ko sa ibang line of business sa company namin. Awa naman ng Ama sa taas pinalad akong makuha at masisimula na ako sa isang napahahaggard na techinical training.

Mukang mauudlot ang pagalis ko sa company namin pero ayos lang. Binigyan ng blessing ng Ama ngayong pasko kaya di na ako aarti pa ahaha.

So ito na nga. Kung fina-follow mo si Madam sa fesbuk o kaya naman sa chuwetter eh malamang alam mo o may idea ka sa mga bagay na ikinaaasar ng budhi nya at yun o doon umiikot ang mga eme nya sa libro nya.



Ikaaaliw mo ang mga linyahan nya sa mga iba't ibang klaseng tao. Tulad ng mga famewhore




Ang mga certified na social climbers nyahahaha



Sa mga tunay na mga mayayaman

Kaya nga ba hindi talaga ako nag pumuporma kapag nasa mall talaga ako eh... Choz!


Sa mga plastic na kaibigan (O di ba ang dami nito?)


Mga user friendly na kaibigan (marami rami din sila di ba?)





At ang isa pang ubod ng dami eh yung mga malalandi ahahaha



Sa ngayon nasa topic pa lang ako ng mga uri ng mga paasa at mga galawan nila.

Kung naaliw kayo kahit light lang. buy ka na din ng book para if maguusap tayo tungkol sa book makakarelate ka hehehe.

O sya mag be-beauty rest muna ako dahil alam ko na ubod ang pagkahaggard ko nito mamaya.

See you next time!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, December 7, 2016

Hey!

Check-up Time: 9:45am

OMG its December and this is my first enty!!!!!!

Arti nyahaha

Haizt, if there is one thing that I regret this year when it comes to blogging ito yung maraming kwento ang napanis na dahil sa nawalan ako ng time to write about it.

For some odd reason hindi ko alam kung ano ang nangyari sa time management skill ko.... Arti ko ngayon.. English englishan? nyahaha

Well right now masasabi ko na hindi na ako masyado stress sa work or maybe iniisip ko na lang na wala naman akiz magagawa na sa stress ng work its a never ending battle just to earn for a living (sour grin) ang stress na lang na kinakaharap ko sa araw araw eh how to manage my allowance hanggang umabot sa sunod na cut-off.

Speaking of cut-of and money matters? Na-get lak nyo na ba ang 13th month pay nyo? Naku kung hindi nyo pa nakukuha ok lang. Isipin nyo na lang ubos na ang 13th month pay ng iba yung sayo buo pa nyahaha.

Bukod sa nakaka-imberna-det sumbrano na apps game na summoners war eh ang pagbabasa basa ng book ng mga famous na personlity sa social media ang pinagkakaabalahan ko. Ang current na binasaba kiz ay yung Lakompake ni Senyora Santibanez. 

Aliw naman ako sa libro ni madam. Kung ano ano ang mga tinatalakay sa libro kaya I'm thinking na ipost ang mga kinaaliwan kung mga lines at hanash ni madam sa next post ko for the benifit of the street children... Charut lang! For the benefit of those people na nagdadalawang isip (kahit wala namang isip... Charut lang uli!) na bumili ng libro...

Grabe ang fesbuk! Hindi pa nga mag-nu-new year may year end eme na sila.. Nakita nyo na ba yung sa inyo? Ito yung sa akin hihihi...



Oh davah? Ang cute! nyahahah. For sure meron ka din naman nya eh.

O sya tama na muna yan, Ico-continue ko pa ang pagbabasa ng libro ni Madam Santibanez.. See you around.

P.S. Sobrang namiss ko na yung mga blogger na kinuha na ng....................

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, November 14, 2016

Alam

Check-up Time: 8:38am


Alam ko na alam nyo na  medyo madalang ang pagbisita ko sa asylum ko kaya alam ko na alam nyo na din na ang pagiging busy ko ang sasabihin ko na reason kung bakit may kadalangang taglay ang pagsasalitype ni watashi. Pero totoo po yun promise! Busy busyhan talaga akiz, alam nyo po ba yun?

