2011 ako nung magsimulang gumawa ng blog bilang katuwaan lang, January 2012 ay nagloko ang page ko at di ko na mabuksan kaya gumawa ako ng panibagong page.
Medyo suplado ang pangalan ng una kong page kaya naman pinalitan ko ito ng bagong pangalan na aakma sa akin, yung baliw lang, ganyan.
Isang taon na din ang lumipas ng sinimulan kong gumawa ng pucho puchong entry. Hanggang sa may nag comment sa isa sa mga entry ko, hanggang sa may nag add na sa akin at sa di inaasahang pagkakataon eh may naka-kwentuhan, naka-kulitan, na-meet at naging-kaibigan sa mundo ng blogging.
Nagpapasalamat ako sa mga nagtyaga, na-braso (kung meron man), napilitan at trip lang na subay-bayan ang walang ka-kwenta kwenta kong mga entry sa asylum ko.
(ang stats na ito ay screenshot noon January 30, 2013)
Maraming Salamat po ulit sa inyong lahat....
Bago ko po tapusin muli ang entry na ito, doon po sa mga volunteers ng BPO see you soon. Sa mga gusto pong maki-isa sa proyekto ng PBO, kindly click the PBO icon at the top left portion of the page, it will direct you to the PBO Facebook page for the latest updates. Don't forget to like the page and kindly share it with others. much thanks!
Dumating na si Paping at si Bunso kagabi ng pest 9. Kahit na tuwang tuwa sila magkwento ay di ako maka-react agad dahil nanghihina na ako sa gutom dahil gusto ko silang kasabay mag hapunan. Pakiramdam ko ay kinain na ng large instenstins ko ang small instenstins ko, ansaveh?
Di natitinag si Bunso sa pagtalak, halos di nya maisubo ang laman ng kutsara nya dahil sa pakiramdam ko eh 90 words per minutes ang phasing ni Bunso sa pagkukwento, Cheret lungs! (eksaherado mutts). Sinimulan nya sa eksferyens nya sa pagsakay sa salipapaw, hanggang sa dumating sila sa paliparan ng Tacloban, ang malawak na bukid, matataas na puno, malalawak na ilog hanggang sa dumi-drifting na sasakyan nila habang umaakyat sa gilid ng bundok, naalala ko ang sarili kong karanasan nung nagpunta ako sa probinsya nila Paping habang nagsasalaysay sya, naalala ko na ako naman ay halos mag-nobena sa nerbiyos nung binabaybay namin ang gilid ng bundok.
Wala pang muwang si Bunso nung makarating sya ng Leyte, tatlong taong gulang lang sya kaya naman ibang level ang enjoyment nya sa bakasyong iyon. Isang linggo ang bakasyon na ito at maraming oras para mamasyal. Isa dito ay ang Hindang Caves and Wild Monkeys. Kakaiba ang cave na ito dahil sa kailanan mo pang umakyat ng bundok para makita mo ang mga cave at may makikita kang mga unggoy along the way. Maraming entrance ang Cave na ito dahil sa sinasabing ito ay pinagtaguan din ng mga tao noong panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Hapon. Para di malito ang mga taga-pangalaga ay binigyan nila ng mga pangalan ang ilan sa mga kilalang entrance sa caves. Medyo wierd kasi sinusulatan nila ang pader akala ko eh biktima ng vandalism ang cave na ito pero sabi ni Bunso yung mga pangalan daw na nakasulat dito ay yung mga matapang na nakababa sa cave. Sabi ni Bunso sobrang hirap daw bumaba sa loob ng cave dahil baka di ka na daw maka-akyat sa sobrang kipot at tarik nya kaya naman ayan ang award ng mga matatapang.
(si Bunso)
Di magkamayaw si Bunso sa pagkukwento tungkol sa eksferyens nya sa zipline headventsure nya, kaya naman idinutdot nya si Niko (pangalan ng digicam namin) sa muka ko para ipanood ang kuha nya habang bumubulusok sya pababa ng bundok.
(ang OA lang parang kinakatay na baka kung sumigaw)
Ngayon ay naiintindihan na nya kung ano ang pakiramdam ko nung first time kong mag-zipline. At ang di ko kinaya ay si Paping na umiisforts hanlimiteyd dahil di rin sya nagpahuli sa zipline, anporchunetli, wala syang kuha dahil sa sobrang obewelm ni bunso eh nakalimutan nyang kunan si Paping.
Henny waste. Natuwa ako sa effort ni Bunso para dito.
Dahil dyan eh nagpagawa ako sa kanya ng maari kong gawing header ng asylum ko at ayun na sya, ang bago kong header (at medyo ganyan din ang cover photo ko sa fesbuk).
infairview medyo pumuphotograph si Bunso ha.
Hanggang ngayon ay nilalantakan ko pa rin ang pasalubong nila sa akin ang binagol, matamis na bao na may peanut sa loob at Moron, yung two in one na suman, may suman na may chocolate pa.
(Kuya Denggoy pagpumunta ka ng Tacloban at gusto mo ng pampasalubong eh pwede na ito)
Dahil dito eh mukang gusto ko magplano na magbakasyon sa Leyte dahil gusto ko ulit makita ang sunset sa beach (wala pang 100 steps ang beach sa bahay nilla Tita) habang umiinom ng buko jiuce at para na din di magpadaig kay Bunso sa Zipline nyahahaha.
