yeast ow yeast! di na ako home alone, ganyan.
Dumating na si Paping at si Bunso kagabi ng pest 9. Kahit na tuwang tuwa sila magkwento ay di ako maka-react agad dahil nanghihina na ako sa gutom dahil gusto ko silang kasabay mag hapunan. Pakiramdam ko ay kinain na ng large instenstins ko ang small instenstins ko, ansaveh?
Di natitinag si Bunso sa pagtalak, halos di nya maisubo ang laman ng kutsara nya dahil sa pakiramdam ko eh 90 words per minutes ang phasing ni Bunso sa pagkukwento, Cheret lungs! (eksaherado mutts). Sinimulan nya sa eksferyens nya sa pagsakay sa salipapaw, hanggang sa dumating sila sa paliparan ng Tacloban, ang malawak na bukid, matataas na puno, malalawak na ilog hanggang sa dumi-drifting na sasakyan nila habang umaakyat sa gilid ng bundok, naalala ko ang sarili kong karanasan nung nagpunta ako sa probinsya nila Paping habang nagsasalaysay sya, naalala ko na ako naman ay halos mag-nobena sa nerbiyos nung binabaybay namin ang gilid ng bundok.
Wala pang muwang si Bunso nung makarating sya ng Leyte, tatlong taong gulang lang sya kaya naman ibang level ang enjoyment nya sa bakasyong iyon. Isang linggo ang bakasyon na ito at maraming oras para mamasyal. Isa dito ay ang Hindang Caves and Wild Monkeys. Kakaiba ang cave na ito dahil sa kailanan mo pang umakyat ng bundok para makita mo ang mga cave at may makikita kang mga unggoy along the way. Maraming entrance ang Cave na ito dahil sa sinasabing ito ay pinagtaguan din ng mga tao noong panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Hapon. Para di malito ang mga taga-pangalaga ay binigyan nila ng mga pangalan ang ilan sa mga kilalang entrance sa caves. Medyo wierd kasi sinusulatan nila ang pader akala ko eh biktima ng vandalism ang cave na ito pero sabi ni Bunso yung mga pangalan daw na nakasulat dito ay yung mga matapang na nakababa sa cave. Sabi ni Bunso sobrang hirap daw bumaba sa loob ng cave dahil baka di ka na daw maka-akyat sa sobrang kipot at tarik nya kaya naman ayan ang award ng mga matatapang.
Di magkamayaw si Bunso sa pagkukwento tungkol sa eksferyens nya sa zipline headventsure nya, kaya naman idinutdot nya si Niko (pangalan ng digicam namin) sa muka ko para ipanood ang kuha nya habang bumubulusok sya pababa ng bundok.
(ang OA lang parang kinakatay na baka kung sumigaw)
Ngayon ay naiintindihan na nya kung ano ang pakiramdam ko nung first time kong mag-zipline. At ang di ko kinaya ay si Paping na umiisforts hanlimiteyd dahil di rin sya nagpahuli sa zipline, anporchunetli, wala syang kuha dahil sa sobrang obewelm ni bunso eh nakalimutan nyang kunan si Paping.
Dahil dyan eh nagpagawa ako sa kanya ng maari kong gawing header ng asylum ko at ayun na sya, ang bago kong header (at medyo ganyan din ang cover photo ko sa fesbuk).
infairview medyo pumuphotograph si Bunso ha.
Hanggang ngayon ay nilalantakan ko pa rin ang pasalubong nila sa akin ang binagol, matamis na bao na may peanut sa loob at Moron, yung two in one na suman, may suman na may chocolate pa.
Dahil dito eh mukang gusto ko magplano na magbakasyon sa Leyte dahil gusto ko ulit makita ang sunset sa beach (wala pang 100 steps ang beach sa bahay nilla Tita) habang umiinom ng buko jiuce at para na din di magpadaig kay Bunso sa Zipline nyahahaha.
Hanggang ngayon ay nilalantakan ko pa rin ang pasalubong nila sa akin ang binagol, matamis na bao na may peanut sa loob at Moron, yung two in one na suman, may suman na may chocolate pa.
(Kuya Denggoy pagpumunta ka ng Tacloban at gusto mo ng pampasalubong eh pwede na ito)
Dahil dito eh mukang gusto ko magplano na magbakasyon sa Leyte dahil gusto ko ulit makita ang sunset sa beach (wala pang 100 steps ang beach sa bahay nilla Tita) habang umiinom ng buko jiuce at para na din di magpadaig kay Bunso sa Zipline nyahahaha.