Alam ko na alam nyo na ilang weeks na lang eh Advent nanaman ata alam kong alam nyo din na bida nanaman ang puto bumbong at bibingka sa tapat ng mga simbahan... I like it! namiss ko na sila so alam nyo na po, pagnadagdagan man ang timbang ko sa kanila ko isisisi yun. Charot lang!

Alam nyo ba si Billy Gilman na ngayon na umariba pa sa ngayon sa the Voice season 11 eh dati ng recording artist? Of couse yun mga nasa bracket ng age ko alam yan kasi isa din kayo sa mga nahulaing sa MTV dati alam na alam ko po yan. In fair gusto ko ang version nya ng fight song. Yun nga lang patang matatangal ang pharynx at larynx mo kung susubukan mo ang version nya alam nyo ba yung kantang yun?

My Gosh! Alam nyo ba na tapos ko na basahin ang libro ni Ethyl Booba na #Charotism? Funny sya kaso as you go along alam mo ba na mawawalan ka na ng excitement lalo na kung pina-follow mo sya sa chuwecher kasi lahat ng nasa book nya eh naopost na nya talaga dun. Pero alam mo maaaring magbago ang pananaw mo sa pagkatao nya kasi witty naman talaga ang mga post nya. Hindi ko lang alam sa iba.
\
Sana alam nyo na ang gusto ko naman mabasa ay ang libro ni Senyora Sentibanez na Lakompake. Alam nyo ba na ubusan sa mga National Book Store ng copy. Haizt! Sana naman one of this days eh malaman nila na gusto ko ng copy nun at willing ako magbayad. Chars lungs!

Alam nyo ba how strange the movice Doctor Strange is? Well hindi naman na sya ganun ka strange sa akin dahil nabasa ko na ang story nya once at isa sya sa kinu-consider na powerful being sa marvel dahil kaya nga puntahan ang iba'y ibang plane at dimension in a short span of time katulad ng ipinapakita sa movie, does it sound strange? Well don;t be let doctor Strange handle it. So alam nyo na yan ha.

Isang infinity stone na lang ang kailangan ng Marvel Franchise para kumpleto na sila alam nyo ba yun? Kung fan ka ng marvel alam na alam mo to teh at koya. Pero sa mga hindi masyado mahilig sa Marvel, well now you know. So dahil alam natin na ang space gem at nakita sa unanag Avenger, ang reality gem naman ay sa Thor: the Dark World, power gem naman sa Guardians of the Galaxy, yung Mind gem eh sa Avengers: Age of Ultron at yung Time gem ay sa Doctor Strange eh di yung Soul gem na lang ang kulang. OMG! Alam nyo po ba nilo-look forward ko ang sunod na Marvel movie kung saan lalabas ang 6th gem?

Alam nyo po ba na halos lahat ng people sa amin eh kina-cardiac sa kaba dahil nga sa nanalo na si Donald Duck bilang preysidens ang You-Es of Ay at dahil isa ata sa keme niya na ibalik na sa bansa nila ang mga trabaho na kinuha daw sa mga mamayan nila kaya good luck sa amin.

Alam kong alam nyo na dahil sinabi ko na noong nakaraang mga post ko na excited ako ngayong holiday so alam ko na alam na alam nyo na. Sa twing bi-byahe ako papunta ng work ramdam na ramdam ko na yung simoy ng holiday. Yung alam mo yun? Yung malamig na hangin na dadampi sa balat mo. Tapos alam mo yung pakiramam na itong panahon mo lang mararamdaman yung ganyang feeling tapos nga ang saya sa pakiramdam... Alam nyo po yun????

Naku mukang madami na kayong nalalaman... Magingat ingat po dahil alam nyo na po ang mga madaming nalalaman pinatutumba na lang...


Ingat po! CHAROT lang po!!!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, October 22, 2016

Credit Card

Check-up Time: 4:34pm


Nakakaasar talaga yung mga tao na ang kakapal ng muka na maki-ride sa credit card noh?












Pasosyal ng sobra para lang makuha ang gusto nila ng instant pero karamihan sa kanila kung hindi ka iiyak sa paniningil para magbayad ng charge, eh tatakbuhan ka.