**** 3 bagay po bago ko tapusin ang entry na ito... ***
1) Bukod sa bago ang header ng asylum ko eh naglagay din po ako ng dagdag na page ang Asylum Gallery na naglalaman ng mga awards kemeruth barurut na natanggap ko sa kapwa bloggero/bloggera at mga pic grits. Ang sumunod na page ay ang about ME na naglalaman ng mga bagay bagay tungkol sa akin (mahiyain kasi ako sa personal kaya nilagay ko na lang dyan yung mga bagay na tungkol sa akin, Tyarot!).
2) Dahil po sinusoportahan ng Asylum ng Rixophrenic ang PBO, ay nais ko pong ipabatid na maglulunsad ang PBO ng Bazaar for a cause na gagawin sa susunod na buwan. Ang sino mang may nais na tumulong o mag-donate ng kanilang pre-loved stuff ay mangyari pong makipag coordinate kay Christian Edward Paul Dee o mag send ng picture ng item na ido-donate ninyo sa email address na ito: cepsdee@me.com. Para po sa iba pang detalye ay maari po ninyong i-click ang PBO icon sa upper left portion ng asylum para po dalhin kayo sa fezbuk page ng PBO at malaman ang mga recent updates sa project na ito.... Pa-like na din po ng page at paki-spread sa buong milkyway. Tandaan po natin na kung nag-i-invest po tayo sa mabuting gawain ay babalik din ito sa atin ng di lang doble kundi triple... Amen!
3) At bago ko po tuluyang tapusin ang entry na ito, gaya ng tradisyon ay magpapasalamat akong muli sa mga staff at sponsors tyaruts! bagong tambay sa asylum ko.... maraming salamat kila...
Dahil sa ako lang mag-isa sa bahay mag-iisang linggo na akong buryong ay pinagtyagaan kong kausapin si Simsimi...
Uma-Adele ang damunyo!!! Napaisip tuloy ako na kung ganyan makipag-usap si Simsimi eh mag-apply na lang kaya ako na substitute nya tutal pareho lang naman kami makipag-usap sa tao minsan may sense, MADALAS WALA! nyahahaha.
Naranasan mo na ba na ikaw na ang susunod sa counter para magbayad ng bibilhin mo pero inuna ng kahera ang taong out of nowhere ay bigla na lang bumulaga sa harap mo tapos eto pa ang classic, ang pinamili nya sandamukal samantalang ikaw eh isang item lang?
Naranasan mo na bang halos manlambot na sa ngalay ang bisig mo kakaabot mo ang bayad mo sa kundoktor ng bus pero yung kunduktor ng bus ay pinanganak yatang snob di naman makinis eh lilinga linga pa sa mga taong parang walang balak bumunot ng pamasahe, tapos magpaparinig pa sya na "bayad nyo po?".
Naranasan mo na ba na mas deserving ka talaga sa isang position o karangalan pero dahil sa mas malakas ang body odor ng kalaban mo eh sila ang binigyan ng prioridad and before you know it your just an ordinary person na lang ulit at kahit anong gawin mo eh wala ng iintindi sayo?
Naranasan mo na ba na pagtapos mong gawin ang favor na hinihingi sayo ng mga damunyong nakapaligid sa'yo eh dadaan daanan ka na lang next day na parang di kayo nagkakilala sa buong buhay nyo at pakiramdam mo ay kapag kinausap mo sya ay baka mag-hysterical pa sya at sabihin di ka nya kilala?
Naranasan mo na ba ang umeksert ka ng sobrang effort. Natagtag na lahat ng taba mo sa katawan kahit payat ka, jinabar ka kahit na sinlamig pa ng tagaytay ang panahon, nanginig na ang buong kalamnan mo sa pagod, natuyo na ang bahay pawis mo dahil wala ng pawis na mailabas ang sweat glands mo, pero wait, but wait... walang man lang pakialam ang taong pinagpaguran mo ng sobrang effort na ito.
Gaano nga ba kadalas mo maramdaman na importante ka din? Gaano nga kadalas na binigyan ka ng importansya? Kailan mo naramdaman na special ka kahit na kititing na sandali? Kailan mo masasabing importante ka din? Kailan nga ba? Gaano nga ba? Gaano kadalas ang minsan????
Bago ko tapusin ang entry na ito ay nais kong pasalamatan ang mga "pansamanTAGAL" (dahil required na silang tumambay ng madalas sa asylum ko, charot!) kong mga panauhin. Sila Axl, Gord, at Ric sana naman po ay maging masaya kayo sa pagtambay sa asylum ko kahit po pilit.... please????? ehehe.
Kung alam mo ito ibig sabihin matanda ka na. Tyarls!
Sa totoo lang minsan nakakabanas ang mga patalastas sa telebisyon lalo na kapag maganda na ang mga eksena sa pinapanood mo, pero wala naman tayong magagawa dahil sa ang mga patalastas na ito ang bumubuhay sa mga anime, lifestyle channel, music channel, teleserye, balita, eTV, noon time show, variety show at iba pang palabas na pinapanood natin.
