10:03pm (sok)
Nagulat ako dahil tinawag kami ng former TL ko para sa isang quick huddle. Sa sobrang quick inabot kami ng ilang oras sa pagdi-discuss at ang ending ay ultimate badtrip. December pa lang ay nag confirm na ako na sasama sa outreach na gawa ng PBO dahil nga sa Monday at Tuesday ang restday ko. Pero kahapon ay nalaman ko na I was endorsed for a training para sa bagong system na gagamitin namin.
Naaasar ako dahil sa ako yung klase ng tao na nakapag-mind set na ng plano eh gusto ko na nasusunod at nababadtip talaga ako kapag binago yun ng walang kaabog-abog kaya naman di ko napigilang ang sarili ko na maglabas ng galit sa chuweter. Nagpapasalamat ako sa tagay boys dahil kahit paano ay medyo nawala ang pagkabadtrip ko at naka text ko din si Arline about this kaso di pa rin nagsi-sink in sa akin na di na ako makakasama sa outreach.
Nasa mall pa ako at paikot ikot ne, ng biglang... PAK! sale sa Landmark, gusto kong subukan ang shopping therapy kung talaga ngang epektib ito. So eto na nga, lakad dito lakad doon, kuha dito kuha doon, hablot dyan, hablot doon at ng pumunta ako ng fitting room ang dami kong bitbit. "ilan ba ang pwede isukat" sabi ng nasa likod ko, "chu at a tayms daw" sabi ng kasama nya. Eh kamusta naman ang bitbit ko neh....
(di ko feel mag sukat ng damit nyahaha)
Di ko na kinuhaan ng pic ang nakasabit pa sa dingding na pants at shorts hihihi. Buti na lang ay napanlabanan ko pa ang sarili ko na di na kunin ang sapatos na nakita ko. Kala mo mayaman kung harbatin ang mga damit para isukat. Ang ending ng theraphy ko ay dalawang Tshit, dalawang sando, dalawang undies at isang short na pang jogging. Nasapok ko ang sarili ko kaya nagising ako sa katotohanan na sobra na ang binili ko.
Turilo ako sa bus iniisip ko na pang nakakariwasa pala ang therapy na pagsshopping at magiging KL ako (kain lupa) kung nalulong ako sa ganitong bisyow nyahahaha. Nagkausap pa kami ni Arline tunkol dito at sinabi ko sakanya na parang gusto ko ibalik yung binili ko at magparefund nyahaha. Ang nasabi lang ni Arline ay dama nya daw ang galit ko pero natawa sya nung sinabi ko ang ginawa ko hihihi.
Kanina eh usap usapan pa rin ang so suddenessfully na changes ng schedule namin. kaya bumalik ang inis ko kaya tinamad ako magtrabaho kaya ang emote ko ay uber petiks habang nag so-sound trip ng wagas. Dahil naipangako ko kay Arline na ipapatikim ko ang ginawa kong non-bake chocolate cake na nailagay ko sa entry kong big day Sunday ay iniisip ko na lang kung ano ang mga bibilhin ko... Nakatulog pala ako ng 3 oras ginising lang ako ng katabi ko para mag log-out... bongga di ba? ako na ang binayaran para matulog, tyarut!
So heto na ang peg ko, kahit wala pa sa wishu dahil sa lutang pa habang namimili sa grow-sorry ng mga ingredients ng keyk eh deads na. Pagdating ko ng bahay ay ikinalat ko agad sa aming kusina ang mga gagamitin ko akala naman ni Bunso ay may ice-celebrate kami pero sabi ko na lang eh nabuhay na ang kuko kong patay kaya mag dapat ipagdiwang, kemeruth lungs..
(hope pasado sa iyo itey Arline)
Dahil walang strawberry eh cashew na lang ang nilagay ko, pagdating na lang ni Archie ang strawberry choco non-bake cake hobo nong pongolon hohoho...
Bukas ay magkikita ang mga volunteer na nagcommit para sa preparation ng mga gagamitin at ibibigay sa mga bagets ng White cross sa Tuesday kaya, kits kits po...