Tulad na lang ng nangyari kamakailan. Susko nakatangap na at lahat ng tawag galing sa isang pulis kuno na nagsabi na may subpoena dahil sa utang na di pa nababayaran. Meron na daw summon achachuchu galing sa isang judge judge kuno para isettle yung unpaid balance.

Kastress much dahil sa sobrang nararattle na kakahanap ng pambayad dahil ibibigay na daw yung keme kemeng warrant. Eh ang alam ko naman wala naman nakukulong sa utang.

Tapos nanakot pa ang echemerang lawyer kuno nung tumawag para sabihan na magbayad daw kung ayaw mamroblema. Eh sa pagkakaalam ko, hindi tumatawag ang lawyer dahil ang uutusan nya eh secretary nya. Ano ito lokohan???











Hay naku buti na lang hindi sa akin nangyari ito. Narinig ko lang.




Pero naman seryoso nakakaloka naman na marinig ito nakakadala ang inis!


O sya batid ko naman na alam nyo na hindi sa akin nanyari yan kaya. Dyan na muna kayo ah kasalukuyang nasa opisina ako at nasa training. Mas gusto ko pang magupdate ng blog kesa sa activity namin ngayon.


Masaya at tahimik kong naidaos ang espesyal na araw ko. Masaya dahil hindi ko kailangan gumastos ng malaki dahil walang nakaalala. Kaya naman simpleng dinner with the family lang ang naganap.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, September 12, 2016

Kayo naman po...

Check-up Time: 9:45am



Dumarating sa punto na kapag hindi ko na-meet ang expectation ng mga tao sa akin at tinanong ako kung bakit hindi ko na-achive yun, ang tanging naisasagot ko na lang ay.....


























"Nakakapagod maging magaling. Bigyan naman natin ng chance yung iba para lahat masaya"




Pak! Ganern...














Nakakasawa kasi mag-explain sa mga tao kung bakit hindi ka kasama sa mga nasa top sa team ninyo ganung nasanay silang lagi kang nandun sa listahan. Sabi nga nila hindi araw araw Pasko, minsan weather weather lang yan nyahaha.

Hayzt! Alam ko na simula pa lang ng Christmas chenes at hindi pa lahat eh nakapag-prepare na event na ito pero excited na excited na akez sa Christmas chenes na itez dahil ang nakaraang 3 Christmas ko ay sobrang hagard sa pagbabalanse ng tulog, trabaho, at eskwela. Ngayon ang iniintindi ko na lang ay tulog at trabaho..

Ang iksi ng post na ito noh? Hayaan nyo na, gagawa ako ng mahaba. yung pang isang taon na basahan... Charot lang! ehehehe

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, August 31, 2016

oh ber months!

Check-up Time:

Hello from the other side!
 
Ang bilis bilis ng panahon noh? Parang kaja-January lang ngayon eh papasok na ang Ber season.
 
Uso nanaman ang mga taong magiinarte na magpopost ng wake me up when September ends... Wag nyo nga gisingin ng matuluyan. Keme lang!

 
 







Yung iba naman eh hinihintay na ang boses ni Jose Mari Chan at ang pinakasikat na kanta nyang Christmas in our hearts. 








Tapos maglalabasan na ang mga baratillo at tyange na nagbebenta ng kung ano ano na maaaring pagkunan ng idea na pangregalo.

 
 





Madami nanaman ang tatambay sa Ayala Triangle para manood ng Christmas Light show.

 
 





Dadami na din ang tao sa Divisoria at tutuban para bumili ng mga pangregalo kahit na maaga pa para lang hindi na makipagsiksikan sa mga tao lalo na kapag Christmas rush na.

 
 






Titindi na naman ang traffic di lang sa mga major na kalsada. Pati na yata eskinita traffic na din.

 
 






Pagkatapos ng Halooween, All Saint's at all Soul's day eh magsisimula na din ang pagiipon ng sticker para sa planner ng overated na mga coffee shop.

 
 



Magsusulputan na din ang mga nagtitinda ng bibingka at puto bumbong.


