Monday, January 14, 2013

Patalastas..


1:10 am (sok)

Alam mo ba itong patalastas na ito?



Kung alam mo ito ibig sabihin matanda ka na. Tyarls!

Sa totoo lang minsan nakakabanas ang mga patalastas sa telebisyon lalo na kapag maganda na ang mga eksena sa pinapanood mo, pero wala naman tayong magagawa dahil sa ang mga patalastas na ito ang bumubuhay sa mga anime, lifestyle channel, music channel, teleserye, balita, eTV, noon time show, variety show at iba pang palabas na pinapanood natin.

Isa sa mga minor subject ko ang advertising at masasabi kong aliw na aliw ako dito sa subject na ito. Nandyan na ang gumawa kami ng poster ng produkto na gusto namin iendorso. Halos mawalan ako ng hangin sa katawan katatawa sa ginawa ng loko loko kong kaklase dahil sa ang prokudtong inindorso nya ay isang condom na may tagline na "once you pop, you can't stop." Simple lang ang sa akin. Dahil sa kasagsagan ng pagkauso ng mga cellphone ang panahong iyon ay Globe ang inendorso ko na may tagline na "the power of communication". Yun nga lang wala na ata silang power ngayon ehehehe.

Sinubukan din namin na gumawa story board para sa isang commercial at nag-shoot ng sarili naming commecrial. Ang napili namin ay secret na deodorant. Umaaktivity kami sa commercial na ito. Dapat intense ang mga eksena na talagang jajabarin ka dapat para maipakita mo how the product work. Ang final grade ng group 1.75. Di na masama.

Ang patalastas na magmamarka sa isip ng tao ang pinaka-fulfilling na parte sa mga advertising agency sa malaki ang posibilidad na tangkilikin ito ng mga tao. At dahil na din sa subject na ito ay tinuruan kami na maging isang kritiko sa mga patalastas na nakikita namin sa telebisyon.

Para sa akin ito ang mga patalastas na nagmarka sa 32mb kong memory card:



- Sa totoo lang naaaliw ako sa jingle na ito dahil sa parang isang araw lang ginawa ang lyrics ng kanta at agad agad nilapatan ng musika ehehe. Kaya naman masasabi mo na very raw ang commercial na ito gayun pa man dahil sa iilan lang ang linya ng kantang ito ay madaling naipasa sa mga mga tao kung ano ang meron sa produktong Sunny Orange.




- Medyo malabo na ang video ng commercial na ito pero sino ba namang makakalimot dito eh bago magsimula ang mga pelikula sa sinehan noon ay papasadahan ng patalastas na ito ng amerikanong pinipilit magtagalog. Medyo nakakatawa ang commercial na ito dahil sa lumabas ang ang produkto ay parang gawang banyaga dahil sa ang mga mga kinuha nilang mga tauhan. Pero mukang nakatulong ang pananalita nila dahil sa nagmarka ang "lemowk, sigowredowng, teypowk"sa kanila at maaaring matandaan ng mga tao ang produkto pagka katol ang hinahanap nila.




- Ang bata pa ni Amalia Fuentes dito sa patalastas na ito natandaan mo ba ng pilitin nyang maging Cleopatra na peg? hihihi. Walang duda na maganda pa si Amalia at sikat noong panahong ito, Pero dahil sa sikat at maganda sya, dito pumapasok ang idea ng mga tao na ito ang tangkilikin dahil sa ikilala nila ang taong nang hihikayat sa kanila gumamit ng produkto kasabay pa ng pangako na maari nilang pantayan ang kagandahan ni Amalia.


- O di ba? bongga ang awitin ni Fred Panopio sa patalastas na ito, at di lang yun, bata pa ang meyembro ng APO dito... Bilmo ko nun, bilmoko nyan ha? Malakas talaga ang impluwensya ng jingle sa isang patalastas. Kapag ilalapit mo sa masa ang jingle ng produkto mo, ay mas lalaong napapansin ng mga tao. Tulad nito, isang posibleng pagkakataon na maranasan ng sino man ang pagkakaroon ng nobya na bilmo ko. At dahil noong mga panahon na ito ay "nobenta porsyento" talagang lalaki ang taya sa isang relasyon eh mukang  nakarelate ang mga lalaki dito, at dahil sa beer din ang produkto eh nadagdagan pa ang plus points ng patalastas na ito.




