Wednesday, January 16, 2013

halaga!

6:16pm (sok)

Naranasan mo na ba na ikaw na ang susunod sa counter para magbayad ng bibilhin mo pero inuna ng kahera ang taong out of nowhere ay bigla na lang bumulaga sa harap mo tapos eto pa ang classic, ang pinamili nya sandamukal samantalang ikaw eh isang item lang?


Naranasan mo na bang halos manlambot na sa ngalay ang bisig mo kakaabot mo ang bayad mo sa kundoktor ng bus pero yung kunduktor ng bus ay pinanganak yatang snob di naman makinis eh lilinga linga pa sa mga taong parang walang balak bumunot ng pamasahe, tapos magpaparinig pa sya na "bayad nyo po?".


Naranasan mo na ba na mas deserving ka talaga sa isang position o karangalan pero dahil sa mas malakas ang body odor ng kalaban mo eh sila ang binigyan ng prioridad and before you know it your just an ordinary person na lang ulit at kahit anong gawin mo eh wala ng iintindi sayo?


Naranasan mo na ba na pagtapos mong gawin ang favor na hinihingi sayo ng mga damunyong nakapaligid sa'yo eh dadaan daanan ka na lang next day na parang di kayo nagkakilala sa buong buhay nyo at pakiramdam mo ay kapag kinausap mo sya ay baka mag-hysterical pa sya at sabihin di ka nya kilala?


Naranasan mo na ba ang umeksert ka ng sobrang effort. Natagtag na lahat ng taba mo sa katawan kahit payat ka, jinabar ka kahit na sinlamig pa ng tagaytay ang panahon, nanginig na ang buong kalamnan mo sa pagod, natuyo na ang bahay pawis mo dahil wala ng pawis na mailabas ang sweat glands mo, pero wait, but wait... walang man lang pakialam ang taong pinagpaguran mo ng sobrang effort na ito.


Gaano nga ba kadalas mo maramdaman na importante ka din? Gaano nga kadalas na binigyan ka ng importansya? Kailan mo naramdaman na special ka kahit na kititing na sandali? Kailan mo masasabing importante ka din? Kailan nga ba? Gaano nga ba? Gaano kadalas ang minsan????


Bago ko tapusin ang entry na ito ay nais kong pasalamatan ang mga "pansamanTAGAL" (dahil required na silang tumambay ng madalas sa asylum ko, charot!) kong mga panauhin. Sila Axl, Gord, at Ric sana naman po ay maging masaya kayo sa pagtambay sa asylum ko kahit po pilit.... please????? ehehe.


- God Bless po -

52 comments:

  1. Nakakatakot naman yung asylum..prob kuya? tara kain tayu sa Longanisa Siorpresa tas lets talk about it.. or over a cup of coffee.. sometimes you just have to let it go..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. HAHAH! (makasingit lang)

      Delete
    2. seryoso.. food aside.. masarap pag usapan ang bagay..tas dapat may food..nakakahiya naman sa resto kung andun k lng para tum ambay at mag usap..hahagh

      Delete
  2. 1,2,4,5, relate much ako dyan
    hasy appreciation yan ang pinaka masayang pakiramdam na gusto ko
    epaloid kasi ako at want ko sa bawat effort na ginagawa ko
    kahit simpleng thank you o papuri ee makatanggap
    un kasi ung motivation mo para gawin pa ung mga bagay na nakakasaya sa marami

    relate ako kasi ung gf ko di ko alam kung nakakaapreciate ba o hindi

    ReplyDelete
  3. May pinagdadaanan? Pagseryoso ka pala nawawala ang mga beki talks mo. hehe.

    ReplyDelete
  4. sobrang relate ako ah! :)

    ung second to the last paragraph, kailan nga ba ano, isa ito sa masaklap na tanung sa buhay. woooo T_T

    ReplyDelete
    Replies
    1. dahil nakakarelate ka sa magulo kong entry, tagay din! :)

      Delete
  5. Emo 'yung last part... may pinagdadaanan? hehehe... ako never kong na-experience na ma-mention mo at pasalamatan... bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasa last part po ng entry na ito http://rixsays.blogspot.com/2012/12/kare-kareng-entry.html

      Delete
  6. naramdaman ku na yung ako ang mas deserving.. pero sa iba binigay ang dapat ay sa akin. lol


    kainis lang, isang taon akong naging simpleng nilalang lang sa loob ng kumpanya... (relate lang) ^__^

    ReplyDelete
  7. ayos lang makaranas ng mga ganyan paminsan-minsan

    ReplyDelete
  8. Tara na sa Longanisa Sorpresa! At doon natin pag-usapan yang pinagdadanan mo! ang bibigat pa naman ng mga saloobin na iyong nabanggit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyek! naunahan mo na kaya kami kuya. Masarap ba dun saka may meal ba na walang kanin? :)

      Delete
  9. Yung sa counter, hindi pa. Pero usually, kapag mga kasunod ko na onti lang ang pinamili e pinapauna ko na, basically kapag matatanda.

    Hindi, kasi hindi ako nag aangat ng braso kapag hindi pa nakatingin yung konduktor, ganon din ako sa jeep. Pag nagabot sya ng kamay, tsaka ko ibibigay.

    Yes. Pero okay lang. Mapagparaya talaga ako. lol. HAHAHAH!

    Sa totoo lang. Hindi ako natutuwa sa mga taong ganyan. Mga walang utang na loob kumbaga. Pero syempre, hindi naman ako naggagalit sa kanila o nag tatanim ng sama ng loob kasi in the first place e ginusto ko din naman yung favor na pinagawa nya sakin, otherwise, hindi ko tatanggapin yung favor.