 
 


Tapos nun magsisimula na ang simbang gabi habang ang iba naman ay simbang tabi. Makikita mo na ulit ang mga grupong ito na baka manghuli lang ng pokemon habang nag mimisa ang pari. (Judgemental ko lang lolz).




 
 
At dahil nagsimula na din ang simbang gabi. Magiging maingay na din ang labas ng bahay nyo dahil sa makakarinig ka na ng mga tinig ng mga batang kumakantang pampasko dahil manghihingi ng aginaldo... Ilang kantang "Thank you, Thank you, ang babarat ninyo thank you!" ang maririnig mo sa labas ng bahay nyo?










 
Tapos magpe-prepare na ng Noche buena ang lahat. Tapos habang ang lahat ay nagbibilang ng mga regalong natanggap, ikaw naman ay nakanganga lang dahil walang naka alalang magbigay sayo ng kahit medyas man lang... Saklap noh? Choz lang
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Tapos ilang araw lang pagtapos ng Noche buena eh maghahanda naman kayo ngayon para sa Medya Noche.
 
 
 





 
Hayzt ang cycle nga naman ng Ber months....
 
(credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, August 19, 2016

malungkot na umaga

Check-up Time: 7:17am

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. 
Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit 
Tapos pipilitin ko na di maulit 
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan
pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit. 
Lahat ng alaala aking iguguhit, 
Para makalimutan mong may dulo.
Ang sabi mo walang hanggan,
pero eto tayo sa dulo.


****

Nung Lunes pa masama ang pakiramdam ko dahil sa trangkaso at dahil sa nakakaramdam na ako ng sobrang pagkabagot ay sinubukan kong makinig ng mga kanta sa Spotify. Hindi ko alam kung ano ano ang aking na kaltis sa telepono ko hanggang sa isang malumanay na melodya ang tumogtog. At dahil mas masarap makinig ng mga ganitong musika kapag masama ang pakiramdam ay hinayaan kong magpatuloy ang musika.

Hindi ko inaasahan na sobrang sakit ng bawat linya ng kantang ito. Inulit ko ang kantang ito at sa pagkakataong ito halos lahat ng linya nya ay lumalatay sa damdamin ko. Ito ay ang kasalukuyang naririnig nyo sa BGM ko ☺

May mga pagkakataong hindi ko maiwasang ihambing ang sarili ko sa taong umaawit.

Ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng sikolohiya, ang taong nakakaramdam ng matinding emosyon ay nakakarelate sa kantang pinakikinggan nila.

Para sa buong liriko ng kanta paki-visit po yung music room ni Maestro.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, June 27, 2016

Laban

Check-up Time: 9:16 am

Nawalan ako ng gana kumuha ng pagsusulit para magkaroon ng lisensya sa bago kong kurso. Marami sa amin ang hindi natuwa sa desisyon ng college namin na limitahan ang mga kukuha ng pagsusulit para lang lumabas na mataas ang passing rate ng unibersidad namin. Isang makasariling desisyon.

Dahil dito parang gusto ko na lamang dalhin ang TOR ko sa PRC at ipa-evaluate sa kanila ito para makapagrekomenda ang mga asignaturang dapat kong kunin para makakuha ng sertipikasyon sa pagtuturo at makakuha ng pagsusulit upang maging lisensyadong guro.

Parang gusto kong gawing part time ang pagtuturo. Bagamat ito ay isa pa lamang balak, malay mo ay magkaroon ng katuparan. At kung magkakaganun man, laban para sa pangarap.

Hindi ko alam kung saang sulok ng taba ko kukunin ang gana para magpatuloy pa sa trabaho ko. Itong mga nakaraang buwan kahit na namamayagpag ang stat ko sa team namin eh biglang nawalan ako ng gana dahil sa politika sa trabaho. Lalo pa nung nalaman ko na dalawa at kalahating taon na pala akong kuwalipikado para makakuha ng mga dagdag na bonus pero hindi inaaprobahan dahil sa malalang politika.