- Ang classic at pinagsimulan ng katagang Sabado night. Kilala nyo ba ang bida sa patalastas? ehehe. Dahil sa mga sikat ang mga tauhan ng produktong ito ay naimprint din sa masa na ito ang produktong tinatangkilik nila. Oo possible naman talaga iyon pero ang reyalidad na tinatangkilik man nila o hindi ang produkto basta sila ang nakita mong nagendorso di ba tatatak sa isip mo ito, idagdag mo pa ang konsepto na ito ay gimik night tuwing sabado na sinasabing sa mga ganitong araw ay araw dapat para ikaw ay mag-chill. Mag-chill kasama ng beer na iniinom nila.




- Ang mala videoke na patalastas ng coke noong 1993, di ba sinasabayan nyo rin yan? hihihi. Masaya at upbeat ang kantang ito idagdag mo pa na talagang sikat ang produkto. Pero ang mensahe nito na kahit ano pa ang meron sa paligid mo ay maaring maging masaya o mas masaya pa yan kapag lumalagok ka ng coca cola.




- Ang classic na commercial na ito na may groovy na jingle. O di ba? ganda ng beat nya? swabe.. Para sa akin ang tugtog ng jingle na ito ay parang nasa setting ng isang pub mga cowboy na nagiinuman na maaring bumagay sa produkto.




- Di lang pampamilya, pang pearly white teeth pa! ansaveh naman ng pamilyang ito sa comercial na ito. Ilang bese mo din ba kinanta ang "mother, father, brother, sister how do you brush your teeth?". Dahil sa pamilya naman ang target ng produktong ito ay ito naman ang ipinakita nila, kung gaano sila kasaya magsipilyo ng ipin. Masaya naman sila diba? yun nga lang banyaga ulit ang kinuha nilan tauhan. Bakit? dahil sa panahon yan eh nandoon pa rin ang konsepto na dahil gawang banyaga ang mga tauhan, tiyak na kakagatin ito dahil sa maganda ang kalidad.




- Nasabi mo bang Cindy's is the place to be ng nagutom ka minsan? hihihi. Napansin nyo ba na ang mga eksena sa patalastas na ito ay may mga gutom? dahil sa ito ang gustong ilagay sa isip ng Cindy's sa mga manonoon na kapag nagugutom ka, there no other place to be kundi ang Cindy's.




- Isa sa pinakapaborito kong patalastas dahil sa ipinakita nila ang normal na kaganapan sa isang pamilya. Sa pagkakaalam ko ang patalastas na ito ay nanalo ng parangal dahil sa pagpapakita ng moral value ng isang Pilipino (ang pagkakaalam ko po ha, di po ako sure kung tama yung award)


Ilan pa sa mga ito ang mga patalastas na tumatak at nag marka sa akin ay (kabilang ang mga linya nila habang ipinapalabas ang produckto):

- Technolux - Im gonna knock on your door, ring out your bell knock on you windows too...

- Mr. clean - dulot mo'y laba-dami, laba-banayad, lab-ango.

- Pepsodent - Lasa syang "bebelgum".

- Spartan - (naghaharutan sa dagat ng mapatid ang tsinelas, uupo si babae at sasabihin ang linyang) "wala kang tibay".

- Pioneer Elastoseal - Sing tibay ng bato, sintatag ng bloke ng semento.

- Rhea Rubbing alcohol - Di lang pampamilya, pang sports pa.

- Filnstones na vitamins - Why are you wearing mommys dress? Because...

- Jollibee Sundae - Nung unang pinromote ng Jolibbe ang sundae nila ay may kanta itong "Only you, have the power to move me".

- Bearbrand - Isang lumang party na may kantang, " I remember yeaterday, the world was so young" at magsasabi ang lolo na "ako yan look at the mole".

- Alphine - ang sikat na "instant alphine, full cream powder milk, yodele heho"

- Palmolive Shampoo - Ang pinasikat ni Alice Dixon na linyang "I can feel it".

.... ang haba na neto, madami pa sana kaso lang, magba-blog hop ka pa kaya, next time naman ehehehehe....

Bago ko tapusin ang entry na ito ay magpapasalamat ako sa youtube para sa mga video na inupload ng mga masisipag mag-archived ng mga video commercials at..... Magpapasalamat din ako sa mga bagong tambay sa asylum ko... Maraming Salamat Jay Rulez at Fiel-Kun, sana ay maenjoy nyo rin ang pahina ko..

- God Bless po -

38 comments:

  1. omg matanda nko, familiar sakin ang mga commercial haha :) saya ng post nato, very nostalgic :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha kinanta mo yung mga jingle no? hihihi. Tama nakakatuwang yung mga commercial na yan.

      Delete
  2. alam ko lahat ng commercials. o dear me.

    ReplyDelete
    Replies
    1. dahil dyan, meron kang jacket at 5 tawsind peysos! hihihi. Following your blog po, interesting ehehehe.