Isa sa mga minor subject ko ang advertising at masasabi kong aliw na aliw ako dito sa subject na ito. Nandyan na ang gumawa kami ng poster ng produkto na gusto namin iendorso. Halos mawalan ako ng hangin sa katawan katatawa sa ginawa ng loko loko kong kaklase dahil sa ang prokudtong inindorso nya ay isang condom na may tagline na "once you pop, you can't stop." Simple lang ang sa akin. Dahil sa kasagsagan ng pagkauso ng mga cellphone ang panahong iyon ay Globe ang inendorso ko na may tagline na "the power of communication". Yun nga lang wala na ata silang power ngayon ehehehe.
Sinubukan din namin na gumawa story board para sa isang commercial at nag-shoot ng sarili naming commecrial. Ang napili namin ay secret na deodorant. Umaaktivity kami sa commercial na ito. Dapat intense ang mga eksena na talagang jajabarin ka dapat para maipakita mo how the product work. Ang final grade ng group 1.75. Di na masama.
Ang patalastas na magmamarka sa isip ng tao ang pinaka-fulfilling na parte sa mga advertising agency sa malaki ang posibilidad na tangkilikin ito ng mga tao. At dahil na din sa subject na ito ay tinuruan kami na maging isang kritiko sa mga patalastas na nakikita namin sa telebisyon.
Para sa akin ito ang mga patalastas na nagmarka sa 32mb kong memory card:
- Sa totoo lang naaaliw ako sa jingle na ito dahil sa parang isang araw lang ginawa ang lyrics ng kanta at agad agad nilapatan ng musika ehehe. Kaya naman masasabi mo na very raw ang commercial na ito gayun pa man dahil sa iilan lang ang linya ng kantang ito ay madaling naipasa sa mga mga tao kung ano ang meron sa produktong Sunny Orange.
- Medyo malabo na ang video ng commercial na ito pero sino ba namang makakalimot dito eh bago magsimula ang mga pelikula sa sinehan noon ay papasadahan ng patalastas na ito ng amerikanong pinipilit magtagalog. Medyo nakakatawa ang commercial na ito dahil sa lumabas ang ang produkto ay parang gawang banyaga dahil sa ang mga mga kinuha nilang mga tauhan. Pero mukang nakatulong ang pananalita nila dahil sa nagmarka ang "lemowk, sigowredowng, teypowk"sa kanila at maaaring matandaan ng mga tao ang produkto pagka katol ang hinahanap nila.
- Ang bata pa ni Amalia Fuentes dito sa patalastas na ito natandaan mo ba ng pilitin nyang maging Cleopatra na peg? hihihi. Walang duda na maganda pa si Amalia at sikat noong panahong ito, Pero dahil sa sikat at maganda sya, dito pumapasok ang idea ng mga tao na ito ang tangkilikin dahil sa ikilala nila ang taong nang hihikayat sa kanila gumamit ng produkto kasabay pa ng pangako na maari nilang pantayan ang kagandahan ni Amalia.
- O di ba? bongga ang awitin ni Fred Panopio sa patalastas na ito, at di lang yun, bata pa ang meyembro ng APO dito... Bilmo ko nun, bilmoko nyan ha? Malakas talaga ang impluwensya ng jingle sa isang patalastas. Kapag ilalapit mo sa masa ang jingle ng produkto mo, ay mas lalaong napapansin ng mga tao. Tulad nito, isang posibleng pagkakataon na maranasan ng sino man ang pagkakaroon ng nobya na bilmo ko. At dahil noong mga panahon na ito ay "nobenta porsyento" talagang lalaki ang taya sa isang relasyon eh mukang nakarelate ang mga lalaki dito, at dahil sa beer din ang produkto eh nadagdagan pa ang plus points ng patalastas na ito.
- Ang classic at pinagsimulan ng katagang Sabado night. Kilala nyo ba ang bida sa patalastas? ehehe. Dahil sa mga sikat ang mga tauhan ng produktong ito ay naimprint din sa masa na ito ang produktong tinatangkilik nila. Oo possible naman talaga iyon pero ang reyalidad na tinatangkilik man nila o hindi ang produkto basta sila ang nakita mong nagendorso di ba tatatak sa isip mo ito, idagdag mo pa ang konsepto na ito ay gimik night tuwing sabado na sinasabing sa mga ganitong araw ay araw dapat para ikaw ay mag-chill. Mag-chill kasama ng beer na iniinom nila.
- Ang mala videoke na patalastas ng coke noong 1993, di ba sinasabayan nyo rin yan? hihihi. Masaya at upbeat ang kantang ito idagdag mo pa na talagang sikat ang produkto. Pero ang mensahe nito na kahit ano pa ang meron sa paligid mo ay maaring maging masaya o mas masaya pa yan kapag lumalagok ka ng coca cola.
- Ang classic na commercial na ito na may groovy na jingle. O di ba? ganda ng beat nya? swabe.. Para sa akin ang tugtog ng jingle na ito ay parang nasa setting ng isang pub mga cowboy na nagiinuman na maaring bumagay sa produkto.