Talagang napakadumi ng politika, buset! Samahan pa ng mga utak talangka mong mga katrabaho na purke ikaw ang nasa taas ay hahatakin ka pababa eh talaga nga namang nakakawalang gana magtrabaho.

Mukang ito na ang senyales na hinihingi ko... Kailangan ko na lang hintayin ang ikapitong taon ko sa trabaho, pagtapos nito ay magbibigay na ako ng resignation ko. Pero hanggang di pa dumarating ang ataw na ito laban lang...

Naghahanap ako ng kanta na mapaghuhugutan ko ng inspirasyon ko para lang gumaan ang pakiramdam ko ng bigla kong mapanood ang kwento ang isang kalahok ng America's got talent na si Calysta Bevier na isang survivor ng stage 2 ovarian cancer sa edad na 16 na taong gulang. Dahil sa laban nya sa buhay ay nasabi ko na maswerte pa din ako dahil sa ang mga nauna kong sinalitype lang ang mga pinagdadaanan ko sa ngayon kumpara sa kanya. Kaya naman isinama ko na sa playlist ko ang kantang "Fight Song" na ang audition piece nya para sa natitang patimpalak.

Ito ang story ni Caly (Hindi na ako naglagay ng BGM para naman marinig ang magandang tinig ni ate)





At dahil di gumagana ang Spinnr sa bago kong telepono napilitan na akong mag dowload ng Spotify at mag-subscribe sa sebisyo na ito at simula pa kahapon ay daang beses ko ng pinakikinggan ang kantang ito. Sana ay magenjoy kayo at ma-inspire din.

Life is like a rock.... Its hard!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, May 29, 2016

Nasagad sa Sagada

Check-up Time: 5:01pm

Pak!

I sooooooo back...

So daming nangyari this past few days kaya naman wit kong keri na makapag-update here. Dagdag mo pa ang chakang implementation ng kung ano anong hanash sa office. So stress!

Akala ko nga nabawasan ang stress na ito pagpunta ko ng Sagada pero no...

And sploking of Sagada, It's very true nakatungtong na din ako ng Mountain Province at isang wonderful experiece ito kaso lang.... Basta!

Bago kami nagpunta ng Sagada ay pumunta muna kami ng Batad, Ifugao chenilyn. Sabi ng mga tao dun mas maganda ng puntahan namin ang Batad dahil bukod sa madami ng nakatira sa Banaue rice terraces eh may mga bahagi ng nasira doon. Kahit na haggard ang byahe papunta doon ay sulit na sulit lalo pa at makikita mo ang UNESCO Hiretage kembot. 


Sa trowt lang hindi ko inakala na mararating ko ito. It's so ganda! Maaamaze ka dahil sa bukod sa ganda ng lugar ay maiimagine ko kung paano nakeri ng mga sinaunang tao dito gawing palayan ang bundok. Tunay na mamamangha ka.



 

After ng hanash namin dito pack up na ang group kasi baka gabihin kami pa Sagada (na hindi kami nagkamali dahil gabi na talaga kami nakarating doon). Doon ko lang naranasan na makakita ng mababang ulap kaya nag-zero visibility ang lugar na dinadaanan namin. Nawindang ako sa takot dahil sa baka any moment ay makasalubong kami tapos magsalpukan ang mga sasakyan namin tapos mahulog kami sa bangin.... Arte ng imagination ko. Pero true talaga sya. 


Napraning pa nga kami dahil sa may liblib may sitio kaming nadaanan na may malaking rebulto ng Mama Mary habang zero visibility, pakiwari namin kukunin na kami (knock on wood) pero mali kami.... 


Nakarating kami ng Bontoc na may maganda ring view ng rice terraces and after isang oras pa finally Sagada na. Pasado alas-8 na kami nakarating sa Sagada bilang pagod na din kami na kanya kanya na kaming ganap para magpahinga dahil masyadong maaga ang ganap namin bukas.

Unang ganap namin sa Sagada kinaumagahan ay ang Kiltepan. 4:30 pa lang ng umaga ay nagsimula na kaming umakyan ng Kiltepan para marating ang peak nya habang 5 something pa ang expected na sunrise. 
Susko ang daming tao kala ko makakapag emote din ako at makakasigaw ang "Ayoko na! ang sakit sakit na! pagod na pagod na ako!" insert Angelica Panganiban in That thing called Tadhana pero no no no kasi kapag hahanash ka ng ganun daming karibal sa moment.