      Delete
  3. Oh my... hindi ko alam ang mga commercials na yan... Hindi ko na sila naabutan... hehehehe.... pabata lang ako...

    Kakamiz nga sila... It reminds of our childhood especially sa mga 90s babies like me. Naalala ko noon, naglalaro pa kami ng mga pinsan ko ng hulaan ng commercials.

    Kakamiz...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tomooooo! sa totoo lang eh marami pa sila kaso bukod sa mahirap silang hanapin eh mukang di kasya ang isang entry lang ahahahaha.

      Delete
  4. Waaah, I'm old na talaga ahahah! remember ko pa lahat halos nung commercial vid mo sa taas parekoy.

    Na LSS pa nga ako dati jan sa Seiko Wallet nyahaha saka dun sa Sunny Orange juice. Nung di pa uso ang mga powdered juice drink dati, Sunny juice drink parati ang juice namin sa bahay. Ang tapang nung lasa nya then ang sakit pa sa lalamunan lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha tama tapos ang kalaban nya Ritchie na matapang din sa lalamunan. Kainis ahaha pero masarap sya. Sarap kaya balikan ang mga patalastas na yan ahaha.

      Delete
  5. Parang ang natatandaan ko lang ay yung katol... yung sa sunny orange ibang commercial na yung naabutan ko

    At natawa ako talagang kilala mo yung kumanta nung sa SMB.

    Hindi ko na din naabutan yung sa coke... pero maganda pa din, parang pog lang! HAHAH!

    nagustuhan ko din ang kanta ng Budweiser, pero di ko naimagine na pang cowboy ssya, para syang pang.... hmmm... drivers na nagstopover sa isang resto.

    ewan ko sa Cindy's, hindi ko alam yan.




    awwwww touching yung sa mcdo. Pramis. Teary eyes ako dun! Kahinaan ko ang mga ganyan. HAHAHAH!




    Sa mga nailista mo, sana isinama mo ang video ng Rhea Rubbing Alcohol. :))


    At.... Sa totoo lang, dito sa blog mo ako nag tagal dahil sa mga videos.

    HAHAHA!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha uu si Fred yung madalas kumanta sa mga pelikula ni FPG lalo yung dito sa pitong gatang :).

      Wow imaginative din sa budweiser di ko kasi mahanao yung commercial nyan na nasa underground rail station.

      Di ka pa nabubuo nung ginamit ang commercial ng cindy's.

      Bukod sa patalastas na yan ng Mcdo alam ko yung nanalo din yung sa Karen na commercial nila dahil sa family related theme din.

      Ikaw ha gusto mo si Rhea nyahaha.

      Nyahaha naaliw ka sa sa mga commercials :).

      Delete
  6. wala yung ke lea salonga na "akala nyo ba nakalimot na ako.. ang di nyo lang alam.. miss ko na.. kayooooooooooooooooooooo" ???

    lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. aomg hongtondo mo na din nyahahahaha. bleeh!

      Delete
    2. hellooooooooooooooo.. sabi nga ng friend ni senyor eh mukhang 25 y/o lang ako?
      lols

      Delete
    3. nyahaha sige na kahapon lang nilabas yung komershal ni Lea Salongga nyahahaha

      Delete
  7. ang tanda ko na nga talaga siguro!! hahaha kasi alam na alam ko ang mga tv ad na mga yan, may bear brand pa nga dati na may malaking bear talaga tapos parang si katya santos yong bata hahaha yong alpine alam na alam at yong birch tree na yan! uso pa rin ang pepsodent! hayop! hahaha kasing tanda ko na ata ang mga yon! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha di naman yung iba dyan sintanda pa ng pinakamatanda sa industria.

      Delete
  8. haha di ko mxado tanda peo nabrowse ko na sa youtube yan mga old commercials na yan at nakakatawa talaga
    karamihan epic haha
    well lately wa na maxadong magndang commercial

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama as in epic ang mga commercial noon kasi iba mga pakulo nila sa mga commercial nila ahaha.

      Delete
  9. shet! brings me back my childhood memories. haha. tsaka yung legal pa sa TV yung commercials ng yosi,

    "More International Cigarette, catch the taste of magic, the magic tase of More!!!

    Tama ba? hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow ang galing kabisado mo pa haha. "Put the touch of magic in your taste, catch the taste of magic, the magic taste of more... More International Cigarette, catch the taste of magic, the magic taste of More" tapos ang eksena eh pupunta ng bar si sexy girl tapos haharangin sya ng mga barumbadong guy tapos yung good guy kada pitik nya ng kamay nya may magic ahahaha. Salamat ulit sa pagbisita Denggoy, tagal nawala ehehehe.