- Di lang pampamilya, pang pearly white teeth pa! ansaveh naman ng pamilyang ito sa comercial na ito. Ilang bese mo din ba kinanta ang "mother, father, brother, sister how do you brush your teeth?". Dahil sa pamilya naman ang target ng produktong ito ay ito naman ang ipinakita nila, kung gaano sila kasaya magsipilyo ng ipin. Masaya naman sila diba? yun nga lang banyaga ulit ang kinuha nilan tauhan. Bakit? dahil sa panahon yan eh nandoon pa rin ang konsepto na dahil gawang banyaga ang mga tauhan, tiyak na kakagatin ito dahil sa maganda ang kalidad.
- Nasabi mo bang Cindy's is the place to be ng nagutom ka minsan? hihihi. Napansin nyo ba na ang mga eksena sa patalastas na ito ay may mga gutom? dahil sa ito ang gustong ilagay sa isip ng Cindy's sa mga manonoon na kapag nagugutom ka, there no other place to be kundi ang Cindy's.
- Isa sa pinakapaborito kong patalastas dahil sa ipinakita nila ang normal na kaganapan sa isang pamilya. Sa pagkakaalam ko ang patalastas na ito ay nanalo ng parangal dahil sa pagpapakita ng moral value ng isang Pilipino (ang pagkakaalam ko po ha, di po ako sure kung tama yung award)
Ilan pa sa mga ito ang mga patalastas na tumatak at nag marka sa akin ay (kabilang ang mga linya nila habang ipinapalabas ang produckto):
- Technolux - Im gonna knock on your door, ring out your bell knock on you windows too...
- Mr. clean - dulot mo'y laba-dami, laba-banayad, lab-ango.
- Pepsodent - Lasa syang "bebelgum".
- Spartan - (naghaharutan sa dagat ng mapatid ang tsinelas, uupo si babae at sasabihin ang linyang) "wala kang tibay".
- Pioneer Elastoseal - Sing tibay ng bato, sintatag ng bloke ng semento.
- Rhea Rubbing alcohol - Di lang pampamilya, pang sports pa.
- Filnstones na vitamins - Why are you wearing mommys dress? Because...
- Jollibee Sundae - Nung unang pinromote ng Jolibbe ang sundae nila ay may kanta itong "Only you, have the power to move me".
- Bearbrand - Isang lumang party na may kantang, " I remember yeaterday, the world was so young" at magsasabi ang lolo na "ako yan look at the mole".
- Alphine - ang sikat na "instant alphine, full cream powder milk, yodele heho"
- Palmolive Shampoo - Ang pinasikat ni Alice Dixon na linyang "I can feel it".
.... ang haba na neto, madami pa sana kaso lang, magba-blog hop ka pa kaya, next time naman ehehehehe....
Bago ko tapusin ang entry na ito ay magpapasalamat ako sa youtube para sa mga video na inupload ng mga masisipag mag-archived ng mga video commercials at..... Magpapasalamat din ako sa mga bagong tambay sa asylum ko... Maraming Salamat Jay Rulez at Fiel-Kun, sana ay maenjoy nyo rin ang pahina ko..
Sa totoo lang di na sana ako gagawa ng karugtong ng last entry ko kasi di talaga ako nakapunta ng actual na outreach na hatid ng PBO para sa mga bagets ng White Cross. Pero dahil sa sinabi ni Kuya Mar at ni Arline na dahil sa kami ay nakiisa din sa paghahanda ng mga kailangan sa outreach nung Linggo ay sumama na din kami sa after party...
(courtesy ni Arline ang pic na ito nung ihinanda namin ang mga regalo sa mga bagets)
Alas singko ng hapon nagmamadali akong naghanap ng bus papuntang Robinson Galleria. Medyo mahirap maghanap ng sasakyan dahil sa bukod sa bus segregation eh rush our na din. Kausap ko si Pao sa text nung nasa Buendia na ako at nagtanong kung nasaan na sila, nasa bus daw papuntang gale. Ganun din ang sabi sa akin ni Arline nung nagtext ako sa kanya.
Traffic sobra, usad pagong ang biyahe. Nasa Boni na ako ng tanungin ako ni Arline kung nasaan na ako... "nasa Boni, sorry vampire to vampire ang mga sasakyan" sagot ko naman sa kanya
Nasa Megamall na ako ng mag-chuweet ako kay Senyor Iskwater at sinabi ko na ichuweet ako kung saan na sila. Almost isang oras at 15 minuto ang binyahe ko. "Welcome Robinson's Galleria" text ko sa sarili ko adik lungs akyat ako sa 3rd floor dahil nagbihis din ako ng damit dahil nakapang office pa ako nung pumunta ako ng Gale..
Nag-text ako kay Kuya Mar kung saan na sila. Maya maya pa ay, *beep* pacute ng cellphone ko, galing kay Kuya Mar yung text.... ansavehhh? ito, insert text message.... "Andito na kami sa robinsons galleria, greenwich".
Medyo malayo pa lang nakita ko na si Axl, Nakatalikod si Arline kaya kinalabit ko na lang. Sa tapat ng upuan ko ay si Kulapitot katabi si Jikoy at ang parang celebrant na si Deo. Katabi ko si Axl na sinundan ni Joanne at ni Empi tapos si Pao at si Kuya Mar habang katapat ni Kuya Mar si Senyor Iskwater katabi ni Zai, Arline at ni June. Dumating si Erin ng before 8pm at tumabi na rin ng upuan sa akin.
Chuweet! sabi ni Watson, may chuweet si Arvin ng hihingin ng picture, kaya ito...