Bago ko tapusin ang entry na ito gaya ng naka gawian ko ay map-plug po muna ako ng mga shows at magpapasalamat sa sponsors tsing lungs! magpapasalamat po ako...
Isa pong karangalan ang di lang pagdalaw kung di ang pagtambay na din ng presidente ng PBO sa masikip kong asylum... Tenchu saw muttsss Mr. Mar ng UNPLOG . . . \m/
- God Bless every all -
naku sayang naman di ka na pala maka gow sa 8..pero okay lang madami pa naman siguro magiging project ang PBO :) bongga ng cake ha pero mas bongga ang shopping galore!! :)
ReplyDeletenyahaha at di ko na ulit gagawin yun masakit sa bulsa :)
Deleteayos ah... paano yan pag laging badtrip... laging shopping hehehe
ReplyDeleteDi ko gets ang cake... ano yan ingredients pa lang? hehehe ngayon lang din ako nakakita ng may cashew....
Ako naman busy busy kina kaya wala ako sa mga usapan nyo... ^^
Siguro wala na badtrip mo hehehe
Jon di ko na ulit gagawin yun, sabi ko nga kay Arline ang therapy na ito ay para lang sa mga pwedeng magsunog ng alipin hihihi... Yun na po yung cake mismo. Di ko kasi sya pwede ilagay sa pan mahirap magbitbit saka wala po talaga akong baking pan hihihi.
Deletehahaha natawa ulet ako sa therapy na ginawa mo..naalala ko yung pagsusunog ng alipin..
ReplyDeletekumusta naman ang pagtulog mo sa trabaho? hahaha!
gusto ko na ngang tikman now na! kunwari judge ako bukas sa masterchef :)
thank you Rixie :)
Nyahaha aplikabol lang sa mga tagapagmana ng asyenda ang therapy na yun. Naku para akong na coma buti na lang di tulo laway (yuki diduck-duck).. Goo magaling kami ni Erin sa Masterchef peg na yan hehehe.
DeleteMarami pang darating na project ang PBO kaya makakasama kapa sa susunod.
ReplyDeleteNext time wag ka magdadala ng cash or credit card pagpupunta ng mall or yung sakto lang ang dala mong pera. Minsan di rin maiwasan magwithdraw sa ATM kaya ilipat mo sa passbook acct without ATM ang kayamanan mo. ahihi ganun kasi ginagawa ko :P
Yey matitikman ko ang strawberry choco non-bake case. lol
cross fingers. Sinubukan ko lang yun di na mauulit pramis... itataga ko yan sa bato ni Kalantyaw hihihi. Cake pala yun di case nyahahaha halatang bangag pa nung gumawa ng entry :)
Delete"Nakatulog pala ako ng 3 oras ginising lang ako ng katabi ko para mag log-out..."
ReplyDeleteTuwang tuwa ako dito! Tawang kuneho! HAHAHAH!
sayang, sayang ulit, sayang hindi ko matitikman yung cake. Sana mabago pa ang sked mo for the last minute! HAHAH! Ano nalang ang gagawin ko pag naligaw ako? HAHAHAHAH!
di huwarang empleyado.. sama ka sa meet up pagdating ni archie :) ni send ko yung number ni arline text text kayo :)
Deletepano yan sino wala kami rep dun ni ate bob at wala ka pala? tsk tsk tsk. mukang masarap ung cake padlhan mo nga kami ni ate bob. lols.
ReplyDeleteSige daddy earl, 1 time gagawa ako para kay baby dax ay ate bob :)
Deletehaha sayang di ako active sa twitter di ko nababasa mga chuweets nu
ReplyDeleteanyways ok lang yan marami pa next time
haha sarap mag shopping lalo pag mapera hahaha
mukang masarap yan ahh,
pachikim!
Masarap magshopping ng magshopping kung ikaw yung tip ng nagsusunog ng alipin ehehe. Paka-aktib na sa chuwetter ehehee :)
Deletenaks makashopping wagas, hehe! penge naman nyan, mukang masarap! hihihi
ReplyDeletedi ko na po uulitin yun :( ehehe naku nakay arline na sya ahaha
Delete