**** 3 bagay po bago ko tapusin ang entry na ito... ***
1) Bukod sa bago ang header ng asylum ko eh naglagay din po ako ng dagdag na page ang Asylum Gallery na naglalaman ng mga awards kemeruth barurut na natanggap ko sa kapwa bloggero/bloggera at mga pic grits. Ang sumunod na page ay ang about ME na naglalaman ng mga bagay bagay tungkol sa akin (mahiyain kasi ako sa personal kaya nilagay ko na lang dyan yung mga bagay na tungkol sa akin, Tyarot!).
2) Dahil po sinusoportahan ng Asylum ng Rixophrenic ang PBO, ay nais ko pong ipabatid na maglulunsad ang PBO ng Bazaar for a cause na gagawin sa susunod na buwan. Ang sino mang may nais na tumulong o mag-donate ng kanilang pre-loved stuff ay mangyari pong makipag coordinate kay Christian Edward Paul Dee o mag send ng picture ng item na ido-donate ninyo sa email address na ito: cepsdee@me.com. Para po sa iba pang detalye ay maari po ninyong i-click ang PBO icon sa upper left portion ng asylum para po dalhin kayo sa fezbuk page ng PBO at malaman ang mga recent updates sa project na ito.... Pa-like na din po ng page at paki-spread sa buong milkyway. Tandaan po natin na kung nag-i-invest po tayo sa mabuting gawain ay babalik din ito sa atin ng di lang doble kundi triple... Amen!
3) At bago ko po tuluyang tapusin ang entry na ito, gaya ng tradisyon ay magpapasalamat akong muli sa mga staff at sponsors tyaruts! bagong tambay sa asylum ko.... maraming salamat kila...
Kuya Mark ng Tonto Potato
Noblesse Key ng noblesse key
Kiko Maximillos ng The Drooling Dunce
Jei ng Skrypton Jei
Ms. Grah Orcullo ng Chicturista
at kay
Jep Buendia ng KORTA BISTANG TIBOBOS
Sana po ay mag-enjoy din po kayo sa pagtambay sa asylum ni Rixophrenic.
- God bless eblibadi -
ayun oh.. ganun talaga pag first tym makwento sa mga adventure.. ang ganda ng mga kuha niya. lalo na dun sa sunset!! tas pasalubong pa, pahingi naman hahaha..
ReplyDeleteNaku maraming salamat po sa pagbisita sa pahina ko. Uu nga di ko nga alam na may art keme si Bunso sa katawan :)
Deletewow ha...hindi ako prepared sa full name kong nakabalandra sa dulo ah...hahaha...
ReplyDeletemas masaya sana kung kasama ka nila Paping at Bunso kaya lang siyempre may work ka naman...
Sana magkaroon ng moment na tatlo kayong makapag adventure sa Tacloban...
Keri lang yung name senyor ahaha. Yan ang isang bagay na gusto namin i-work out syempre sasama na namin si Diko para mas masaya.
DeleteSalamat sa post na to!!! Hehe! Ni-bookmark ko pa talaga dahil balak ko basahin ulit 'pag pupunta nako Tacloban (Feb 7-10 ako dun)! Kasal lang talaga aatendan ko dun, pero sana makapasyal at masubukan ko din yang zip line na yan! Ah yeah!
ReplyDelete...at yung chocolate na suman din pala... hehe!
DeleteSabi ni Bunso 180 pesos daw ang unang try pero pag gagawin mo ulit ng pangalawang beses eh 100 peses na lang daw.
Deleteyung Moron Kuya masarap kainin kapag malamig.
Deletehuwaw naman ang adventure ni bunso
ReplyDeleteinggit much
want k din maranasan ang pumasok ng cave
pati zip line
at in fairness nga naman maganda ang pag kaka kuha ng letrato
Masaya mag zipline Mecoy ehehe, wala syang magagawa ayaw hawakan ni paping ang camera ahahaha.
DeleteTaga san kayo sa Leyte?
ReplyDeleteyung nanay ko kasi, taga Ormoc :)
eksoyted mutts talaga si kapatid mo sa pagi-story telling nya hahaha!
Sa Hindang sila Paping eh, Medyo malayo ata ang Ormoc. Uu, medyo eksayting nga naman sa pers taymers ang mga kwento kaya naiintindihan ko sya :)
Deletemukhang masarap yun ah :P
ReplyDeleteat nakakamiss ang ganyang mga bakasyon. kailan kaya makakatapak ulit sa ganyang buhangin ang madumi kong talampakan? ^_^
Ehehe medyo nga nakakamiss sya. Kuung malapit lang ang Leyte sana tuwing may pagkakataon eh nandun ako :)
Deletesarap mag bakaxon talaga
ReplyDeleteTomooo ka dyan jei, wala kang iniisip na trabaho puro chill lang ehehehe.