(ako ang kumuha ng pic kaya wala ako hihihi)
Pagtapos pagsaluhan ang pasta, pizza at chicken ay binuksan na ni Kuya Mar ang usapan tungkol sa pagpapalit sa posisyon bilang Presidente ng proyekto dahil nga sa kailangan nyang pumunta sa ibang bansa para sa project ng company nila.. Unanimous ang desisyon.. Landslide si Zai ang nanalo sa pagka-Presidente. Si Joanne ang Secretary. Naretain si Arline, ate Gracie at si Arvin sa mga posisyon nila. Nagkaroon din ng Committee para sa marketing na pangungunahan ni Senyor Iskwater.
Matapos ng usapan ay nagkayayaan ng umuwi. Pero, nagmukang joke time ang pagyayaya na umuwi dahil sa labas ng restaurant ay walang natitinag na unang umalis sa harap ng grupo. Balak namin magkape ni Erin dahil makukuha ko na ang Planner ng istarbaks na inipon nya para sa akin... Sinabi din ni Senyor na bet nya magkape at jo-join fours sya sa amin hanggang sa ang kinahantungan ng usapan ay magkape... Since may mga nagsmoke ey pinili na namin sa veranda pumunta. Walang upuan kaya nasabi namin na babalik kami sa SB sa 4th floor pero close na ang mall kaya balik veranda kami.
Habang naghihintay ng upuan ay umorder na kami at sa wakas, ang unang istarbaks na flanner na nakuha ko sa buong buhay ko na courtesy ni Erin...
(salamat mukang kailangan ko na nga plano sa buhay nyahahaha)
Nabuo na rin ni Jikoy ang booklet nya ay may isa pang booklet na 4 na lang na sticker ang kailangan. matapos ng malalang pagkakape, bonding, sharing of experience sa event, kwentuhan ng mga bagay bagay at malalang asaran ay nagkayayaan na talaga kami umuwi...
Syempre di naman ako papayag na umalis ng walang picture ang kalahati ng tagay boys kaya...
(anong sabe ng minola cooking oil sa pagka-oily ng muka ko, nyahahaha. Sana next time kasama na namin si Jondmur, Arvin at si Anthony)
Lagpas ng alas onse ng umuwi kami, pagdating ng bahay ay may supresa pang dumating... nabili na ng kapatid ko si Niko, ang digital camera na dadalhin nila sa isang linggo nilang pagbisita sa probinsya nila Paping dahil sa makikiisa sila sa Sinulog :)
Dahil dyan ay agad agad sinabihan ko si Bunso na itest si Niko at kuhaan ako ng piktiyur kahit uber hagard na ako na suot ang Tshit ng PBO...
haylab dis shirt c",)
Muli ay salamat sa mga nakiisa, tumulong sa preparasyon, sa nag-assist sa White Cross, sa mga sponsors, monetary man o in kinds, sa moral support ng lahat ng bloggero at blaggera, sa mga officers sa mga committee tenchu tenchu... muah muah! tsup tsup! (eeeewwww hihihi). Isang naghuhumiyaw na "Cheers" para sa matagumpay na event na ito. Hanggang sa susunod na project...
P.S.
Naghihintay pa rin ako na mag-upload na yung may mga malabathalang camera para naman maka-grab ako ng piktiyur nyahahaha.
7am pa lang ay gising na ako di ko alam kung bat maaga ako nagising samantalang wala naman akong pasok pero deads lungs, Sumabay na akong bumama kay Paping para maghanda ng kakainin sa agahan. Alam kong maaga pero pero maya maya ay hinahanda ko na rin ang isusuot ko (pplanstahin ko pa ang damit ko) at dadalhin ko sa lakad ko ng hapon.
Alas diyes ng umaga ng magtext ako kay Erin kung gising na ang katawang lupa nya. Beep! sabi ng ketai ko nakita ko ang pangalan nya, yeast! buhay na sya... "1am sa tambayan ha" yan ang text ko sa kanya... "Go! text mo lang ako pag papunta ka na"sagot nya. Ihinanda ko na ang ginawa ko para kay Arline bago mag-alas onse bago ako naligo dere-derecho na ako hanggang sa bumarandal chos lungs sa magbihis na din at icheck ang mga dadalhin ko... picnic basket, check... tasty, check... roasted beef, check.. fresh juice, check.... kems lungs! di naman po picnic ang pupuntahan kaya di yan ang chineck ko hihihi...
Wala pang ala-una ay... beep! pacute ng cellphone ko ... chineck ko sya ay may message galing kay Arline "asan ka na rixie?" (may pagbibinyag na naganap hihihi tyarose lang yun Arline) "Nasa sb po ako wait ko po si Erin asan na po ba kayo"(at pumasok ang pagme-memory gap ko dahil di ko matandaan ang saktong sinabi ko) "kung maka po wagas, punta muna ako sa natl may bibilhin ako, tanong ko lang din kung kakain pa kayo" ang sagot naman ni Arline "di na wait ko lang si Erin" ang hanash ko.
Hinintay ko matikman muna ni Erin ang keyk din na gawa ko sa kanya (di ko nakuha yun geps ko sa kanya nung Christmas kaya naman nilutuan ko na lang sya ng keyk) after nun sinabihan ko na sya na pumunta na kami ang world of chicken sa gateway para naman imeet sila Kuya Mar.