 After nga ganap namin dun run-davu na kami sa Lemon Pie restaurant na epic failed. Bakit failed? Susko lemon pie lang at mountain milk tea lang ang inorder ko inabot pa ng 1 hours and 30 minutes. At kung akala nyo ba ang ang switching eh ganap lang sa election, wait lang kasi dito may switching ng order. Ang order ng mga kasama ko nagkapalit palit at buti sana kung sa amin lang eh hindi, dahil yung ibang order namin sa ibang table napunta. 

Akala ko naman eh magiging ok lahat kapag natikman ko na ang lemon pie na nirekomenda sa akin kainin pero wiz kalifa! Walang special sa lemon pie wala ding pasabog sa lasa nya even the mountain milk tea wala ding speacial lasang tea na 4 na beses ng pinakuluan na nilagyan ng isang kutsang evap na gatas. 

Nagdugo ang heart ko dahil sa karanasan na ito. After nga failure na ito ay nagbalik kami ng inn kung nasaan kami nag-stay para magprepare para sa adventure namin sa Sumaguing cave.

Very funny ng mga guide namin dami nilang alam na kalokohan kaya naman nakakaaliw ang tour namin kahit na very challenging ang adventure. Sumaguing cave have 3 stages the slippery stage, the rock formation stage and the water stages. Bilang nakapag spelunking na ako nung nag Siquijor kami go lang ako dito.


Natapos ang 3 oras na harutan sa cave so akyatan na ulit para masilayan ang araw. Sa totoo lang haggrad din ito dahil tulad nung umakyat na kami pabalik sa sasakyan namin sa Batad pakiramdam ko ay tinadyakan ang dibdib ko sa pagod.
 

After nito kala namin makakakain kami sa Gaea kung saan nag breakfast si JM at Angelica sa pelikula nila pero pangarap lang sya dahil sa sarado ito. Haizt! So balik kami ng proper para maghanap ng kainan.

Yogurt house to the rescue para sa lunch ok na sana kaso lang masungit ang mga nagseserve nung nagtatanong ako about sa menu dahil gusto umorder ng strawberry preserved with yogurt nila. Nashock akerz dahil sinigawan ako at sinabi na lahat naman ng mga nandun sa set ng dessert na iyon ay may yogur. Tapos yung mga kasama ko sinabihan ng order take na "wag kayo maingay di ko marining yung order nila" ganern! Sobrang ok ang fudams waley ako mapipintas the service lang. Very very poor.



 Wala pa akong nakakainan na winner sana sa sunod meron na. Haizt!

So itez na run-a-way bride nanaman kami papuntang Hanging coffins at Echo valley so kanya kanyang kembot na kami papunta dun. Nalurks ako kasi talagang simenteryo ang start ng pupuntahan namin tapos after kaunting kandirit nasa Echo valley na kami so kanya kanya namang sigaw para macheck kong talang dapat ngang tawagin na Echo Valley ang lugar. 



Pak! true enough, pasado sa lab test more echo more fun nga sya. After ng kanya kanyang sigawan punta na kami sa Hanging coffin para magcheck ng mga kabaong cheret lang! Nakaka orkot kaya sa lugar kasi bukod sa tahimik sya eh alam mo na mga tegi na ang mga kasama nyo bukod sa inyong mga buhay.


Gaya ng Batad at Sumaguing cave struggle nanaman ang pagakyat papunta sa starting point pero kers lang medyo nasasanay na ako. Pakiramdam ko kung dito ako nakatira ang slender ng katawan ko. Chiz lang!

Pagdating namin ng starting point eh pumunta muna ako sa Church of St. Mary the virgin para mag pray bilang Sunday din ang araw na ito.