      Delete
  10. hahaha parang wala sa sarili si Amalai..monotone..hahah

    Ibang commercial familiar..Dont tell me Rix ganun na ako katanda???? im just 22? haha..at anu ang FAMILY toothpaste???

    always fave commercials ko are Mcdo and coca cola ads..the best..at nakuha mo ang isa sa the best mcdo commercial!

    ReplyDelete
    Replies
    1. June yan ang pinakafave ko sa mga commercial ng mcdo :) ganda ng pagkakarelay ng story noh?

      Yung family tootpaste... ano yata yan eh, yung ano... hand wash ba? ahaha.

      Di ko alam eh nahalungkat ko lang yan sa youtube. Tyarots!

      Delete
    2. poteekk..natawa ako sa hand wash..hahahaha.. menthol hand wash...tas ang song pa mother father how do u brush ur teeth

      Delete
    3. eeeehhh ano ba kasi yun? ahahahaha.

      Delete
  11. Hay, memories:) Talaga naman grandma na ako. hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mommy Joy, sabi ni Eddie Garcia kalabaw lang daw ang tumatanda :) di naman halata mommy eh secy mo kaya :)

      Delete
  12. hanep sa research rix ah. ikaw na ang magaling at nag iisip ng i blog :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daddy Earl, nakita ko kasi sa kabarkada ko yung isa sa mga props na ginamit namin noong gumawa kami ng commercial sa advertising namin kaya nagka-idea ako...

      Delete
  13. SEIKO WALLET - sa radyo ko ito unang napakinggan at talagang epic ito. meron pa din hanggang ngayon ng seiko wallet. may bago silang commercial.

    SUNNY ORANGE - eto yung kinakanaw sa isang water jug. hindi pa kasi uso noon yung powdered juice. naalala ko amoy gamot ito. :/

    DRAGON KATOL - sa lahat ng mga old skul commercial, ETO ANG PINAKAPABORITO KO! tepok na tepok ang lamok dito! hehe

    KOKURYO COSMETICS - hindi ako pamilyar dito.

    SABADO NIGHTS - sikat na sikat eto noon, ang sabado nights na term.

    FAMILY TOOTHPASTE - eto pa ang isang epic din at LSS ako diyan dati. kabisado ko yan.

    Ang tanda ko na, shit! Hehe. Sana may bidyo ka din ng Rhea Rubbing Alcohol. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron na ngang bagong commercial yung seiko wallet nyahaha.

      Oo at sa sobrang tapang ng sunny orange, parang gumuguhit sa lalamunan kapag puro mo ininum.

      Nyahaha, madalas lipapabas yung dragon katol sa sinehan ahaha.

      Dalaga pa ata si Amalia Fuentes sa Kokuryo na cosmetics eh. nahalukay yan ng prof ko at yan ang subject ng observation namin sa klase nya ahaha.

      Oo, at pagsinabing sabado nights ibig sabihin araw nga gimik nyahaha.

      At madalas mo kantahin ang family toothpaste kapag pinalabas na sya sa TV di ba? ahahaha.

      Merong video ng Rhea Rubbing alcohol, yung tatay ni Zsazsa Padilla yung nagsasalita ahahahaha.

      Delete
  14. anaka ng.. iilan lang ang mga alam ko na tvc dito.... pero mas gusto ko talaga ang tvc ng mcdo hahahaha, lalo na yung bagong tvc nila ngaun...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha galing ng patalastas ng macdo noh?

      Delete
  15. I therefore conclude matanda ka na ser! Nyahaha.

    Yung sa katol lang ang alam ko. Hehe. Ilang taon ka na ser? Aminin!

    Pinalo ko na rin ang blog mo. Apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha di pa naman lagpas sa kalendaryo. Tenchu beri mutts, apir!

      Delete
  16. Hindi ako maka-relate... hehe joke ...
    Mga sinaunang commericals. Buti natandaan mo pa... yung iba dyan ay hindi na napa-save sa memory card ng aking kaisipan. Anyway, salamat sa pagbisita sa aking blog! Have a great day/night!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pleasure is mine Sir Ric na isang letra lang ang pinagkaiba sa pangalan natin hihihi. Uu yung propesora kasi namin eh makakalimutan ko na sana pero ting! nagbalik ang alaala nyahahaha.

      Delete
  17. hi po. napadaan lang :) nakatuwa naman yung mga commercial dati yung iba tanda ko pa yung iba hndi na. well bata pa kasi ako haha. anyway super luma na nung iba buti may copy pa na pa preserve. anyway ang lungkot nung kanta haha naalala ko yung college days ko naging fav. ko rin yang "i crave"-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa pagdaan Sir... ehehe salamat sa propesora ko :)

      Delete

hansaveh mo?