So heto na nga, lakad lakad lang ang peg at di pa namin sure kung saan talaga ang pwesto ng biglang kinawayan ako ni Arline. Umupo na kami sa table nila at pagtapos ng maiksing pakilanlan ay ibinigay ko na kay Arline ang.....
(buti naman ay pumasa yan kay Arline)
Akala ko ay Master Chef ang magiging peg ni Arline sa keyk na yan at sasabihin nya na "Napaka creamy nya, ibang iba sa mga natikman ko... may kakaibang magic na malalasahan at di ko ineexpect na pwede palang gawin ang simple dessert na ito... I will recommend this to my friends" syempre kems ulit yan... lokos maka judge ng Master Chef ahahaha.
At matapos kumain nila Arline, Kuya Mar, Axl at ni Sey ay sinimulan na namin ang talagang dahilan ng pagpunta namin sa Gateway ang ihanda ang mga regalo at premyo sa mga bagets para sa outreach sa Martes...
Aliw na aliw kami sa paglalagay ng mga laruan sa mga loot bags at pag se-segregate ng para sa mga babae, lalaki, mga gift at premyo sa games.
(busy si Axl at si Sey)
(abala din si Kuya Mar at dahil Anonimus ang trend namin at si Erin ang ultimate anonimus ayan, kamay nya lang ang nakuhaan ng piktiyur)
(multi-tasking si Arline nyahaha..)
(pahing pahinga din nung natapos na kami)
Matapos namin i-pack ang mga ipapamigay sa mga baget ay pinagusapan naman ang magiging flow ng program ang mga games, kung ilan ang participants, ilan ang bibigyan ng premyo, ano ang mauuna, ano ang gagawi, saan magkikita-kita, anong oras magkikita at ang pinakanagustuhan ko sa usapan ay..... ang after parteeeeee! ang saya ko lang dahil susunod talaga ako (isasabit ko na din si Erin) sa after party na ito, yebah!
(Ang sulating pormal, Tyarengs! yan ang dagdag bawas ng mga nasabi ko sa taas)
Matapos ng pagpplano ay hiniram ni Axl ang tablet ni Kuya Mar at naglaro ng games... aliw na aliw si Kuya Mar kay Axl...
At tinulungan namin si Axl na mag solve ng mga words na pinahuhulaan sa text twist...
Matapos nito ay nakaisip si Kuya Mar ng way para di na magbitbit ng mga gamit pauwi... Iniwan muna namin pansamaglit ang mga kemeruth barurut sa Chickboy habang sumasayaw kami ng..... Chickboy, igiling mo, igiling mo... chickboy.... cheret!
Naisipan namin na magmeryenda na din at puntahan ang mga playpen pati ang mga rides na pang amusement park nila Kuya Mar. Dinala kami ni Kuya Mar sa mga ito at ang pinakabongga....
Sumakay kami sa tren na na ito... ang tren ang umaandar ng walang riles, hashteg nyahaha. ang ibang pic po paki tignan na lang sa blog ni Arline, Sey at Axl ehehehe sila ang may powerful ng ma pictures eh ahahaha.
At ipinakita sa amin ni Kuya Mar ang isa pa sa mga kasama sa business nila, ang Playpen na ito na gusto ko talaga pumasok para mag-dive sa mga plastic balls na yan ehehehe. young at hearts lungs :). Dapat ay ipapatry sa amin ni Kuya Mar ang helicopter rides kaso under maintenance kaya kiber na..
Nagenjoy ako sa araw na ito kahit medyo pagod eh kamusta naman si Arline At si Kuya Mar na galing pa ng Divi, pero ok lang..
Tinatamad pa akong pumasok bukas para magtraining pero at least may bagay ako na ilo-look forward... lalo na sa Martes! after partee wait for meeeee hehehe.
Nagulat ako dahil tinawag kami ng former TL ko para sa isang quick huddle. Sa sobrang quick inabot kami ng ilang oras sa pagdi-discuss at ang ending ay ultimate badtrip. December pa lang ay nag confirm na ako na sasama sa outreach na gawa ng PBO dahil nga sa Monday at Tuesday ang restday ko. Pero kahapon ay nalaman ko na I was endorsed for a training para sa bagong system na gagamitin namin.
Naaasar ako dahil sa ako yung klase ng tao na nakapag-mind set na ng plano eh gusto ko na nasusunod at nababadtip talaga ako kapag binago yun ng walang kaabog-abog kaya naman di ko napigilang ang sarili ko na maglabas ng galit sa chuweter. Nagpapasalamat ako sa tagay boys dahil kahit paano ay medyo nawala ang pagkabadtrip ko at naka text ko din si Arline about this kaso di pa rin nagsi-sink in sa akin na di na ako makakasama sa outreach.
Nasa mall pa ako at paikot ikot ne, ng biglang... PAK! sale sa Landmark, gusto kong subukan ang shopping therapy kung talaga ngang epektib ito. So eto na nga, lakad dito lakad doon, kuha dito kuha doon, hablot dyan, hablot doon at ng pumunta ako ng fitting room ang dami kong bitbit. "ilan ba ang pwede isukat" sabi ng nasa likod ko, "chu at a tayms daw" sabi ng kasama nya. Eh kamusta naman ang bitbit ko neh....