After ng adventure na ito ay bumalik kami sa inn namin magpahinga na dahil pagod na ang mga kasama ko. After a few hours ay nagusap na kami kung saan kami lalapez. Nagpunta kami ng down town at ang nakita namin ay ang Sagada brew. Gutom na kami kaya pinush na namin kumain dito. Infairness mabait at accomodating ang mga staff medyo pricey lang ang mga fudams pero worth it naman sya. So far dito pa lang ang kainan na winner for me. Ang inorder ko ay Pesto Pasta.



If ever na pupunta kayo ng Sagada ito lang ang mga tip ko.

- Magdala kayo ng flash light tapos kumanta kayo nito habang naglalakad sa kalsada. Walang mga poste na may ilaw sa Sagada. Promise!

- Medyo mga pricey ang bilihin dito. Dahil na rin sa madami ang poringer dito akala nila ang mga taga manila eh yayamanin din

- Make sure na wala kayo kasamang pachicks at pabebe. Hindi nyo maeenjoy ang Sagada at lahat ng pwede nyo puntahan. Kaya di ako nakapunta ng Lumiang cave, Hindi ako nakapunta sa taniman ng orange, di ako nakapag bonfire, hindi kami nakapunta ng lake Danum at nakapag wander ng wagas dahil sa mga ganito.

- Paghandaan nyo ang pwet sa madaming upo sa byahe, mga binti sa pag akyat, at mga mata sa ubod ng gandang tanawin na makikita nyo.

Yun lang naman. O sya hanggang sa susunod na gala. Magpapahinga muna ako dahil sa pakiramdam ko napagod ulit ako sa mga naranasan ko sa Sagada hihihi.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, May 11, 2016

Wisely

Check-up Time: 5:01am

Matiwasay ka bang naka boto?

Akerz keri chuvalu lang. Last na boto kerz inabot ako ng 6 hours, like oh my golly! Mahaba pa ang pinila ko sa pag-boto kaimbey! Pero now, 2 hours lang ako pumila tententenen!!! Nakaboto na akerz!


Nagdurugo ang puso kong chubby dahil sa milya milya ang layo ng kandidato na binoto kerz para maging presidente. Sa sobrang lungkot ko na ilike ko ang post sa efbi na "To the best President we never had" hontory davah?

Mas lalo kong di matanggap na nakapasok si Pacquiao at Sotto sa top 12 na senador. Magboxing na lang sana si Pacquiao at wag na pakialaman ng senado. Wala na nga sa nagawa nung nasa kongreso sya eh, nak ng tinapang duling oh. Si Sotto ni-re-elect pa! Sana hinayaan nyo na lang sya na bumalik sa Eat Bulaga namern!



Pero sa totoo lang merong nangyari sa akin noong eleksyon na medyo kakaiba...



Medyo nawindang ako ng tooooo much nung naka tayo ako habang nakapila. Kung kani-kanino ko na ririnig ang salitang vote wisely. Sabi ng moder dear sa first timer nyang anak na boboto "anak vote wisely" ganern! Tapos yung mga kumpol ng mga jejemons na naghihintay na bumoto sabi nila sa isa't isa "T0hL! V0t3 W!s37Y!! jejejeje". Tapos nung natapat na ang pila namin sa mga group ng mga sosyalin sabi nila "we need to vote wisely" *insert western accent*. Tapos narinig ko ang mga naglalakad na mga studyante na papunta na sa kanilang presinto sabi ng nerdy sa kanila "basta guys, lets vote wisely". Dahil sa mga yan napaisip ako ng hard.


Shemay! I dont know wisely. Bakit nila gusto si wisely eh hindi ko naman narining na nangampanya si wisely. Never ko din sya nakita in person. Hindi ko alam ang plataporma nya. Hindi ko alam kung ano ang pagkatao nya. Hindi ko alam kung ano ang posisyon na tinatakbohan nya...











Ikaw po ba?












Kilala mo ba si wisely? Did you vote wisely?





P.S. Dahil hindi pwede na mag-selpi na hawak ang balota, nag-selpi na lang kami with our incredible ink ☺. Pero baka di na kami bumoto ni bunso next election. Hindi naman kasi kami pumayat nung nag-exercise kami ng right to vote. haizt!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!