Tuesday, January 1, 2013

Hello 2013!

2:26pm (sok)

Kung buhay pa ang una kong blogsite eh, birthday na nun kaso lang sa di ko malamang dahilan ay di ko na sya maopen kaya naman isinilang ang pangalawa kong blogsite kaso, next month pa ang birthday nito..

May naalala akong di maganda last year sa ganito din araw pero di ko na sya ikkwento dahil sa gusto ko namang maging masaya ang unang entry ko this year :)

Unang beses ko nag celebrate ng new year ng may colds at nakakabdtrip sya. Naulanan kasi ako last Saturday nung nagkaroon kami nila Erin and the kaberks ng post Christmas party sa isang ktv bar. Apat na kanta lang ang nakanta namin pero ang resulta, malat dagdag pa ang sipon at ubo ako pero ok lang masaya naman...

Alas-ocho ng umaga ng bumangon ako para tulungan si Paping sa pagprepare sa pagsalubong namin sa 2013. Nagising ako na hinahanda na nipapa ang mga sangkap ng lulutuin namin para sa pagsasalu-salohan sa medya Noche.

Una naming hinanda at niluto ang tradisyonal na kakanin na gawang Pinoy, ang Bico...





Dahil sa parehong taga Visayas ang mga magulang ko ay madalas na may lutong bico sa amin. Dahil nga sa malagkit na bigas ito at ayon an rin sa mga Tsinoy, eh strong relationship and bonding with the family ang hatid nito sa family dagdag pa ang pagdikit daw ng sangkaterbang swerte ehehe.

Matapos ang pakikipagbunong braso kangalay sa braso maghalo ng bico sa bico ay nag handa naman ako sa pagluluto ng Molo.




Mas kilala ito sa tawag na molo soup sa Manila pero sa mga Visayan province ay kilala ito bilang pansit molo.. Buti ngayon ang mas ok ang pagkakaluto ko unlike nung last time na nagawa ko na nasobrahan ng gatas ehehe.. Wala pong koneksyon sa New year ang Molo, talagang kasama na ito sa mga putahe na niluluto namin twing new year dahil sa pambasag sa ginaw. Malapit ang lugar namin sa lawa ng Laguna kaya simula ng Oktubre hanggang Febrero ay sobrang lamig ng hangin galing sa lawa kaya nagluluto kami ng Molo para mainitan naman. (Sa totoo lang sa mga panahon na yan, ang paliligo ay isang pinetensya dahil ubod ng lamig).

Habang hinihintay ko maluto ang Molo, ay sinimulan ko na ring gawin ang isa pang putahe... ang paborito ko ang..... Spaghetti..




Isa talaga sa weakness ko ang mga handaan ang stapegi, minsan ko ng napag-tripan na kung ano ano ang halo nya eh edible pa rin sa family ko o pinipilit lang nila kainin. Pero kahit na ano pang halo nyan walang basagan ng trip nyahahaha.

Hapon na ng simula kong timplahin at ihanda ang nacho na inembento ko lang ang timpla...


Ito na ang ginawa naming finger food nung nagiinuman na kami uniimon na ako. Maaga pa nga magsimula kami sa celebreyshen nami. Nung matapos na ang lahat ng seremonyas at ihan da ko ang mga ito...


(punong ang lalagyanan ng asuka at asin, it symbolize masaganang year daw, hansaveh?)



(bilang sa daliri ang prutas na kinakain sa bahay kaya ibes na kilo kilo eh per piece ang binili namin)



(Simula ng lumipat kami sa Taguig eh never na kami gumamit ng mga fire crackers)

Nung nahanda ng mag mga nabanggit ko ay oras na para sa.... tenen.......



(maiba lang sabi ng Bunso, the bar naman daw inumin namin, dahil ito lang ang meron sa tindahan... talo talo na yan nyahahaha)

Tagay boys, di na kulay manitka yan ha! hmpfft. Naaliw ako kay Arline dahil sa tagay boys na ang tawag sa amin nila Jondmur, Archie, Pao Kun at Anthony dahil sa madalas ay may virtual inuman sa chuweter. Syempre 1 of the boys si Arline kaya kasama sya nyahahah... tenchu dito Arline :)

(hongkyut nya)



Panay ang kain ko kaya wala pa ang pagpapalit ng taon eh busog na busog na ako...  di ko na nga halos maubos ang slice ng custard cake na kinakain ko sa  sobrang busog ko...

(kain po)


(hong tobo ko no........)

Ako lang ang tumatagay ng tumatagay. si Bunso ito sobrang busy, di maawat, kahit pagkain nagmamakaawa na pansinin sya. Kung di mo pa ba-brasuhin di pa sya tatagay...




Simple lang ang selebrasyon ng mga tao sa lugar namin, dahil sa kaunti lang ang mga gusto magpaputok ay kaunti lang talaga ang mga high lights ng mga maiilaw na fire cracker sa lugar namin...



Ganun pa man ay masaya naman at matiwasay na naipagdiwang ng aming pamilya ang pagpapalit ng taon..

May mga di man magandang kabanata sa buhay natin ang hinatid ang 2012 ay di natin dapat kalimutan ito dahil sa matutulungan tayo nito bilang isang indibidwal. Salamat sa iyo 2012 at isang guma-gangnam style na hello sa iyo 2013....