(di ko feel mag sukat ng damit nyahaha)
Di ko na kinuhaan ng pic ang nakasabit pa sa dingding na pants at shorts hihihi. Buti na lang ay napanlabanan ko pa ang sarili ko na di na kunin ang sapatos na nakita ko. Kala mo mayaman kung harbatin ang mga damit para isukat. Ang ending ng theraphy ko ay dalawang Tshit, dalawang sando, dalawang undies at isang short na pang jogging. Nasapok ko ang sarili ko kaya nagising ako sa katotohanan na sobra na ang binili ko.
Turilo ako sa bus iniisip ko na pang nakakariwasa pala ang therapy na pagsshopping at magiging KL ako (kain lupa) kung nalulong ako sa ganitong bisyow nyahahaha. Nagkausap pa kami ni Arline tunkol dito at sinabi ko sakanya na parang gusto ko ibalik yung binili ko at magparefund nyahaha. Ang nasabi lang ni Arline ay dama nya daw ang galit ko pero natawa sya nung sinabi ko ang ginawa ko hihihi.
Kanina eh usap usapan pa rin ang so suddenessfully na changes ng schedule namin. kaya bumalik ang inis ko kaya tinamad ako magtrabaho kaya ang emote ko ay uber petiks habang nag so-sound trip ng wagas. Dahil naipangako ko kay Arline na ipapatikim ko ang ginawa kong non-bake chocolate cake na nailagay ko sa entry kong big day Sunday ay iniisip ko na lang kung ano ang mga bibilhin ko... Nakatulog pala ako ng 3 oras ginising lang ako ng katabi ko para mag log-out... bongga di ba? ako na ang binayaran para matulog, tyarut!
So heto na ang peg ko, kahit wala pa sa wishu dahil sa lutang pa habang namimili sa grow-sorry ng mga ingredients ng keyk eh deads na. Pagdating ko ng bahay ay ikinalat ko agad sa aming kusina ang mga gagamitin ko akala naman ni Bunso ay may ice-celebrate kami pero sabi ko na lang eh nabuhay na ang kuko kong patay kaya mag dapat ipagdiwang, kemeruth lungs..
(hope pasado sa iyo itey Arline)
Dahil walang strawberry eh cashew na lang ang nilagay ko, pagdating na lang ni Archie ang strawberry choco non-bake cake hobo nong pongolon hohoho...
Bukas ay magkikita ang mga volunteer na nagcommit para sa preparation ng mga gagamitin at ibibigay sa mga bagets ng White cross sa Tuesday kaya, kits kits po...
Bago ko tapusin ang entry na ito gaya ng naka gawian ko ay map-plug po muna ako ng mga shows at magpapasalamat sa sponsors tsing lungs! magpapasalamat po ako...
Isa pong karangalan ang di lang pagdalaw kung di ang pagtambay na din ng presidente ng PBO sa masikip kong asylum... Tenchu saw muttsss Mr. Mar ng UNPLOG . . . \m/
Tama nga ang hinala ko, wala nga kaming support case sa kanya kanya naming mga inbox dahil nga nagpapahinga pa ang mga amo naming kano. At dahil dyang nganga ako sa opisina, pakinig kinig ng playlist, browse browse kahit bawal kebs lungs, makipagchismisan.
Sa pakikipagusap sa mga katrabaho ay nalaman ko na iisa lang ang mga reklamo namin ang nagsisikipang naming damit dahil wala namang pumayat sa amin nung holiday. Kanya kanya kami ng mga strategy kung paano papayat. Ang sa akin ay exercise kasma ng diet.
Dried berries and cereal ang kinain ko nung lunch at hard boiled egg ang kakainin ko sa in between meals ko ito muna ang pansamantalang diet habang di pa ako nakakabili ng wheat bread at almonds. Bibili na din ang mga fruits na kakainin ko sa dinner.
Dahil sa pinanood kong movie during lunch (turn the beat aroud) eh naisip ko na mag-Zumba, tutal meron ng mga instuctional zumba sa youtube kahit sa bahay lang keri na din. Idagdag mo pa ang plano ko na mag jog sa kahit saan sa malapit na park sa building namin ang....
Or sa....
Sana naman ay mapanindigan ko ang balak ko ng lumiit ng kaunti ang pumuputok ko nga abs ab.
Hanggang ngayon ang pending pa rin ang balak namin ng kawork ko na mag tennis dahil naghahanap pa kami ng pinaka accessable na lugay kung saan kami maglalaro, Yep i know umiisports lang ang peg ko ngayon pero pagbigyan nyo na ako please ehehehe.
"AND BE POSITIVE!"
Ganda na ng umaga ko eh. Perfect na ng bumangon at naggayak papunta ng opisina. Kahit walang sense of urgency eh di nanaman na late. Ok ang lahat lahat ng biglang may pambasag na BBM na kinawala ng mood ko...
Haist, ayoko na lang mag paapekto sa kung ano man. Basta ako pupunoin ko na lang ng positive things at thoughts ang utak ko. Walang lugar ang bad times sa akin ngayon, since I woke up on the right side of the bed I don't even have to try, its always a good time for me... (O di ba nainject ko pa ang kanta dyan hihi).