    Hindi pa naman siguro. :)) Luckily, napakaappreciative ng mga taong nakikilala ko. Kasama kayo dun. ;)

    Hmmm. Dito. Naiisip ko lang ang mga gantong tanong kapag importanteng tao din ang involve.

    ReplyDelete
  10. Gaano nga ba kadalas mo maramdaman na importante ka din? Gaano nga kadalas na binigyan ka ng importansya? Kailan mo naramdaman na special ka kahit na kititing na sandali? Kailan mo masasabing importante ka din? Kailan nga ba? Gaano nga ba? Gaano kadalas ang minsan????

    --> yaan nakaka relate ako ng sobra jan lols. XD

    ------
    wahaha, sana yung ibang fellow bloggers ko makaramdam din na nami-miss na sila ng blog ko. choz! dyuk! jokes are half meant :D

    ReplyDelete
  11. ay alam na alam ko yang kemeruth na yan....
    dkt.

    la la rin la la....

    ReplyDelete
    Replies
    1. at may kemeruth barurut ka ring ganito kaya umayos ka DKT!

      Delete
    2. hooooooooooooiiiiiiiii!!!
      may sinabi ba ako huh?

      *la la rin la la*

      Delete
  12. awtz nakakarelate din po ko.. lalo na yung "walang man lang pakialam ang taong pinagpaguran mo ng sobrang effort na ito".

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey its been a while, crocodile (charot!) musta naman? ganun daw talaga ata eh :)

      Delete
  13. punung-puno ng effort!! pero binabali wala lang. ang saklapsssssss ser!!

    hindi ako nakarelate. HINDEEEEEE! hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha kuya Gord muka nga na di ka nakakarelate, #CAPSLOCKMOPARAINTENSE. di ko tuloy alam kung para sayo din yung kanta? palitan ko ba? ehehe. dahil dyan itagay mo din :)

      Delete
  14. pag may taong naparmadam sa akin na di ako mahalaga, isang taas kilay at very harsh na irap lang katapat nyan! che sila! haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe sabay catwalk with the very flashing red stilettos.

      Delete
  15. Hindi nating mapipilit ang ibang tao na ma-appreciate or bigyan tayo ng halaga. Kung may pakiramdam sila ay kusa na nilang gagawin iyon. Nakakabata talaga ang DP mo papi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha talagang yung DP ko talaga ang pinansin mo... loko ka talaga :)

      Delete
  16. hehehe naranasan ko na halos lahat sa nabanggit.... kaka badtrip nga pero natatawa na lang ako ngayon pag naiisip ko...

    minsan talaga masarap din ung maramdaman mo na special ka...

    Galaw Galaw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe uu nga may nabasa ako na entry mo na medyo malapit sa sinabi ko :) sino ba yung gagalaw? huh? ahahahaha.

      Delete
  17. may poot na yang huling linya mo rix ha!! hahahahaha hindi nga ako nakatambay lagi dito lately at guilty ako dyan dahil naman ambusy ko sa buhay. pagod ako paguwi mahina ang net sa bahay kaya nakakatulog ako. hahahaha nasa opisina ako at salamat kasi gumana ulit ang wifi dito. lol hehehehe pero namiss ang gwapong rix!!!

    minsan mararamdaman mong may halaga ka kapag kahit gano ka kalayo, hinahanap ka, tinatawagan ka, tinatanong ka. para sakin nararamdaman ko yang halaga kapag ang isang tao ay matanong, mahilig magtanong at lalo na yong gusto mo magpaturo or gusto matuto galing sayo.

    at saan galing ang post na ito at may pinaghugotan talaga? hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Arigato! wow based on experience ang halaga factor mo ha nyahaha. galing yan sa pocket ko lumabas nung hinila ko yung panyo ko :)

      Delete
  18. Ako nga ba yun si Ric na tinutukoy mo? hehe... Yes, probably. Anyway, yes why not makikitambay din ako.. Pasensya na ha. Minsan, out of nowhere ako gayundin ang entries sa tagalog blog ko. Antagal ng update tapos isang paragraph lang pala ang kasunod. At least may drawing o picture.....

    Anyway, back to your topic... Sino bang may sabing fair ang buhay? Hindi naman talaga fair.. kaya wala tayong magagawa kundi mabuhay. I hope na hindi naman nagiging unfair tayo sa iba..

    Pero talagang masarap ang feeling na maging special ka sa iba... Pero, kung hindi man ganuon ang trato ng iba sa atin at least, maging SPECIAL ang tingin natin sa SARILI. God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang yun ehehe. Kaya po lagi akong may dalang itlog at ice cream kasi sa pagkain pag may itog o ice cream special yung order hihihi. Kidding aside thanks po ulit sa pagbisita :)

      Delete
  19. wow, sarap naman.. ice cream! special nga yan! paborito ng marami : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. oops, di pala yung reply button ang napindot ko. di bale, understood na yun : )

      Delete
    2. nyahaha ok lang tuks! wow tuks talaga close na dahil tukayo ang tawag mo sa akin ehehehe.

      Delete
    3. ok lang ayan ginaya kita ehehe

      Delete
  20. Naka relate ako sa no 5, but anyway, God bless those who bless others so be joyful. Your patience, effort and forgiveness will be rewarded! Smile

    ReplyDelete
  21. rixie ok ka na ba? now ko lang nabasa hehe..

    ReplyDelete

hansaveh mo?