- Happy New Year sa lahat -

30 comments:

  1. ayan napost na nga ang niluto! lol pero maaga kang natulog teh! noh?! may nalalaman ka pang braso2x eh tulog ka rin din naman! hahaha tumaba ka nga pero wag kang ganyan dahil kung mataba ka, ano nalang kaya ako kaya umayos ayos ka poging rix!! hahaha lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu 1 oras pagtapos magpalit ng taon plakda na ako. Yung recipe ng molo bigay ko sayo sa fb

      Delete
  2. mukhang enjoy ang New Year! Wala bang hanghover? hehehe

    ang sarap ng bico.. fav ko yan ^^ lalo na kung masarap ang pagkakaluto...

    Natuwa naman ako sa luya.... astig ang ribbon niya hehehe -- sana tuloy tuloy ang swerte....

    Happy Happy New Year Rix ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala pero parusa ang colds huhuhu... Yung latik na lang ang di ko maggawa ng maayos nyahaha. Yung sa luya, nakuha namin kay Mama yan, kaya sinusunod na main sya :) Happy new year din tagay boy nyahahaha.

      Delete
    2. hehehe! sarap lang tumagay... masarap ang Bar ^^

      sana ok na ang colds...

      ginutom ako sa food ^^ natatakam talaga ako sa bico hehhee

      Delete
    3. Hi sya masyadong matapang kasi nga margarita tapos may pang neutralize pa ng amoy alak kaya pang juice lang ehehe. Naku bahing ako ng bahing ngayon ahaha. Pagdating mo sa Pinas magyaya ka ng food trip samahan ka namin kahit kkb pa yan :)

      Delete
  3. haha! naaliw ako. masarap ba nacho na inembento ko lang ang timpla? hmmm...

    Happy new year Rix, for sure magiging maganda ang ang 2013 saten, hehe! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jessica edibol naman daw sya sabi ni Bunso at ni Paping eh so inasume ko na na ok sya nyahahaha. Tenchu, same to you Jessica :)

      Delete
  4. Maligayang bagong taon!, sana mas maging masaya tayong lahat sa panibagong taon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Amen! naniniwala ako dyan Inong, siksik, liglig at umaapaw!!!

      Delete
  5. hang sarap naman ng mga foods.. happy new year!1

    ReplyDelete
  6. Replies
    1. Sige Sir kuha lang ng makatagay ka na din after kumain nyahahaha.

      Delete
  7. wow ang saya ng new year kasi maraming food ;-) happy new year rix

    ReplyDelete
    Replies
    1. tenchu po ng marami Ms. Phioxee :) happy new year din po sa inyo :)

      Delete
  8. charap naman ng handa haha
    ayun this year the best din handa namin di dahil engrande pero dahil kasi iba sa nakasanayan

    ReplyDelete
    Replies
    1. iyon ang isa sa mga maganda sa taon ngayon ang sumubok ng ibang bagay! ehehe.. Happy new year mecoy!

      Delete
  9. Sarap naman basahin ng post mo. Galingmo palang magluto . Namiss ko tuloy ang mga pagkain pinoy, pero hindi tagayan dahil grandma na ko:)
    Anyway, happy new year and may God Bless You more.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po Ms Joy, Di naman po tyamba lang ehehe.

      Delete
  10. Yum yum yum ang bico at na-miss ko siya this last Medya Noche.. tsk...

    I happy tha you had fun welcoming the new year!

    Stay happy and keep on sharing us your talent... Dedma na ang mga anonymous...lol

    Hindi pa ako nakaka-move on sa Noranian issue ha. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow saan ang telent? hihihi... deadmahin na yun. wak na masyado apekted :)

      Delete
  11. Pasensya na pare, late ang comment ko, alam mo namang sipunin akong tao. Lol. Me iniinom na nga akong vit.c tinamaan pa ng lintik na sipon. Hanggang ngayon meron pa konti pero nakakahinga na. At salamat sa inyo ni Lala, alam ko na ang pagkakaiba ng molo sa lomi sa mami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang parekoy, maganda na daw na tayo ang naunang nagkasipon kasi last na ito at di na mauulit pa ahaha. Wala akong maalalang restaurant na nagseserve ng pansit molo eh para marekomenda ko sayo at matikman mo. Yung recipe ko kasi di na authentic yun kasi sinet ni Mama yun sa lasa na gusto namin kaya recipe nya sinusunod ko :)

      Delete
  12. daming handa! bongga! ikaw siguro ang official cook sa inyo Rix :)

    yun pala ang logic behind paghahanda ng bico or anything sticky - para strong and relationship. sayang wala kaming handang sticky, ni sipon wala ako nung new year. yucky lang no hehe :)


    anyways, happy new year again! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Zai mas malupet pa magluto sa akin si Diko, Bunso at Paping. Nganga ako pag sila nasa kusina. Yup yun daw ang logic ng mga malagkit kaya pagChinese new year eh may tikoy kasi malagkit na bigas din gawa yun. kung hei fat choi!!! ehehehe

      Delete

hansaveh mo?