DeleteAng sarap naman magbasa ng mga kuwento mo at gaganda ng mga pictures. Galing din ni bunso.
ReplyDeleteSayang, d ko makatikim ng pasalubong sa yo:)
Anyway, good luck pbo!
Thanks po Mami Joy. Isang dapat i-look forward ang PBO na event ehehe.
Deleteparang ikaw ung nag leyte ah at naiblog mo pa ung lakad ni paping at bunso :)
ReplyDeleteahaha kasi naman Daddy Earl simula ng dumating sila eh puro trip nila yung kwento :)
Deleteparang kilala ko yang orange na stetiskowpngpakenambits na yan teh!!!
ReplyDeletelols
bet ko yung kakanin!!!
paheeeeeeeeeeennnnggggggggggeeeeee!!!
ahaha nakita mo na ba yan ng personal, gusto mo ba dyan na lang tayo mag out of town? bet o bet na bet?
Deletenaalala ko tuloy yung first time kong mag-zipline..nakaka-miss! mukang masarap yung pasalubong nila ah..hmmm... sana next time eh sumama ka naman sa vacation nila para mas masaya diba?!
ReplyDeletePinaplano po namin na kaming 4 (kasama si Diko) na umuwi ng Leyte para mas masaya ehehe. Yep masarap yung pasalubong nila.
Deleteayos. nkasama si niko kya parang nkasama ka na rin. hehehe
ReplyDeletekung mkapagpasalamat artistahin (dyuk)
Kaya nga busog si Niko sa piktiyurs. Nyahaha baka makalusot lang sa artistahin way ng pagpapasalamat Ms. Phioxee ahahaha.
DeleteAng sarap naman sa probinsya nyo... sama mo ko pag nagbakasyon ka!
ReplyDeleteNagenjoy ako sa adventure ni Bunso at ni Paping mo, pero mas lamang ang pagka enjoy ko sa music dito... ang lakas maka Pitch Perfect ahahaha
Pag-uuwi ako dun kuya Mar sabihan kita. Di pa rin ako makaget-over sa pitch perfect. Ang perfect ng mga kanta nila ahaha.
DeleteGusto ko din mag try ang leyte at samar..
ReplyDeleteahaha go lang! Daming nakasunod sa listahan mo ng mga bibisitahin ha. Pero ok na yan sabi nga nila dapat ay di ka maging dayuhan sa sarili mong bayan :).
DeleteRix ang ganda ng pagkakasulat sa buhangin! At naunahan mo ako mag lagay ng isang tab para sa mga bigay sa akin! Hahaha!
ReplyDeleteWelcome home kay kapatid!
Ganda nga eh yan din ang cover photo ko sa FB. Go gawa na.
DeleteGusto ko nang umuwi sa Pinas at magbakasyon. Ang saya ng baksyon nila. Galing din ng kuha lalo na yung sunset. Nagutom ako sa suman at ano ba yung isa? T.T
ReplyDeleteBago ang header? hehe
Oi muntik ka ng maligaw. Charot! binagol yung isa, minatamis na bao na may peanuts.
DeleteNice adventure especially yung sa zipline...
ReplyDeleteSarap talagang magbakasyon sa province pero di ko pa nararating yang ganyang kalalayong lugar.
Sarap din ng mga pasalubong : )
ehehe Try mo Tuks masaya din yun nga lang minsan nakakapagod ang byahe ok lang kung plane saglit lang kasi ang medyo challenging yung tracking at barko.
DeleteEto na ba ang next na pupuntahan ng tagay boys? :D
ReplyDeletenyahahaha :) pwede naman
DeleteMukang marami ring magagawa sa Leyte. Laughtrip lang dun sa kinakatay na baka. Nyahaha.
ReplyDeletenyahaha lakas makasigaw noh? :)
Deletecatchy ng title.. anhabaaaaaaaa ng post. balik ako mya para basahin ng buo. XD
ReplyDeletemukang alam ko kung bakit, fan ni Eminem :)
DeleteSama ako sa pag uwe mo at sabay Tau uminom Ng bj sa inyo!
ReplyDeletenyahaha pwede naman :)
DeleteGaganda ng sunset photos Rix! Uyyy penge ng binagol at yung chocolate moron fave ko yan e, galing pa ng Tacloban wahhh that's my city!
ReplyDeleteEhehe ako nga lang ang umubos ng binagol yung moron nakihati si Bunso ngayon lang sya nakakain eh ahahaha.
Delete