Kung buhay pa ang una kong blogsite eh, birthday na nun kaso lang sa di ko malamang dahilan ay di ko na sya maopen kaya naman isinilang ang pangalawa kong blogsite kaso, next month pa ang birthday nito..
May naalala akong di maganda last year sa ganito din araw pero di ko na sya ikkwento dahil sa gusto ko namang maging masaya ang unang entry ko this year :)
Unang beses ko nag celebrate ng new year ng may colds at nakakabdtrip sya. Naulanan kasi ako last Saturday nung nagkaroon kami nila Erin and the kaberks ng post Christmas party sa isang ktv bar. Apat na kanta lang ang nakanta namin pero ang resulta, malat dagdag pa ang sipon at ubo ako pero ok lang masaya naman...
Alas-ocho ng umaga ng bumangon ako para tulungan si Paping sa pagprepare sa pagsalubong namin sa 2013. Nagising ako na hinahanda na nipapa ang mga sangkap ng lulutuin namin para sa pagsasalu-salohan sa medya Noche.
Una naming hinanda at niluto ang tradisyonal na kakanin na gawang Pinoy, ang Bico...
Dahil sa parehong taga Visayas ang mga magulang ko ay madalas na may lutong bico sa amin. Dahil nga sa malagkit na bigas ito at ayon an rin sa mga Tsinoy, eh strong relationship and bonding with the family ang hatid nito sa family dagdag pa ang pagdikit daw ng sangkaterbang swerte ehehe.
Matapos ang pakikipagbunong braso kangalay sa braso maghalo ng bico sa bico ay nag handa naman ako sa pagluluto ng Molo.
Mas kilala ito sa tawag na molo soup sa Manila pero sa mga Visayan province ay kilala ito bilang pansit molo.. Buti ngayon ang mas ok ang pagkakaluto ko unlike nung last time na nagawa ko na nasobrahan ng gatas ehehe.. Wala pong koneksyon sa New year ang Molo, talagang kasama na ito sa mga putahe na niluluto namin twing new year dahil sa pambasag sa ginaw. Malapit ang lugar namin sa lawa ng Laguna kaya simula ng Oktubre hanggang Febrero ay sobrang lamig ng hangin galing sa lawa kaya nagluluto kami ng Molo para mainitan naman. (Sa totoo lang sa mga panahon na yan, ang paliligo ay isang pinetensya dahil ubod ng lamig).
Habang hinihintay ko maluto ang Molo, ay sinimulan ko na ring gawin ang isa pang putahe... ang paborito ko ang..... Spaghetti..
Isa talaga sa weakness ko ang mga handaan ang stapegi, minsan ko ng napag-tripan na kung ano ano ang halo nya eh edible pa rin sa family ko o pinipilit lang nila kainin. Pero kahit na ano pang halo nyan walang basagan ng trip nyahahaha.
Hapon na ng simula kong timplahin at ihanda ang nacho na inembento ko lang ang timpla...
Ito na ang ginawa naming finger food nung nagiinuman na kami uniimon na ako. Maaga pa nga magsimula kami sa celebreyshen nami. Nung matapos na ang lahat ng seremonyas at ihan da ko ang mga ito...
(punong ang lalagyanan ng asuka at asin, it symbolize masaganang year daw, hansaveh?)
(bilang sa daliri ang prutas na kinakain sa bahay kaya ibes na kilo kilo eh per piece ang binili namin)
(Simula ng lumipat kami sa Taguig eh never na kami gumamit ng mga fire crackers)
Nung nahanda ng mag mga nabanggit ko ay oras na para sa.... tenen.......
(maiba lang sabi ng Bunso, the bar naman daw inumin namin, dahil ito lang ang meron sa tindahan... talo talo na yan nyahahaha)
Tagay boys, di na kulay manitka yan ha! hmpfft. Naaliw ako kay Arline dahil sa tagay boys na ang tawag sa amin nila Jondmur, Archie, Pao Kun at Anthony dahil sa madalas ay may virtual inuman sa chuweter. Syempre 1 of the boys si Arline kaya kasama sya nyahahah... tenchu dito Arline :)
(hongkyut nya)
Panay ang kain ko kaya wala pa ang pagpapalit ng taon eh busog na busog na ako... di ko na nga halos maubos ang slice ng custard cake na kinakain ko sa sobrang busog ko...
(kain po)
(hong tobo ko no........)
Ako lang ang tumatagay ng tumatagay. si Bunso ito sobrang busy, di maawat, kahit pagkain nagmamakaawa na pansinin sya. Kung di mo pa ba-brasuhin di pa sya tatagay...
Simple lang ang selebrasyon ng mga tao sa lugar namin, dahil sa kaunti lang ang mga gusto magpaputok ay kaunti lang talaga ang mga high lights ng mga maiilaw na fire cracker sa lugar namin...
Ganun pa man ay masaya naman at matiwasay na naipagdiwang ng aming pamilya ang pagpapalit ng taon..
May mga di man magandang kabanata sa buhay natin ang hinatid ang 2012 ay di natin dapat kalimutan ito dahil sa matutulungan tayo nito bilang isang indibidwal. Salamat sa iyo 2012 at isang guma-gangnam style na hello sa iyo 2013....